Dali ng pagseset-up - mas nadalian ako'ng magsetup ng blog sa Blogger. Once na nakasetup na, makakapagpost ka na kaagad. Dami pang templates na pagpipilian for free. Sa wordpress naman, sasakit ang ulo mo kung hindi mo alam ang dapat gawin. Marahil ay naset na sa utak ko na mas gusto ko'ng magblog gamit ang blogger.
Medyo sakit din sa ulo ang pagpublish sa blogger. Parang forever ka'ng magaantay para mapost ang articles mo lalo na pag marami kang binabago sa buo'ng site mo. Sa wordpress, parang kukurap ka lang, posted na!. Although mas maraming additional features and blogger tulad ng mga themes at iba't ibang tools, hanggang dun lang talaga. Sa wordpress, masasabing SKY IS THE LIMIT. Pwede mo ito'ng iextend beyond just a blogging platform.
SEO at Traffic - dahil pag-aari ng google ang blogger, sabi ng iba mas pabor ang google sa blogs na gawa sa blogger. Pero para sa kin, as long as maganda ang content mo, walang kaso kung ano'ng platforms ang gamit mo. Lamang nga lang ang Blogger sa adsense. Kung free user ka sa wordpress, hindi ka allowed magshare na links sa ibang sites, banners, adsense, amazon at ibang affiliate programs - suspendido ka liban na lang kung mag-aupgrade ka na membership. Last check ko , $15 sa WP, $10 sa blogger.
Blogroll - ewan ko ha pero kung gusto mo'ng maging updated sa mga new posts ng mga kapwa mo blogger, mas ok ang blogroll ng blogger dahil automatic na lumalabas kung sino ang may latest updates sa blogroll mo. Unlike sa worpress, kailangan mo'ng isa-isahin ang nasa listahan mo para makita kung may new post sila. Unless gumagamit ka ng mga feed readers, pabor ako sa blogger.
Gusto ko naman sa wordpress ang comment section nila kasi pwedeng magreply directly. Sa blogger kasi you need to post another comment para mareplyan ang mga gusto mo'ng replyan
Layout - mas malinis ang mga layouts ng worpress compared sa blogger. Aaminin ko na gumamit ako ng worpress themes na inoptimized para magamit sa blogger. Professional ang styles ng layout sa wordpress.
At yan ang aking sariling opinyon, hinuha, kuru-kuro at pananaw tungkol sa dalawang platforms na ito. BIlang pahabol, blogger man o worpress, di ko alintana kung alin sa mga itoang gamit ng mga nasa blogroll ko. Sa tagal ko sa blogging, marami ako'ng naging kaibigan, iba't ibang platforms man ang pinagagamitan.

very informative :) ahehe. i remember nung nago-ojt aku nung summer. pinagawa kami ng research and comparison between the various blogging platforms :)
ReplyDeletethanks :)
ReplyDeletemas nasanay lang siguro ako sa blogspot kaya di ako masyadong pabor sa wordpress :D
ReplyDelete""Hindi mo masosort ang mga articles mo unless alam mo kung paano ihahack ang platform. Sa wordpress naman, bukod sa pwede kang mag-add ng mga kategorya, maaari mo pang idisplay ang bawat kategoryang ito sa iyong main page. Gamit ang tamang plug-ins, maaari mo'ng magamit ang wordpress para maging isang magazine-lookalike portal. ""
ReplyDelete--Tagalog na to ha pero sumakit parin yung pea-sized brain ko. ganyan na ganyan naramdaman ko nung sinubukan kong mag open ng blog sa wordpress, basta ang alam ko lang, kailangan mo maging tech savvy para ma maximize mo ang benefits ng blogging using owrdpress. at since di ako ganun. blogger nalang muna.hopefully mag improve pa ng husto.....
doon pa rin ako sa mas madali at nakasanayan... ayoko nga pahirapan sarili ko. hehehe!
ReplyDeletePusa - hehehe may point ka dyan. i guess may improvements na gagawin ang blogger this 2011.
ReplyDeleteempi - tama ka dyan! hahaha
You are talking about wordpress.com and not the open source wordpress tama?
ReplyDeletehttp://abielonline.blogspot.com
http://lovethoughtslovelines.blogspot.com
oh eh di ako na ang nagpahirap sa sarili ko.. ako na! lol
ReplyDeleteparang vinoice out mo lang ung mga hinaing ko ah.. :P
abiel yup wordpress.com
ReplyDeleteyanah - at least dito mo narinig ang hinaing mo hehehe
Summary toh lahat ng gusto kong marinig kuya bino ah.... parang gusto na lang tuloy mag-blogger.. pero gusto ko din itry yung wordpress pag sobrang bored na ako sa buhay kong ito..
ReplyDeleteyun din gusto ko sa blogger.. yung blog roll.. actually lahat ng gusto ko bisitahin nilalagay ko na lang sa blog list ko... para hindi na ako sa dashboard tingin ng tingin....
Okay lang naman ako at wala masyado paki sa SEO at traffic at sa mga adsense.. kase parang ayuko na ng adsense..tintry ko dati kaya ako gumawa pa ng isang blog na puro english laman..pero naisip ko wag na lang..
pero ewan ko kung mabubukas ulit isip ko one day na gumamit ng ad sense...
ttry ko mag wordpress.. x)salamat kuya Bino
kamila - try mo iexplore and wordpress para malaman mo kung ano ang bagay para sa yo :)
ReplyDeletewhahaha new layout for new year.. imba.. apir... tama ka dian.. pero mayt gusto ko pa rin ang blogger hehehe :D
ReplyDeletebtw nice info.. thanks :D
Axl - thanks! hehehe. yung layout pansamantala lang :D
ReplyDeletedahil sa may wordpress at blogspot ako, pareho lang sila oke saken.
