
Ang unang yugto ay mababasa dito.
Ang ikalawang yugto ay mababasa dito.
Ang ikatlong yugto ay mababasa dito.
Si Eric. Ang tao'ng tumulong kay Tope at tumuring sa kanya na isang kaibigan, kapatid at kapamilya ay natagpuan nilang nakahandusay sa sahig sa loob mismo ng sarili nitong pamamahay. Naliligo sa sarili nitong dugo at tila wala nang buhay.
Yakap-yakap ni Violy ang asawa. Di nito alintana ang dugo na siyang dumidikit sa kanyang mukha habang kanyang niyayapos at sinisigaw ang pangalan nito.
"Eric! Gumising ka! Wag mo ko'ng iwan! Eric gising... gising!" tawag nito sa asawa.
Sa di kalayua'y tila binuhusan ng malamig na yelo ang buong katawan ni Tope habang pinagmamasdan ang tagpo'ng iyon. Hindi makapaniwala sa kanyang nasasaksihan.
Lumapit si Joey kay Eric at kinapa ang pulso nito. Nabuhayan siya ng loob sa narinig na pintig ng puso ng pulis.
"Buhay pa siya Violy. Dalian natin, isugod natin siya sa ospital." ani Joey kay Violy.
"Kuya Tope, tumawag ka ng tricycle o taxi o kahit anong magdadala kay Eric. Kailangan natin siyang madala kagad sa pagamutan bago pa mahuli ang lahat--"
hindi pa natatapos si Joey sa pagsasalita'y tumalima na si Tope at mabilis na lumabas ng bahay. Lahat ng dumadaan sasakyan ay kaniyang pinapara. Hindi pansin ang mga luhang patuloy na bumubuhos mula sa kanyang mga mata.
"Hindi pwedeng mamatay si Eric. Siya at si Violy lamang ang mga kaibigan ko. Hindi pwede!" paulit-ulit na sinasambit niya sa kanyang sarili.
Matapos ang ilang minuto'y nakapara din siya ng Taxi na agad nagdala kay Eric sa pinakamalapit na Ospital. Dali-dali itong ipinasok sa emergency room para matingnan at maoperahan.
"Joey, hindi mamamatay si Eric diba? Malakas at matapang siya kaya hindi siya mamatay di ba? Di ba Joey?" ang makulit na tanong ni Tope sa kanyang kapatid.
"Kuya, hindi ko masasabi yan eh. Malubha ang tama ni Eric." malungkot na sagot ni Joey sa kanyang Kuya.
"Hindi mamamatay ang asawa ko!" ang galit na tugon ni Violy na walang tigil ang pagpatak ng luha. "Malakas si Eric kaya di niya tayo iiwan. Hindi siya mamamatay!!!" patuloy na sabi nito.
Apat na oras na silang naghihintay sa labas ng operating room pero wala pang doktor na lumalabas mula roon. Panay ang dasal ni Violy na sana'y makaligtas ang kanyang asawa sa pinagdadaanan nito ngayon. Tahimik naman si Joey na nakaupo habang pinapakalma ang loob ni Violy samantalang parang leon na hindi mapaakali sa kanyang kulungan si Tope. Paroo't parito ito sa ospital. Palakad-lakad, pakamut-kamot ng ulo at panay ang punas ng mata dahil sa mga luhang patuloy na umaagos.
Isang oras pa ang matuling lumipas at lumabas na ang doktor mula sa operating room.
"Sino po ang kamag-anak ng pasyente." tanong nito sa kanila.
"Asawa ko po siya Doc. Musta na po ang lagay ni Eric?" tanong ni Violy sa doktor.
"Ligtas na po siya sa peligro Misis. Natanggal na namin ang bala mula sa kanyang dibdib. Mabuti na lamang po at hindi nadale ang puso niya. Wala na po kayong dapat ipag-alala." masayang bati ng doktor.
Nakahinga ng maluwag si Violy sa narinig ganun din si Joey.
"Salamat po Panginoon!" ang nasambit nito.
"Tope, ligtas na si Eric. Buhay siya! Buhay!" masayang sabi ni Violy kay Tope.
"Talaga? Buhay si Eric? Hindi niya tayo iiwan?" ang di makapaniwalang tanong nito.
"Oo kuya, buhay si Eric. Maayos na ang lagay niya." pagkumpirma ni Joey sa kapatid.
Abot-langit ang kaligayang naramdaman ni Tope ng mga sandaling yon. Si Eric na kanyang matalik na kaibigan ay buhay at wala na sa peligro.
Makaraan ang 2 Linggo'y bumuti na ang kalagayan ni Eric. Bagamat nasa ospital pa rin at nagpapagaling ay itinuloy pa rin nila Violy ang naudlot na pagdiriwang. Triple celebration ang nangyari: ang pagkakapromote ni Eric, ang pagkaligtas nito mula kay kamatayan at ang pagtatagpo ng magkapatid na sina Joey at Tope. 2 Linggo pa ang matulin na lumipas at nakauwi na ito sa kanilang tahanan. Balik normal na uli ang buhay nila. Ngunit hindi pa rin nalulutas ang kaso ng pagkabaril kay Eric. Ganun pa man, laking pasasalamat pa rin niya sa Diyos dahil sa pangalawang buhay na bigay Nito sa kanya.
