Kiko – ang kwelang ka-tropa pero saksakan ng duwag.
Mike – ang mahilig magbutinting. Mahilig magbasa ng libro pati na rin ng FHM Magazines.
Jonas – ang Lider ng grupo. Matipuno at mahilig sa outdoor sports tulad ng cliff diving at mountain climbing
Brian – ang mahilig sa computer games at internet surfing
Oras at Lugar:
Agosto 1, 2009 9PM Laguna
Storya:
Apat na magkakabarkada ang naligaw sa isang liblib na lugar sa Laguna matapos masira ang kanilang sasakyan. Walang ilaw sa daan at tanging mga liwanag ng lente at buwan ang kanilang maasahan. Papunta ang apat sa Pagsanjan para magswimming at magbakasyon. Ngunit sa gitna ng biyahe ay isang pako ang bumutas sa gulong ng kanilang kotse na nagging sanhi ng pagkakaantala ng kanilang biyahe.
“Bad trip! Kung kelan pa naman tayo nagmamadali, saka pa tayo nasiraan.” Ani Kiko.
“Ba’t naman kasi di mo tiniyak na maayos tong oto mo? Ayan tuloy, aberya tayo. Buti na lang nadala ko ung utility box ko.” Sabat ni Mike.
“Wag na nga kayong magtalo’ng dalawa! Mukhang malayo pa dito ang city. Kailangan nating humanap ng mekaniko para magawa na tong sasakyan.” Awat at suhestiyon ni Jonas sa dalawa.
“Tama si Jonas.” Si Bryan. “Kesa mag-away kayong dalawa, maglakad lakad tayo at baka sakaling may makasalubong tayo na pwedeng magturo para makahanap ng mekaniko. Mukhang grabe ang sira ng sasakyan mo tsong.”
“Sabagay, kesa naman nakatunganga lang tayo dito. Tara!”
Ilang minuto ring naglakad-lakad ang magkakaibigan. Di nila alintana ang pagod dahil na rin sa lamig ng hangin na sumasalpok sa kanilang katawan. Bagay na agad napansin ni Kiko.
“Pare, ba’t iba yata ang lamig ng hangin dito? Parang bigla ako’ng pinanindigan ng balahibo ah!”
“Ang hirap kasi sa yo panay ang inom mo ng kape eh. Yan tuloy masyado ka nang ninenerbyos. Hahahahahahaha!” ani Bryan.
“Tsong, di ako nagbibiro. Iba talaga ang vibes dito eh.” Tanggol ni Kiko sa sarili.
“Modernisado na ang bawat takbo ng buhay. Nakarating na ang tao sa buwan at computerized na halos lahat tapos ganyan pa rin ang nasa isip mo?” si Bryan.
“Ewan ko sa inyong dalawa. Pero tiyak ko’ng papalapit na ang swerte natin. May bahay dun oh! Pwede tayong magtanong o humingi ng tulong.” Ani Mike.
“Salamat naman. Sana mapakiusapan natin ung may-ari ng bahay na dun muna tayo tumuloy ngayong gabi. Medyo delikado na rin ditto sa kalsada.” Si Jonas.
Sa di kalayuan ay natanaw na nila ang bahay na sinasabi ni Mike. Maganda at modernisado ang bahay na bato’ng iyon. May di kataasang pader na may matutulis na bakal bilang proteksiyon sa mga akyat-bahay. Sa loob ay matatanaw ang mga naglalakihang puno ng Mangga at Niyog. Ngunit kapansin-pansin ang pagkakaroon ng kaisa-sang bintana sa bahay na iyon. Isang bintana lamanag. At sa bintanang iyon ay kitang-kita ng apat na magkakaibigan ang anino ng isang babae. Lingid sa kaalaman nila, patuloy silang tinitingnan ng babae habang sila’y papalapit sa bahay na bato.
itutuloy...
nabitin ako, siyet. ano kaya to fantasy horror? heheh
ReplyDeletebitin!!!! pero i so love it!!! i'm gnna wait for the continuation. galing mo talaga ginoong bino
ReplyDelete!!! bow ako sa yo!!!
kapitbahay ko si jason! hehehe. at 3 kaming nagbabasa dito sa batangas. galing talaga ni bino! the best!!!
ReplyDeleteayos ah.... mahilig ako sa ganyang mga tema ng kwento... intayin ko kasuno
ReplyDeletebakit hindi napublish yung comment ko dito? lols
ReplyDeleteo nakalimutan kong macomment? hahaha
wow...horror..may karamay na ako sa pagsusulat ng mga kwento....
ReplyDeleteito naman po sa akin http://esetpip.blogspot.com/2012/01/heartbullet-in-filipino.html
ReplyDelete