Blogger of the Month - February


Kilalanin si Otep ng Libra Lang Mangarap



Basahin ang panayam sa kanya DITO

January 25, 2010

Untitled Document

2 ang nakaappreciate


Hindi dapat maging madrama ang post ko'ng ito. Sa katunayan, sobrang saya pa nga ang aking nararamdaman dahil nagawa ko ang matagal ko nang gusto: ang makaalis sa trabaho na kung saan, hindi ako masaya. Dahil sa pera? Siguro. Yun lang ang nagpapamotivate sa akin para ipagpatuloy ang pagtipa sa keyboard ng opisina (naks opis!!! call center kaya yun!) na aking pinapasukan. Well, pag-alis mo sa isang kumpanya, mga alaala ng mga kaibigan mo naman talaga ang mamimiss mo eh at hindi ang management, hindi ang mga kupal. (o baka may tamaan na naman! hehehehe).


Disyembre ko pa pinagiisipan ang umalis sa trabaho dahil sa samu't saring rason. Unang-una: boredom. Alam mo ba ang pakiramdam ng nagtatrabaho pero hindi ka naman masaya sa ginagawa mo at para bang hinihila mo na lang ang mga paa mo papasok ng kumapanya? Para mo'ng pinarurusahan ang sarili mo. Ganun ang feeling! Ikalawa: bagong career. Ayoko'ng matali sa isang trabaho na walang kasiguruhan kung maggogrow ka. Job is different from career. Maaaring maraming tataas ang kilay sa sasabihin ko'ng ito pero hindi stable ang call center. Nakasalalay sa account ang trabaho mo. Pag nawala ang account, wala ka na rin. Maaaring ilagay ka sa ibang account pero sooner or later, ganun din ang magiging ending. Ang pangatlong rason: bagong line of business. (hindi ko muna sasabihin kung ano kasi baka may umepal pa. hahahaha)


Kaya makalipas ang higit isang buwan'g pag-iisip, finally, nakabuo na rin ako ng pasya na talaga naman'g hindi ko pinagsisisihan. Isan'g linggo na lang at pormal ko nang lilisanin ang posisyon ko bilang customer service representative. Ang good side, mas makakapagconcentrate ako sa blogging at hindi na magiging outdate ang blog ko. Hay sa wakas! Mas magkakaroon na rin ako ng time para sa mga kaibigan na kasalukuyan'g nahaharap sa mga pagsubok. Ang downside nga lang, pansamantala ako'ng magiging bum. Bum sa karamihan dahil walan'g regular na trabaho kundi umaasa lamang sa mga pinagkakakitaan sa internet.

Ganun pa man, masaya pa rin ako. At tulad ng nakaraang status ko sa facebook, No regrets!










January 10, 2010

Enero: Buwan ng mga Pista

1 ang nakaappreciate
Tuwing sasapit ang buwan ng Enero, di maikakaila na buwan na naman ng kapistahan sa iba't ibang parte ng bansa. Nito'ng nakaraang bagong taon nga lang, ipinagdiwang sa aming lugar ang Pista/Fiesta ng aming patron na si Maria Ina ng Diyos. Tinatawag namin itong Bulaklakan Philippine Festival. Taunang parada ng mga iba't ibang bulaklak halintulad sa Panagbenga. Hindi man magarbo ang nasabing pagdiriwang na ito, masasabi ko'ng ang mga tao ang nakakapagpasaya sa pista'ng ito. At para sa kaalaman ng bawat Pinoy hindi lamang sa Pinas kundi pati na rin sa abroad. Narito ang ilan sa mga Pista'ng ipinagdiriwang tuwing buwan ng Enero:



FEAST OF THE THREE KINGS
January 2 | Gasan, Marinduque


isang piging ng pagbibigay pugay sa tatlong hari na bumibisita sa mga bahay ng Poblacion of Gasan


ATI-ATIHAN Philippine Festival
January 3 - 16 | Kalibo, Aklan

selebrasyon para sa mahal na Sto Niño na ginaganap tuwing ikatlong linggo ng Enero. Tinawag itong ati-atihan dahil sa paglalagay ng mga Aklanos ng iba't ibang paraphernalia na lumilibot sa mga bayan bilang Negritos at sumasyaw sa kalye


Sinulog Festival
January 7 - January 16 | Cebu City

Pinagdiriwang tuwing ikatlong linggo ng Enero. Ang pinakamalaki at pinakapopular na festival sa Cebu. Ito ay alay sa Senyor Santo Niño de Cebu. Fiesta Senyor ang tawag dito.


