June 21, 2010

Ang Babae sa Bintana ni Lola (Ikatlong Yugto)

ikatlong yugto


"Kamusta Leonora?" tanong ng matandang babaen'g kanina pa pala nakamasid sa dalaga.

"Mukhang nagsisimula na naman siya" sagot ni Leonora na di inaalis ang tingin sa babaeng may kausap na mga kabataan.

"na naman?" gulat na tanong ng matandang babae sabay buntung-hininga. "Sabagay, hindi na ako dapat magulat pa."

"Opo. Mukhang uulit na naman siya sa simula."

"Masama ito.Mukhang wala nan'g pag-asa."
malungkot na sabi ng matanda


Malungkot din ang mata ni Leonora bilang pagsangayon sa tinuran ng matanda. Hindi inaalis ang tingin kay Joyce na tuwang - tuwang nakikipagusap sa apat na magkakaibigan. Madilim sa sa kwartong kinalalagyan ni Leonora. Hindi niya inaasahan ang biglang paglingon ni Mike bintana na kung saan siya nakatayo at nakasilip sa mga nangyayari. Agad siyang nagtago para hindi siya makita ni Mike na nung mga sandaling yaon ay nakakunot-noo at iniisip kung tama bang may nakita siyang babae sa bintana.

"Ipapaalam ko na po ba ito sa kanila?" tanong ni Leonora.

"Huwag muna. Kailangang humanap tayo ng tiyempo nang hindi nalalaman ni Joyce. Natatakot ako'ng muling dumanak ang dugo. Ang tiyak ko lang, hindi pa tanggap ni Joyce ang katotohanan."

"tama po kayo." sang-ayon ni Leonora.

-------------------------------------------------------------------------








"Halikayo. Dito tayo sa hapag-kainan." tawag ni Joyce sa kanyang mga panauhin. Bakas na bakas sa mukha ni Joyce ang kaligayahan dahil sa kanyang mga bisita.

"Salamat Joyce ha. Kanina pa nga kumakalam ang sikmura ko eh" ani Kiko.

"walang anuman. Basta kain lang kayo ng kain ha. Marami pang pagkain sa kusina." ani Joyce nang mapansin ang pananahimik ni Mike.

"Mike, kanina ka pa walang kibo mula nang pumasok tayo sa bahay ah. May problema ba" tanong ni Joyce.

Tila hindi napansin ni Mike ang tanong ni Joyce. Malalim ang mapaglaro niyang pag-iisip.

"Mike tinatanong ka ni Joyce pare." Si Kiko.

"Hoy Gising! Mike!" sabay na banat ni Brian at Jonas.

Dun lang napansin ni Mike ang mga sigaw nila Brian.

"Pasensiya na, may iniisip lang kasi ako. Joyce, sigurado ka bang tayo-tayo lang ang tao dito?"

"Oo naman. Bakit?"
tanong ni Joyce

"Para kasing may nakita ako'ng tao dun sa bintana nitong bahay eh."

"imposible yun. Paano naman mangyayari yun eh dalawa lang kami ni Lola na nakatira dito. Imposible namang mapasok kami ng masasamang loob."
paliwanag ni Joyce.

"siyanga naman Mike, baka namamalik-mata ka lang." ani Kiko

"gutom lang yan tsong. kumain ka na" si Brian

"Siguro nga." Kibit-balikat na lang ni Mike.


Malaki ang kwarton'g inilaan ni Joyce para sa magkakabarkada. May dalawang malalaking kama sa loob nito na may puting kobre-kama. Nagtabi sina Mike at Kiko sa isang kama at sina Brian at Jonas naman ang magkasama sa isa.

"Mike, ano uli yung sinasabi mo kanina?" usisa ni Brian kay Mike

"
Di ko nga din alam pare. Pero parang may nakita ako'ng tao dun sa bintana kanina eh." ani Mike.

"Pero tsong, madilim dun sa bintana di ba. Hindi kaya namalik-mata ka nga lang kanina?" tanong ni Jonas.

"Pero kung sabi nga ni Joyce na dalawa lang silang nakatira ng lola niya dito. Ano namang motibo nila at ililihim pa yung tao'ng nakita mo. Malamang nga malik-mata lang yun." ani Kiko.

"tama nga siguro. Matulog na nga lang tayo para maaga tayo'ng magising bukas." pananapos ni Mike sa usapan.

Mahimbing nang natutulog ang magkakaibigan. Lagpas kalahating minuto matapos sumapit ang alas-dose ng hatinggabi, ilang mahihinang yabag ang bumasag sa tahimik na bahay na bato. Dire-diretso ang mga may-ari ng yabag na yon sa kwarto kung saan natutulog sina Mike.

Di na nila namalayan ang marahang pagbukas ng pinto ng kwarto. Dumiretso ang tao'ng yon sa kama kung saan natutulog si Mike at Kiko. Walang sabi-sabing tinakpan nito ang bibig ni Mike na siyang ikinagising ng binata!


sino ang nagmamay-ari ng kamay na yon? Ano'ng pakay nito sa magkakabarkada? Isa ba siyang kaibigan o malupit na kaaway?



itutuloy....



>

5 ang nakaappreciate:

  1. Jojo BuenaventuraJune 22, 2010 9:47 AM

    wahhh. bitin!!! naeexcite na ako sa susunod! ang galing mo talagang magsulat. Saludo na ako, bow pa ko sa iyo! Galing!!!

    ReplyDelete
  2. Nerissa FranciscoJune 22, 2010 9:51 AM

    ako naman magkokoment dahil magkatabi lang kami ng mahal ko na nagbabasa ng blog mo bino and i'm proud to say that we're among those people na natutuwa sa mga sinusulat mo. wala ka rin kasing yabang sa sarili. Keep it up. Galing mo talaga

    ReplyDelete
  3. Hi, good & nice blog, i will visit ur blog regularly, i think u should go for this link to increase visitor. BTW keep posting & happy blogging.

    ReplyDelete
  4. bitin tsong!

    penge nalang ng buong kwento..lols
    send mo sa email ko. wahaha
    jokes.

    ReplyDelete
  5. @claudia thanks. visit ka lagi ^^
    @kosa may ganun? hahaha, di pa rin tapos ang storya ko tungkol dyan parekoy. hehehehe
    @jojo and nerissa salamat sa laging pagtambay ^^

    ReplyDelete

Sisikapin ko'ng replyan ang mga komento ninyo.
Kung may sasabihin ka'ng di maganda, huwag ka'ng mag-ANONYMOUS