Buhay: isang hindi matatawarang regalo sa atin ng Maykapal. Lagi pa nga tayo'ng nagpapasalamat sa bawat paggising natin tuwing umaga (o gabi dahil sa mga graveyard shift workers) dahil tinuturing nating isang biyaya ang ating mga buhay. Ang bawat sanggol na isinisilang ay isang blessing sa bawat ina, ama at mga anak. Ngunit sa patuloy na paglobo ng ating populasyon, nahahati ang opinyon ng simbahan at pamahalaan tungkol sa pagkontrol nito.
Hindi masamang mag-anak ng mag-anak lalung lalo na kung kaya'ng sustentuhan ng mga magulang ang kanilang kinabukasan. Walang kaso kung magagawa nilang pakainin ng tatlong beses sa isang araw, mabigyan ng proteksiyon laban sa iba't ibang karamdaman, bahay na masisilungan at magkaroon ng magandang edukasyon ang kanilang mga anak. Subalit kung mapapabilang naman sila sa milyun-milyong mga Pilipino na walang trabaho, tahanan at laman sa tiyan, ibang usapan na yan.
Masamang kumitil ng buhay.Hindi lang pananagutan sa batas ang katapat niyan kundi maging parusa sa kabilang buhay. Totoo naman at walang dudang hindi ko tututulan yan. Alam nating lahat ng walang sinumang bumawi ng buhay ng isang tao kundi tanging ang ating mahal na Panginoon lamang. Pero bilang isang Pilipino, importanteng magkaroon tayo ng responsibilidad sa bawat aksiyon na ating gagawin.
Makailang ulit pinalabas sa telebisyon ang mga balita ng mga inaabandonang mga sanggol. Kadalasan ay makikita sa may basurahan, swerte kung may buhay pa ngunit kung di pinalad, matatagpuan itong isa nang malamig na bangkay. Naging usap-usapan din ang sanggol na iniwan sa isang airport (kung hindi ako nagkakamali). Naging maingay din ang ilegal na bentahan ng sanggol sa ating bansa. Kadalasang katwiran ay hindi alam kung paano bubuhayin ang anak kaya nila ito nagagawa.
Laman din ng balita ang mga tao'ng lumuluwas ng kanilang mga probinsya patungong Maynila para makaahon umano sa hirap kasama ang kanilang buong pamilya. Sa kasamaang palad, ang inaakalang nag-aantay na ginhawa, masahol pa pala sa kamalasan. Ang resulta, mga pamilyang nakatira sa estero, gilid ng tren at mga pribadong gusali.Ang masakit pa dito, sila pa ang ubod ng dami ng mga anak. Mga bata'ng walang saplot, at namumulot ng mga tira-tirang pagkain. Di alintana ang mga sakit na maaaring makuha dahil sa dumi at mga mikrobyo.
Sa paulit-ulit na problemang ito, mukhang napapanahon na para sa modernong pagbabago. Sa aking artikulong ito, panigurado'ng maraming kokontra at mayroon din namang sasangayon. Isa akong kristiyano na tulad ng iba'y nagpupunta ng Simbahan tuwing Linggo, kumukumpleto ng Simbang Gabi at nagseserbisyo pag semana santa. Humihingi ako ng dispensa sa Simbahang katoliko dahil aking napagdesisyunan na pumabor sa reproductive health bill ng ating pamahalaan.Hindi pagpatay ng buhay ang layunin ng batas.Isipin nyo lang din, sa Vatican na kung saan nandoon ang ating mahal na Santo Papa, legal ang abortion. Ang sa akin lang, magagawa pa bang buhayin ng isang ama at ina na kumikita ng kakarampot na sahod ang 6 na anak? Kung talagang importante ang buhay, sana'y isipin muna kung ano ang kahihinatnan at kinabukasan ng mga batang mabubuhay sa hirap. Hindi dapat laging anak lang ng anak. Hindi yan mga tuta na kayang mapag-isa makalipas ang 2 buwan. Kung mahal natin talaga sila, importante ang tamang pagpaplano ng pamilya.
Ito po ay aking opinyon lamang. Salamat
bilang lehitimong katoliko at isa ring responsableng pilipino...pinapaubaya ko na sa simbahan at namumuno sa bansa ang kanilang magiging desisyon sa paksang iyan....
ReplyDeletesa puntong ito masasabi kong pabor ako na hindi...
hindi ako pabor sa reproductive health bill dahil una questionable pa din sa akin ang epektibo nito at posibleng mapalala pa nito an problema sa populasyon, pangalawa...posibleng maging source din ito korapsyon sa gobyerno,at pangatlo sarili kong dahilan...
pabor din ako sa reproductive health bill dahil posible na maktulong ito sa pagpapalaganap ng kaalaman ukol sa tamang pagpapamilya pero bukod dun hindi ako kasi makumbinsi na makakabawas ito sa populasyon at krimen (e.g. abortion) sa bansa...
^_^
nice one pare! :D
ReplyDeleteyan ang mga bagay na mahirap tlgang pag-isipan..
ReplyDeleteparehong may punto..
sa tingin ko epekto ito ng pagiging iresponsable ng ilang mamamayan..
kung baga sabi nga : you should have the end in mind"
bago mo gawin, isipin mo muna ung kahihinatnan ng gagawin mo..
=D
bagamat hati ang simbahan at pamahalaan ukol dito, nirerespeto ko ang opinyon ng bawat panig.
ReplyDeletevery nice!
ReplyDeleteLahat may Punto.
Pero dapat gawin ng pamahalaan at ng simbahan ang kanilang tungkulin sa lipunan... wag husgahan ang bawat isa base sa kanilang pananaw lamang.
tungkulin ng simbahan na ipahayag ang mabubuting gawain ng isang tunay na mabuting kristiano. pero tungkulin din ng pamahalaan na solusyunan angbawat problema ng lipunan...
nasa mga mamamayan na yun kung sino at kanino sila makikinig at magpapaimpluwensya... ang mahalaga magawa ng pamahalaan ang kanilang programa.. sana ay maging bukas ang puso ng bawat isang panig para sa mithiin ng bawat isa. Tutal ikakabubuti naman ng mamamayan ang iniisip nila pareho.
conclusion:
masmatimbang parin para sa akin ang isinusulong ng gobyerno.
health parin talaga. 30 palang ako pero feeling ko ang tanda ko na. dami nang signs of ageing......the more na narerealize ko kung ganu talaga ka-importante ang health.
ReplyDeleteAgree ako kay kuya super gulaman na agree man ako sa RH bill, may mga bahagi nito ang sa palagay ko ay dapat din nilang isipin ang nilalatag ng simbahan.
ReplyDeleteKristyano ako kasi tinanggap ko si Kristo sa buhay ko. Wala naman itong kinalaman sa bill na yan hehehe hindi ko rin alam bakit hinahalungkat ang buhay ispiritwal sa pagbusisi sa batas na ito. Pero hindi ibig sabihin na bebenggahin ko ng bonggang bongga ang hindi sang-ayon sa naiisip ko. Yun ang mali sa paghikayat ng simbahang katoliko sa mamamayang pinoy para sa civil disobedience.
Nakasaad naman sa batas na yan ang pagiging Responsable. Agree ako dun. Pati ung parusa sa magpapaabort pero hindi pagkondena sa kanila. Agree din (dahil who are we to judge, are we blameless and pure lels).
Ung sa SEX Education, okay din. Basta haluan ng VALUES Education. O di ba para lang akong mambabatas, nagsasuggest~ hehehe eklat.