Sa panahon ng internet, hindi mawawala ang sandamakmak na blogs. Iba't-ibang uri at klase, iba't-ibang istilo, iba't-ibang wika at kategorya ng may akda. Ngunit marami-rami pa rin ang hindi nakakaalam kung ano nga ba talaga ang blog. Ang blog ay short for web blog. Isang website na minemaintain ng isang indibidwal gaya na lamang ng blog kon'g DAMUHAN, o grupo ng mga tao. Maaari itong naglalaman ng mga lathalain, tula, storya, o komentaryo sa mga bagay-bagay. Ang tawag naman sa pag-aupdate ng blog ay blogging. At ang mga tao'ng nagbablog gaya ko ay tinatawag na bloggers/blogero. At mayroon'g iba't-ibang uri ng bloggers at narito ang ILAN sa amin:
- Humor Bloggers - mga blogero na ang tema ng blog ay makapagbigay-aliw at makapagpatawa sa mga mambabasa. Maaaring impormal ang dating ng pagsusulat ng mga ito. Istilo nito ang paghahalo ng konting kalokohan sa mga seryosong usapan. Ang ganitong uri ng istilo ang nakakaakit ng mga mambabasan'g may maliit na interes. Nagiging interesado sila at mas naiintindihan nila ang bawat detalye kapag humor blogger ang nagsulat.
- Personal Bloggers - mga bloggers na ginagawang online diary ang blogging. Iba't-ibang uri ng emosyon ang mababasa sa mga artikulo o lathalain na kanilang ibinabahagi. Mararamdaman mo ang mensahe na nais nilang iparating. Ang mga personal bloggers ay ginagawang outlet ang blogging para ilabas ang kanilang nararamdaman malungkot man o masaya ang mga ito.
- Photo Bloggers - mga photo enthusiasts. Sila ay nagfofocus sa pagkuha ng mga larawan gamit ang kanilang mga digicams, cellphone camera o kung mga hi-tech DSLR cameras nila at ipopost ang mga ito sa kanilang photoblog. Mayroon'g nagfofocus sa pagkuha ng mga scenic spots, mayroon rin namang mga tao ang ginagawang medium. Kahanga-hanga ang mga photobloggers ngunit sa kasamaang palad, nabibiktima sila ng mga tinatawag na PHOTOSNAPPERS, mga tao'ng basta na lamang kinukuha ang mga photographs na pinaghirapan ng mga photobloggers at ipopost sa kanilang website nang wala man lang credits sa tunay na may ari ng larawan.
- Earning Bloggers - mga bloggers na kumikita sa pagba-blog. Puno ng paid advertisements ang kanilang blog at iba't ibang tools para makapaggenerate ng income. Google Adsense, Bidvertiser, Adbrite at kung anu-ano pa. Ang mga successful bloggers na ito ay malaki pa ang kinikita kesa sa indibidwal na may regular na trabaho. Kalimitang laman ng mga blog nila ang mga tips at tricks kung paano kikita ng malaki sa blog, PTC (Paid to Click) sites atbp.
- OFW Bloggers - or mga expat bloggers. Mga pinoy na binablog ang kanilang pakikipagsapalaran sa iba't ibang bansa. At ang mga OFW bloggers ay nahahati rin sa iba't ibang kategoryang nabanggit. Isang malaking respeto ang binibigay ko sa mga bloggers na to dahil kahit na nagpapakahirap silang magtrabaho ay di pa rin nila inaalis ang passion for blogging at ang layunin na makilala ang pinoy sa iban'g bansa.
- Underground Bloggers - bloggers na kadalasa'y adult content gaya ng porn o illegal ang nilalaman ng blog gaya ng mga hacked softwares. Kadalasa'y hindi nila nirerehistro sa mga search engines ang kanilang blog lalo na kung ang platform (host) nila ay blogspot dahil idedelete ito ng nasabing platform. Kahit gaano man kahigpit ang pagkakatago nito, marami pa ring readers/viewers ang naaakit ng mga bloggers na ito. At kung mahusay ka pagsesearch gamit ang mga tamang keywords, hindi malabong mahanap mo sila.
Sa lumalaking mundo ng blogging, natitiyak ko'ng marami pang uri ng bloggers ang lalabas. May magpapakitang gilas na makilala ang kanilang blog sa kategoryang kanilang pinili, mayroon namang tahimik lang na magsusulat. Ganunpaman, hindi maikakaila na ang blogging ay naging parte na ng buhay ng bawat pinoy.
sang kategorya kaya ako?! Witwiw. :D
ReplyDeleteawwww. pinakamisteryoso ang mga underground bloggers..hehe
ReplyDeletewow, ang sarap pala tumambay dito. ngayon lang ako naligaw, dami kong nasayang na panahon! naks.
ReplyDeletena-classify ko ang B'log ang Mundo under ofw bloggers / blog. sa'n kaya pwede isama ang aking blog na NoBenta na isang trivia / tribute site ng 90's decade?
btw, in-add kita sa blog rolls ko. \m/
@goyo pwedeng humor, pwedeng personal lol
ReplyDelete@kosa happy birthday oi! hehehehe
@nobenta trivia blog yan. sige add kita sa blogroll ko
oo marami ngang ibat ibang klase ng bloggers. sama mo yung mga food enthusiast na kapag bumibisita ka sa sites nila, gusto mong maglaway. pati na rin yung blog ng mga ina nila, or mother's blog.
ReplyDeletesan kaya yung blog ko jan...inde ko alam...baka sa underground blog...porn blog... ahahahaha... :D
ReplyDeleteparekoy saang kategorya tayo jan? hehehe
ReplyDelete