Blogger of the Month - February


Kilalanin si Otep ng Libra Lang Mangarap



Basahin ang panayam sa kanya DITO

March 24, 2010

Mga Pinoy na Aswang

6 ang nakaappreciate
Lecture 101. Aswang. Maraming nagsasabing kathang-isip lang ang mga ito at hindi dapat paniwalaan. Kasama lang daw sa ating makulay na alamat ang mga ito tulad na lamang ng alamat ni Maria Makiling, Bernardo Carpio, mga Diwata at mga dwende at marami pang iba. Pero isipin mo naman, nakarating na ang tao sa buwan at computerized na ang bawat takbo ng buhay pero marami pa ring naniniwala sa aswang. Ano nga ba sila? Sabi ng mga matatanda, sila ay mga nilalang na di nabasbasan ng Panginoon noon'g araw na bumaba ito sa lupa at naghatid ng biyaya.

Ngayon kung tatanungin mo ko kung naniniwala ako sa aswang, oo ang isasagot ko. Maraming kilay ang magtataasan pero bilang Pilipino, naniniwala ako sa mga kwento ng aking mga lolo't lola tungkol sa mga aswang.

Pero alam nyo ba na may iba't ibang uri ng Aswang? Ayon sa aking nabasang libro na B1Gang, may limang uri ng aswang. Ito'y ang mga sumusunod:


1. Bampira - ang ugat nito ay nanggaling sa European at American Lower Mythology. Kung si Edward Cullen ng Twilight, New Moon, Eclipse, Breaking Dawn at Midnight sun ay ngipin ang ginagamit, ang pinoy vampire ay mayroong matutulis at mahahabang dila. Ibig sabihin, sanay sila sa torrid kissing (biro lang!). Amalanhig ang tawag sa bampira sa West Visayas, Danag sa Isneg at mandurugo sa katagalugan.


2. Viscera Suckers - nagkakaroon ng pakpak at nahahati ang katawan. Manananggal sa katagalugan, Abat sa mga West Visayas, buruka sa Ilocos at aswang na lupad sa Bicol. Paboritong biktima nito ang mga buntis.


3. Werebeast - kiwig ang tawag ng mga taga-aklan at malakat sa Cebu. Ito ay mga tao'ng may kakayahang mag-anyong hayop pagsapit ng hatinggabi. Pero di gaya ni Jacob na nagiging werewolf, ang anyo ng pinoy na werebeast ay itim na aso o malaking baboy.


4. Mangkukulam - alam na natin ang ginagawa nito. Pag nagalit sa isang tao ay kukulamin niya ito sa pamamagitan ng manikang basahan na tutusukin ng karayom. Ang iba naman ay uutusan ang mga inaalagaang insekto na pumasok sa katawan ng kagalit na unti-unting papatay sa biktima. Mambabarang ang tawag sa kanila sa Bicol, manggagamod sa Ilocos at Pangasinan at mamumuyag sa West Visayas.


5. Carrion-eaters o ghouls. Ang gawain ng mga ito ay mag-abang ng mamamtay at nakawin iyon para kainin. Ito ang pinakamababang uri ng aswang. Balbal ang tawag sa mga ito ng mga Tagbanuas, Busaw sa mga Bagobos, segben sa mga taga East at West Visayas at wirwir sa mga taga Kalinga Apayao.


At iyan ang limang uri ng aswang. Totoo man o hindi, walang mawawala kung tayo'y maniniwala. Iba pa rin ang nag-iingat. Pero alam nating lahat na ang tanging pananalig sa May Likha ang tanging makapagliligtas sa atin.








March 16, 2010

Ang Kwaderno ni Bino (Ang Pagtatapos)

6 ang nakaappreciate
Matapos ang aking pag-awit, nakarinig ako ng mga palakpakan. Sandamakmak na hiwayan ang nagdulot ng ingay sa bar. Sa kauna-unahang pagkakataon, nakaramdam ako ng tunay na self confidence. Tila mas lumakas ang loob ko. At ginawa ko na ang next move.




Bino: Dianne, pwede ba kitang makaduet sa isang performance dito?




Dianne: Nu kaba? Bumaba ka nga dyan, namumula na ko oh.




Bino: Unless you say yes.




Dianne: Oo! Payag ako!






Kung maisasatelebisyon ang buhay ko, malamang, isasama ko sa happy moments ang eksenang ito. Sa lahat ng mga bokalista na nagyaya na makaduet siya, ako na isang keyboardist ang unang nakakuha ng kanyang permiso.




Masaya.





Hindi.





Sobrang Saya.





Tila ang bilis umikot ng mga kamay ng orasan. Sobrang bilis ng galaw ng mga kamay nito sa tuwing kasama ko siya. Dati rati, halos ifastforward ko ang buhay ko. pero ngayon, laging bitin ang bawat sandali. Tila ang bawat pagsasama namin ay laging kulang para sa akin. Ganun pa man, masaya.







