November 13, 2010

Starbucks Customers (Iba't Ibang Uri)



Starbucks. Isang sikat na coffee store na parang kabuten'g nagsulputan sa ating bansa. Makikita sa halos lahat ng mga malls gaya ng Mall of Asia at Festival Supermall. May mga pwesto din sila sa mga gasoline stations katulad ng Shell at Petron (correct me if i'm wrong). Kakompetensiya ng Seattle's Best, Gloria Jeans at Coffee Authority. May iba't ibang uri dito ng kape. Espresso, Latte' at pwede ding icustomize. Mayroon din namang mga fruit shakes gaya ng Mango Passion Fruit. Kakaiba rin ang ambiance dito dahil sa tugtuging may pagka-classic ang dating. (Trivia: Starbucks 6750 ang pinakunang Starbucks sa Pilipinas).




Hindi gaya ng dati na madalang ang aking punta dito, Medyo napapadalas ako ngayon'g magstarbucks at walang pakialam kahit na lagpas isandaan ang presyo ng bawat kape dun matikman ko lang ang aking paboritong COFFEE JELLY. Lalo na ngayon'g naglabas na sila ng 2011 planner. Gagawin ko ang lahat makakuha lang nun! Halos gabi-gabi, bago pumasok sa opisina, dadaan ako sa branch sa baba lang ng aming gusali para bumili ng paborito ko'ng kape at magpatatak ng sticker. (You need 17 stickers to claim a limited edition Starbucks Planner. 9 Holiday Featured Beverages and 8 Core Beverages. Bayaran kaya nila ko sa advertising?).

At sa madalas ko'ng pagtambay sa pambansang kapehan ng bayan, aking napagtanto ang iba't ibang estado ng mga suki ng Kapehang ito (Paunawa: ito ay sariling opinyon ng may akda at walang pinapatamaang tao):

1. Gods and Goddesses - mga matataas na tao sa lipunan. Madalas ay ginagawang sariling opisina ang starbucks. Mayaman. Mga dekotse. Kadalasa'y business meeting ang sanhi ng kanilang pagbisita. Kadalasa'y meron mga bodyguards at alalay. May tagapayong , tagapaypay at taga order. Kilala ng lahat ng barista.

2.. Wi-Fiers - mga tao na kaya nagpupunta sa starbucks ay para makagamit ng wifi. Bagamat may bayad ang access dito, di nila yun alintana. Ang importante'y magawa nilang madownload ang latest single ni Justin Bieber, maupdate ang kanilang antivirus software, at makapaglogin sa facebook at iupdate ang kanilang status.

3. Social Climbers - pilit nagpopormang mayaman. Bibili ng isang Grande, kukuha ng maraming tissue bilang souvenir at pupuwesto sa may tabi na kung saan ay umaasang makikita siya ng kanyang mga kakilala habang umiinom ng very expensive coffee. Kadalasa'y pinapatagal nito ang paginom sa kape para masulit ang kanyang ibinayad.

4. Kaberks - grupo ng mga estudyante, barangay basketball players, skateboarders at mga jejemons na sabay sabay papasok sa Starbucks. Hahanap ng magandang puwesto at magdadaldalan, mag-aasaran at magkakantiyawan. Tropang tropa ang dating. Ang catch, isa lang ang oorder sa kanila at hati-hati na silang lahat.

5. Showbiz Starlets - mga artistang nagsisimula pa lang sa kanilang mga karera pero feeling sikat na. Ayaw magpapicture sa MANGILAN-NGILANG nakakakilala sa kanila. Hindi pa sikat, ma-ere na! Ang nakakatawa, mineral water lang naman ang inoorder sa starbucks.

6. Cosplayers - naruto, bleach, kenshin himura etc. Name it, you got it! halos lahat yata ng anime na pwedeng icosplay ay nagawa na nila. Sila ang agaw atensyon kapag pumasok sa Starbucks dahil sa kanilang mga costumes. Mas pinagkakaguluhan pa kesa sa number.

7. Call Center Peepz - ang mga tao'ng kailangan lagi ng kape para magising at aktibo sa trabaho. Nabrand na sila bilang mga young urban professionals na pagkalalaki ng sweldo. Sa Starbucks branch na malapit sa aking pinagtatrabahuhan, pinakamarami ang taga Sykes na tumatambay doon. Alam na alam mo na sa call center sila nagtatrabaho dahil sa kanilang porma: madalas may jacket o kumot dahil sa parang freezer ang lamig ng kanilang opisina.

