January 28, 2011

Lapis

Ang kwentong inyong mababasa ay ipinadala ng isang reader ng Damuhan na si Agnes Eugenio. Nawa'y magustuhan ninyo ang kanyang likha. 


“Anak, dito ka lang sa bahay ah. Antayin mo si nanay at ang pasalubong ko sa’yo,” nakangiting sinabi ni Elsa sa anak habang binibihisan ito. “Opo ‘nay at habang wala kayo maglilinis ako ng bahay,” masiglang sagot ni Karen.  


Habang sinusuklayan ni Elsa ang mahabang buhok ng anak, isang galabog mula sa kanilang bintana ang gumulat sa kanilang mag-ina.


                “Ang sharap talaga sa pakiramdam…hik! na makakita ng maganda sha umaga,” sambit ng nangangamoy alak na si Gardo. 


Nagpatuloy sa ginagawa si Elsa, dahil alam niyang bale-wala kung papansinin pa niya ito. Ngunit hindi maiwasan ni Karen na hindi tignan ang lalaki na hanggang ngayon nakasilip sa kanilang bintana at nakangiti sa kanya. 


“Makaalish na nga, bye Karen! Hik!” nakangiting sambit ni Gardo habang patuloy na  nakatitig sa kanya. Hindi naman napigilan ni Karen na itanong sa ina ang tumatakbo sa isip, 


“Nay, bakit po araw-araw na lang lasing si Mang Gardo?” “H’wag mo na pag-aksayahan ng panahon pa na problemahin ang lasenggong ‘yun anak. Basta tandaan mo ang bilin ko sa’yo, ikandado mo ang pinto pag-alis ko at ‘wag magpapapasok ha,” malumanay na sabi ni Elsa.


Sa Tambakan…


“Parating na ang trak!” sigaw ng isang lalaki habang patakbo sa kinatatayuan ni Elsa. “Basta Noel ‘wag mo kakalimutan ang sinabi ko sa’yo ah…’pag may nakalakal kang pwedeng ibigay kay Karen itabi mo agad.” “Oo naman Ate Elsa, malakas ata kayong mag-nanay sa’kin.”
Alas-dos na ng hapon nang matapos si Elsa sa tambakan, at gaya ng mga nagdaang araw halos dalawang-daan lang ang kita niya. Pero masaya pa rin siyang naglalakad dahil may nakuha siyang  bag na kaunting tahi lang ay ayos na, at nakakuha naman si Noel ng mga lumang aklat at laruan. Tiyak na matutuwa si Karen nito.


“Karen, anak, buksan mo ang pinto. Nandito na ang nanay.” “Andyan na po.” Pagkabukas ng pinto ay ibinungad agad ni Elsa ang surpresa sa anak. “Wow nanay, ang dami mong nakuha! Bag, libro at mga laruan.” “Sabi naman sa’yo eh, may pasalubong sa’yo ang nanay.” “Nanay, ibig sabihin po ba pwede na ‘ko mag-aral? Tapos sabay-sabay kami papasok nila Buknoy sa iskul?” “Oo naman, pero kailangan turuan ka muna ni nanay sumulat at magbasa dito sa bahay.”


Mag-aalas tres na ng hapon, ngayon pa lang magtatanghalian ang mag-ina. At habang kumakain, sukbit-sukbit pa din ni Karen ang bag na binigay niya, bakas na bakas ang kasiyahan sa mukha ng anak.


“Nanay, mag-ingat po kayo at umuwi po kayo ng maaga para madami tayo mapag-aralan ngayon.” “Ang anak ko talaga, manang-mana sa nanay, masipag.” Nagtawanan ang mag-ina. “Siya nga pala ‘nay, pupunta po pala si Buknoy mamaya, sinabi ko kasing marami akong bagong laruan.” “Sige, pero ang pinto ikandado ha.” Niyakap ni Elsa ang anak bago umalis.
Pinagmasdan ni Karen ang ina sa bintana habang naglalakad ito palayo. Mula sa kanilang bintana ay tanaw na tanaw ang ga-bundok na basurang pinupuntahan ng kanyang ina araw-araw. Habang tumatanaw sa mga basura si Karen, pagalabog na katok sa pintuan ang kanyang narining. 


“Hoy Buknoy, alam mo namang marupok na ang pintuan namin!” nagmamadaling binuksan ni Karen ang pintuan sa pag-aakalang ang inaasahang kalaro ang kumakatok, kaya naman gulat na gulat siya nang makitang ang lasing na namang si Mang Gardo ang nakatayo sa pintuan. “Kamushta? Nandiyan ba ang…hik! Nanay mo?” “Umalis lang po sandali, pero pabalik na din po ‘yon.” Sinubukang itago ni Karen ang takot na nararamdaman. “Naku, matagal pa babalik ang nanay mo kaya shashamahan muna kita..maglaro tayo ng bahay-bahayan.” Sinubukang isara ni Karen ang pintuan, ngunit agad na pinigil ito ni Gardo, pumasok sa loob ng bahay at sinara ang pinto. 


Habang namamahinga si Elsa sa kanyang suking junk shop agad siyang napabalikwas at naalala ang anak. …umuwi po kayo ng maaga… Dali-dali niyang kinuha ang mga dalahin at naglakad na pauwi. Habang binabagtas ang daan pauwi, napadaan siya sa isang tindahan at naisipang ibili ng kaunting gamit sa pag-aaral ang anak.