Feast of the Black Nazarene
January 9 | Quiapo, Manila


Ang katatapos lang na Piyest ng mahal na Nazareno na ipinagdiriwang sa Quiapo na kung saan, ang milagrosong Nazareno ay ipinaparada.


Sinulog (Kabankalan)
January 10 - January 16 | Kabankalan City, Negros Occidental

Alay din sa mahal na Sto. Niño. Colorful costumes with bare bodies na pininturahan ng itim. Tulad ng ati-atihan, ang pagsayaw sa kalye ay hindi mawawala.


Dinagyang
January 22 - January 23 | Iloilo City

A spectacular street merrymaking in honor of the Holy Child Jesus.



At iyan ang ilan lamang sa mga pista tuwing buwan ng Enero. Ipagpaumanhin ang hindi kumpletong listahan. Hanggang sa susunod mga kadamo.









January 4, 2010

Ang aking 2009

3 ang nakaappreciate
Oo. Late ang post na ito ng ilang araw. Ito ay sa kadahilanang masaya kon'g ipinagdiwang ang kapapasok lamang na 2010 kasama ang aking mga mahal sa buhay. Hindi ko man ito naipagdiwang kasama ang mga kaibigan dahil sila man ay mas piniling samahan ang kanilang pamilya, sa puso't diwa ko ay lagi ko silang kasama (may ganun??? cheesy!!!). Sa nakaraang sulat ko dito sa damuhan, binalikan natin ang ilan sa mga kaganapang naging parte ng kasaysayan ng ating bansa. At ngayon naman, balik-tanaw naman ako sa nangyari sa aking buhay (Now playing: Maalaala Mo Kaya version by Carol Banawa) :

Masasabi ko'ng kalyeng baku-bako (wow, kay Kosa ang kalyeng baku-bako diba? pahiram lang. hehehe) ang naging buhay ko noon'g 2009. Maraming lubak ako'ng nadaanan at marami rin namang patag. Maaring isambulat ang iba, ngunit ang ilan ay mananatiling lihim.


Ilan sa mga nangyari sa akin noon'g nakaraang taon:


1. Nagmuntik-muntikang mawalan ng trabaho dahil na rin sa mga maling impormasyon na pinagkalat ng mga "magagaling" na pinuno sa kumpanya.


2. Tinamad mag-blog at muntik nang isara ang damuhan dahil sa wala lang maisulat sobrang stress.


3. Sinubukang magmahal muli ngunit muling nabigo (not once, but twice!!! isang intsik at isang mukhang intsik)


4. Nagkaroon ng unang (at pwede pang maulit) damuhan blog awards na tumagal ng apat na linggo. (Dahil ang nasabing award ay sinadyang magtagal lamang ng isang buwan.


5. Nagkaroon ng mga kaibigan sa blogosphere na pinangununahan ni Kosa na walang sawang bumibisita sa aking blog. (libre promote!!! hehehe)


6. Ang muli ko'ng pagkakaroon ng credit card (Big deal ba? Di masyado! )


7. Ang pagkakaroon ng sariling domain bago matapos ang taon'g 2009 (www.damuhan.com)


8. Buon'g pagmamalaking pagkumpleto ng Simbang Gabi (at dahil nakumpleto, pwedeng magwish!!!)


9. Pagkabigong magpunta sa Singapore. (wag nyo nang itanong kung bakit. )


10. Nananatiling malusog ang pangangatawan at malayo sa sakit. (dahil na rin ito sa gatas. Iba ang laki sa gatas!)


At ilan lamang yan sa mga nakuha ko mula sa aking utak. Wala mang kwenta ang lahat ng mga yan ilan sa mga yan, buhay ko pa rin yan. Dalangin ko lang na sana ngayo'ng taon'g 2010, mas masaya at makulay na buhay ang sa akin ay naghihintay.






