December 11, 2010

Si Tope (Ikatlong Yugto)


Ang unang yugto ay mababasa dito.

Ang ikalawang yugto ay mababasa dito.

Pabalibag na hinagis ni Joey sa sofa ang kanyang bag. Masamang-masama ang timpla nito dahil ilang buwan na ang matulin na lumipas ay hindi pa rin niya nahahanap ang kanyang kuya. Kahit sabihin pang nagpakalat na siya ng mga poster ng mukha ng kanyang kuya ay ni isang matinong contact ay wala siyang nakuha. Marami sa mga ito'y mga prank calls lamang. Magkahalong alala at lungkot ang kanyang nararamdaman.


"O baka masira yang sofa sa pagdadabog mo." saway ng kanyang ama habang nililinis ang mga piyesa ng mahjong. Matapos nito'y sinunod naman nyang isalansan ang mga nagkalat na baraha at gamit pangsakla.

"Wala ako'ng pakialam kung masira yan." sagot niya.

"Sabagay ikaw naman ang magbabayad niyan. Ano bang problema mo't di maipinta yang mukha mo?"


"Problema Tay? Ilang buwan nang nawawala si Kuya tapos tatanungin nyo kung anon'g problema ko? Masahol pa sa bato ang puso nyo!. Wala na ba kayon'g balak hanapin si Kuya Tope?!"
galit na tanong ni Joey sa kanyang ama.


"Aba! kung makasagot ka'ng bata ka ha! Tatay mo ko baka nakakalimutan mo! Oo nga't pinapalamon mo kami ngayon pero tandaan mo na kung hindi dahil sa kin, di ka nakapagaral! Kung gusto mo, ikaw ang maghanap! Wala ako'ng panahong hanapin ang ayaw magpahanap. Umalis sya ng pamamahay ko kaya matuto siyang bumalik! Pero mabuti pa ngang wag na siyang bumalik muli!"
sagot sa kanya ng ama



"Tay, buong buhay ko, hindi ko kayo sinuway. Pero sa pagkakataon'g ito, hindi ko mapapayagan na hindi mahanap si Kuya. Hindi nyo ba naisip na kaya siya umalis ay dahil sa kalupitan nyo? Kayo nila Kuya Seph at ate, hindi nyo sya tinuring na kapamilya! Aalis na ko sa bahay nito at hahanapin ko siya." sagot ni Joey sa ama kasabay ng pagpasok ng kanyang kwarto. Nilabas niya ang kanyang bag at hinakot ang kanyang mga damit. Matapos nito'y walang paalam siyang dumiretso sa pintuan ng kanilang bahay.


"Joey bumalik ka dito! Sa oras na lumabas ka ng pamamahay ko, kakalimutan ko na anak kita!"
sigaw ng ama sa kanya

"Ngayon pa lang, tanging si Kuya Tope na lang ang pamilya ko. Wala na ko'ng babalikan. Wala na kayong bunso. " matatag na sagot ni Joey at nagpatuloy sa paglabas ng kanilang tahanan.


Walang nagawa ang kanyang ama sa kanyang desisyon. Kahit ang ate at kuya niya ay hindi siya napigilan. Umalis si Joey ng mabigat ang loob sa kanyang pamilya. Ngunit isang pangako ang kanyang binitiwan, hindi siya titigil sa paghahanap sa kanyang Kuya Tope.



__________________________________________________


Masakit na ang mga braso ni Tope dahil sa maraming grocery items na pinamili nila mula sa isang supermarket pero nandun pa rin ang tuwang kanyang nararamdaman. Napagdesisyunan ng mag-asawang Violy at Eric na magkaroon ng isang salu-salo dahil sa promotion na natanggap ng huli sa pulisya. Hepe na si Eric ng SPD. Kaya naman walang mayaw sa pamimili sina Tope at Violy. At dahil excited si Tope dahil ngayon lang siya makakaranas na kumain ng marami (maliban na lang kung lagi niyang kasama ang kapatid na si Joey), hindi pinigilan ni Violy sa pamimili si Tope. Tuwang tuwa din ito dahil naging masayahin na si Tope at natuto nang ngumiting muli.


"Ano Tope? May nakalimutan ka pa bang bilhin?"
tanong ni Violy.


"Wala na Violy. Ang dami na nga nitong binili natin eh. Sana magustuhan ni Eric ang iluluto natin no?"
sagot ni Tope.

"Sigurado iyon! basta tayo ang nagluto, hindi pwedeng hindi niya magustuhan hahahha"

Patuloy silang naglakad hanggang sa makarating sila sa may paradahan ng taxi para sumakay pauwi. Dahil sa dami ng dala ni Tope'y may ilang agwatAktong bubuksan na lang ni Violy ang pintuan ng sasakyan nang may nagmamadaling sumingit sa pila.

"Pasensiya na po, nagmamadali lang" sagot ng lalaki kay Violy.

"Hoy ano ka ba? Kaya nga may pila eh. Mahiya ka naman, ang dami naming dala tapos sisingitan mo lang kami!" i
nis na sabi ni Violy.

"Sorry talaga misis, may hinahanap kasi ako'ng tao kaya kailangan ko'ng magmadali." sagot nito sabay aktong pagsakay ng taxi. Ni hindi nilingon ni Joey si Violy. Sa di kalayuan nama'y natanaw na ni Tope ang kapatid. Dali-dali niyang binitawan ang mga pinamili at tumakbo sa direksyon nila Violy.

