October 30, 2010

Payong ni Bino



Tirik na tirik ang araw. Halos masunog ang aking balat dahil sa tindi ng init na sanhi nito. Sa katulad ko'ng pawisin, limang segundo lang ang bibilangin at agad tutulo ang aking pawis. Muling mababasa ang suot kon'g damit dahil sa pawis at kikintab ang aking mukha. Maya-maya'y biglang kukulimlim. Mapupuno ng itim na ulap ang kalangitan at bubuhos ang isang malakas na ulan. Parang waterfalls sa lakas ng buhos na tila wala nang bukas. Buti na lang lagi ko'ng dala ang aking sandata: ang aking payong.



Payong. Bukod sa PSP, cellphone at towel na laging nasa loob ng aking bag, hinding hindi ito mawawala sa listahan ng mga bagay na aking palagi ko'ng dinadala. Mainit man o malamig ang panahon, lagi ko itong bitbit at sinisigurado'ng laging magagamit sa oras ng pangangailangan. Ilang beses na rin ako'ng sinagip nito sa lakas ng bagyong milenyo, ondoy at maging sa tindi ng el niƱo. Maging sa mga nagwawalang aso'ng ulol, nagiging instant sandata ito.




Naaalala ko pa ang panahon noon'g ako'y nag-aaral pa sa high school na kung saan, hindi kaugalian ng mga batang lalake ang magdala ng payong. Dyahe daw at panira ng porma. Kahit pa sabihing itim o asul ang kulay nito. Kaya hindi maiwasan ang maging tampulan ako ng tukso sa tuwing dala ko ang aking payong.

"Oi Bino, dala mo na naman yang payong mo! Sira na naman ang porma mo nyan eh."

"Oo nga naman. crush ka sana ni Madz eh, kaso mas mahal mo pa ang payong mo. hahaha"

"Ang haba pa ng dala mo'ng payong, ano yan tungkod? Hehehe "



Hindi ko na lang pinapansin ang mga panunukso nila. Sa aking sarili'y sinasabi ko'ng balang araw, bukod sa proteksiyon sa araw at ulan, may magagawang mabuti ang payong na to at natitiyak ko'ng manghihinayang sila kung bakit di nila ako ginaya.




Isang araw matapos ako'ng lumabas ng paaralan, napansin ko na ang biglang pagdilim ng kalangitan. Isang senyales ng nagbabadyang pagbuhos na isang malakas na ulan. Naisipan ko nang buksan ang aking payong bilang paghahanda. Ilang minuto pa ang matuling lumipas at unti-unti nang pumatak ang ulan. Agad kon'g nilakad ang daan patungo sa aking tirahan. Napadaan ako sa isang computer shop kung saa'y may isang estudyanteng babae na nakatayo sa tapat nito. Tila nag-aalala ang kanyang hitsura. Dala nang kuryosidad at tila habag, di ko napigilang lapitan siya.



"Excuse me, you're Czarina from section 2 di ba?" ang magalang ko'ng tanong

"Oo. ikaw si Bino di ba? yung singer sa section 1?" sagot niya.

"Yup. Singer? di naman. Hehehe. Ano nga pala ginagawa mo dito?"

"Gumawa kasi ako ng project sa science. Pauwi na sana ko kaso inabot ako ng ulan eh. Di tuloy ako makauwi. Papasok sana ko ulit dito sa shop kaso magsasara na sila" sagot niya.

"Ah kaya pala. Saan ka ba nakatira? Gusto mo'ng sabayan at ihatid kita? Sa lakas ng ulan, baga lalo kang gabihin." ang aking pagmamalasakit


"Sure ka ok lang? Di na ko tatanggi sa alok mo." sagot naman nya.

"yup! Malaki naman to'ng payong ko eh, kasya tayo'ng dalawa dito."

"Buti ka pa may payong. Buti di ka naaasar pag tinutukso ka ng mga classmates mo."

