
Minsan, dumarating sa punto ng buhay natin na may mga tao'ng nagkukrus sa ating mga landas para magbigay ng saya at importansya. Kahit na sabihin pa na hindi permanente ang mga ito, ang tuwa at galak na kanilang naihatid ay mananatiling nakatatak sa ating mga puso't isipan. Kailan mo huling naipadama at naipaalam sa kanila kung gaano ka kasaya at naging parte sila ng buhay mo? Sinasabi ko sa yo. pamahaginan mo sila ng pagmamahal habang kayo'y magkasama pa. Sapagkat sa oras na sila'y lumisan, hindi ka na magkakaroon ng isa pang pagkakataon.
Nasilayan ni Tope ang unang liwanag taon'g 1983, Ika- 8 ng Nobyembre. Siyam na taon siyang minahal ng kanyang ina hanggang sa ito'y sumakabilang buhay dahil sa isang aksidente. Mula noo'y namulat siya sa mga palo at hampas ng sinturon ng kanyang ama. Isang ama'ng tila hindi siya minahal at laging sakit na lamang sa kanyang katawan ang ipinadama nito. Mayroon man siyang isang nakakatandang kapatid na babae at dalawang nakababatang kapatid na lalaki, tila kahit sila maliban sa bunso'y hindi naipadama ang pagmamahal na siya nyang naranasan sa piling ng kanyang ina. Marahil ay dahil ito sa kanyang kapansanan. Sa edad na 27, hindi ito natuton'g bumasa at sumulat.
"Ate, paglaki ko gusto ko'ng maging Pulis. Para maipagtanggol ko kayo nila tatay at nila Seph at Joey." sabi ni Tope sa kanyang ate.
"Paano ka naman magiging pulis eh ni pangalan mo hindi mo kayang isulat! At anon'g sinasabi mo'ng paglaki mo? Matanda ka na oi! Sarili mo nga lang di mo maipagtanggol, kami pa!" sagot ng kanyang Ate Mae.
"Siyanga naman kuya, mag-alaga ka na lang ng mga alaga nating baboy nang madaling maibenta para magpera tayo!" sabat ni Seph sa kanyang kuya.
"Basta magiging pulis ako poprotektahan ko kayo." paninindigan ni Tope.
"Pag naging pulis ka na kuya, sidekick mo ko ha!" Sagot ng bunso'ng si Joey sa kanya.
"Talaga Joey? Sige gusto ko yan!" tuwang-tuwang sagot niya.
Bagggg!
Isang malakas na hampas ng pintuan ang nagpatigil sa kanilang pag-uusap kasunod ng pagpasok ng kanilang ama na pagewang-gewang sa lakad. Nakainom.
"Hanu ba yang naririnig ko'ng pulis-pulis na yan ha!" matapang nitong tanong sa mga anak.
"Hay naku tay, yang abnormal nyong anak, paulit-ulit na naman sa pangarap nyang pulis-patola." sagot ni Mae na inaalalayan ang ama.
"Ano?!!! Putang ina mo Tope! Tanda-tanda mo na may nalalaman ka pang papulis-pulis! Wala kang mararating sa buhay gago!" galit na sermon ng Ama ni Tope.
"Bakit ba naman kasi nagkaroon ako ng anak na Abnormal! Bwakanang-inang buhay to! Kasalanan mo kung bakit namatay ang nanay mo! Kung di mo siya sinama sa kantahan sa barangay, di sana siya nabaril! Buhay pa sana siya!" paglilitanya ng kanyang ama
"Tay wag mo'ng sisihin si kuya, aksidente yun. Alam mo iyon." kontra ni Joey sa ama.
"Eh totoo naman yun ah! Si Kuya ang may kasalanan kung bakit wala na si nanay! Sana siya na lang ang namatay!" ani Seph.
"Kuya tayo na, pasok na tayo sa kwarto mo." Yaya ni Joey kay Tope para maiwasan na ang gulo.