Gaya ng dati, ang mga nabanggit ay base lamang sa aking mga nasaksihan sa ilang branches na madalas ko'ng tambayan. Sabi nga ni Kara David na nagpaparinig sa isang news program, "Bato - bato sa langit, ang tamaan wag magagalit".


Hanggang sa Muli. Ito po si Bino. Kape muna tayo!




31 ang nakaappreciate:

  1. More on sa CC peepz ako hahaha, naalala ko lang... pero minsansa Kaberks lols.

    ReplyDelete
  2. Buti na lang at walang starbucks dito...lol... Ahahahahahha mas fanatic ako ng coffeebean ewan mas gusto ko ang lasa saka mas fine ang ice... hehehhehehe

    ReplyDelete
  3. Hihihi kahit kelan di pa ako nakakainom o tumambay sa Sterbecks.... purito kasi me! hanggang nescafe 3in1 lang ang kaya ko LOLs...

    ReplyDelete
  4. malapit ko nang mapuno ung sakin sampu nalang LOL...

    Saang branch ng starbucks ka napapadpad?! Pupunta ko dun makikihingi ako ng sticker. :-D

    ReplyDelete
  5. bayad ba tong poste mo ngayon pre? lolzz

    isang beses pa lang ako nakapunta ng starbucks, nung huling bakasyon ko lang :D

    ReplyDelete
  6. 17 para sa isang planner---parang hindi deal yan sakin. OA masyado....for me . kasi ako. ang mga planner ko--kung maganda---diko sinusulatan. realize nalang na next year iba na dates. la na silbi. hahaha

    ReplyDelete
  7. buti na lang libre ang kape sa opisina... at sobrang mahal ng kape sa starbucks.. lol

    ReplyDelete
  8. hehehe. oo nga naman..yung mga artista kala mo kung sino. haha mineral lng ang order!

    ReplyDelete
  9. weee... waa akong pera.. pwede bang magdala nalang ako ng instant cafe at mag-order lang ng mainit na tubig.. wahehehe... ako na talaga ang jologs...

    ReplyDelete
  10. aaminin ko...wala akong hilig tumambay sa Starbucks...kasi ayokong matulad sa mga social climber na nagpupumilit tumambay sa Starbucks, para masabing sosyal ka...hahaha
    Pero guilty ako sa wifier...isa ako dun...

    ReplyDelete
  11. hahaha ako din laging wifi ang habol. buti na lang sa tabi ng starbucks na mcdo may free wifi na dito :D

    ReplyDelete
  12. @kiko yung 3 in 1? pwede! :D

    ReplyDelete
  13. @tsiremo ako din sa call center eh hehehe

    @xprosaic once ko lang natry ang coffee bean eh. pero mas gusto ko ang starbucks lol

    @poldo di din ako mayaman parekoy hehehehe

    ReplyDelete
  14. @jepoy sa starbucks sa shaw at alabang sa atc at festival mall. naks! ako dami pa kailangang punuin. :D


    @lordcm la ba dyang starbucks?

    @pusangkalye kaya nga ang technique ko eh yung mga walang booklet na gusto magstarbucks sinasabay ko para sa akin ang sticker heheheh


    @juiceko tama ka dyan :D

    @lhan ung mga di pa sikat kala mo kung sino na hahahahah

    ReplyDelete
  15. inde ko alam kung saan ako jan... ahahaha.. hindi nmn ako ganu pumapasok sa mahal na kapihan...ok na ako sa kapeng timpla ng nanay ko,nescafe...pagmulat pa lng ng mata ko ready na yan..higop n lng ang kulang... ^_^

    ReplyDelete
  16. hahahaa.. masasabi kung nabilang ako sa number 7 (dati) kasi nasa call center agent ako dati.. pero since nabigyan ng pagkakataon na ma promote sa trabaho.. nasa number 1 na ako.. nyahahahahahaha... biro lang.. hahahhaaastig nito...

    ReplyDelete
  17. buti nalang hindi ako nagkakape. Tumatambay lang ako sa Starbucks with friends na mahilig sa kape, tapos ako magyoyosi lang or bibili ng soya milk. Hindi ko gusto ang cold coffee. apir.