"O Tope, Joey! Anong ginagawa niyo dito?" tanong ni Eric sa magkapatid nang madatnan niya ito sa presinto'ng kanyang pinamumununan. Kakagaling lang niya sa isang meeting sa ibang mga hepe ng pulisya at dumiretso na kanyang opisina para muling magtrabaho.
"Dinala namin yung tanghalian mo. Bilin ni Violy, ubusin mo daw lahat yan." sagot ni Joey sa Hepe.
"Sabi din ni Violy, ingat daw at mahal ka niya. Hehehe" sagot naman ni Tope.
"Hahaha pakisabi kamo Tope, mahal na mahal ko din siya." ani Eric.
"Tara saluhan nyo na ko. Mukhang talagang pangtatluhan to'ng hinanda ni Violy eh." anyaya ni Eric sa dalawa.
Masaya nilang pinagsaluhan ang masaganang tanghalian. Nasa kalagitnaan sila ng pagkain ng ilang malalakas na katok ang gumambala sa kanila.
"Sir, may nag-aamok na nagaganap sa isang banko sa kabilang barangay. Gusto'ng makausap ng mataas na ranggo ng pulis. May hostage sir." ang pag-uulat ng pulis kay Eric.
"Sige sumaklolo tayo. Anong nakalap nyo'ng impormasyon?"
"Isang lalaking edad 48-anyos sir. Rodolfo Maglibat ang pangalan." sagot ng pulis.
Biglang kinabahan sina Tope at Joey sa narinig na pangalan.
"Joey.." ang nasabi na lamang ni Tope sa kapatid.
"Huwag naman sana kuya." ang tanging nasabi na lamang
"Ok tayo na." sagot ni Eric sa mga tauhan niya.
"Sandali Eric. Sasama kami." tawag pansin ni Joey kay Eric.
"Dito na lang kayo ni Tope. Delikado." tutol nito kay Joey.
"Sige na Eric. Sama kami." pakiusap ni Tope.
"Hay. Basta wag kayong lalapit ha. Tara na." sagot ni Eric sabay punta sa kanilang mobil.
Dumating sila sa lokasyon sa loob ng sampung minuto. Mula sa sasakya'y nakita nila ang lalaki na nakatutok ang hawak na balisong sa leeg ng babae'ng biktima.
"Rodolfo Maglibat, anong gusto mo at bakit mo yan ginagawa?" tanong ni Eric sa lalaki.
"Gusto ko'ng makita ang anak ko! Ang dalawang anak ko!" sagot ni Rodolfo. Sa asta ng pagkakatayo at hitsura nito'y hindi mahirap hulaan na lango ito sa alak.
"Malaki ang kasalanan ko sa mga anak ko. Nandito ako para humingi ng tawad. Kaso sa iba't ibang lugar na ko nagpunta pero di ko sila makita.Hanggang sa may nakapagsabing nandito si Joey at Tope!" pagpapatuloy nito.
Gulat na gulat si Eric sa narinig. Nilingon nito ang sasakyang kinaroroonan ng magkapatid. Maya-maya pa'y dumiretso ito sa mobil at kinausap sila Tope.
"Tama ka ng pagkakarinig Eric. Tatay namin siya." sagot ni Joey sa kanya.
"Ayaw lumabas ni Kuya. Ayaw na daw niyang makitang muli si Tatay.Naaalala pa niya ang mga ginawa sa kanyang pagmamalupit. Ako na lang ang lalabas at kakausapin ko siya." pagpapatuloy nito.
Marahang tumango si Eric kasunod ng pagbukas ng pintuan ng kotse.
"Tope. Dyan ka lang ha. Kami nang bahala dito." baling nito kay Tope.
Hindi kumibo si Tope at nakatitig lamang sa kawalan.
"Tay! Itigil nyo na yang ginagawa nyo! Andito na ko at si Kuya." tawag-pansin ni Joey sa ama.
"Anak! Patawarin mo ko sa mga kasalanan ko. Tope, alam ko'ng nakikinig ka. Humihingi ako ng paumanhin sa lahat ng pagmamalupit na ginawa ko sa yo. Alam ko'ng hindi ako naging mabuting ama sa yo. Pinagsisisihan ko na lahat ng ginawa ko. Halika na anak." sagot ni Rodolfo. Mababasa sa mga sinabi nito ang sinseridad. Bagay na di nakaligtas kay Tope na matamang nakikinig sa mga sinasabi ng ama. Lumabas ito ng kotse at tumungo sa direksiyon ni Rodolfo.
"MEN HOLD YOUR FIRE!" sigaw ni Eric sa mga kasamahan.