January 1, 2010

Balik - Tanaw sa 2009

4 ang nakaappreciate
Tingnan mo nga naman, matulin na namang lumipas ang 2009 at heto tayo ngayon, sumasalubong sa 2010! Bagong taon, bagong pag-asa para sa lahat ng kapwa Pilipino na dumaan sa mga matinding pagsubok noon'g nagdaang taon. Maaaring hindi malimutan ng karamihan ang mga kamalasang naranasan sa taon'g 2009 ngunit maaari iton'g maging inspirasyon para sa taon'g ito. Bilang panimulang post sa taon'g ito, balikan natin ang ilan sa di malilimutang pangyayari na magsisilbing parte ng ating makulay na kasaysayan:




Noon'g isang taon, nalagay ang bansa sa mga matitinding trahedya tulad na lamang ng magkasunod na bagyon'g Ondoy at Pepeng na kung saan, ilang libo'ng tao ang nawalan ng tirahan, kabuhayan at lalung-lalo na ang mga mahal sa buhay. Hindi inaasahan ang biglang pagbaha sa buon'g Luzon ganun na rin sa ibang parte ng Visayas at Mindanao. Bunga ito ng hindi pagpapahalaga ng mga tao sa kalikasan.


Lesson learned: Alagaan ang kapaligiran at alalahaning hiram lang ang lahat dito sa mundo


Kasabay ng bagyo'ng Ondoy at ang pagsikat ng isang manlalait na pinay na si Jacque Bermejo na kung saan, maraming masasakit na salita ang kanyang binitawan na naging dahilan para siya ay itakwil ng kanya kapwa pilipino. Kung inyong matatandaan, ang nasabing babae ay hindi nabgiay ng simpatiya sa mga Pinoy na nasalanta ng bagyo. Sa halip, sinabi pa niyang dapat lang ang nangyari sa bansa. Umani ng mga hate notes at death threats si Jacque dahil sa kanyang ginawa.

Lesson learned: Matuto'ng lumingon sa pinanggalingan. Walang tutulong sa yo kundi kapwa mo Pilipino


Ang paglitaw ng sari-sarin'g video scandal ng dating doktor na si Hayden Kho na nakikipagtalik partikular kay Katrina Halili, Maricar Reyes at iba pang babae. Ang paglabas ng mga scandals na ito ay naging dahilan para matanggalan ng lisensiya ang nasabing doktor. Kasabay nito ang pagsikat ng kantang careless whisper.


Lesson learned: Wag na wag kumuha ng video ng inyong sex life.


Ang may likha ng kariton school na si Efren Peñaflorida ay tinanghal bilang CNN Hero of the Year 2009. Isang napakaling tagumpay hindi lang ni Efren kundi ng bawat Pilipino. Pagpapatunay na hindi dapat ismolin ang kakayahan ng bawat Pinoy lalung lalo na ang tumulong sa kapwa. Para sa kaalaman ng lahat, ideya ni Efren ang magturo sa mga batang kalye sa Cavite gamit ang kariton na punung-puno ng mga libro at iba pang gamit sa eskwela.


Lesson learned: kahit ang normal na tao ay pwedeng maging bayani sa munting paraan


Ang pagkamatay ng dating pangulo na si Corazon C. Aquino ay nagdulot ng matinding lungkot sa bansa. Nangulila ang bansa dahil sa pagpanaw ng unang babaen'g presidente. Sa kabila nito, muling ipinakita ng Pinoy ang matinding suporta sa mga naulila ni Cory.

Lesson learned: Hindi na dapat mamatay para magkaisa ang bawat pinoy


Pagdeklahara ng mga politiko na kakandidato sa Pagkapangulo. Noynoy, Villar, Erap. Ilan lamang sa mga politiko na naghain ng kanilang certificate of candidacy para sa darating na halalan 2010. Ngunit ang nakakagulat ay ang paghahain ng candidacy ng kasalukuyang pangulo na si GMA bilang congreswoman sa pampanga.


Lesson learned: para sa ambisyon, gagawin ang lahat


Ilan lamang yan sa mga pangyayaring tumataksa bawat pinoy. Marami pa sana ako'ng isusulat ngunit masyado nang mahaba kung ilalagay ko lahat. Pwedeng magkaroon ng part 2. Pero sa ngayon bilang pagtatapos, binabati ko kayo ng isang manigon'g bagon'g taon!!!