"Joey!" tawag nito sa kapatid.

Sabay na napalingon sina Joey at Violy kay Tope.

"Kuya! Kuya Tope!" sigaw ni Joey at sinalubong ang kanyang kuyang matagal na niyang pinaghahanap. Isang mahigpit na yakap ang binigay nya dito. Di makapaniwala na sa simpleng agawan sa taxi ay magkikita ulit silang magkapatid.

"Kuya, ang tagal kitang hinanap. Salamat sa Diyos at nakita kitang muli. Miss na miss na kita kuya. " ani Joey na di inaalis ang pagkakayapos sa kanyang kuya.

"Ah excuse me lang ha." singit ni Violy. "Ikaw si Joey? Ang kapatid ni Tope?" tanong nito

"Oo ako nga. Sorry kanina ha. Si kuya kasi talaga ang dahilan kung bakit ako nandito. Tagal ko na siyang hinahanap."
"Ako nga pala si Violy." pagpapakilalang pormal ni Violy kay Joey. "Tama na nga muna yang drama nyon'g magkuya. Tara na sa bahay nang makapagluto na. Double celebration to dahil finally, nagkita na kayo at promotion ni Eric, asawa ko pala yun Joey.


Masayang sumakay ng taxi ang tatlo patungo sa bahay nila Violy. Hindi magkandaumapaw sa tuwa si Joey dahil matapos ang ilang buwang paghahanap ay nagkita na silang magkuya. Makalipas ang 30 minuto ay dumating na sila sa kanilang destinasyon.

"Dyan ang bahay namin Joey. Ang bait nila Erik, pinapakain nila ako ng masarap. Tapos ang dami ko'ng magagandang damit." bida ni Tope sa kapatid habang papalapit sila sa bahay.

"Violy salamat at di nyo pinabayaan si Kuya ha." ani Joey kay Violy.

"Napakabait nyang kuya mo. At masarap syang kasama. Ganun pa man, may lungkot sa mga mata niya noon. Pero sa pagdating mo, ngayon ko lang siya nakitang ganyang kasaya--" sagot ni Violy nang may mapansin siyang kakaiba. Binitiwan niya ang mga pinamili at dali-daling tumakbo sa kanilang bahay. Agad na sumunod si Joey at naiwang naglalakad si Tope na walang kamalay-malay sa mga nangyayari. Sira ang kandado nito. Akmang bubuksan na Violy ang pinto ng pigilan siya ni Joey.

"Ako na" ani nito.

Dahan-dahang pumasok si Joey sa loob ng bahay. Dahil sa bandang hapon na ng makarating sila'y madilim na buong bahay. Ngunit di nakaila sa mga mata nito ang katawan ng tao na nakadapa sa sahig.

"Ah Violy dali ka dito!" sigaw ni Joey kay Violy.

Agad pumasok si Violy. Isang nakakalulang tagpo ang lumantad sa kanyang paningin.


"Eric!!!!!!!"



itutuloy...

Abangan ang huling yugto sa pagpapatuoly ng Kwento Ni Tope.




18 ang nakaappreciate:

  1. necessity talaga ang pabitin?
    natigok ba si eric?
    kainis ka
    kala ko pa naman isang masayang reunion na..



    -yanah

    ReplyDelete
  2. nako po... bakit ba may pabitin effect... hahaha.. ganda talaga ng short story na ito

    ReplyDelete
  3. naku! eto tlgang si bino! parang teleserye! wew!

    ReplyDelete
  4. @yanah - secret muna hehehehe

    ReplyDelete
  5. @kikomaxx salamat. :) kailangan talaga minsan bitin :D

    ReplyDelete
  6. @lhan hahaha blogserye tawag dyan :D

    ReplyDelete
  7. pare bakit di ka mag-apply sa teleserye bilang writer? ayus tong kwento mo ah... hindi common.

    ReplyDelete
  8. @moks ay di ako papasa dun tsong. :)

    ReplyDelete
  9. makikisali po sa follower ni Tope :) kuya Bino!

    ReplyDelete
  10. @kiko hello! nafollow na kita bro :)

    ReplyDelete
  11. ano na ang susunod dito????? bitin na naman! galing mo kuya bino :D

    ReplyDelete
  12. arvin!!!! grabe ka talaga magsulat, kakalungkot ng kwento. dapat writer ka dito sa hsbc eh. balik ka kaya dito? kilala mo kami. ex-officemates. hahahaha

    ReplyDelete
  13. Pre.. basahin ko muna ang part 1 & 2. hahaha...

    ReplyDelete
  14. whaha oki na eh.... yun na oh... malapit na eh.. sabay bitin hehe :D

    ReplyDelete
  15. Bino.. ayos ah.. nakak excite ang susunod na yugto.. hahaha.. galing pre... Blogserye nga ito hahaha...

    ReplyDelete
  16. @istambay hehehe mayamaya patapos na to. kung sisipagin akong gawin ang ending hehehehe

    ReplyDelete

Sisikapin ko'ng replyan ang mga komento ninyo.
Kung may sasabihin ka'ng di maganda, huwag ka'ng mag-ANONYMOUS