Ilang dipa na lang ang layo ni Tope sa ama. Sa punto'ng ito'y nagawang pumiglas ng babae'ng hostage at biglang tumakbo sa kawalan. Biglang itinaas ni Rodolfo ang mga kamay bilang tanda ng pagsuko ngunit ilang malalakas na putok ang biglang naganap. Biglang nagtakip ng mga mata gamit ang kanyang mga braso si Rodolfo
"Huwag!!!!" sigaw ni Joey
"MEN I SAID HOLD YOUR FIRE!!! HOLD YOUR FIRE!!!!" ulit ni Eric.
Akala ni Rodolfo'y natadtad na siya ng bala ngunit laking gulat niya't ni isang galos ay wala siyang natamo.Inalis niya mula sa pagkakatakip ng kanyang mga mata ang kanyang mga braso at doo'y nasindak siya sa nakita.
Nakahiga na sa lupa ang kanyang anak na si Tope. Duguan at habol ang hininga nito. Tadtad ng tama ng baril ang buo'ng katawan.
"Anak ko!!!" ang sigaw ni Rodolfo sabay luhod inihiga sa kanyang mga binti si Tope.
"Ta---Tatay..." ang maikling sagot ng naghihingalong si Tope.
"Anak, patawarin mo ko. Wag mo ko'ng iiwan. Mahal na mahal kita Tope." ani Rodolfo.
"Ma--hal din ki-ta Ta---tay." Ang huling sambit ni Tope sa kanyang ama. Inangat nito ang kanyang kamay at hinawakan ang pisngi ng kanyang ama.
Hinawakan ni Rodolfo ang kamay ng anak. Labis-labis ang pagsisisi nito dahil sa di paglalaan ng pagmamahal kay Tope. Maya-maya pa'y unti-unti nang pumikit ang mata ng kanyang anak kasabay ng paglaglag ng kamay nito sa lupa.
Tila tumigil ang mundo ng mga sandaling yon. Walang ingay, walang mga kilos at galaw. Tanging ang pag-iyak lamang ng isang naulilang ama at kapatid ang maririnig. Kasabay ng pagbuhos ng ulan ay ang pagbuhos ng luha ng mga tao'ng nagmahal at nagmamahal kay Tope.
Wakas
Basahin ang ilan pang mga kwento ni Bino dito
nakakalungkot ng pagwawakas ng kwento. tunay na sa huling pagkakataon, pwde parin tayong magpatawad.
ReplyDeleteitong huling bahagi lang ang nabasa ko tungkol sa buhay ni tope. siguro kelangan kong magbackread :0)
wow... gusto ko ang ending may namatay... kasi kung happy ending weak... hindi pangMMk...wahehehe... JOke lang... ang ganda kasi nun eh yung tatay ni Tope eh matotremented all of his life... wahahaha... basta the best to...
ReplyDeletekakainis toh..
ReplyDeletebakit si tope ang pnatay mo?
hmp..
nasa huli nga naman talaga ang pagsisisi...
@eli-ment ang storyang ito ay hindi malayong mangyari sa totoong buhay :(
ReplyDeleteKikomaxXx - napatawad naman siya ni Tope eh, yun nga lang, medyo huli na ang lahat
ReplyDelete@yanah - yun ang hinihingi ng producer hehehe. may director's cut naman to lol.
ReplyDeletepangalawang yugto: ang bait naman ng mag-asawang violy at eric dahil inampon nila si tope.
ReplyDeletepangatlong yugto: nakakaiyak naman ang tagpo ng mag-kuya... nadadala ako! tsk!
sus! kung di nawala ang mga anak saka pa magbabago ang tatay. tsk tsk! nangyayari yan sa totoong buhay.
kaasar naman kung sino pa yong mabait sya pa ang namatay! grrr.. dapat yong tatay na lang.
sad ang ending.. pero nandun ang aral. pinatunayan lang na walang magulang na makakatiis sa kanyang anak. kahit huli na. naipakita pa din ang sinseridad na pagmamahal ng magulang sa kanyang anak, kahit sa maling pamamaraan.. :(
ReplyDeleteooh bakit.. why o why? bakit siya?
ReplyDeleteanung kaguluhan un....
sobrang lungkot naman ng ending na yun....
huhhuhu
May aaminin ako, wala akong binasa sa kwento ni Tope. Ang haba kasi! Ayaw ko naman mag-skip read at magkoment na parang nabasa ko.
ReplyDelete@salbehe medyo mahaba nga. pero at least honest ka na :) next time maiksi na hehehe
ReplyDelete@axl ganun talaga ang buhay eh. di laging happy ending
ReplyDelete@istambay tama ka dyan tsong
ReplyDelete@empi talagang sama-sama na ang comment ha heheheh
ReplyDeletemalungkot na pagwawakas...
ReplyDelete"kilometric post kasi--e ang short ng attention span ko. kaya nga puro pic lang blog ko eh. hahaha.peace,it's not you--its me.lol"
ReplyDeletesniff sniff! malungkot pero maganda parekoy (nanginginig na boses)
ReplyDeletedaan lang muna ser. wala pa oras magbasa. :D
ReplyDelete@lhan oo nga eh. ganun talaga :(
ReplyDelete@pusa ewan ko sa yo! hahahah
@ronster may nginig talaga ha hahahaha
@cheese no problem :D