Dear Damuhan,
Kumusta ka naman?
Hindi ka ba naaapektohan ng talamak na tag-init dyan sa Pinas? sana eh mapanatili mo ang iyung tingkad at ganda para sa mga katulad kong madalas tumambay, pumasyal at maglakad-lakad sa iyung damuhan.
Sa matagal kong pagdaan at pagtambay dito, matagal ko na ding plano ang maghulog ng mensahe para sayo... Hindi naman ito gaanong importante... Hindi rin ito emergency at lalong hindi rin naman ito magdudulot ng kalutasaan ng maraming pinoproblema ng mundo o maging sa problema mo... Steady lang kumbaga... walang sense at walang kakwnta kwenta.
Anyhow, Gusto ko lang magpasalamat sa lahat ng bagay na pinagsamahan natin... Sa mga aral na ibinahagi mo sa akin at sa marami pang tumatambay dito. sa mga kwentuhan na walang kasing lufeeeet. Sa saya at tuwa na dinulot mo sa akin at sa aming mga labi.
Naging bahagi na ng aking buhay blog ang pagdaan sa iyung damuhan simula pa nuong unang panahon at hanggang ngayon... at tulad ng isang alak, ang ating pagsasamahan eh lalong sumasarap at sumasaya. Nagkaroon ng maraming kaibigan, kakwentuhan at kakilala.
Ilang oras at pagkakataon na rin yatang tinangkang isarado ang damuhan pero hanggang ngayon, nanatili a rin itong luntiaan at ayus na ayus na pasyalan para sa mga katulad kong sumusubaybay dito o kahit pa minsan ay naliligaw lang dito.
Sana eh, Hindi dumating ang panahon naito ay ang isarado ang damuhan at ipagbawal masilayan.
Kundi man ako ay isa ako sa pinakamasugid na tagasubaybay ng damuhan... Isa ito sa inspirasyon ko at iniidolo sa pagsusulat. Isa ito sa madalas kong kapulutan ng aral kung laban sa buhay ang pag-uusapan.
Sana eh, Hindi ka sunugin ng matinding init ng summer. Hindi anurin ng anu mang baha at hindi basta-basta papayag buwagin ng kahit anung bagyo o lindol ang iyung Ganda.
Hanggang dito nalang.
salamat sa lahat.
salamat sa pagkakaibigan.
salamat sa kwentuhan.
salamat sa aral.
salamat ng marami.
Kosa
Salamat parekoy sa iyong liham. Ang mga katulad mo'ng mga mambabasa ang isa sa dahilan kung bakit nananatiling luntian ang damuhan. Hindi kasya ang pahinang ito para magpasalamat din sa iyo. Sa ngayon, itinuturing kitang isang matalik na kaibigan. Isang kapwa blogero, isang kapwa pilipino.

Tamaaaaa heheheh =)
ReplyDeleteyan ang damuhan!!! hindi mapagmataas! laging mapagpakumbaba! - john
ReplyDelete