Oops! Hindi ito tungkol sa isang governtment agency at kung paano kayo makakakuha ng housing loan. Bagkus, ito ay isang love story. Siguro napapansin nyo na ilan sa aking mga naisulat dito sa damuhan ay pawang mga kwentong pag-ibig. Ewan ko ba, pinanganak siguro ako'ng romantiko. Kung bibigyan nga ako ng pagkakataon na palitan si Papa Jack o si Joe Di Mango ay walang sabi-sabing papayag ako. Ilang beses na din ako'ng nabigo sa pag-ibig pero di ko yun alintana. Naniniwala ako'ng darating din ang tamang babae para sa akin. Maaaring natraffic lang yun dahil bus ang sinakyan na dapat ay eroplano ang ginamit na transportasyon. Anyway, inyong mababasa ay nangyari noon'g panahon na nagsisimula pa lang maging "in" ang internet. Ito ay kathang isip lamang ng inyong lingkod.
Alas-syete ng umaga taon'g 1999. Nagising ako dahil sa excited na itry ang aming internet connection. Hindi pa ako nakakapagsipilyo ng ngipin o naghihilamos ay humarap na kagad ako ko'ng tinungo ang computer sa aming sala at tahimik yong binuksan. Matining na humuni ang aming modem at maya-maya pa'y konektado na ako sa internet. At dahil madalas ko'ng marinig sa aking mga kaklase ang tinatawag na "chat" agad ko'ng inopen ang MIRC, gumawa ng nickname at kumonek sa DALNET server. Pinasok ko ang isang chatroom na "#Alabang" at nagbasa ng mga usapan ng ilang mga chatters.
"Hi! ASL pls?" ang private message sa akin ng isang chatter na may alias na "ncarter"
"ha?" ang aking naitype. Bago pa siya makapagreply ay naiintindihan ko na ang ibig nyang sabihin: ASL = AGE/SEX/location.
"16 F Alabang. you po?"
"21 M Las PiƱas" ang kanyang mabilis na tugon.
"I see."
"Lapit lang pala natin eh. Musta po?" ang kanyang sagot.
"Ok lang po. Studying?" ang reply ko sa kanya.
"Nope. Working na po. Crew po ako sa Jollibee"
"Ah ok po."
Hindi na namin namalayan na 2 oras na kaming nagchachat. At sa bawat salitang kanyang sinesend ay tila nakikilala ko ang kanyang personalidad. Mapagbiro siya pero may sense. Mukhang matalino. Hindi ko maiwasan ang humanga sa isang tao'ng tanging sa isang chatroom ko lamang nakakausap.
Naging madalas ang aming pagchachat. Madalas pagkatapos ng aking klase, hindi pa ko naghahapunan ay mag-oonline na ko para abangan ang kanyang pagdating sa chatroom. Natutunan ko kung paano iexpress ang aking reaction sa pamamagitan ng mga chat abbreviations. Kapag natatawa ako sa mga jokes nya, tatype ko lang ang LOL (laughing out loud) at kung sobrang tawa nama'y ROTFL (rolling of the floor laughing). Kapag kailangan ko'ng umalis sa tapat ng computer, sasabihin ko lang sa kanyang BRB (be right back) o kaya nama'y BBL (be back later). Natuto din akong gumawa ng mga "smiley". Pag gusto ko'ng ngumiti, :-) at pag galit naman ako >:( o kung malungkot :-(
Hindi nagtagal ay nagyaya na siyang makipageyeball sa akin na agad ko namang sinangayunan. Excited ako dahil sa first time ko siyang makikita ng personal. Pero sa kabilang banda'y napapaisip ako kung paano kung pangit pala siya. Pero nanaig pa rin ang aking kagustuhang siya'y makita.
