Nakita ko na naman siya palabas ng kubo ni lola. Ilang dipa lang layo mula sa aking bago'ng gawang european-inspired na bahay. Sumisigaw at galit na galit. Pilit niyang hinahanap kung nasaan ang milyones niya. Kasabay nito ang lagi niyang paghawak sa kanyang dibdib habang tinitiis ang sakit na nararamdaman. She's dying. Alam ko yun. Pero wala ako'ng pakialam! Marami ako'ng pera! At kayang kaya ko siyang bilhin! Barya lang ang pera niya kumpara sa akin!
Hindi naging maayos ang relasyon naming mag-kapatid. Palagi na lang kami'ng mayroong hindi pagkakaunawaan. Mula sa simpleng paggamit ng suklay hanggang sa perang inipon nya ng matagal. Ako ang pinagbibintangan niya. Ngunit hindi ko iyon ginalaw. Hindi. Wala sa bokabularyo ko ang magnakaw ng pundar ng iba lalo na't sarili ko'ng kadugo. Bagamat hindi kami close, hindi ko din naman kaya'ng pagnakawan siya. Pero she insists na ako ang kumuha.
Itinuring ko siyang kaaway at kaagaw sa lahat ng bagay. Kaya naman nagsumikap ako'ng makapagtapos ng pag-aaral ng wala ang tulong ninuman kahit ang aking sariling magulang. Gamit ang talino'ng taglay, nakakuha ako ng scholarship sa munisipyo. Napagtapos ang sarili sa kurso'ng Architecture at ngayo'y nagtatrabaho sa isang sikat na construction company bilang Senior Architect. Bukod pa dito, naging isa ako sa mga hinahangaang bloggers sa Pilipinas dahil sa laki ng kita ko sa mga blog advertisements atbp. Nakapundar ng ilang sasakyan. Nakapaginvest sa real estate at unit investment funds. Lahat ng yan, naabot ko ng sariling sikap. At ngayo'y nakatira na nga sa nasabing bahay para tingnan at maliitin ang aking ate. KARMA! Yan ang bagay sa yo! Mamatay ka na sana!
Natupad nga ang aking sinabi. Pumanaw siya dulot na rin ng sakit na breast cancer. Sa kanyang pagkamatay' hindi mapigilan ng arkitekto ang umiyak hindi lamang sa lungkot. Oo. Ang dating puso'ng singtigas ng bato ay naging tila isang kandila na mabilis na natutunaw. Ang arkitektong mapagmataas at makasarili, ngayo'y binablog ang kanyang pagsisisi na kailanma'y hindi na mababasa ng kanyang kapatid na ilang taon nang namayapa. Hanggang ngayon, patuloy ang pagsusulat ng arkitektong blogger sa kanyang habang buhay na paghingi ng kapatawaran sa kanyang ate. Kung meron mang blog sa langit, hiling niya'y binabasa ito ng kanyang kapatid. Mabasa ang mga katagang matagal niyang tiniis na hindi bigkasin. Mahal kita Ate. Patawad Ate.
This architect slash blogger is really sorry. Believe me. He really is.
******************************
Ito ay kathang-isip lamang ng may-akda. Anumang pagkakahawig sa totoong buhay ay hindi sinasadya.

hmmmm
ReplyDeletemay kahawigan itong post mo sa isang blogger/architect/friend ko.. only he didnt lost his sister, he lost his mother..
sad..
pwede ring mangyari ito sa totoong buhay.
ReplyDeleteyanah - that's bad. isa nga lang mawala , lungkot na eh. paano pa kung dalawa. :(
ReplyDeleteempi - yeah di malabong mangyari sa true life
nalulungkot ako.
ReplyDeletekasi tapos na ung nomination sa taba 2010.
pang best emo post sana ito. :P
zyra - kanina ko lang kasi napagpasyahang ipost eh :D
ReplyDeletekalungkot lang :( di talaga maiwasan kung minsan ang may magawa kang bagay na pagsisisihan mo pagdating ng araw ...
ReplyDelete~akala ko naman totoo..hehehe...
ReplyDeletebut sometimes this happens to some people....anyway siblings' rival is normal even my sister and i do it..:)
ako ay nadala habang binabasa ko ang likhang ito.. hindi man sya tunay na pangyayari, paniguradong may ilang mambabasa ka na tatamaan sa napakagaling na pagkakasulat mo.
ReplyDeletehala. hala naman.
ReplyDeletepwede pa sana magbago ang lahat at makapagsimula ulet kung di sya nawala.
pero ayun.
galing naman kuya arbin :)
anuman ang pagkakahawig nito sa totoong buhay, for sure na napatawad na sya ng utol nya. madalas mangyari, nasa huli ang pagsisisi pero ano pa bang magagawa diba? mag pray na lang
ReplyDeletenice parekoy...
ok na yung plot eh.... ramdam ko na yung concept biglang nag fiction.. pero pude nga tong mangyari sa real life... :D
ReplyDeleteLife lesson:Hindi pa huli para mahalin ang nakapaligid sa atin :)
ReplyDeletehave a nice day!
ay sheesh. akala ko totoo na. arkitek ka rin pala bino? o kasama yun sa fiction? :)
ReplyDeleteSa wakas, nakapasok din ako Sir Bino.
