***************
Ewan ko kung ako lang ang nakakatiyempo nito pero tuwing magpapalabas ng pelikula ang konduktor at driver, palaging pelikulang tagalog ang ipinapalabas. Wala sanang masama dito kaso naman, laging pelikula ni Jeric Raval, Raymart Santiago at Eddie Garcia ang palabas. Nakabisado ko na ang kanta ni Eddie na:
"Sa silong ni kaka, may tao'ng nakadapa. kaya pala nakadapa, nanghuhuli ng palaka. Palakan'g may buhok, ipin ay nakalubog. Ang kulay nito'y itim, hindi naman sunog."
Kung hindi naman, mga pelikula ni Andrew E tulad ng Alabang Girls at Extrang Hero. Mas ok sana kung mga pelikula ng star cinema ang palabas eh tulad ng Miss You Like Crazy nina John Lloyd at Bea.Naalala ko tuloy ang paborito ko'ng line dun na:
"Kung pinagtagpo man tayo ulit maybe it's not for happy ending. Maybe it's just a second chance to end things."
Hehehe.Pero kung byaheng probinsiya ka naman katulad ng Victory Liner na papuntang Dagupan o Baguio, madalas natitiyempuhan ko ang concert ni Michael Jackson o ni Charice. Kung lalong swerte, mga marathon ng Final Destination, Saw at iba pang nakakadiring pelikula. Sabayan pa ng pagdaan sa zigzag, siguradong magpupuke (susuka!) ka!.
***************
Nakakatuwa din ang mga pagakyat ng iba't ibang vendor kasabay ng kanilang mga script kung paano ibebenta ang kanilang produkto:
Tindero ng Mani: O mani kayo dyan ma'am sir. Mainit pa oops yung bata po baka mapaso. Iodized salt po ang ginamit panlaban sa goiter ma'am sir. Bago'ng luto ma'am sir may lima may sampu.
Tindero ng Chirchirya: Piatus, Nuva, Banana cheps. Skypleks. Skypleks Banana cheps, Nuva, Piatus. (Repeat until fade)
Tindero ng Dyaryo: Diyaro kayo diyan diyaryo. Mainit na balita pasok sa banga! Diyaryoooooo (sa tono ng Jai Ho)
***************
Meron namang eksena na involve ang konduktor at pasahero. Sigaw ng sigaw ang konduktor kung sino pa ang walang ticket.
"Sinu pa po yung walang ticket dyan pakisuyo na lang po!"
Binibilang nya ang lahat ng sakay nito. To'ng pasahero naman na ayaw magbayad at umaasang makakapag-123 sa bus eh hindi kikibo, maglalagay ng earphone kahit walang ipod o kaya nama'y magtutulug-tulugan. Eh di wala nang choice ang konduktor kundi magcheck ng ticket. Dun na malalaman ng pasahero na wa-epek ang palusot kaya naman sya na ang tatawag dito para magbayad. Sermon naman ang aabutin nya sa inis ng konduktor dahil halos malito na kung sino ang wala pang ticket. (Kaunting kaalaman sa hindi pa nakakasakay ng bus, ang ticket ay binibigay kapalit ng perang ibabayad mo sa konduktor bilang pruweba na ika'y bayad na)
***************
Syempre hindi mawawala ang mga conyo-conyohang nilalang sa bus. Dalawang babae at isang bading ang sumakay sa Ayala Makati. Eto na, sinapian na ng kaluluwa ni Kris Aquino sa galing nilang mag-Taglish.
"It's like you know naman diba? We can bili naman the Nike shoes kasi it's so mura for only 5,000 pesos! It's like our 3-day salary lang! Carry!" Hong yobong sa sweldo!
Eh bumanat yung isa. "By the way, you know the song of Sarah? Yung 'HELP'?"
"What's that song girl?" sagot ng bading
"My God! yung "help" nga! it goes something like this: Help! Help could you say you love me!"
How could you say you love me ang title nun hoy!!!
***************
Meron namang makulit na babae kasama ang 1 taon'g gulang na anak nya (huwag mo nang itanong kung paano ko nalaman na 1 year old na yung bata) ang biglang pumara sa gitna ng flyover. Malamang hindi siya pabababain ng driver. May gana pa syang magalit dahil pwede daw magbaba dun. Di nako nakatiis, umepal na ko (oo epaloidz ako minsan hehehe):
"Sige ate baba ka ng flyover pero iwan mo yang anak mo para hindi na madamay sa pagpapakatiwakal mo! Kung gusto mo'ng mamatay wag mo'ng idamay yang bata! Nakita mo'ng nasa gitna tayo ng flyover, panay ang para mo!"
Tahimik na siya at naupo na lang muli.
***************
Hindi rin mawawala ang mga "out of school youth" na biglang sasakay ng bus at mag-aabot ng computerized na note na may mensahe na :
"I'm an out of school youth selling special pastillas and macapuno to support my financial needs and studies."
tapos sa baba ng sulat nakalagay ang presyo ng tinda. Pero ang matindi eh yung nakabold letters na:
"Donasyon na lamang po kung hindi bibili"
At dahil paborito ko ang pastillas at dala na rin ng "habag", madalas ako'ng bumibili ng kanilang paninda.
