
Araw-araw, gumigising ako nang walan'g katabi sa kama kundi ang aking mga kumot at unan. Ilang taon na rin ang nakalipas nang matapos ang pag-iibigan nang aking minamahal dahil sa hindi pagkakaunawaan. "It's not you it's me" at "I think I need space" ang drama naming magkasintahan noon na naging dahilan para kami'y maghiwalay ng landas. Dahil sa hindi naman kami kasal, naging madali para sa kanya ang makahanap ng bagong mamahalin. At ako'y naiwan sa dilim.
Noon yon!!! Drama lang? Hahahaha. Sa totoo lang, taliwas sa mga nagsasabing malungkot maging single at ayaw nilang maging miyembro ng SMP (samahan ng malalamig ang pasko), meron din namang mga dahilan kung bakit masarap ang buhay-single. Ang ganitong buhay ay punung-puno ng tinatawag na "liberties that you could not imagine". At narito ilan sa mga yon:
1. Pwede kang makipag-flirt o lumandi - lalake ka man o babae, hindi mo kailangang maguilty kapag mayroon'g nakakapansin sa yo at nagaayang sumayaw o uminom. Wala kang aalalahanin na baka may magselos o magalit dahil single ka nga.
2. Sayon'g sayo lang ang Pera mo - kung gusto mo'ng ubusin ang isang buwang sweldo mo sa isang get-away sa Bora o Palawan at kung wala namang umaasa sa yo, ayos lang! Wala ka ring dapat bilhan ng regalo tuwing monthsary o anniversary. Para sa mga lalake, walang magbubunganga sayo para sabihing inubos mo na naman ang pera mo sa ps3. At sa mga babae naman, walang magsesermon sa yo kung bago ang blouse mo, bag at sapatos.
3. Payapa kang makakatulog sa gabi - dahil wala kang katabi, mas madali kang makakatulog. Wala ka ring maririnig na naghihilik, wala kang kaagaw sa kumot at walang malikot na katabi.
4. Wala ka ring kaagaw sa Remote - kung ang araw ng Linggo ay ang araw mo para manood ng basketball o ang gabi-gabi mo ay manood ng mga dvds, malaya mo iton'g magagawa. Hindi ka na mag-aalala na baka may maglipat ng tv station para manood ng mga teleserye.
5. Wala ka'ng kaagaw sa Computer - kahit magdamag ka pa'ng magfacebook at maglaro ng farmville, mafia wars o cafe world, o kaya nama'y magdownload ng mga games o magstream ng porn sites, Walang makahahadlang sa iyo.
6. Pwede kang makipagkita sa mga kaibigan o barkada mo anumang oras - syempre kapag may pamilya ka na, mas prayoridad mo sila kesa sa barkada. Pero kung single ka, mas may advantage ka ika nga. So kung ang tropa ay biglang nagyayang uminom sa last minute o kung ang mga babae'y nagyayang magparty-party, mas madali kang makakajoin nang hindi nag-aalala sa schedule ng ibang tao.
7. Pwede mo'ng iwan ang iyong pinaghubaran kung saan mo gusto. - Walang magbubunganga o magsesermon sa yo na pulutin yon. Hindi mo rin kailangang pumulot ng mga hinubad na underwear na hindi naman sayo.
8. Walang sisira ng mood mo - unless gusto mo'ng sirain mag-isa. Walang babasag ng trip mo kung gusto mo'ng kumain ng champorado na may nilagang itlog o ice cream na may tomato ketchup. Trip mo yan eh!
9. Isang set lang ng kamag-anak ang pakikisamahan mo - at iyon ay ang sarili mo'ng pamilya. Bagamat masaya ang merong extended family, minsan sakit din ito ng ulo. Kung ikaw ang tao'ng mas gusto ang tahimik na pagcecelebrate ng holidays, mas magagawa mo ito kung single ka.
10. Mas makakalabas ka sa iyong comfort zone - at maaring makadiscover ng mga bagong aktibidades na dapat pala'y ginawa mo na noon.
At iyan ay ilan lamang sa mga dahilan kung bakit masarap maging single. Kung meron mang disadvantages ang walang kapartner, ibang usapan na yon. At tulad ng aking madalas sabihin, ito ay katuwaan lamang at walang pinatatamaang sinuman.
Hanggang sa muli.
natawa ako ng madami dun sa number 1. hindi ka man lang nagpatumpik-tumpik eh noh? tlgang ung ang numero uno sa listahan mo.. hahahaha
ReplyDeletethis actually the third post ive read since yesterday that talks about the advantages of being single.
anu meron at napapanahon ito? hahahahaha
morningness insan!
Ewan ko nga ba!hehehe. bigla na lang sumagi sa isip ko yan eh. heheheheh. Morning insan :)
ReplyDeletewalang pakundangan sa number1 haha!
ReplyDeletebaka pedeng ang post na to ang maging LISTAHAN ng mga single at malay natin sa pasko hindi na sila single! haha sige sisimulan ko!
1. bon - SINGLE ako! yahuu abelabol beri mats!
As I've posted at my blog, being single is not a problem to be solved nor an issue to be fixed ;)
ReplyDeleteHopping here from FB :)
Pwede pa rin naman makipag flirt kahit married ah LOL..but depende na yun sa tao hehe, nagfocus daw ako sa #1 mo..pak!
