January 7, 2011

Ang Panayam kay Zyra Mae Ordoño-Bambico


Ilang araw na ang lumipas mula ng makipag-isang dibdib ang aking kaibigang blogger na si Zyra Mae Ordoño-Bambico ng ADODCESPRESSO sa kanyang kasintahan na si Lester Bambico. Para sa kaalaman ng ilan, si Zyra ay aking unang nakilala sa isang bloggers eyeball kabilang na ang Saranggola Blog Awards. Mula noon, nagkaroon kami ng relasyon sa loob ng isang minuto. Joke lang! Hehehe. At isang malaking karangalan ang aking makapanayam ang tao'ng nasa likod ng unang TABA o The Annual (kalsada) Blog Awards. Narito ang aking panayam:


____________________________________________________
Hello! Kamusta na ang bago’ng Mrs Zyra Bambico. Una sa lahat, lubos ako’ng nagpapasalamat dahil pinaunlakan mo ako sa isan’g ekslusibon’g panayam tungkol sa iyong buhay-pagibig. Kailan lamang tayo nagkakilala at sino ba naman ang mag-aakala na tayo’y magiging magkasintahan sa loob ng isang minuto! Hehehehe. Anyway, narito ang ilang mga mabababaw na katanungan ko (maaari ka ring magdadag ng mga detalye na wala sa mga tanong):

 

Q: Paano at saan kayo nagkakilala ni Lester? Magkababata? Magkawork? Magkablog?
A: Asa ka namang magkablog lols. Ahm churchmate ung parents namin nung bata pa kami kaya magkaklase kami sa Sunday School mula 6 years old ata so 1993 siguro. Tas pag summer, magkaklase din kami sa VBS (vacation bible school). Nung 2001, nakabuo kami ng barkada, bale sampu  (10) kami dun – ung TPTL (Tropang Praise the Lord) kasi nagsisisigaw kami sa kalsada ng Praise the Lord. Puro kami kabataan dun. Heehee kami na banal.

Q: Ano ang inyong naramdaman sa isa’t isa sa una ninyong pagkikita? (Love at first sight ba etc)
A: Ah pareho naming hindi gusto ang isa’t isa. Ayaw nya raw kasi sa maganda. Ako naman, ayoko sa panget (joke) heehee. Wala naman, sakto lang, bata pa kasi kami nung unangbeses kami magkita.

Q: Paano naging kayo? Ano’ng klaseng panliligaw ang kanyang ginawa para makuha ang iyong matamis na OO?
A:Ah bale nung 2002, may MU (mutual understanding) kami. Astig to, puppy love. Kaso hindi pa daw pede sabi nung pastor namin kasi bata pa kami. Niligawan nya rin ako nun mga 3 days kaso tumigil sya. Tas nung 2008, pagbalik nya dito sa Manila kasi sa Baguio na syta nagcollege, wala nang ligaw ligawnaging kami na.

Q: Dumanas din ba ng unos ang inyong relasyon bilang magkasintahan? Paano ninyo ito nalagpasan?
A: Uu naman, ang madalas namin pag-awayan eh ung pagkabaduy nya manumit lols. Tas aun, hmmm nagbibigay talaga kami ng mga 1 oras na katahimikan (walang text o kahit ano). Madalas, ako rin ung unang nagtetext. Ang maganda kasi kay Lester, mabait magalit. Aun. Nagkakasundo naman kami madalas.

Q: Ano ang inyong sikreto (oo sikreto pero kailangang sabihin!) sa pagiging matatag ng inyong relasyon?
A: Hehe. Si Lord talaga. Alam mo ung librong “When God Writes Your Love Story”? Aun, kasi prayer partners kami. Naniniwala kami na si Lord ung bumuo ng istorya namin. Kaya masaya kami kasi alam namin na nakangiti si God sa amin

Q: Paano siya nag-propose?
A: Kawawa naman ako. Hindi na nga ako niligawan, hindi pa sya nagpropose. Hehehe. Ung photo ng proposal, acting lang un. (Pero kuha yan nung 2010 na rin)