Sobrang bilis nga ng oras. Di ko namalayan, 10 minuto na lang at magsisimula na ang gig ng banda namin at ng kay Dianne. Sa kauna-unahang pagkakataon, dalawang bokalista mula sa magkaibang genre ng musika.






Nagsalita na ang manager ng bar.





in 3..2..1






Lights on!






Tatlong hit ng drumstick ni Jam ang que at nagsimula na kami sa pag-awit.






I've been living with a shadow overhead
I've been sleeping with a cloud above my bed
I've been lonely for so long
Trapped in the past, I just can't seem to move on

I've been hiding all my hopes and dreams away
Just in case I ever need em again someday
I've been setting aside time
To clear a little space in the corners of my mind

All I want to do is find a way back into love
I can't make it through without a way back into love
Oh oh oh




Natapos ang aming pagkanta at muli kaming nakarinig ng mga palakpakan. Tumingin sa kin si Dianne at bumulong ng "thank you" na agad ko'ng nireplyan ng isang matamis na ngiti.





Backstage, tumunog ang cellphone ko kasabay ng pagflash ng "1 message received".



"nice performance." si joseph.




"thanks. di mo ba icocongratulate si Dianne?" text ko.




"mamaya na para di agaw eksena"




Lumabas ako at hinanap ko si Dianne.




Dianne: Kala ko di mo ko lalapitan mataops ung song number natin eh.


Bino: Siyempre di ko gagawin yun sa yo. Gusto kitang makasama eh.


Dianne: (tahimik)


Bino: You don't have to say a word. i love you


Dianne: I love you too.


Bino: (ang ganda mo talaga)



Dianne: Wala ka bang sasabihin?


Bino: Itigil na natin ito. Kanina pa si Joseph sa likod mo. Nagseselos. Effective ang plano mo. (sa pinakamalungkot na boses)


Dianne: Pwede mo ba kong ihug?


Bino: Anytime. (consolation prize)


Dianne: I love you Bino. This time, di na ko nagpapanggap








Wakas.





March 8, 2010

Ang Kwaderno ni Bino (ikatlong yugto)

5 ang nakaappreciate
ang unang yugto ay mababasa dito
ang ikalawang yugto ay mababasa dito


Sa tuwing tinititigan ko si Dianne, hindi ako makapaniwala kung gano ako kaswerte at hawak ko ang kamay niya. Dati kasi, hanggang tingin lang ako tulad ng kanyang mga tagahanga sa bar. Pero ngayon, para bang pinagtagpo kami ng tadhana. Mas naging artistic ako, lumabas ang mga itinatagong talento. Para bang nagkaroon ako ng superpowers.

Todo karir ako para mapaganda ang "relationship" namin. Unang linggo pa lamang, nagpasobrang cute na ko sa kanya.


Hinintay ko'ng matapos ang 1st set nya. Bago siya bumaba ng stage, sinipulan ko siya. Pag lingon nya, pinakita ko ang isang 1/8 na illustration board na may nakasulat na "You're my You!" At naging epektibo naman dahil kitang kita ang pagbablush niya. Inilabas ko ang ikalawang sandata. Hinubad ko ang suot ko'ng long sleeves at tumambad ang nakasulat sa aking t-shirt na "You fill the emptiness in me". Pinagmasdan ko ang kanyang mukha. Mas nadagdadagan ang kanyang blush. Ako rin nama'y kinikilig ng mga sandaling yun. At sa huling pagkakataon, tumalikod ako para sa aking huling armas. "www.mahalkitadianne.com"


Pag-baba nya, agad sumalubong ang mga tuksuhan ng mga waiters pati na rin ang manager ng bar. Natawa ko dahil yung manager, isa sa mga nakasagutan ko dati (pero oks na siyempre).

Dianne: Tara dun tayo sa bakanteng table. Gutom na ko eh. Napagod ako sa set ko.


Bino: Wag mo na kong hilahin, susunod naman talaga ako sa yo eh (sabay ngiti)


Dianne: Nagpapacute ka na naman.


Bino: hindi noh! cute talaga ako. hehehe


Dianne: Teka nandito ba si Joseph?


Bino: Nakita ko siya kaninang nanunod. Mas ok nga yun diba?


Dianne: Sabagay.



Gaya ng ibang gentlemen, inalalayan ko siya pag-upo na para bang disabled person na kailangan ng tender loving care.



Dianne: Balik-eskwela ka ba? Bakit dala mo na naman yang kwaderno mo? (sabay tawa)


Bino: Bakit, masama ba? hehehehe


Dianne: Hindi naman


Bino: Para sa yo ang laman ng kwaderno'ng ito. (sabay hawak sa kanyang kamay. nakita ko'ng nakatingin si Joseph)


Umakyat ako ng entablado at kinanta ang nakasulat sa kwaderno ko.


You give me hope,
The strength, the will to keep on;
No one else can make me feel this way
And only you
Can bring out all the best I can do;
I believe you turn the tide
And make me feel real good inside.

