Naroon na sila sa harap ng gate ng nasabing bahay na bato. Alinlangan kung kakatok sila o hindi. Bago pa man nila napagpasyahang pindutin ang doorbell ay bigla na lang bumukas ang gate kasunod ang pagtambad sa kanila ng isang matandang babae.
"Ano'ng atin mga amang?" tanong ng matanda. Taliwas sa hitsura, malakas pa ang pangagatawan ng matanda. May dala-dala pa itong isang di kalakihang sako ng harina. Mangha ang mga kabataan sa lakas na ipinapakita ng matandang babae.
"Magandang gapi po 'nay." magalang na pagbati ni Brian. "Mga taga-Maynila po kami. Papunta sana kami ng Pagsanjan para magbakasyon kaso po'y nasiraan kami sa daan. Makikiusap po sana kami na kung pwede po'ng magpalipas ng gabi sa bahay ninyo. Huwag po kayo'ng mag-alala. Bukas na bukas naman po'y aalis din kami para makahanap ng kukumpuni sa aming sasakyan. Hindi po kami masasamang tao.
"Tama po siya nay. Kailangan lamang po namin ng matutuluyan magdamag." singit ni Kiko.
"Lola anong problema?" isang tinig ang kanilang narinig sa likuran ng matanda. Nilingon na mga kabataan ang pinanggagalingan ng tinig.
"Joyce ikaw pala. Mga taga-Maynila. Nasiraan daw ng sasakyan at humihiling ng permisong matulog dito." sagot ng matanda.
"Magandang gabi po." Halos sabay-sabay na pagbati ng magkakabarkada.
"Magandang gabi din. Ako nga pala si Joyce at siya ang lola ko, si Lola Lorena. Wag nyo na akong ipo-po at magkakasingedad lang naman tayo eh." bati ni Joyce sa kanila kasabay ng matamis na pagngiti. Maganda ang dalaga. May katangkaran sa taas na liman'g talampakan at apat na pulgada. Maputi ang kutis-porcelana nitong balat. Mahaba ang buhok na umaabot hanggang baywang. May dalawang biloy din sa magkabilang pisngi ang dalaga na lalong nagpakinang ng ganda nito.
"pagpasensiyahan nyo na ton'g bahay namin ni lola ha. Medyo dalawang araw na kaming walang kuryente dahil nasira yung poste sa tapat ng bahay namin eh. Pasok kayo." Pagpapatuloy ng dalaga.
"Salamat Joyce"
Lalong namangha ang mga magbabarkada pagpasok nila mula sa gate. Isang malawak na hardin ang tumambad sa kanila. Bukod sa mga punong kahoy, marami ring iba't ibang uri ng bulaklak sa paligid. Ngunit kapansin-pansin ang mga naglalakihang rebulto ng mga hayop sa paligid ng hardin. Hindi nila maipaliwanag ang kanilang nararamdaman sa pagkakita nila sa mga rebultong iyon. Pinanindigan sila ng balahibo!
"Sa mga magulang ko galing ang mga rebultong iyan." ani Joyce matapos makita ang reaksiyon ng mga magkakaibigan sa mga bato'ng hayop.
"Ah ganun ba? Ang galing kasi eh, parang buhay yung mga hayop!. Amazing!" ani Brian.
"Nagkatinginan ang mag-lola sa mga sinabi ni Brian. Bagay na di nakalagpas sa mapanuring mga mata ni Mike.
"Ah yan nga din ang sabi ko kay Lola eh. Parang mga buhay sila. Hindi na nga ako magugulat kung makikita ko yang naglalakad dito sa bakuran namin. Hahaha." Pabirong sabi ni Joyce.
"Tara na sa bahay nang makakain na kayo. Lola pwede po bang pakihandaan sila ng hapunan?" ani Joyce.
"Sige, ako nang bahala apo." sagot ng matanda.
"Ang laki ng bahay mo Joyce!" si Jonas. "Ang ganda at ang lawak ng hardin. Saan nga pala yung mga kamag-anak at kasambahay mo?"
"Dalawa lang kami ni Lola Lorena'ng nakatira dito. Nasa Canada kasi ang buong pamilya ko. Kami lang ni Lola ang nagpasyang dito tumira. Sayang din naman kasi to'ng bahay. Balak nila Mama na ibenta ito kaso di na ako pumayag. Nakumbinse ko sila na wag na to'ng ipagbili." Pagpapaliwanag ng Dalaga.
"Sabagay, mas maganda nga namang tumira sa tahimik na lugar lalo na sa probinsya." si Kiko. "Ba't nga pala isang bintana lang mayroon ang bahay?"
"Isang bintana kamo?" nagtatakang tanong ni Lola Lorena.
"Opo. Isang bintana lang po ang nakikita namin. Mayroon po bang ibang bintana?" sabad ni Brian.
Muling nagkatinginan ang maglola. Kapwa hindi makapaniwala na kahit ang mga kabataang mula pa sa Maynila ay isang bintana lamang ang nakikita. Gayong ang katotohanan, tatlong malalaking bintana ang meron talaga ang bahay na bato.
Anong kababalaghan mayroon ang bahay? Bakit pati ang mga magkakabarkada ay iisang bintana lamang ang nakikita?
Hindi pa ito ang wakas. Nagsisimula pa lang ang kwento
awwww.
ReplyDeletekwentong kababalaghan ba ito o kwentong mahahalay? lols
hehe. bitin. aabangan ko ang kasunod
isang komento mula kay Dale Leonardo ng Facebook
ReplyDeleteGanda ng kwento mo!
Bow ako sayu bino!
sana mailabas na ang ikatlong bahagi^_^... See More
can't wait!
@kosa , di ka nagcommen dun sa part 1 kaya walang napublish hahahaha.
ReplyDeleteayus! parang okatokat lang ah! :)
ReplyDeleteparang okatokat lang ah. :)
ReplyDeletesalamat jaypee ^^
ReplyDeleteisang komento mula kay Van Pablo ng facebook:
nakakaexcite ung story