Proposal


Q: Paano pinaghandaan ang kasal?
A: Inuna namin ung petsa. Dahil parehas kaming nasa mundo ng IT, gusto talaga naming ang Binary Date. Ayun napili namin ung 01-01-11. Nung may petsa na, tsaka naming inalam ung mga kailangan, nagcompute ng mga gagastusin tsaka nanampalataya. October na kami nag-asikaso kahit na isang taon na naming alam na ikakasal kami. Medyo kapos kami nun sa budget, pero pag si Lord talaga ang nagsulat nga ng story, walang imposible J Ayun natuloy din. (I suggest basahin mo to: http://adodcespresso.com/2010/10/26/humiling-ako-sa-langit-ng/ -- istorya yan ng paghingi ko ng panggastos hehehe)

Q: Napansin ko’ng maaga ka’ng lumagay sa tahimik, bakit?
A: Kasi un ang bilin ng mga magulang namin nung bata pa kami

Q: Paano mo nasabi na siya ang lalaki’ng  para sa yo?
A: Hindi un masasabi Kuya Arvin, mararamdaman mo un. Kung itatanong mo naman kung paano ko naramdaman, hindi ko un kaya ipaliwanag. Dadating din siguro ung panahon na malalaman mo ung ibig kong sabihin hihihi.

Q: Anu-ano ang iyong mga expectations sa isang buhay may-asawa?
A: Nung isang beses, pauwi kami ni Lester, siguro 2009 un. May nakasabay kaming matanda sa dyipmatandang lalaki. Alam naming na medyo nakainom na si kuya. Kung kaya mo iimagine, si kuya ung nasa dulo ng jeep malapit sa pinto tas kaharap nya kami. Tinawag nya si Lester, sabi nya, “Hoy!” Tas natakot ako, kala ko aawayin kami. Tas sabi ni kuya, “Pag kayong dalawa eh magkatuluyan, hindi kayo magkakaaway. Siguro konting pagtatalo pero palaging maaayos. Nakikita ko un sa inyo.” Aun. Kahit medyo lashing un, naniniwala kami sa kanya at un ang ineexpect naming dalawa.

Q: Anu-anong pagbabago ang naganap mula nang ika’y maikasal (adjustments etc)?
A: Aga ko na gumigising huhuhu. Kasi kailangan ko sabayan si Lester mag-almusal dahil 6am sya umaalis ng bahay. Tas wala na akong taga-laba, taga-pamalengke, at taga-luto. Hindi ako sanay ng kaunti. Sanay akong maging prinsesa. Ganun kasi sa mundo naming mga diwata hahaha.

Q: Ano ang iyong mensahe para sa kanya?
A: Kay Lester, hi hello. Nandito ako sa Damuhan.com, sikat na ko. Binabati kita ng magandang araw. Basta wag mo kalimutanmahal kita 

Q: Ano naman ang mensahe ninyo sa  couples out there?
A: Sa mga couples out there, bakit kayo out there, ayaw nyo ba in here? Hmm mahalaga na parehas kayo ng gusto ng partner nyokunwari interests – maganda na parehas kasi mas makabubuti un. Possible din naman na hindi kayo magkatulad pero natututunan naman magustuhan ang mga bagay-bagay. Teka example, ako hindi ako mahilig sa PSP. Pero dahil mahilig si Lester maglaro nun, naghanap ako ng game na kakaadikan ko rin – although hindi kami ganun kaparehas ng interes, at least, kaya ko syang sabayan. Mahalaga kasi talaga un. Saka, isali nyo si Lord sa Love Story ng buhay nyoayan ang pinakamahalaga sa lahat.

Profile: (You and Lester)

Name: Zyra Mae Ordoño-Bambico, Mark Lester Bambico
Birthday: October 19, 1986, May 25, 1987 (oo mas matanda ako)
Occupation: Professor cum Freelance Graphic Artist, Programmer
Araw ng Kasal: January 1, 2011
Beses na-inlove: Isa lang, Isa rin lang


Narito ang ilan sa mga larawan nilang mag-asawa

with friends

Bridal March

Groom (Lester) Waiting

With Family

Bride and Groom

with Asel and Zenia


Muli, maraming salamat Zyra sa iyong ibinahagi. Nawa'y maging inspirasyon ka ng COUPLES OUT THERE! HEHEHEH





34 ang nakaappreciate:

  1. at talagang inspirasyon sa couples out there lols salamat din dito. natatawa ako hwahahaha

