Tatlong araw bago ang kasalukuyang panahon
"Roseanne! Nasaan ka bang putangina ka!" galit na sigaw ni Ruben. "Panay ang ngawa ng anak mo! Asikasuhin mo to'ng punyetan'g anak mo, ang ingay!"
Anak natin yan Ruben, anak natin! Gusto niyang isigaw ang mga katagang yan subalit hindi niya magawa dahil sa takot sa asawa. Puno na ng pasa ang kanyang buon'g katawan dahil sa pananakit nito sa kanya. Hinahanap hanap niya ang dating Ruben. Ang Ruben na kanyang pinakasalan.
"Sandali lang Pat, may ginagawa lang sandali si Nanay'" ang mga salitang namutawi sa kanyang mga labi. Ayaw na nya ng gulo.
"Roseanne, istorbo yang anak mo. Nakakabulabog ng kapit bahay!" muling sigaw ni Ruben habang sinusukat ng kanyang katawan ang kanyang hihigaan.
"Oo Ruben. Ako na'ng bahala. Matulog ka na"
Nilapitan ni Roseanne si Pat, hinele at kinantahan hanggang sa ito'y mahimbing na nakatulog. Tulog na rin ang kaniyang asawa.
Si Pat ang bunga ng pagmamahalan nila. Ang kaisa-isa nilang anak. Anak na matagal nilang inantay na dumating. Lahat ay kanilang ginawa: magsayaw sa Obando, manalangin sa bundok Banahaw, mag-alay ng mga pagkain sa mga sugo ng Maykapal at higit sa lahat ay magimba at mamanata.
"Ruben, sana magkaanak na tayo. Dinggin na sana ng Panginoon ang ating panalangin." ani Roseanne habang sila'y minsang nagkukwentuhan sa kanilang bahay.
"May awa ang Diyos Roseanne. Bibiyayaan din Niya tayo ng supling." sagot ni Ruben.
Hindi na sumagot si Roseanne. Naniwala siya sa kanyang asawa. Lalo na sa Panginoon.
Lumipas nga ang tatlong taon ng pananalangin ay dininig din sila ng Maykapal. Nagpasalamat sa biyayang kanilang tinanggap. Ngunit matapos ang kapanganakan ng kanilang anak na si Pat ay ang ang pagkasisante ni Ruben sa pabrikang pinapasukan. Ang masaklap pa nito'y hindi na muling nakahanap ang kanyang asawa ng matinong trabaho. Bagay na nagpabago sa pag-uugali ni Ruben. Dumaan pa ang dalawang taon at namuhay na si Roseanne sa pag-aabuso sa kanya ng kanyang mister. Walang araw ang dumaan na hindi siya nito pinagbuhatan ng kamay.
Kasalukuyang panahon
Litong-lito siya. Natatakot. Matagal na siyang may naririnig na boses. Boses ng pag-uudyok. Hindi niya malaman kung sino ang may-ari ng boses na yon.
Gawin mo ang nararapat bago mahuli ang lahat. Gawin mo ang nararapat bago mahuli ang lahat
"Tigilan mo ko parang awa mo na. Mahal na mahal ko si Ruben. Hindi niya guston'g saktan ako. Tumigil ka na!"
Gawin mo ang nararapat bago mahuli ang lahat.
Tumulo na ang luha mula sa kanyang mga mata. Nagmamakaawang layuan at tigilan na siya ng boses na yon.
Nagising si Pat dahil sa kanyang pag-iyak at pagsusumamo sa kung sinumang may-ari ng boses na yon.
Agad niyang nilapitan ang anak at niyakap.
"Pasensiya ka na anak, inaantay ko lang ang tatay mo. Wag kang mag-alala, parating na yon,may dalang pansit para sa iyo." Alo at pagsisinungaling ni Roseanne sa anak. Kahit kaila'y hindi nagdala ng kahit anon'g pasalubong ang kanyang kabiyak.
Matama siyang tinitigan ni Pat. Bakas sa mata ng dalawang taon'g gulang na bata ang pagtataka sa nakikitang luha sa mata ng kanyang ina.
Gawin mo ang nararapat bago mahuli ang lahat.
"Tigilan mo ko!" ang sigaw nya.
Umiyak si Pat.
"Sorry anak. Tahan na. Hindi ikaw yon"
Natigil sa pag-iyak ang kanyang anak dahil sa lakas ng katok sa pinto.
"Rose-aanne, buukksaan moh ang pihnto!"
Si Ruben!