***************
Isa pan'g version eh yung mga mamang pwersahang tinanggal daw sa pabrika at kasalukuyang nagwewelga dahil sa hindi makatarungang pagpapatalsik sa kanila:
"Kami po'y mga manggagawa ng [insert company name here] na sapilitang tinanggal sa trabaho dahil sa kami ay nagwelga. Hindi po kami binibigyan ng vacation leaves, sick leaves at 13th month pay ng abusado'ng kumpanya. Kasalukuyan po kaming nagsampa ng kaso laban sa kanila. Kaya kami po'y humihingi ng tulong para po may maipambayad sa aming abogado at maipagpatuloy ang aming laban"
Hindi ko alam kung maniniwala ako dito dahil minsan na ko'ng nakakita ng ganito na pagkatapos humingi ng "tulong" ay tiyempong nagshashopping sa Shangrila. Syempre iba na ang outfit nya. Disenteng disente na kumpara sa maduming t-shirt at maong na gamit nya nung umakyat siya ng bus.
***************
Heto ang hindi ko katanggap-tanggap. Mga "misyonaryo" na pagsampa ng bus ay babati ng Magandang Umaga at lilitanya ng :
"Ako po'y si [insert name here] mula sa [insert organization here] na taos puson'g kumakatok sa inyong mga puso. Kadalasan po kami'y minamaliit at pinagtatawanan dahil sa aming ginagawa. Ngunit kami po ay naparirito para ipahayag ang mabuting balita ng ating Maykapal. Ayon nga po Juan Kapitulo 3 bersikulo 16....."
Maya-maya'y manghihingi ng "donasyon" kasabay ng kasabihang hindi mo madadala sa kabilang buhay ang pera. Kaya sa kanila mo na lang ibigay. Ang nakakainis kasi dito, ginagamit pa ang pangalan ng Diyos para makapangloko ng kapwa. Hindi ko naman nilalahat pero karamihan kasi sa mga organisasyong ito ay gawa-gawa lamang at hindi nageexist sa totoong buhay.
***************
Hay! Ang sarap bumiyahe kahit malayo o matagal mapajeep man, bus o kahit pribadon'g sasakyan. Hinding-hindi mawawalan ng kwento ang bawat paglalakbay ng isang katulad ko'ng mapanuri, mapagmatyag at mapag-imbento ng kung anu-anong bagay (pero totoo naman yung mga sinulat ko sa taas). Kaya naman kahit maipit sa traffic, nagagawa ko pa ring maenjoy ang bawat byahe ng aking buhay. Hanggang sa muli. Babyahe pa ko!
Ahahahahahahahaha.... adik! Naku di ko natatagalan ang amoy ng mga usok sa mga bus... hehehhehehe at byahilo talaga ako... madalas ako tulog kesa naman masuka diba?! hehehehhehe
ReplyDelete"Sige ate baba ka ng flyover pero iwan mo yang anak mo para hindi na madamay sa pagpapakatiwakal mo! Kung gusto mo'ng mamatay wag mo'ng idamay yang bata! Nakita mo'ng nasa gitna tayo ng flyover, panay ang para mo!"
ReplyDelete<< yun oh kaw na ang mabait na nilalalang sa mundo hehe.... nice one.... 100 pogi points..
"Donasyon na lamang po kung hindi bibili" << ito talaga ang malupit.... grabe hehee...
Isa pan'g version eh yung mga mamang pwersahang tinanggal daw sa pabrika at kasalukuyang nagwewelga dahil sa hindi makatarungang pagpapatalsik sa kanila:
<< buti ito di ko pa nararanasan.... ang yaman sa shang nagshoshopping hehehe...
"misyonaryo" << oo grabe to pati ibang tao dinadamay nila sa mga ganitong gawain..
@xprosaic hahaha kaya aircon bus lagi ako para di masagap ang mga usok. Kaso pag malas amoy pawis na pasahero nasasagap ko hahaha
ReplyDeletekaya nga nauso na ang mga van lalo na sa mga medjo malayuan ang byahe, yun nga lang mejo mahal, matagal mag antay dahil hindi aalis hangat hindi puno, pero dirediretso naman ang byahe, whag ka lang matapat sa drayber na kada apat na kanto ay iihe... hehehe
ReplyDeleteayan! ang pinakaayaw ko jan! ang mga kunwaring misyonaryo, eh kung di ko madadala pera ko kung saan man, bakit sya may madadala nya ba pera ko kung ibibigay ko sa kanya?! lolzz
ReplyDeletenakakamiss sumakay ng bus :D
panalo ang mga istoryang isinulat mo tsong! dito rin ako sa may shaw ngwo-work kaso FX naman ang sinasakyan ko.
ReplyDeleteastig at ipagpatuloy ang pagsulat!
:)
hahaha.. galing ang nito... ako kasi isang batang commuter... kaya nakakarelate ako nito.. wahehehe
ReplyDeleteang haba...basahin ko na lang mamaya sa bahay. :)
ReplyDeletebuti na lang walang mga ganito pagsakay namin sa bus pauwi.. :) nice meeting you kuya...