    ReplyDelete
  2. ang kulit ni zyra sumagot hahaha....sayang at di ko cya na meet sa personal...
    at naging kau ng 1 minute..
    teka goosebumps inabot ko dito-->Alam mo ung librong “When God Writes Your Love Story”? Aun, kasi prayer partners kami. Naniniwala kami na si Lord ung bumuo ng istorya namin. Kaya masaya kami kasi alam namin na nakangiti si God sa amin..
    ...

    isa kang inspirasyon zyra~~
    viva at Godbless you always...

    sana matagpuan k n rin ang lalakeng bubuo ng love story ng buhay ko puhhaha~~~

    ReplyDelete
  3. whahaha parang the bottomline lang with boy abunda vin ha hehehe.. ang kulit nga mga sagot... imba hehehe,,, sayang di ko rin siya na meet yung SBA.... di bale bawi na lang sa susunod heheh :D

    have a good 2011 zyra,,, cheers :D

    ReplyDelete
  4. Gudluck sa buhay may hubby Ms Zyra.. korek na ang dapat na pinaka center ng iyong buhay, may asawa man o wala, ay si GOD, & the rest.. sa side na lang hahaha.. juk..

    parekoy, kulit sumagot ni Ms Zyra, siguro nung time na iniinterview mo sya, nakaialng beses ka mag wiwi no haha... nice parekoy...

    ReplyDelete
  5. nakaka-goosebumps yung part na umeksena si manong lasing hehehhe

    Congratulations and best wishes to Zyra and Lester! May your marriage be continually blessed with abundant graces filled with love and happiness.
    Cheers!!! :D

    (Thanks Arvin for this article. Happy New Year! :D)

    ReplyDelete
  6. aw..iba talaga pag si God ang naging sentro ng pagmamahalan.. Just like ours... Happy for you zyra.. malaking Congrats :)

    ReplyDelete
  7. I've read When God Writes Your Love Story. That was Eric and Leslie's story, I'm sure. I was reading the book when I experienced a sad story, something like that and got inspired.

    Thanks for sharing your interview with bubbly Zyra, Bino. :) I got to remember coz of that interview. I might share in my next My Regency post.

    ReplyDelete
  8. congrats kina teacher zyra at sir lester!
    mabuhay ang bagong kasal!

    that's TLW talaga!

    continue to serve Him more!

    salamat sa interview sir arvin.

    be blessed!

    ReplyDelete
  9. hindi ko alam kung baket unang beses kong nabasa ang love story nila zyra at lester, parang gusto ko ng gumawa ng fans club. ang light kase ng relationship nila. parang kahit hindi ko sila nakikita, nararamdaman ko yung pakiramdam nila para sa isa't isa.

    seriously, nakangiti ako habang binabasa ko ang interview from start to end. sabi ko nung una, "ay ang haba, baka magskip read ako." lol. pero enjoy na enjoy ako at binalik balikan ko pa yung ibang Qs and ans. ang adik db?

    tama na laging dapat si God e nasa relationship. Sya kase ang magpapadali ng lahat.

    i love how random strangers, just like in their story, share their thoughts about you. kahit na parang holdaper kung maka-hoy si kuya. ang sarap ng ganun db? yung parang maririnig mo sa ibang tao na, bagay na bagay talaga kau.

    congratulations to the newly weds! we're expecting little lesters and zyras in the future! God bless you both! =)

    ReplyDelete
  10. ay mabuhay gusto ko ito.. pangarap ko ito... sana kachurchmate ko nalang din makaparehas ko.. wahehehe... may motive...

    ReplyDelete
  11. wow maraming salamat :)
    amen amen amen
    kaya ung nagsulat nito, magpray na rin dapat para sa magiging partner nya ♥
    @rainbowbox: heehee haba din ng comment mu eeeh
    hihihhi

    ReplyDelete
  12. wow...congrats to zyra! ikaw na ba susunod bino?

    ReplyDelete
  13. Weeee~ Nakakakilig naman 'to. :>

    At mabasa nga yang 'When God Writes Your Love Story' :)

    Salamat po sa pagshare. :D

    ReplyDelete
  14. ang galing talga ni GOd. ^^ buti si mhay natuturuan ko ng magblog. nagugustuhan n niya. ^^ hopefully im next sa marriend life ^^

    ReplyDelete
  15. nakakainggit naman..:))

    hangsweeeet..

    sana ako din simulan na ni God ang Lovestory ko..

    i super like the interview..

    ReplyDelete
  16. natawa ako sa mensahe ni zy zy sa couples out there... ayaw niyo ba in here. hehehe!