Gwapo, matangkad at maputi. Yan ang aking napansin matapos nyang abutin ang aking kamay at makipagkilala. Nakasuot sya ng black na polo at maong na pantalon. Maging ang kanyang mga ngipin ay napakalinis at pantay-pantay. Sobrang bango din niyan'g parang naligo sa pabango. Perpekto na sana ang aming eyeball ngunit mayroon siyang kasama. Tama. Ang kanyang girlfriend. Alam din pala nito ang lahat ng mga napagusapan namin sa chat. Natutuwa pa nga daw ito dahil nagkaroon ng lakas ng loob si ncarter na makipagkaibigan. Naging masaya naman ang aming pag-uusap sa kabila noon. Ngunit sa kabila ng aking mga ngiti, sumasakit ang aking puso. Siguro'y dahil nagassume lang ako na ganun din ang kanyang nararamdaman para sa akin. Hindi pala. He said that I'm like his younger sister. Kapatid pala ang turing niya sa akin.
Dalawang linggo matapos naming magkita, hindi na siya madalas mag-online. Gabi-gabi ko'ng inaabangan ang kanyang pagpasok sa chatroom para muling makipagkwentuhan, makipagpalitan ng mga smileys at makipagkulitan. Gusto ko'ng sabihin at iparamdam sa kanya sa pamamagitan ng mga electronic emotions na hindi nagbago ang aking nararamdaman. Na wala ako'ng pagtatampo o selos. Na tanggap ko'ng para ko siyang kuya at ako'y kanyang bunsong kapatid. Gusto ko'ng sabihin yun sa kanya. Pero ang tanong, kailan kaya siya magoonline muli?

ang nagagawa nga naman ng internet noh? kahit pa sabihin mong kathang isip mo lang yan.. im sure may mga ganyang pangyayari talaga.. with the internet, anything is possible..
ReplyDeletewe'll never know... hehehe
hmmm talaga bang kathang isip lang toh? :))
naalala ko dintuloy ang Freetel haha. naging suki din ako nyang MIRC, #manila hehhe
ReplyDeleteang simple ng chat mode nuon! ngayon ibang iba na..
mrami tlgang nangyayari tru internet.. hindi mo msasabi ang susunod na mangyayari.. pero malay natin.. hahaha
ReplyDeleteweee... chong my gift ako sa iyo sa blog ko.. punta ka dun...
ReplyDelete@yanah oo naman kathang isip lang yan. hehehehe. babae nga ang bida eh.lol
ReplyDelete@bon tama ka simple lang dati eh. ngayon sobrang oa na. hahaha may ym skype at gtalk na
ReplyDelete@athena tama ka dyan :D
ReplyDelete@kiko sure. puntahan ko na hehehe
ReplyDeleteawww sayang naman yung love story nya. :(
ReplyDeletehahahahha di kaya ako yun?! minsan active ako online minsan naman gudlak kung makakapagonline pa ako... hehehehhehe
ReplyDeleteakala ko nung sinabing working na poh sa jollibee e nag kthanksbye ka na kagad----akala ko ba choosy ka?lol
ReplyDeletedati ayaw ko maniwala na possible ang online dating na nauuwi sa seryosohan and eventually marriage---I was too probinsyano thinking that time---now I am a believer.....
whaha yun eh.. parang true to life story lang oh.. heheh :D
ReplyDelete@axl true to life ka dyan. babae ang bida ko. hahaha
ReplyDelete@pusangkalye oo naman may nagkakatuluyan talaga mula sa dating online.
@xprosaic baka nga pre :D
ang mirc bow. nung hs ako di ko na experience kasi di ako marunong. nagsimula ako sa online na yan eh yung sa tv yung ang sscroll na chat. adik lang.
ReplyDeletenakakalungkot naman kwento mo bino. yun nga lang sa likod ng internet eh ibang iba ang mga nangyayare. kaya pag nagkita na ng personal, maraming expectations hehe
parang nangyari sa totoong buhay to par ah...
ReplyDeleteMarami nga tagalang nangyayari sa internet, may sinuwerte sa pagibig, may minalas at nabiktima...