Hindi malaman ni Roseanne kung bubuksan ba niya ang pinto. Pinangunahan muli siya ng takot.
Gawin mo ang nararapat bago mahuli ang lahat.
"Roseanne!!! Ano ba! Buksan mo to o sisipain ko tong buwakanan-inang pintuan na to!"
Gawin mo ang nararapat bago mahuli ang lahat.
"Roseanne!!! Tangina, bukan mo tong pihhnto!"
"Roseanne!!!!
Gawin mo ang nararapat bago mahuli ang lahat.
Inisip niya ang kanyang anak. Si Pat ang pinakamahalaga kahit anupaman. Hindi siya makakapayag na masaktan ito.
Gawin mo ang nararapat bago mahuli ang lahat.
"Gagawin ko ang nararapat bago mahuli ang lahat." ang sabi ni Roseanne sa sarili.
Tama ang boses na iyon. Kailangan na niyang kumilos bago mahuli ang lahat. SI Pat ang mahalaga.
"Anak, may gagawin lang ang nanay ha. Dito ka lang." ani Roseanne sa anak.
Lumabas siya ng kwarto para pagbuksan ang asawa. Isang malakas na sampal ang sumalubong sa kanya matapos niyang buksan ang pinto. SInikmuraan. Napabaluktot siya dahil doon.
"Putang-ina mo Roseanne! Wag na wag mo ko'ng iniiputan sa ulo!"
Suntok.
"Nashaan si Pat? Nashaan ang abnormal mo'ng anak!!!"
Hindi niya inintindi ang tanong ng mister. Nagawa niyang makabangon at tumakbo patungo sa kusina.
"Tatakbuhan mo pa akoh ha! Buhmalik ka ritohh! Aha Pat anak ko, nandyan ka pala!!!"
Gawin mo ang nararapat bago mahuli ang lahat.
Kinuha ni Roseanne ang kutsilyo. Matalas, matalim, malinis - at agad itong bumalik sa asawa na nang mga oras na iyon ay hawak hawak sa kamay ang kanilang anak. Si Pat, umiiyak gawa ng nararanasang sakit.
Gawin mo ang nararapat bago mahuli ang lahat.
Walang pag-aalinlangang sinaksak niya sa likod ang mister.
Gawin mo ang nararapat bago mahuli ang lahat. Patayin mo ang mister mo!
Nabitiwan nito si Pat sabay ng pagbagsak nito sa sa sahig.
Gawin mo ang nararapat bago mahuli ang lahat. Patayin mo ang mister mo!
Muli niya itong sinaksak. Isa. dalawa.. apat.. Sa bawat pagbaon ng kutsilyo sa iba't ibang parte ng katawan ng mister ay ang galit na matagal kinumkom ni Roseanne.
Gawin mo ang nararapat bago mahuli ang lahat.
"Rose--"
Napatigil siya sa huling katagang binitiwan ni Ruben. Pinagmasdan niya ang asawa. Naliligo na ito sa sariling dugo gawa ng mga tama ng kutsilyo sa dibdib, tiyan at leeg. Bumaling siya sa anak. Nakatitig lamang ito sa kanya. Sa mura niton'g isipan ay wala iton'g kamuwang-muwang sa mga pangyayari.
Umiyak siya ng umiyak. Walang tigil sa paghagulgol hanggang sa muli niyang nakita ang kutsilyo- puno ng dugo. At muli niyang pinagpatuloy ang kanyang sinimulan.

Gawin mo ang nararapat bago mauna ang lahat.
ReplyDeleteOo na nag comment na nga, nauna na ako…
galing
ang trauma siguro ni pat. bakit kaya may mga lalake na nagagawang saktan ang mga asawa nila?
ReplyDeletemabuti hindi ako inabot ng pagkabaliw nuon kundi baka ganyan din ang nagawa ko. hayssss bakit ba?
ReplyDeleteanu ba pakiramdam kapag nakakapanakit ng mga babae ang mga lalaki? masarap ba sa feeling?
this particular entry of yours brings back lots of memories from my past life. "flooded memories"
fiction lang ba ito? kung oo, nagpapasalamat ako na fiction lang ito at hindi totoo dahil kung true to life story to, nakakaawa si Pat, habang buhay na nakatatak sa isipan nya ang mga pangyayari..
gawin ang nararapat bago mahuli ang lahat! (kadalasan huli na bago natin marealized ang sana'y ginawa na natin sa umpisa pa pa lang.
ReplyDeletewhahaha pude na ilagay sa your song.. galing sana may continuation!