    ReplyDelete
  18. Ako, di pa nakakainom ng kape sa sterbeks.. hehehe.. poor lang me, di ko kaya. LOL... Di, wala yatang starbucks dito sa Iloilo. Im not sure.. Kung meron man, di ko pa napuntahan. At isa pa, di rin ako mahilig magkape sa labas.. sa bahay lang ako, laging 3 in 1. =)

    Dumaan dito, Bino.

    ReplyDelete
  19. dito sa pinas siguro mga thrice pa lang akong nagstarbucks.. sorry naman hahahaha pero nung nasa dubey ako.. ahhihihi araw-araw.. :D

    natawa ako sa mga social climbers at description mo nito.. kase may kilala akong ganyan na ganyan.. premises hahahaha

    ReplyDelete
  20. isang kasyangan sa pera. tsktsk.haha andame naghihirap dyan sa labas oh.hehe

    ReplyDelete
  21. @drei kasayangan yan sa mga tao'ng ibibili na lang nga pagkain sa araw araw eh ipangkakape pa. pero kung sufficient ang income, walang kaso. lol

    @yanah ako rin may kilalang sc hehehehe

    @leah di ko din sure kung may starbucks sa iloilo. hehhehe

    @isaac ako naman pag may nagstatarbucks, sinasabay ko yung sticker para di ko na kailangang bumili hehehe

    @xander ako din sa call center pero heheheh di ko na sasabihin

    @supergulaman wala pa ring tatalo sa kape ng ina. lol

    ReplyDelete
  22. I don't want to be a statistic LOL

    ReplyDelete
  23. Bino--ilo-ilo? game!!! kelan? i have already tried caving in sagada. check this post.

    http://www.pusangkalye.net/search/label/sagada

    My favorite travel so far. Sagada talaga.

    ReplyDelete
  24. whaha namiss ko na magSb...
    namiss ko din yung magcollect ng mga limited xmas planner ng SB...

    Gods and Goddesses << whaha tama....
    Wi-Fiers << medio mahal nga ang wifi sa Sb...
    Social Climbers << whaha may kilala ako gumawa nito :P
    Kaberks << wala akong idea dito..
    Showbiz Starlets << ang damo kong kilala sa part na to..
    Cosplayers << di ko pa naman naexperience ung bagay na to..
    Call Center Peepz << alam na hehe :D

    ReplyDelete
  25. I beg to disagree that Starbucks is "pambansang kapehan ng bayan"...

    dahil...
    1. hindi naman ito abat-kaya ng lahat...
    2. hindi sa bawat sulok ng Pilipinas ito makikita...
    3. higit sa lahat, ito'y nagmula sa isang dayuhang bayan at hindi kailanman masasabing PINOY...

    salamat po...

    ReplyDelete
  26. mahilig ako sa kape. umi-starbucks lang ako pag libre ng kaibigan ko o kaya may meeting chorva. pero kung mag-isa, hindi. dahil makunat akong tao at palagay ko, mas masarap ang kape pag nanay ko ang may timpla. ganun talaga :))

    ReplyDelete
  27. @axl naks inisa isa mo ah
    @kumagcow lol
    @pinoy u have a very good point. Tama ka nga :)
    @jec tama!

    ReplyDelete
  28. HAHAHAHAHAHAHA! ayos tong entry na to Kuya Bino. :)

    pwede ba kita tawaging Kuya? lols.

    Isang beses pa lang ako nakatikim ng inumin sa Starbucks. At libre lang yun ng kaklase ko noong HS na aksidenteng nakita ko sa Megamall. Hindi ko keri ang mahal ng kape e, hindi bagay sa katulad kong walang pera. HAHA.

    --- salamat nga po pala sa pagbati. :D

    ReplyDelete
  29. May SB na sa kabubukas na SM Calamba hahaha!

    ReplyDelete
  30. @goyo no problem! Hehehe
    @jag ah oo nga pala bukas na sm dyan hehe

    ReplyDelete
  31. self confess a coffee addict here..
    Kahit an0ng klase pa ng coffee shop yan, mas lalong masarap ang kape pag may kasamang quality talk.

    ReplyDelete

Sisikapin ko'ng replyan ang mga komento ninyo.
Kung may sasabihin ka'ng di maganda, huwag ka'ng mag-ANONYMOUS