Ako, walng kahilighilig, lalo na yung chat chat tapos EB o SEB...hehehe
Naexperience kong makipagEYEBALL ng isang beses.. ayun sinumpa ko na hindi na ule ako magchachat.. bwahaha..
ReplyDeletenagstart lang ule nung nagwork na ako abroad. You know malaking bagay talaga ang chat para makipagcommunicate sa pamilyang naiwan sa pinas.
hirap heheh. kaya dapat sa chat di ka umaasa. laro lang sa chat kumbaga. ^^
ReplyDelete@moks sabi nga din ng iba parang tunay na nangyayari to. hehehe. ako din walang hilig dyan lalo na sa seb. lol
ReplyDelete@jasonhamster lungkot ba? hehehe syempre di lahat happy ending
@lhanlhan meron namang nagkakatuluyan sa chat :D
@poldo kung makasumpa naman to oh! lol. tama malaking tulong ang chat lalo na sa mga nasa abroad :D
wahhhhhhhhhhh! naalala ko tuloy ang panahon ng MIRC... inuumaga din ako sa kaka-chat... adik lang... wahahaha!!! naging moderator pa nga ako ng isang channel eh... hahhaha!
ReplyDeletebuti na lang at hindi ako pala-chat na tao, mabilis pa naman akong mag-assume. assumingera ako eh :))
ReplyDeleteHmmmm, I do it too and I find it really fun and interesting, but one thing I learned about cyber stuff, the chat and the like, you do not invest on anything except for the internet fee. You do not fall, do not get attached. Yun lang. It helps in times like this! :]
ReplyDelete@Pinoy AdvenTurista ako din dati moderator din ako ng #ilocos hehehe
ReplyDelete@Jec hahaha natawa naman ako :D
@Iprovoked well there are people naman na nagkatuluyan at nagsimula sa chat :D
aha! taga-assumption college pla yun... ahahaha... pero si lalaki paasa din tawag dun...
ReplyDeletemarami akong kakilala na kuya kuya pa ang tawagan sa umpisa...mmya malalaman mo sila na pla...
..pero natutuwa din ako sa isang banda na hindi na nya nakaka-chat si kuya...ibig sabihin nun, wala yun interest sa knya...
ang tao kung gusto nyang maging parte ng buhay mo, gagawa yan ng paraan para maging part nito...
kung totoo man yang kathang isip na yan eh sana hindi nalang maging totoo o maranasan ng ibang chatters. Madaling umibig, magtiwala, at mahulog sa pamamagitan ng chat o kahit anong means ng communication. Mauuwi lang sa depression ang magi2ng sitwasyon kung ganyang ang mararanasan nila.
ReplyDeleteSiguro maging maingat nalang tayo sa mga sitwasyon na ating papasukin. Godbless!
awww...may friend akong ganyan naging situation... =\ maganda toh bino! :)
ReplyDeletenaku mukhang nakarelate ako sa kwentong ito.. hahahaa.. ganun talaga.. hehehe...
ReplyDelete@zeb madami din ako'ng kakilala na nagkatuluyan sa chat. :)
ReplyDelete@traveliztera thank you :D
@Xander c hahaha naaddict ka rin sa chat parekoy? hehehe
naalala ko ang mga panahong naadik din ako sa mirc.. yung ate nagkaroon nga ng boyfriend sa mirc e.. silang mga mods sa isang channel tas ayun nag EB at nagkadevelopan... lol
ReplyDeleteshet! mirc days...isa din akong adik sa chat nun...
ReplyDeletenaging moderator ng ilang channels at founder pa when i created my own channel...
pag-ibig? meron din...pero na-convince ko yung sarili ko dati na hindi pang matagalan yun lalo na pag sa mirc lang nagkakilala...
years later, i proved myself wrong...ako ay nagpakasal sa isang lalaking una ko din nakilala sa mirc...dun sa #marikina channel :)
heheheheheeeeeeee sad naman ng love storyng gnawa moooooooooo
ReplyDeletei like it.. ito nga ang karamihang nangyayari sa panahonn ngayong..:-)
ReplyDelete