Tahimik na sumunod na lamang si Tope sa kanyang kapatid at nagkulong sa kwarto. Ilang oras pa't tahimik na ang buong bahay. Hudyat na nakatulog na ang kanyang pamilya. Ngunit siya'y hindi dalawin ng antok. Paulit-ulit sa kanyang isipan ang mga binitiwang salita sa kanya ng kanyang ama at dalawang kapatid:
Abnormal!
Kasalanan mo kung bakit namatay si Nanay!
Ni Pangalan mo hindi mo kayang isulat!
Abnormal!
Abnormal!!
ABNORMAL!!!!
Tinakpan na lang niya ng unan ang kanyang mukha at ipinikit ng madiin ang mga mata. Madaling-araw na ng siya'y tuluyang nakatulog.
Kulang man sa tulog, maaga pa rin siyang gumising para pakainin ang mga alaga nilang baboy, mag-luto ng almusal at maglinis ng bahay.
"Wow Kuya Tope! Sarap nito ah!" Bati ni Joey sa kanya sabay upo sa hapag-kainan.
"Talaga Joey? Buti nagustuhan mo yang sinangag at hotdog." tuwang-tuwang sabi niya sa bunso.
"Ikaw kuya, di ka pa ba kakain? Sabay tayo sige na" aya ni Joey.
"Busog pa ko. Tsaka pwede ba ko sabay sa yo sa school? Hanap ako ng trabaho."
"Ha? Sigurado ka ba kuya? Malayo yun, baka mapagod ka. At bakit ka maghahanap ng trabaho?" tanong ni Joey.
"Para mas may dagdag kang baon sa school. Di ba sabi mo dami mo projects sa arkitektyur?" sagot ni Tope
"Ano ba yan kuya, ako na naman inalala mo. Kaya ko'ng sarili ko. At di naman ako estudyante kuya. Di ba Teacher nga ako sa school? Sama ka na lang sa akin." sagot ni Joey.
"Talaga Joey? Sa school mo? Sige sama ko!"
"hahaha. O sya kuya, kumain na tayo. Umalis na sila Ate eh. Kaya baunin ko na lang natin to'ng niluto mo para di tayo magutom sa byahe." ani Joey sa kapatid. "Bihis ka na Kuya"
Si Joey lang ang tanging nakakaintindi sa kapatid. Alam nyang wala ito'ng ibang maaasahan kundi siya. At mahal na mahal nito ang kanyang kuya. Kaya labis din siyang nasasaktan sa pagtrato ng kanyang mga kapatid at ng kanyang ama sa Kuya Tope nya.
Isinama siya ni Joey sa paaralang kanyang pinapasukan at pinagsit-in sa kanyang klase. Tahimmik lamang si Tope habang pinagmamasdan ang kanyang kapatid na nagtuturo ng leksiyon sa mga estudyante nito. Paminsan-minsa'y tumataas ito ng kamay kahit hindi alam ang sagot sa tanong ng kapatid. Ganunpaman, walang bahid ng ng pagkapahiya si Joey sa kanyang kuya.
Matapos ang klase, ipinasyal siya ni Joey sa isang mall sa Pasay. Unang pagkakataon nyang nakapunta doon kaya wala siyang pagsidlan ng kaligayan.
"Ang laki pala ng MOA Joey! Daming ilaw! Tapos ang yung Earth na umiikot ang laki din!" tuwang-tuwang sabi ni Tope sa kapatid
"Oo kuya. Ang ganda di ba? Palagi kitan'g dadalhin dito. Palagi kitang isasama at di kita iiwan" sagot ni Joey.
"Talaga Joey? Di mo ko iiwan? Eh paano pag nag-asawa ka na? Kakahiya naman sa magiging misis mo"
"Importante ka sa kin kuya. Kaya kung makapag-asawa man ako o hindi, lagi kitang kasama" sagot nito sa tanong niya.
Natapos ang kanilang pamamasyal ng may ngiti sa kanyang labi.