ReplyDelete3. Payapa kang makakatulog sa gabi - dahil wala kang katabi, mas madali kang makakatulog. Wala ka ring maririnig na naghihilik, wala kang kaagaw sa kumot at walang malikot na katabi.
ReplyDeletenatawa ako, mahirap tlga cgurong tumabi sa humihilik. restless magdamag. hahaha!
1. Pwede kang makipag-flirt o lumandi - lalake ka man o babae, hindi mo kailangang maguilty kapag mayroon'g nakakapansin sa yo at nagaayang sumayaw o uminom. Wala kang aalalahanin na baka may magselos o magalit dahil single ka nga. <<< i agree on this.. walang magagalit at magsesermon hehe..
ReplyDeletehahaha.
ReplyDeletepammmmmmpalubag loob ba ito sir?
hahaha..jokes.
pwede!
isunod naman ang posibong pananaw sa pagiging TAKEN..lols
ahahaha. oo nga naman. pwede pa rin kahit di single. pero kunsensya mo n yun syempe. hehe. buti na lang di naghihilik GF ko. ahaha. si bino talga yan ang unang naisip! ahaha.ayos to pre.
ReplyDelete@bon yung kasi una ko'ng naisip hehehe. OO single ako. wahahahaha
ReplyDelete@nortehanon that is so true! thanks for hopping.
@bhing naranasan ko kasi malakas pang maghilig sa kin yung babae hehehe
@AXL tumpak na tumpak! Wahahaha
ReplyDelete@kosa hoy! di yan pampalubag loob! kaw na may Sunshine! hehehehe
@lhan syempre naman! yun talaga unang pumasok sa isip ko. hehehe
@AXL tumpak na tumpak! Wahahaha
ReplyDelete@kosa hoy! di yan pampalubag loob! kaw na may Sunshine! hehehehe
@lhan syempre naman! yun talaga unang pumasok sa isip ko. hehehe
wahihi yay hehehe di aku single :))
ReplyDeletekahit pagbalik-baliktarin man ang mundo, mas masarap ap rin ang may katabi sa pagtulog at may kaagaw sa kumot... wahahaha!!!
ReplyDeletesabi nga ng favorite kong motto "i am single but my heart is taken." lol
ReplyDeletewlang ka share sa pera natawa ako! ahaaha..
ReplyDeletehmmm kht na masarap p dn ang my kaagaw ng laht ng cnb u :))
pero ako hnd single pero wla p dng katabi sa kama! nyahahah
tnx bino sa pag visit sa blog ko :)
mwah!
yung number 1 talaga...yun yung pinaka maganda dyan...
ReplyDeleteummm...ahhhh..emmmm..panu ba ako makakapagkoment..na-eenjoy ko kasi ang hindi pagiging single.... although single ako sa ngayon pero technically pag-uwi ng grasya ko hindi na... ahahaha... :D
ReplyDeleteMasaya naman talaga maging single pero syempre kanya kanya lang yan... Pero 80% masaya pa rin ako about being single... yung 20% yun lang ang di ko makuha sa friends...lol
ReplyDeleteDi ako makarelate. MArried here! Hahahaha enjoy mo lang yan tol ang pagiging single, kasi once na magasawa ka mamimiss mo naman ang ganyan...namiss ko gawin yung nasa no.1 mo. Hehehe
ReplyDeleteMAlaking TAMA... ikaw na gawin kong master sa pagkasingle.. wahehee.. kala ko kailangan talaga ng partner.. wahehehe
ReplyDeleteWV: BACKS
masarap maging single..... pero di ko sinabing masaya nyahahahah gets???
ReplyDeletewhen you are single... all you see are happy couples.
ReplyDeletewhen you are in a relationship all you see is happy singles.... :D
hmmm, maganda pala tumambay dito sa damuhan, pwedeng magpagulong-gulong. Napadaan lang.
ReplyDelete@zyra weh! hehehehe joke lang :D
ReplyDelete@pinoyadventurista hindi rin! hahahaha
@choknat tomoh!!!! :D
@kayedee hehehe no problem. bisita uli ako :D
ReplyDelete@ronster hehehe tama ka dyan :D
@supergulaman malapit mo na syang makatabi parekoy :D
@moks kaya nga ineenjoy ko muna hehehehe
ReplyDelete@kiko master ka dyan! lol
@zeb ewan ko sa yo! hahahaha
Madalas mas masarap talaga maging single. Ang kulit nung number 1 mo, walang alinlangan. pero sa 'kin ang pinakagusto kong part ng pagiging single eh yung walang gastos, di ko kelangan mag-load, di ko kelangan mamroblema ng pangdi-date, di ko kelangan mag-isip ng isusuot, wala akong obligasyon. haha!
ReplyDelete@jec tama ka dyan. paborito ko rin yan maliban sa number 1. lol
ReplyDeletetama, masaya maging single. kahit NBSB pa. hahahaha
ReplyDeleteyou've got a point pero..di natin madedeny na miyembro ka ng SMP-Samahan ng Malalamig ang Pasko ...lol
ReplyDeletegusto ko yung number 1. hahahaha. tumpak na tumpak. =p
ReplyDelete