ReplyDeleteIsang motibasyon ng tao ang galit/paghihiganti para may mapatunayan siya, pero sa gawaing ito tila yata nakakalimutan niyang, sa rurok ng tagumpay, naiiwan ang isang mahalagang salik ng buhay- ang relasyong pangtao.
Dahil tayo ay may kakulangan, hindi naman dapat mangyari na magpataasan, dahil kapag ang isa ay ginustong tumaas, susuko tayo sa bubong ng langit kung meron man.
Uso ang ganitong alitan sa magpapamilya. Medyo kakaibang isipin pero 'yan ang reyalidad. :)
nakakaiyak naman! panalo sa kwento;)
ReplyDeletewee.... ke lungkot naman ng kwento...
ReplyDeleteEh bakit parang may sa katotohanan? Kung fiction to, eh nakakabilib at na-convinced akong totoo. Ikalawang nakakalungkot na nabasa ko today.
ReplyDeletekahit sabihin mo pang fiction to. naniniwala akong may pinaghugutan to..
ReplyDeleteang kwento ng matagumpay na pagsisikap upang makapag higanti. kung isa itong fiction, i still feel bad na nagamit yung tagumpay para maging pasakit sa iba. i hope mas mapatawad ng blogger yung sarili niya.
ReplyDeletekapupulutan ng aral. salamat, bino!
tama sila at sa pagkabasa ko be it fiction or not sumasalamin ito sa tunay na buhay, aksidente mang kahawig o hindi.
ReplyDeletesalamat sa moral lesson ng story.
ah----fiction pala. naiisip ko naman na totoo. sabihin ko pamandin sana ikaw na--ikaw na ang may talino.hahaha...pero seriously, blogging is a very powerful tool, and yeah who knows---it's influence is eternal.baka nga may nagbabasa din kahit sa langit.hehehe
ReplyDeletekala ko true to life ^^
ReplyDeleteCM - tama ka dyan.
ReplyDeletepoppe - salamat sa pagbisita. fiction lang. hehehehe
MD - maraming salamat at iyong naibigan ang aking naisulat
jason - nasa huli talaga ang pagsisisi diba. hehehe. thanks joson hohohohoho :)
ReplyDeleteistambay - yeah prayers na nga lang at i think repentance
axl - imaginin mo kung tototong nangyari to hehehehe
bhing - true! have a nice day din :)
nowitzki - kasama yun sa fiction :)
ReplyDeletekulisap - salamat sa iyong pagbisita. karangalan ko'ng mabisita ng isa sa mga winners ng PEBA. at tama ka dyan, usung-uso ang crab mentality sa atin. sana mabago ito
kiko - ganun talaga. hehehe. di normal pag laging masaya ang kwento :)
ako si yow - fiction lang yan pramis. hehehehe
duking - walang anuman po. i agree na may lesson na mapupulot ang sinumang magbabasa nito
ReplyDeletepong - walang anuman at salamat sa pagbisita :)
pusa - naku kung may nagababasa sa langit eh sana umabot nga to dun hehehehe
lhan - parang totoo ba parekoy? lol
isang halimbawa ng nasa huli ang pagsisisi. minsan talaga, we will never realize the true worth of something pag nandyan pa. saka nalang natin marerealize pag wala na. masakit na katotohanan, pero hindi maiiwasan.
ReplyDeletefiction lang pala. kala ko ikaw na yung may maraming milyones kuya. uutang sana ako, sayang. chos! =P
magandang gabi po kuya bino.. sori now lang ako nakadalaw sa page mo. busy din kasi po sa pag aaral saka eto. ang bagal ng net ko po..anyway, ok po yung post mo..sa totoo lang nung una hindi ko talga inakala na imbento lang kasi nadala ang ng istorya nice one kuya ^_^
ReplyDeleterainbow box - fiction lang yan. hindi talaga ako milyonaryo. lol
ReplyDeletehalojin - ayos lang. :) no problem. imbento lang yang post na yan. :D
galing! parang totoo!. Cumlaude kasi eh. kaya ganyang mag-isip! Go go go arvin!
ReplyDeleteAlam mo.. hindi ko naiintindihan kung bakit yung magkadugo, nagiging magkaaway. Magkapatod, magpinsan.. Nagkakagulo, madalas meron pang namamatay..
ReplyDeleteDahil sa pera? Dahil sa yaman? Dahil sa lupa? Dahil sa mana?
Naniniwala ako, anuman ang mangyari sa buhay mo, dun ka pa rin babalik sa pamilya mo.. sa kadugo mo. Sila yung makakatulong, sila yung dadamay. Kaya dapat lang na mahalin ang pamilya mo. Maaaring magkaroon ng mga away at di pagkakaunawaan, pero lahat naman ay madadaan sa mabuting usapan..
Nakakalungkot lang na hanggang sa kanilang pagtanda, dala-dala ng arkitekto yung poot at galit nya sa ate nya.. Hanggang sa pumanaw na ang ate nya, hindi sila nagkaayos.. Nakakalungkot. Nasa huli talaga ang pagsisisi..
What's with the hate, people? Can't we just LOVE one another?
P.S.
Ang drama ng comment ko. hehe.. sensya naman.. lol