You pushed me up
When I'm about to give up;
You're on my side when no one seems to listen
And if you go,
You know the tears can't help but show
You'll break this heart and tear it apart;
Then suddenly the madness starts

CHORUS:
It's your smile,
Your face, your lips that I miss,
Those sweet little eyes that stare at me
And make me say,
I'm with you through all the way.

'Cause it's you
Who fills the emptiness in me;
It changes ev'rything, you see,
When I know I've got you with me

You pushed me up
When I'm about to give up;
You're on my side when no one seems to listen
And if you go,
You know the tears can't help but show
You'll break this heart and tear it apart;
Then suddenly the madness starts

CHORUS:
It's your smile,
Your face, your lips that I miss,
Those sweet little eyes that stare at me
And make me say,
I'm with you through all the way.

'Cause it's you
Who fills the emptiness in me;
It changes ev'rything, you see,
When I know I've got you with me.



itutuloy...




March 1, 2010

Ang Kwaderno ni Bino (ikalawang yugto)

7 ang nakaappreciate
ang unang yugto ay mababasa dito

Himala. Milagro. Totoo daw ito sabi ng karamihan. At tanging mga banal na nilalang lamang dito sa mundon'g ibabaw ang pinagkakalooban ng kapangyarihan na makita ang hinaharap, makapagpagaling ng mga may karamdaman, atbp. Pero sino ba naman ang magaakala na ang aking lumang kwaderno ay lilikha ng isang "milagro" Kasalukuyan ako'ng nagsusulat ng kanta ng araw na iyon sa music bar na aming pinagpapraktisan. Ngunit tila hindi umaayon ang aking isipan sa pagsusulat dahil ilang beses ko mang basahin ang aking komposisyon, pangit pa rin sa pandinig at panlasa ang dating ng bawat letra ng kanta. Agad ko itong pinunit at ginawang bolang papel. Hinahagis hagis ko ito sa ere at nang nagsawa ako, ibinato ko ito sa aking likuran.

Dianne: Arggh! Sino nagtapon ng basuran'g to?!! (sa may kalakasang boses kasabay ng paghawak sa kanyang pisngi)

Bino: (Utak: buti pa ung basura nakadampi na sa pisngi niya)

Dianne: Ikaw!!! Sa yo to'ng basurang to noh?

Bino: Ako? (sabay ng tawa ng mahina)

Dianne: Hey you! Why are you laughing? Did you find this incident entertaining? We have a garbage can here!

Bino: (utak: nasa call center ba ko? parang irate customer ang kaharap ko ah) I do apologize for the inconvenience, rest assured it won't happen again. (sabay ngisi)

Dianne: Are you crazy?

Bino: Yes i'm crazy for you, touch me once and you'll know it's true! (Sinadya ko yun para lalo siyang inisin)

Dianne: Sa tingin mo nakikipaglokohan ako sa yo? Eto nang basura mo!

Bino: Hey wait Dianara!

Dianne: What the... It's Dianne! Yan oh, ang laki-laki ng name ko sa poster dito sa [name of bar sa alabang] Kailan pa naging miss universe ang name ko ha? At tigilan mo na yan, nakatingin na ung mga waiters dito oh (sa pabulong nyang sabi)

Bino: I see. Dianne. What a beautiful name. I'm Arvin Montilijao Bautista a.k.a Bino. Nice to meet you (sabay lahad ng aking kamay)

Dianne: Hahahhaha (kusa nyang inabot ang aking kamay)

Bino: bakit?

Dianne: La lang, talagang kailangan buong pangalan.

Bino: Ah, kala ko may balat ng malunggay ako sa ngipin. Bino na lang for your convenience.


Milagro ngang maituturing ang naganap na pag-uusap namin ni Dianne. Tubig at langis. Langit at lupa. Ito ay sa kadahilanang, ang banda niya ang most applauded sa bar na yun. Maraming tagahanga. Maraming nagrerequest. Pero matapos ang chit-chat namin ni Dianne, nasundan pa ito at di naglaon ay naging close na kami.


Pagpunta ko ng bahay nila Enzo, para ako'ng sikat na sikat na artista na naglalakad sa red carpet at tinitilian ng mga tagahanga. Ganun ang aking naramdaman.


Enzo: and the oscars goes to... Bino Bautista!!!!

Jam at Ryanjames: Congratulations! Palakpakan!!!

David: Swerte mo parekoy! Kala namin, wala sa isa sa atin ang makakahawak ng kamay ni Dianne! Nagmimilagro nga ang kwaderno mo! hahahaha

Bino: Mga Ul*l! Para kayong mga sira!

Jam: Dahil dyan...

Lahat: May nagtext!!!



Natigil lang ang aming paglolokohan ng singhalan kami ng kapitbahay. Parang fairytale lang ang mga pangyayari. Siya ang aking prinsesa. Dati hindi ko maabot ang mundo niya. Pero ngayon, tila ang mundo namin ay naging isa.




itutuloy...