ReplyDeletepero marami talagang aspects. pati tao kasama sa ina assess ko. mga wp'ers at blogspotter's.
hehe
ok sa blogspot yung themes at mga widgets. sa wordpress kasi bawal ang chatbox unless mag dodotcom ka.
pero yung comments threading ang gusto ko sa wp :)
ello kuya bino!
aw.. very nice comparisson parekoy.. sinubukan ko na ang wordpress b4 pero parang hindi pa kaya ng powers ko. lol...
ReplyDeleteOT: bago ang theme.. angaaasss.. hehehe.. :)
jason - uu nga. yun ang gusto ko sa wordpress comment threading unlike dito hahaha. hello Jason! :D
ReplyDeleteMD - dinelete ng wordpress ang blog ko kasi di ko naman alam na bawal pala mga affiliates hahhaa. OT: pansamantala lang :D
maging thankful tayo sa nakaimbento ng 2 na ito, kahit na anong gamitin natin, ang importante naiseshare mo ang idea mo, ang gusto masabihin at ang gusto mo iparating.
ReplyDeleteeh hindi ko pa natry ang owrdpress parekoy at bago pa lang din sa blogging, nakakuha ako ng idea sa post na ito.. salamat parekoy
istambay - walang anuman. :)
ReplyDeletei like your comparison...tama ito lahat. meron din akong acct sa wordpress na medyo formal and seryoso ang posts dahil sa tingin ko mas bagay sya sa wordpress. saka pag wordpress marami kang pwedeng gawin lalo't isa kang dakilang IT.
ReplyDeletesya nga pala...maganda ang bagong bahay mo...paborito kong kulay ang green hahaha. nice nice nice!
ReplyDeletegrabeng wordpress yan, nasayang yung napanalunan kong 1 year na domain at at wordpress theme. di ko nagamit, sumasakit ulo ko sa word press, still pinagaaralan ko pa rin sya. i must say, blogger kung magsisimula kang magblog.
ReplyDeleteyup i agree with this... kasi nag-expirement ako sa wordpress and blogspot as part of my subject nun and mas nahiyang ako sa blogspot.. parang simple at mas madali..
ReplyDeletemeron din akong wordpress, mas nauna kong ginamit yon. kaso hindi napostan ng kahit ano, siguro tinamad na din akong iexplore ang wordpress. kaya sa blogger ako! lol
ReplyDeleteang ganda ng bagong theme. very green! :D
Wow! Ang linis ng theme.. LIke!
ReplyDeleteMeron akong wordpress dati, pero dine activate ko rin kasi nahiyang ako sa blogger. Maganda sana sa WP ang threading ng commments.. Pero ang maganda naman sa Blogger eh yung Blogroll.. =)
And... nasanay na rin ako sa Blogger kaya sa Blogger ako. Yay! hehehe...
galing kasi ako sa livejournal bago lumipat sa wordpress. di ko na-try yung blogger.
ReplyDeletepero naiinggit nga 'ko sa blogroll ng blogspot, kuha agad ang updates. iyun ;)
IDOL PHIL STAR..wahehehe
ReplyDeleteang dami kong natutunan ganon pala yon.Nice very informative.
ReplyDeletehello,bino.
ReplyDeletemula sa friendster,lumipat ako ng wordpress and so far, ok naman. yung learning curve sa technical aspect, tingin ko naman user friendly specially sa gaya kong wala namang alam sa mga html,css etc.
i-nadd pala kita sa blogroll ko. salamat!
ronster - hehehe pansamantala lang muna ung layout. pero glad na nagustuhan nyo :D
ReplyDeletekiko - mas madali ang blogspot pero mas professional looking kasi ang wordpress for me
Diamond R - thanks :)
Leah - magulo ba yung dati kong theme? lol :)
jec - ako naman inggit ako sa comment threading ng wp :)
duking - i used friendster blog din pala hehehehe. thanks for adding ha :)
andaming bawal bawal sa wordpress.. kaya malamang, hindi ako pwede dun... kaya naman dito nalang ako sa blogger.hehe
ReplyDeletekaya naman magblog ka na ulit kosa. hehehehe
ReplyDeleteang galing.. yan din ang comparison ko sa kanila based on exp. hehe. pero dahil taga-blogspot tayo. mas love natin to.haha. :D
ReplyDeletewow, easy to understand comparison (kahit medyo nosebleed pa rin). stick to blogger muna ako... i like your posts. matagal tagal na rin akong hindi nakakabasa ng tagalog na blog :)
ReplyDeleteNung unang besesna nag bblog pa lang ako at dahil pa iba iba ako ng blog. sa totoo lang mas nasanay ako gamitin ang blogger. pero to be honest depende rin talga kung san ka lumaki na platforms ^_^ pero ngayon wordpress ang settings na gamit ko sa domain hehe
ReplyDeleteI am using wordpress and blogger on my various blogs..but I prefer ang wordpress ata..though very promising din ang posterous and tumblr..thanks and keep on blogging..
ReplyDeleteWow, dami akong natutunan. May luma akong blog, sa blogger, pero diko masyado na explore.
ReplyDeleteNgayon, wordpress. Kasi nagagandahan ako at may kaibigan akong IT na naimpluwensyahan ako. si Zyra. :)
Maraming salamat po kuya bino.. nicce nice.. :)