ReplyDeleteitong pangyayaring ito ay labag sa mata ng tao at labag sa mata ng Diyos.
ReplyDeletesana lang lumayas na lang silang mag ina para di na sya nagkasala, ngayon mas kawawa si Pat dahil sa nasaksihan nya sa murang edad...
ReplyDeleteaabangan ko part 2 nito..
ReplyDeletenice chong kala ko ako lng emo..hahaha ikaw din pla
mahalin ang kabiyak...
ReplyDeletewag magbago gaya ng sinumpaan sa harap ng altar
para di umabot sa mga ganitong sitwasyon...
fiction ga ito???
kagaling mo bino...
padyak ng isa!clap3x
heheheh
morning...
waaaaaah..... bakit sobrang dapat umabot sa ganun..? sayang naman yung pagmamahalan nila na nauwi lang sa wala... ay meron palang bunga si pat.. pero grabe...hay
ReplyDeleteChildren are fortunate if they have a father who is honest and does what is right. Proverb20:7
Ang boses na naririnig nya ay maaring bunga ng hirap na kanyang dinanas, ng sakit ng damdamin at katawan sa walang humpay na pagmamaltrato ng asawa. SA pilit na pagkipkip ng katinuan, pilit ding sumisiksik ang boses hanggang sa mangibabaw upang tapusin na ang lahat... tsk tsk... maraming kaso ng ganyan dito sa atin. bunga na din ng kahirapan..
ReplyDeleteayos parekoy... tragic...
kiko - salamat :)
ReplyDeleterainbow box - ang mga ganung lalake ay walang tinatawag na b*yag
yanah - fiction lang to. at pagkabasa ko ng sarili kong entry eh naalala nga kita
bhing - tama ka dyan
axl - your song ka dyan! ang morbid naman hehehe
emmanuelmateo - tumpak
lordcm - tyak na trauma si Pat
rico de buco - may emo part din ako lol
jay - fiction to Jay. hehhe
kamila - like the verse
istambay - dami talagang ganyan. totoong nangyayari ito
hala.. ano ba ang nais mong ipahatid na mensahe sa post na 'to?
ReplyDeletenakakatakot naman ang kwento masyadong maaksyon! ^^
sana matigil na ang mga ganyang pang aabuso..
magmahalan nalang! =)
bon - wala naman. naisip ko lang na maraming mga babae ang sinsaktan. pambukas isip lang :)
ReplyDeletewee... kung ako yung asawa... pwede naman siyang magsumbong sa face to face eh.. wahehehhe
ReplyDeleteGaling maglaro ng utak ni Bino. :)
ReplyDeleteSa kulturang Pinoy, kapag may problema ang babae, idadaldal lamang niya ito sa kapitbahay, ayos na, pero kapag ang lalake ang may problema dahil nga medyo pa-macho, sinasarili, iinom, magpapasaway. Si Ruben, nawalan ng trabaho, ayon sayo..may rason kung bakit nagkaganun, bakit hindi natulungan ni Roseanne na makabangong muli Bino? Problema mo 'yan?
Hindi sana namatay.
Inilibing ba si Ruben o ginawang dinuguan?
kaya ako, hinding hindi ko sasaktan ang magiging asawa ko. mamahalin ko sya. hindi na sana humantong sa gnito ang lahat.
ReplyDeletenice one..maaari syang magkatotoo sa tunay na buhay. parang hindi sya fiction pare.
ReplyDeletekikomaxxx - pwede din pero di nya ginawa. bakit? sikreto!
ReplyDeletej. kulisap - ginawang dinuguan? pwede!!! lol
lhan - yan naman ang dapat! :)
MD - pwede kasi true to life eh . :D
yan ang ginagawa ni kuya arvin pag nasa office. nagsusulat lang hehehe
ReplyDeletezyra - hindi naman oi! dami ko kaya trabaho dito hehehee
ReplyDeletenakakapanindig balahibo nmn to... grabe, pwdeng indie film na to... astig!! feeling ko dahil sa sobrang sama ko din na tao, ako ung bumubulong sa kwento! ahaha... (demonyong-demonyo!)
ReplyDeletekuya bino, ty sa pag add sa FB...
leonrap - at least kasama ka sa kwento hehehe joke!
ReplyDeleteYun pala ang nararapat.. Akala ko lalayasan lang nila. Palaisipan din saken yung sinabi ni Ruben na iniiputan sya ng asawa nya. Hindi kaya anak sa ibang lalaki si Pat? Hehe. Sensya malikot lang ang imahinasyon ko. Ü
ReplyDelete