Nagising na lang si Joey ng wala ang kanyang Kuya Tope. Hanalughog nyang mabuti ang buong bahay ngunit kahit anino ng kanyang kuya ay hindi nya natagpuan. Dali-dali nyang ginising ang kanyang ama at mga kapatid.
"Kow! Nandyan lang yung abnoy na yun sa kapit-bahay! Wala namang pupuntahang ibang lugar yun!" sagot ng kanyang ama.
"Pero tay, hinanap ko na rin siya sa labasan pero wala talaga si Kuya. Hanapin na natin, baka kung ano'ng mangyari sa kanya. " sagot ni Joey sa ama.
"Eh di hanapin mo! Idadamay mo pa kami! Ang sarap-sarap ng tulog namin ng ate't kuya mo dito!" singhal sa kanya ng ama.
Wala na siyang nagawa kundi ang lumabas at hanapin ang kanyang kuya. Hindi niya malubos-isipin kung bakit hanggang ngayon ay ganun ang trato ng ama at mga kapatid nya sa Kuya Tope nya.
Nasaan na nga ba si Tope? Bakit bigla-bigla iton'g nawala? Tuluyan na nga ba niyang iniwan ang kanyang pamilya maging ang bunso'ng kapatid na si Joey? Abangan ang pagpapatuloy ng kwentong ito.
Itutuloy....
wahhaa bakit ganun bitin.. sarap na sarap na ko sa kakabasa eh... :(
ReplyDeleteOo nga, bitin! Ikalawang yugto na~ Nangingilid na luha ku huhuhu
ReplyDeletedagdagan na kagad to!!
ReplyDeleteminadyik.. pumunta sa sprikitik.... wahehehe... oi ganda nito ha thumbs up ako agad... sana may mamatay.,.. wahehehe...
ReplyDeleteganun talaga... saka yan marealize na mahalaga si tope pag namatay na.
ReplyDeletenasaan nga ba si tope?
@axl ganun talaga ko magsulat eh laging bitin ü
ReplyDelete@zyra pigilin mo muna luha mo. Ü
ReplyDelete@kiko hehehe salamat. Di naman sya minadyik. Ü
ReplyDelete@empi secret muna. Hehehe
ReplyDelete@ronster after 2 days ung kadugtong hehehe
ReplyDeleteang husay po :]
ReplyDeletebakakadala yung kwento. Hope to read the next one :] hehe
@renz thanks. after two day spo yung kasunod. :)
ReplyDeleteoh bitin.. hehehe
ReplyDelete@lhan hehehe ganun talaga. abangan na lang ang susunod. :D
ReplyDeletenakakatuwa ang galing mo sa pagsulat ng kwento. naeexcite na ko sa magiging kasunod.
ReplyDeletemore more more! nasapeak na ko ng momentum eh, bitin! hehe pero ayus lang, at least may thrill, hehe!
ReplyDelete:)
kakabitin par...antayin ko 2nd part...bilis!!! hahaha
ReplyDelete@anonymous salamat ü
ReplyDelete@t.r. Malapit na ang kasunod. Û
ReplyDelete@moks hehehe malapit na par. :D
ReplyDeleteummm..in-skim ko pa lang...mmya babalik ako...para namnamin ang lasap ng kwentong ito...blog hop muna ako..namiss na din ako nila... :)
ReplyDeleteummm...ayan nabasa ko na din... hayyss...kawawa naman si Tope...ummm... san na kaya siya?... :)
ReplyDeleteAwwww...
ReplyDeleteNgayon lang ako nakabasa ng sinulat mo talaga... Hayz!
Medyo nakarelate ng konti...
I can't wait for the conclusion bino!
ReplyDeleteShow Me Your Look Today
:-)
@supergulaman oi parekoy! welcome back ulit :D nangyari kay tope? mayamaya malalaman mo na:D
ReplyDelete@Mangyan Adventurer hehehe relate ba? abangan mo ung part two
ReplyDelete@michael no problem it will be posted tonight :D