Nagtataka si Elsa nang sa ‘di kalayuan ay natatanaw niyang bukas ang kanilang pintuan. At dahil nakaramdan ng kaba, binilisan niya ang paglalakad. Tumambad sa kanya ang walang saplot at nakatulalang anak sa ilalim ng mesa. Sa gulat, nabitiwan ni Elsa ang mga dalahin kabilang ang lapis at papel na binili para sa anak.
“Karen, anak, sabihin mo, sino gumawa nito sa’yo?” Naluluha si Elsa habang binibihisan ang anak. 


Ilang araw na ang nakalipas, ngunit hindi pa rin kumikibo ang dating bibong-bibong anak, dahilan upang lalong bumigat ang kanyang loob, awa sa anak at napakaling galit sa kung sinumang gumawa nito sa anak.


Ang bilis ng oras, madilim na sa labas. Nanlulumong pinagmamasdan ni Elsa ang anak na nagsusulat at walang imik kahit na kinakausap niya ito…


“Anak, maliit na pala ‘yang lapis mo.” Inaantay niyang sumagot ang anak. “Gusto mo ba ibili ka ni nanay ng bago?” Habang hinahaplos ang buhok ng anak, may naaninagan siyang nakatayo sa bintana. “Karen, kamushta? Gushto mo bang maglaro ulit tayo?” Sabay tawang wika ni Gardo at lakad paalis. Galit na galit na luminaw sa isip ni Elsa kung sinong demonyo ang gumawa ng kahayupan sa anak.


Agad tumayo si Elsa sa pagkakaupo at nanginginig na sinabing, “Anatayin mo lang ako anak.” 
Kinabukasan, rinig na rinig ni Elsa ang usapan ng kanilang kapit-bahay. “May nakita daw na katawan sa tambakan.” “Oo nga daw, at puro saksak daw ng lapis sa leeg. Nakakatakot!”
Agad na nilapitan ni Elsa ang anak, at isang mahigpit na yakap naman ang ibinigay ni Karen sa ina.



19 ang nakaappreciate:

  1. whahaha heavy bigat ng mga eksena na to ha... galing ng writer... :D

    ReplyDelete
  2. Shaks, nalungkot ako! Saludo ako kay Agnes!

    ReplyDelete
  3. waaaaaaaaaah! Nakakatakot.... mga rapist.. kawawang bata wala pang kamuwang muwang...

    ReplyDelete
  4. malungkot ang kwento pero malupit ang writer ha... galing...

    ReplyDelete
  5. haiztttt...
    how sad :(

    galing galing ng kwento...
    maktotohanan talaga...

    gudmorning bino!

    ReplyDelete
  6. violente to ah...pang SOCO ang dating...hehehe

    ReplyDelete
  7. chong natatakot na ata akong pumasyal sa blog mo.. crime scene ang tema.. nasa SOCO files ba ako.. wahehehe

    ReplyDelete
  8. sad naman pero magaling ang pagkakagawa.

    happy weekend Bino.

    ReplyDelete
  9. Hi Agnes.

    Hayyyy lang ang nasabi ko.

    Dalawang magkasunod na artikulo ito na mabigat basahin kahit na ang galing ng eksekyuson ng mga tagpo at kwento.

    Bakit lapis?

    Kagaya ng lapis, pudpod na hindi pa man naisusulat ang tadhana ni Elsa.

    Remember Elsa? Bakit Elsa ang laging pangalan ng babaeng napapadpad sa lugmok?

    ReplyDelete
  10. pag bumangon pa ung langyang gardo na yan, tawagin mo ako pre, balatan natin ng buhay.

    ReplyDelete
  11. masydo akong nadala sa pag kakasulat ng storya na ito.. two thumbs up ako ^_^

    ReplyDelete
  12. at mahy mga wirters na si pareng bino ngayn ^^ nice one!

    ReplyDelete
  13. lhanlhan - hehe dati pa naman ako'ng may mga writers bihira nga lang :)

    halojin - magaling nga ung pagkakasulat nya

    supergulaman - di bale next week happy stories na :)


    lordcm - yaan mo sasabihan kita hehehe

    rainbow - magaling ung writer :)

    kulisap - tinanong ko rin yan kung bakit elsa hehehe


    bhing - happy weekend din :)

    kikomaxxx - hehehe ngayong week lang yan para maiba lang


    moks - uu nga lol


    jay & istambay & runmdrum & axl - galing ni agnes :)

    kamila - kadiri mga rapist

    ReplyDelete
  14. Pangpelikula. Ang sakit sa bungo. Though madaling maisip yung mangyayari, maganda yung story at pagkakagawa. Nice. Ang galing nung nagsend at nainis ako kay Mang Gardo. That's what you get biatch! Haha.

    ReplyDelete
  15. clap! clap! clap! nice story!

    ReplyDelete
  16. Hehe. Dalawang magkasunod na post ng madugong mga tagpo, iba talaga magmahal ang mga nanay, handang pumatay para sa mga anak..

    ReplyDelete
  17. ngayon ko lang 'to nabasa. ang ganda ng pagkakasulat although yung mismong kwento eh isang pangit na mukha na naman ng totoong buhay.

    salamat sa pag si share nito, sir bino saka ma'am agnes.

    ReplyDelete

Sisikapin ko'ng replyan ang mga komento ninyo.
Kung may sasabihin ka'ng di maganda, huwag ka'ng mag-ANONYMOUS