December 30, 2010

Kalaro : Ang Muling Pagdalaw



Oi Kamusta? Tagal mo yatang hindi nagpakita ah. Unti-unti na ko'ng nagtatampo sa yo. Kala ko nakalimutan na ko ng kaisa-isang nilalang na nakakaintindi sa akin. Mabuti na lang at bumalik ka. Mas magiging masaya na naman ako. Nakakahiya mang sabihin pero sasabihin ko na rin. Namiss kita! Sobra!

Natatandaan mo pa ba yung huling araw na makipaglaro ka sakin? Yung huli nating basketball, yung huli nating RAN, at yung huli nating chess. Oo. Tama ka. Iyon ang araw na natanggap ako sa trabaho sa isang call center. Di ba nga sinamahan mo pa ko sa pag-aapply doon? Kinocoach mo pa nga ako sa pagsagot ng mga tanong ng manager eh. Pero siyempre pasimple lang ako na nakikinig sa yo habang nakatingin ako ng diretsyo sa interviewer. Baka mahalata nya kasi na may iba ako'ng kausap.


Sa ngayon nga pala, napromote na ko! Hindi na ko agent eh. QA na ko pero sa ibang kumpanya na. Lahat ng mga tips na tinuro mo sa kin, ginawa ko. Buti na lang sinwerte! Ikaw kasi eh, dalawang taon kang hindi man lang nagparamdam. Inakala ko tuloy na tuluyan mo na ko'ng iniwan. Dalawang pasko tayong hindi nagkasama sa noche buena. Bale tatlo pala kasama yung ngayong taon. Yung mga regalo ko para sa yo, hayun at nakabalot pa rin hanggang ngayon. Hindi ko hinayaang may ibang humawak nun. Hindi mo rin sinipot ang mga aktibidades ko. Kailangan pa ba kitang imbitahin eh alam mo naman na para na kitang kapatid. Ano ba kasing nangyari sa yo?

Ano kamo? Kasama pa rin kita lagi? Eh ganun naman pala, bakit hindi kita makita dati? Ah ganun ba? Kunsabagay, naging busy nga ako nitong mga nakaraan araw. Sorry ha. Ako pala ang nagkulang. . Ni hindi na pala kita nabigyan ng pansin. Ikaw pala dapat ang nagtatampo at hindi ako. Pero hindi naman ibig sabihin nun eh kinalimutan na kita. Ikaw pa! Ikaw ang best friend ko diba? Ganunpaman, humihingi ako sa yo ng paumanhin. Sorry ha. Promise hindi na kita babalewalain.

So ano? Laro na ulit tayo? Hahaha. Iniisip mo pa rin ba ang sasabihin ng iba tungkol sa kin? Na kinakausap ko naman ang hangin? Na nababaliw na naman ako? Wag mo silang intindihin! Inggit lang sila! Wala kasi silang kalaro na tulad mo. Ano kamo? Magpapakita ka na sa kanila? Huwag na! Baka agawin ka pa nila sakin eh ako pa mawawalan nyan. Gusto ko ako lang at ikaw ang magkalaro. Promise yan ha? Tara na! Laro na tayo'ng muli.


Unang bersyon ng KALARO




15 ang nakaappreciate:

  1. ang ganda ng storyline... parang may naiisip akong i dagdag sa next chapter heheheh :D

    ReplyDelete
  2. ^^ anu kaya to.. napapaisip ako.. ^^

    ReplyDelete
  3. wow chong my imaginary friend ka.. hahaha...

    ReplyDelete
  4. congrats at QA ka na.. clap clap!!!

    ReplyDelete
  5. hindi na kita icocongratulate nagawa ko na yan eh hahaaha

    hmmmmm nabasa ko ang una neto.. kaya alam ko na kung anung irereak ko.. tulad ng sabi dati ni SuperG.. ipakilala mo samen.. para joint forces tayo sa kung anung trip ng kalaro mo.. ;))

    happy new year insan!

    ReplyDelete
  6. kuya orbon, marami din ako imaginary firends dati..

    may monsters, may heroes at iba pa.

    pero essential yon kasi ano... basta. wahahaha

    may sarili akong mundo.

    mahilig sa rpg games online games
    at kung ano ano pang fantasy games sa computer.

    ay anyare?

    ReplyDelete
  7. axl - wala nang dagdag yan hehehehe

    ReplyDelete
  8. tsina- pwede din na alter ego ko. hehehe

    ReplyDelete
  9. kiko - oo meron talaga. kaso mahiyain hehehehe

    ReplyDelete
  10. Xander - salamat :)

    Yanah - happy new year din insan! see you next week :D

    ReplyDelete
  11. jason - astig naman yang mga friends mo hohoho!

    ReplyDelete
  12. Anu ito? Anu ito? Imaginary friend? May nakikita kang hindi namin nakikita? Iba na yan Sir ah? Haha. Joke lang. Makagawa nga din ng ganto, gelpren na lang siguro. Madami na ako best friend eh. Haha. Desperate? Joke lang.

    ReplyDelete
  13. Yow - hahaha maaaring kathang isip lang yan pero maaari ring totoo. :D

    ReplyDelete

Sisikapin ko'ng replyan ang mga komento ninyo.
Kung may sasabihin ka'ng di maganda, huwag ka'ng mag-ANONYMOUS