    Congrats, Zy-Ter!

    Best wishes.

    ReplyDelete
  17. zyra : walang anuman. hehehe. next time interview sa honeymoon. joke! :D

    unni - darating din yan sa tamang panahon tulad ng pagdating ng tamang babae para sa kin. sana hehehehe

    axl - yeah may next time pa naman :D


    istambay - heheh sikreto parekoy :D

    taribong - no problem :)

    ReplyDelete
  18. MD - you're next sa interview. joke! hehehe


    krincess - it's my pleasure. will be waiting for your post :)

    pong - youre' most welcome :)

    ReplyDelete
  19. rainbow box - kinarir ang koment ha! hehehe



    kiko - oo nga halata ang motibo mo hahahaha


    zyra ulit - lagi ko'ng pinagpepray yan hehehehe



    ronster - sana nga hehehe

    ReplyDelete
  20. aubrey - wala po'ng anuman :)

    lhan - next time ikaw naman susunod heehehehe

    cheenee - thanks at nagustuhan mo :)

    empi - hehehe ako rin natawa promise :D

    ReplyDelete
  21. haha, congrats mrs. zyra bambico. you're such a lovely pair. wish you all the best. God bless.

    ReplyDelete
  22. congrats po to both of you. uso ata ang kasal ngayon. :D

    ReplyDelete
  23. Wow Bino.. Sosyal Ka! May pa interview interview ka na ngayon ha.. astig ka talaga kahit kailan.. hahaha..

    Pero ang ganda ng story nila... Kailangan ko din kausapin pastor namin hahahaha...mag papapray ako..

    Zyra Congrats!!!

    ReplyDelete
  24. Nagustuhan ko yung part tungkol sa mamang lasing sa jeep/ Kinilabutan ako! Ehe.

    Congrats kay Zyra at Lester! Best wishes!

    ReplyDelete
  25. ANG GANDAAAAAA T.T inggitera much? Grabe... trip na trip ko si manong na nakasakay sa jeep... hahahah...

    grabe gusto na rin lumagay sa tahimik.. sana ganito ka-happy ang bawat lab story... O.O

    ReplyDelete
  26. hehe nakaka inspre nga sa iba.. Hehe galeng galeng binö.. Sna balang araw ako din makapanayam mü.. Pangarap at goa5 ko tlgagang mameet ung ibang blogger..ü

    ReplyDelete
  27. syempre after nating magmeet, basa ako agad ngayon para maupdate. so sweet, so cute so zyra. Congrats and best wishes!

    ReplyDelete
  28. Xander - hehehe swerte lang at pinaunlakan :)

    Cheese - sana next na ko hehehe

    Kurog - ako din gusto ko un

    kamila - sana lahat ng love story ganyan :D

    halojin - sure!!!! :D

    bernard - hahaah comment kagad ah :D

    ReplyDelete
  29. ang babata pa nila. hehe. ang ganda ng love story nila.sobrang simple pero ideal. cool. best wishes sa kanila. :D

    ikaw bino, kailan ka lalagay sa tahimik? hehe.

    ReplyDelete
  30. goyo - next year! pag may bago nang girlfriend. hehehehe

    ReplyDelete
  31. Im glad to know you Zyra in blogosphere. And i'm very glad if ever we could see each other some other time.

    Bino is one of longest friends too.

    ReplyDelete
  32. kinilig ako sa istorya ni ate zyra and iam hoping maging ganito din kami....

    ReplyDelete
  33. Hala, hindi pa pala ako nagcocomment dito? Ahehe. HIndi sila tao, dahil bagay talaga sila. Inggit much.
    Great interview Bino. Write more. hehe ^_^

    ReplyDelete
  34. wow ^_^ zyra...it's nice to know...when God writes a love story...talagang swak...ang ganda ng istorya, ito ang tunay na kilig! In God's time, everything is excellent ^_^ hala..ngayon ko lang nalaman na kinasal ka na pala..ordonez lang ung nakita ko dati nung bumisita ako last year during the TABA polls hehe...congrats!!! and huwawwww...happy 1-year anniversary... ^_^ Stay in the Lord, for the Lord..>!

    ReplyDelete

Sisikapin ko'ng replyan ang mga komento ninyo.
Kung may sasabihin ka'ng di maganda, huwag ka'ng mag-ANONYMOUS