"Ayos lang sakin, di naman ako mamamatay sa tukso lang. At di naman ako ang mababasa ng ulan. Hehehe. O ano, handa ka na ba? La ka na bang ibang gamit?"


"Yup! Ok na ko. Tara na."


Labing-limang minuto ang lumipas bago namin narating ang kanyang tirahan. Tila nanadya naman na bigla na ring tumigil ang ulan nang makarating kami sa aming patutunguhan.



"So paano, kitakits na lang sa school ha." ang aking sinabi hudyat ng pamamaaalam ng gabing yon

"Sure. Thank you ulit ha." sagot nya.



Halos araw-araw na kaming sabay umuwi matapos ang klase. Umulan man o hindi, tuwing uwian, sabay naming tinatahak ang daan patungo sa kanya-kanyang tirahan. Masaya kami kahit sa mumunting dahilan. At walang pakialam kahit pinagtitinginan.



"Oi Bino, swerte mo kay Czarina ah! Daming nagkakagusto dyan tapos kaw ang sinasamahan! Ano bang sikreto mo? Share mo naman dyan!" tanong ng mga dating nang-aasar sa kin nang minsan kaming dumaan sa tindahan na kanilang tinatambayan."


"Sikreto? Dahil yan sa payong!" ang aking pabirong sagot.




wakas















13 ang nakaappreciate:

  1. naks! salamat sa payong at nagkaron ng kasukob hahahaha
    sumusonger ka din pala insan! hehehe it runs in the blood nga yata :D

    payong? lagi akong may dalang payong kaso madalas hindi ko gamitin... mababasa kase..

    ReplyDelete
  2. san mo ba nabili yang payong na yan? nyahahahah.

    lagi din akong may dalang payong isang de-fold na payong para laging kasya sa bag. pag pumupunta kami sa mga far flung areas to have some medical missions mahabang payong dinadalako para sa mga lecheng aso na bigla nalang tatahol at manghahabol. nyahahaha

    peace out!

    ReplyDelete
  3. Astig kayang isama sa porma ang payong!!!

    Salamat sa payong!!! Eh asana si czarina ngayon? Hehe

    ReplyDelete
  4. @xpro hehehehe
    @yanah yup songer ako minsan :)
    @zeb sa mall ko lang nabili haha
    @kosa si czarina may asawa na hehehe

    ReplyDelete
  5. Bino... salamat sa payong! Meron akong payong kaso hindi ko dinadala kahit umuulan... wala lang tamad lang magdala...hassle kasi! hehe

    Add na kita tol sa link ko at follow na kita..salamat sa pagbisita sa blog ko...

    ReplyDelete
  6. Sukob na, halika na, sabay tayo sa payong ko lolz napakanta tuloy ako eh hehehe

    ReplyDelete
  7. Ang payong bow!

    Sir salamat sa pag bisita sa aking walang kwentang carpet! God Bless!

    ReplyDelete
  8. awwwww

    ako kaya ? sa payong din? hahahA!

    ReplyDelete
  9. Ayos ang payong na yan haha.. Well tama ka, hindi ka naman mamamatay sa tukso lang kaya ok lang yan, dalhin mo ang payong mo every time. Ako din naman may payong laging dala. Actually, marami akong payong sa bahay at dinadala ko sila depende sa porma ko for the day. I think mas cool yung ganon. Wag sila maarte! haha..

    ReplyDelete
  10. Ng dahil sa payong marami tayo nakikilalalang tao sa paigid na di natin inaasahan :D

    ReplyDelete
  11. wow ayos ah :D

    salamat rin s payong ko dahil may mga nakikisilong na chicks pagmalakas ang ulan at wala silang payong ^__^

    ReplyDelete
  12. yeah.. Songer yang si Bino.. hehe. Astigin yung payong.. may magnet.. :)

    ReplyDelete

Sisikapin ko'ng replyan ang mga komento ninyo.
Kung may sasabihin ka'ng di maganda, huwag ka'ng mag-ANONYMOUS