
"Pangalan, Edad at Tirahan." tanong ng isang pulis sa binatang tila hindi mapakali sa pagkakaupo habang kinakausap ng hepe ng pulisya. Puno ng dugo ang suot na asul na kamiseta. May sugat din ito sa kaliwang kilay bunga ng paghampas ng bote ng beer sa kanya ng ilang kalalakihan.
"Brad, naririnig mo ba ko? Ano'ng pangalan mo? Ilang taon ka na? Saan ka nakatira?" ulit na tanong ng pulis.
"Ako si Tope. Di ko alam kung ilang taon na ko. Di ko din alam kung saan ako nakatira. Wala po ako'ng kasalanan. Wala po ako'g ginagawang masama." sagot ni Tope sa pulisya.
Nasa presinto sya matapos makitang pagala-gala sa kakalsadahan ng Quiapo. Maaga siyang nagising para pumunta mag-isa ng MOA , ang lugar kung saan sya naging masaya kasama ang kapatid na si Joey.Ilang oras syang nagpalakad-lakad sa naturang mall hanggang sa makaramdam ng pagod at nagdesisyong umuwi. Sa hindi malamang dahilan, nadatnan na lang nya ang kanyang sariling nasa tapat ng Simbahan ng Quiapo. Atubili syang pumasok ng simbahan at nag-dasal. Matapos ang ilang minuto'y nilisan nya ang simbahan at muling nagpalakad-lakad.
"Saklolo! Magnanakaw!" sigaw ng ale na siyang pumukaw ng kanyang atensiyon.
Isang mamang naglalaro sa edad na 27 hanggang 30 ang mabilis na tumatakbo dala ang ninakaw na bag mula sa ale. Patungo ito sa kanyang direksiyon.Nang makalapit ang magnanakaw ay walang atubiling inihagis nito ang bag sa kanya na agad nyang nasalo. Patuloy na tumakbo palayo sa kanya ang lalaki dala ang mga laman ng bag ng ale.
"Ayun un kasamahan nya! Hulihin nyo yan!" sigaw ng isang mama na kasama sa mga humahabol sa magnanaka.
Akma siyang tatakbo ngunit nahagip ng isang lalake ang kanyang suot na t-shirt kaya hindi siya nakatakas. Naramdaman na lamang niya ang pagsuntok nito sa kanyang sikmura kasunod ng pagpalo ng kahoy sa kanyang braso at binti ganun na rin ang paghampas ng bote ng beer sa kanyang mukha.
"Magnanakaw! Ibalik mo ang mga gamit ko!" galit na sigaw ng ale sa kanya.
Patuloy sa pagsipa at pagtadyak sa kanya ang mga kalalakihan. Ilang beses man nyang sabihin na wala siyan kasalana'y tila mga bingi ang mga ito't hindi siya pinakikinggan. Ilang minuto pa ang lumipas at unti-unti nang lumalabo ang tingin nya sa mga ito. Kasunod noo'y ang tuluyan nyang pagkawalan ng ulirat. Hanggang sa natagpuan nya ang kanyang sariling nakaposas at nasa loob ng selda ng isang istasyon ng pulisya.
"Anong buo mo'ng pangalan Tope? At bakit itinuturo ka na ikaw ang magnanakaw? Ikwento mo ang nangyari para matulungan kita" tanong uli ng pulis.
Di naman nagatubili na ikinuwento ni Tope ang buon'g pangyayari sa pulis. Naiintindihan naman nito ang panig ni Tope at naniniwalang napagbintangan lamang ang binata. Ilang sandali pa'y dumating sa presinto ang mga patrol dala ang totoong magnanakaw. Agad din naman niton'g inamin na di niya kasamahan si Tope sa pagnanakaw. Sa kabutihang palad ay nakalaya din si Tope. Umaatikabon'g pasensiya ang nasabi ng ale'ng biktima sa kanya dahil sa siya'y napagbintangan. Malugod naman ito'ng tinanggap ni Tope.
"O ayan Tope, makakalaya ka na." sabi sa kanya ng pulis.
"Salamat po." tugon niya.
"Eric. Tawagin mo na lang ako'ng Eric."
"Salamat Eric!"
"San ka nga pala tutuloy nyan eh di mo alam ang bahay mo? Bakit ka kasi umalis ng walang sabi-sabi?" tanong ni Eric sa kanya.Ikinuwento nito ang buon'g pangyayari.
"Kung gusto mo dun ka muna sa bahay ko tumuloy habang hinahanap natin yung pamilya mo lalo na yung sinasabi mo'ng kapatid na si Joey. Kami lang namang mag-asawa ang nandun. Kesa naman dito ka lang sa kalye." paanyaya ni Eric. Dahil wala rin naman siyang pupuntahan at hindi alam ang pabalik sa kanyang tahanan, di na tumanggi si Tope sa alok ng bagon'g kaibigan'g pulis.
"Ikaw pala si Tope? Ako si Violy. Asawa ni Eric. Naitext na sa kin ni Eric kanina yung tungkol sa yo. Buti na lang at nakaligtas ka sa mga palo ng mga humahabol sa yo. Halika, maghapunan muna tayo." Bati ni Violy kay Tope pagkabukas na pagkabukas ng pintuan ng tahanan nila Eric. Maganda ang bahay na pag-aari ng mag-asawa. Hindi kalakihan pero malinis at maaliwalas tingnan.
