
Kaunting Kaalaman sa Pasko'ng Pinoy.
Ang salitang PASKO ay nagmula sa salitang kastila na "Pascua de Natividad"
na ang ibig sabihin ay Easter of the Nativity.
ika- 16 ng Disyembre, nagsisimula ang simbang gabi o Rooste's Mass na isinasagaw tuwing madaling araw. Siyam na araw na gigising para magpunta sa simbahan. Ang sabi, nagmula daw ito sa mga magsasaka na di makadalo ng nobena dahil sa maghapon silang nasa bukid. Kaya naisipan nila na gawin ito sa madaling araw. (Taun-taon ko'ng ginagawa ang pagsisimbang gabi. Tila naging panata ko na rin ito at pasasalamat sa lahat ng blessings na dumadating.)
Karoling - ginagawa ang karoling mula unang araw ng simbang gabi. Kadalasan mga bata na may tambol na gawa sa lata at marakas na gawa sa pinitpit na tandsan ang kakanta ng pamosong "Ang Pasko ay sumapit" medley. Sino ba naman ang di nakantahan ng "Thank you, thank you, ang babarat ninyo thank you" kapag mababa pa sa piso ang ibinigay mo.
Panunuluyan - nagmula sa Mexican nine-day ritual na POSADAS. Ang pagkakaiba nga lang, ginagawa ito sa Pilipinas tuwing Christmas Eve. para sa iba pang detalye, sundan ang link na ito
Parol - tradisyonal na christmas lanter na isinasabit sa labas ng bintana na sumisimbolo sa Star ng Betlehem. Tradisyonal na materyales nito ang bamboo sticks, papel de hapon at crepe paper. Pero ngayon, meron nang gawa sa kapis, plastic at iba pa. Kilala ang San Fernando Pampanga sa paggawa ng mga naglalakihang parol. Taun-taon ay dinadaos nila ang Giant Lantern Festival.
Noche Buena - na ang ibig sabihin ay "Holy Night". Salu-salo tuwing bisperas ng kapaskuhan o eksaktong 12ng gabi. Tradisyunal na handa an keso de bola, lechon at pansit.
Aaminin ko'ng may spanish influence ang ating mga tradisyon. Pero hindi maiaalis na ang ating bansa ang may pinakamahaba at pinakamagandang Kapaskuhan. Proud to be Pinoy.
haha. ayus na nga parekoy!
ReplyDeleteawww.. general info about pasko...
merry xmas parekoy! pamasko ko? hehe
maligayang pasko po :D
ReplyDelete