"Eow puhz. Muztah nahh?"
Kung oo ang sagot mo, malamang isa kang JEJEMON. May natanggap ka na bang text message na tulad nito?
"3Ohw phOwh eVeR1yBhOodY! jejeje!"
Kung oo din ang sagot mo, you've just had a JEJEMON EXPERIENCE. Hindi ito bagong breed ng mga pokemon ni Ash. Ang terminolohiyang ito ay parang kabuteng nagsulputan maging sa social networking sites gaya na lamang ng facebook.
Ano nga ba ang ibig sabihin ng salitang jejemon? Ayon sa urbandictionary.com:
Basically anyone with a low tolerance in correct punctuation, syntax and grammar. Jejemons are usually hated or hunted down by Jejebusters or the grammar nazi to eradicate their grammatical ways.
Pero alam nyo ba na mayroon ding mga foreign jejemons? Sa paglalaro ko ng warcraft at DOTA at iba pang online games, madalas ako'ng makabasa ng mga shoutouts ng ibang foreign players gamit ang jejelanguage. Merong isang taga Europa na ginawang JEJEJEJE ang tawa na HEHEHEHEHE. Isang taga Thailand naman ang nag type ng 5555. (Ang number 5 ay translated sa "Ha" according sa isang kaibigan ko'ng nanggaling ng Thailand)
Lahat ng mga tunay na JEJEMONS, magsitayo!!!
Nageexist talaga ang mga ito. Parami ng parami kahit di naman nanganganak. Mayroon silang mga mapanuring mga mata na kayang idecipher ang mga salitang nagtatago sa mga mga jumbled letters, alternate na capitalization at sobrang paggamit ng mga letrang "z", "x" at "h". Kailangan ng "skill" para lubos na maunawaana ang kanilang pinagsasasabi.
Sinu-sino nga ba ang madalas gumamit ng mga ito. Tawagin natin silang mga clan. Ang isang jejemon ay naghahanap ng kapwa jejemon at kamalauna'y bubuo ng grupo na tinatawag na clan. Sa daigdig ng MMORPG, ang clan ay isang alliance. Sa oras na makabuo sila ng clan, maguusap usap na sila sa jejelanguage at kalauna'y magkakaroon ng EYEBALL sa kanilang JEJELANDS (HANGOUTS)
Naisip ko lang, paano kung ganito ang istilo ng patuturo sa gradeschool, isipin mo na lang kung ganito ang pagkakasulat ng ating pambansang awit: “bAiAn9 mA9ieLiWh pUrlAsh n9 xIlan9aNaN"
Ngunit gaya ng ibang indibidwal, sila rin ay may constitutional rights sa "freedom of speech" kaya hindi natin sila dapat pagbawalan. Ang atin lang magagawa ay ang pakiusapan sila na gamitin ang kanilang JEJELANGUAGE sa tamang paraan. Walang labis. Walang kulang.
Ito po si Bino. Nag-uulat. Jejejejeje.
to become an FB jejemon
ReplyDeletechange your language settings to LEET SPEAK
...chanan!! SURPRISE! jejemon!! hehe
>_< gosh jejemon kalat na kalat na ang fame nila kesa sakin!!!
hindi ako isang jejemon. isa ako sa mga tumutugis sa mga jejemos. Pabalikan cla dapat sa elementarya. salamat bino sa pagbisita.
ReplyDeletehahaha.
ReplyDeletenakakatuwa ang mga jejemons.
pero minsan, kailangan nasa tamang lugar ang pagiging jejemon.
sikat na sikat nga ang mga jejemons ngayon... baka mamaya may pelikula o tv program na naman na sumulpot at JEJEMON ang title..lols