"Dumito ka nga muna habang hinahanap ninyo ang pamilya mo ha? At least may kasama ako habang nasa trabaho si Eric. Hindi ako mabobore." pagpapatuloy ni Violy.
"Nakakahiya..." mahinang sagot ni Tope.
"Walang kaso yun!" sagot ni Eric. "Huwag kan'g mag-alala, mas ligtas ka naman dito kesa sa kalsada. Mas mabuting nandito ka. At least di ka mapapahamak muli. At pangako hahanapin natin si Joey."
Hindi lingid sa mag-asawa ang pagiging espesyal ni Tope. Pero trinato nilang normal na tao ang binata. Tinuturuan siya ni Violy na mag-basa at magsulat. Ibinili din siya ng mag-asawa ng mga bagon'g damit.Hindi siya kailanman nagutom sa piling ng mga ito. At hindi rin siya nakaramdam ng kahit anong galit o pagkasuklam mula sa mag-asawa. Dahil naman sa mabuting pakikitungo sa kanya, Ginagantihan niya ito sa pamamagitan ng paglilinis ng bahay, pagwawalis ng bakuran at pag-iigib ng tubig kahit hindi naman ito hinihiling ng mag-asawa.
"Kainan na!" masayang bati ni Tope sa mag-asawa nang sabay ito'ng bumababa ng hagdanan.
"Wow Tope! Ang aga mo'ng nagising ah. At kaw pa talaga nagluto ng almusal. Nag-abala ka." sagot ni Violy.
"Wala yun. Sa bahay namin, ako nagluluto ng pagkain namin. Kaso si Joey lang at ako ang kumakain." tugon niya.
"miss na miss mo na ang kapatid mo no? Wag kang mag-alala Tope. Mahahanap din natin si Joey. At siguradon'g hinahanap ka rin nun. Di pa lang kayo nagkakatagpo. Pasasaan ba't magkikita din kayo." wika ni Eric.
"siyanga naman. O siya, mag-almusal na tayo ng matikman na natin ang luto ni Tope." masayang wika ni Violy.
Masaya silang nagsalu-salo sa agahan nang araw na iyon. Matapos kumai'y nagpaalam na si Eric sa kanyang maybahay para magreport sa pulisya at magtrabaho. Sinasabay din nito ang paghahanap kay Joey. Si Violy nama'y sinamang mamalengke si Tope at matapos makapagluto't makapananghalia'y inayang manood ng sine.
Damang-dama ni Tope ang pagmamahal ng isang pamilya. Bagamat namimiss din niya ang kanyang bunson'g kapatid na si Joey na tanging kamag-anak na nagpapahalaga sa kanya.
Magkikita pa kaya sila ng kapatid niyang si Joey? Ano ang magiging papel ng mag-asawa sa buhay niya?
Itutuloy...
anuber!! kakabitin ung mga ganun oh..napaiwan pa ng mga tanung :)
ReplyDeletehahaha, gumaganti to axl...binibitin tayo. pwede bang bumili ng advance na story? hahaha
ReplyDeleteHahaha dati pa talaga akong nambibitin sa mga posts ko. 2parts na lang naman yan hehe
ReplyDeletenakakabitin! parang teleserye! lols!!
ReplyDeleteanong oras po ang kasunod? hahaha!
ah two parts na lang...post mo na lahat today haha
ReplyDeletei post na lahat heheh :D
ReplyDeleteako;y ko nag nabibitin hehehe.. joke lang hehe :D
chong sarap mo namang magsulat.. parang totoo lahat... sige na ako na number one fan mo.. wahehehe
ReplyDeletetandaan mo masakit sa puson ang nabibitin nyahahaha. este dapat lang yan para may susubaybayan :D
ReplyDeleteBon - after two days pa po :D
ReplyDeleteRonster and Axl - mabitin naman paminsan-minsan hehehe
@kiko hahaha thanks dude!
ReplyDelete@zeb wahahahah minsan kailangan bitin ang storya para may thrill :D
ReplyDeleteparang teleserye bino. gusto mo ipasa sa channel 2 oh 7 para maisatelenovela na nila! ^^
ReplyDeleteLhan - may ganun? Lol. Di papasa sa 2 or 7 to.
ReplyDeleteWaahhhh! Bitin ulit.. Nagbackread pa ako sa 1st part.. iyak na nga nang slight. hehe.. Akala ko ba 2part lang etong story, meron pa palang 3rd part. Kelan po ang next showing? hihi..
ReplyDelete@leah after 2 days po. Ü
ReplyDeletekakaexcite naman ang mangyayari sa next episode. :D
ReplyDeletebaka naman mamamatay si Tope? o ung ibang tao ang mamatay? labas na ang next episode pleassseeeeee
ReplyDeletehong sipag magsulat. masyado ka atang inspired. kilometric post uli--so inantok si Mr Tamad (me) hahaha. so skip reading ito.so next please.utang ko muna comment. hahaha. misyu Bino. bwahaha
ReplyDeletepusangkalye - miss you too. wahahahaha. kaya naman sa sat ko pa ipopost ang huling part nito. heheehehe
ReplyDelete@anonymous 1 and 2 maexcite muna kayo hehehehehe
ReplyDeletepinaeexcite pa ltaga kme! bino pabili ng di pa narerelease na edition! ^^
ReplyDelete@lhan hehehe niluluto ko pa ung next story :D
ReplyDelete