ReplyDelete@axl 1000 pogi points un! hehehehe
ReplyDelete@rhodey tama ka dyan! medyo mahal nga lang. may option din ng mrt mabilis din ang byahe. pero nakasanayan ko na ang bus lol
ReplyDelete@lord cm dami kasing ganun eh. bad trip! hehehehe
ReplyDelete@bobot samat parekoy! shaw ka lang pala eh. minsan eyeball! hehehe
@kikomaxx tomoh!!!
@mang poldo basahin mo na hehehehe
ReplyDelete@hartlesschiq swerte mo! nice meeting you too :) magkablogroll na ba tayo ?
ReplyDeleteako ay byaheng probinsya nung nandyan ako sa pinas.
ReplyDeletepinagtyatyagaan ko ang haba ng byahe makauwe lang sa bahay. medyo maiksi pa nga to. 2ng oras lang.
nararanasan ko din ang kadamihan ng nakasaad sa entry mo.
bad3p. minsan.
nice one! totoong totoo lahat ng sinabi mo dito! karamihan dyan nararanasan nating mga nag cocomute! naalala ko lang din yung nagtitinda ng tubig,,,
ReplyDeleteumakyat sa bus at biglang sumigaw ng "o mamam kayo dyan! mamam!!" natawa talaga ko kasi kakaibang term para lang bata haha! "mamam"
astig nung sumusweldo ng 5,000 hehe! hirap nun baka ma holdup dahil sa kadaldalan!
hahahaha adik ka parekoy... nakarelate ako..kanina lang galing ako makati for job exam..sa loob ng aircon bus pauwi ng bulacan, may nagpasabog ng lagim..amoy na amoy sa bus...hahahah sakit sa ilong humahagod...kumakapit sa damit...
ReplyDeletesapul na sapul lahat ahhhh!
ReplyDeleteakala ko sa probinsya lang madaming mapagpanggap na nanghihingi ng donasyon sa bus... dyan meron din pala dyan sa syudad?
haha!
ReplyDeletemaraming pagkakataong na natyityempuhan ako nung sa nanghihingi ng donasyon. juskooo wala na nga ako makain, hihingan pa ko :))
@bulakbolero.sg tama ka dyan tsong. lalo na yung ginagamit pa si Lord para lang magkapera
ReplyDelete@Bon hanep sa punchline yung mama ah! hahahahaa.
ReplyDelete@Moks tumatambay din sa ilong ang amoy na yan prehehehe
ReplyDelete@kosa yeah parekoy daming ganyan dito sa city. madalas galing ng alabang haahahaha
ReplyDelete@jec hahaha ako din minsan wala na kong budget hihingin pa nila. hehehe
ReplyDeleteIsa din akong commuter at sobrang relate ako sa mga sinabi mo.
ReplyDeleteIsa din akong commuter at sobrang relate ako sa mga sinabi mo.
ReplyDeletedi pa yata kuya pero naadd na kita
ReplyDelete:)
@sal
ReplyDeleteI enjoy taking the bus kasi I rarely take it.Nakakasakay lng ako ng bus kapag I go out of town and it happens once maybe in 2/3 mos.
ReplyDeletemakulit jan yung zesto gang! ahaha,...
ReplyDeletebro, let me share one funny story about the 'missionary part'... my ex-gf and i were on our way to naga when this happened many years ago... they usually end the bible reading with a prayer, right? so then she asked all of us: 'Ipikit po natin ang ating mga mata at manalangin sa Amang nasa langit...' then with her poker, oh-so-serious face, glanced slightly at the driver and added: 'Pwera po sayo mamang driver at baka po tayo mabangga.'... i think i gave her 20 pesos...
ReplyDeleteNice post bro!
Show Me Your Look Today
sira ka talaga... wahahaha!!! kaaliw!!! more more more!!!
ReplyDelete@lady ah ganun ba. so bihira mo maranasan ang mga nararanasan ko :)
ReplyDelete@lhan ano ung zesto gang? kwento!!! lol
@michael natawa namana ko dun. pati driver pipikit! hehehehe
@pinoyAdvenTurista there will be more! hehehe
buti ka pa mga tagalog movies lang. ako minsan lang sumakay, marathon pa ng final destination ang palabas. byaheng ortigas hanggang edsa kamuning., halos mangilo/mangiwi ako.
ReplyDeletepaborito ko pa lang nilalako yung beans na may harina. san makakabili non bukod sa bus vendors? :(
@jasonhamster grabe nga yang final destination na yan di ko matake. may one time na bumaba ako ng bus at sumakay ng iba kasi nasusuka na ko pero di ko maalis yung mata ko sa tv
ReplyDeleteabsolutely, minsan nga less than 10 times in a year...lol, ung bus for me pang field trip or out of town lng kung di man private car ang gagamitin.. so wala ako maxadong ma story about my trip on a bus..lol..di ko kasi main means of trans
ReplyDeletehaha, ngayon ko lang napansin tong entry na to. favorite ko yung conyo part haha. lagi akong nakakasakay ng mga ganyan...mga hayup
ReplyDelete