January 31, 2011

Mga Dwende

Kagabi, sa hindi malamang dahilan ay bigla kaming nagkumpul-kumpol na magkakabarkada sa tapat ng aming bahay at napagpasyahang gumawa ng bon fire. Gamit ang mga panggatong, posporo at lighter, matagumpay kaming nakagawa ng apoy. Pinaikutan namin ang bon fire at nagsimula nang magkwentuhan. Para lang kaming nagcacamping. Ginagaya pa namin ang palabas dati na Are You Afraid of the Dark na kung saan ang pangalan ng grupo nila ay Midnight Society (or something like that hehehehe). At tulad nila, naisipan naming magkwentuhan ng tungkol sa mga kababalaghan. Nariyan ang tungkol sa mga bampira, white lady, aswang atbp.Nasa kasarapan kamig ng pakikipagkwentuha ng datnan kami ng lolo ng aming kaibigan at sumali sa aming usapan. At pumukaw sa aming atensiyon ang kwento ni lolo tungkol sa mga dwende. May iba't ibang kulay pala ang mga ito.  At sa kanilang mundo, ito ay para bang sumisimbolo sa kanilang tribo. At ito ang ating paksa ngayong Lunes. (tama na muna ang emo at love story maiba lang ):




Puti - sinasabi na ito daw ay mga alagad ng Diyos. Malumanay magsalita at hindi gumaganti kapag inalipusta ng kapwa duwende. Nakapanggagamot ng pinakamalakas na barang ngunit namimili lamang sa kanyang tuturuan at pagpapakitaan. Tagapagturo ng mga orasyon at nagbebendisyon ng mga agimat para sa bilis, invisibility, lakas, at iba pa. Nagbibigay din ng bulaklak sa palad na makapang-aakit sa sinumang matipuhan. Kapag hindi ka nagustuhan ay hindi na ulit magpapakita sa iyo.


Itim - ang itsura daw ng mga ito ay maihahalintulad sa mga taon'g grasa. Gula-gulanit ang suot, nakayapak lamang at may amoy na parang nabubulok. Ito ang kampon ng diablo at ubod ng sinungaling.  Hindi dapat nagtitiwala agad at huwag na huwag agad tatanggap ng kung anumang bagay mula sa kanila. Mahirap kausapin at nanlilinlang na magpatikim ng kanin na itim upang ang iyong katawan o iyong kaluluwa ay kanilang maging alila. 


Pula - Mayroong mga mababait at mayroon naman na ubod ng sama. Hindi dapat agad nagtitiwala dahil karamihan ay mga sinungaling. Sila ay tagapagturo ng mga orasyon at mahilig sa alay na manok. Strikto sa pagtuturo ng orasyon, hindi ka patutulugin hangga't hindi mo naisasaulo ang mga orasyon na naituro. Nagbibigay ng agimat. Madaling tawagin pero mahirap paalisin. Kapag ikaw ay nagustuhan ay lagi silang nagpapakita at sumusunod saan ka man magpunta. Nagpapatikim din ng kanin na itim na hindi mo dapat kainin.


Berde - mababait na uri ng duwende pero may pagkasuplado. Mahilig sa mga bata dahil ito ay matuwain sa mga paslit. Alam nila ang pwedeng mangyari sa hinaharap ganun din ang mga lumalabas na numero sa jueteng o lotto bagamat ayaw na ayaw nila ng sugal. Nagbibigay ng bulaklak sa palad na makapang-aakit sa sinumang babae. Nagtuturo ng kinalalagyan ng kayamanan kapalit ng alay. Nagtuturo ng gamit ng mga halaman at orasyon para sa kalikasan. Kapag sila ay tinawag gamit ang orasyon, sila ay nagpapakita ngunit nakaupo lamang at hindi ka kakausapin. Hindi rin titingin sa iyo at parang walang naririnig. Kumbaga medyo bastusin.


Ayon pa kay lolo, may mga orasyon daw na ginagamit bilang pantawag sa iba't-ibang uri ng mga dwende. Maaring hindi kapani-paniwala pero heto't buhay ang testigo'ng makapagpapatunay na totoo sila at hindi kathang isip lamang. Ganunpaman, kung ako ang tatanungin, mas naniniwala ako sa Dakilang Lumikha na siyang dahilan kung bakit tayo nabubuhay.  At walang ibang nilalang na mas makapangyarihan pa kesa kay Lord. God bless! 


Credit goes to http://filipinosorcery.blogspot.com/. Visit the blog for more details regarding witchcraft and sorcery



47 comments:

  1. i'll compare myself sa dwendeng berde... ahaha.. pero di ako mahilig sa bata,... bastusin lang talaga ako like them. magkakasundo kami nyan! ahaha..

    ReplyDelete
  2. grabe no? natatakot ako dito nung bata pa ko, lalo na sa itim. kahit pagkwentuhan eh natatakot ako. sila daw yung may dahilan kung bakit nag iiba iba ayos ng mga gamit sa bahay.

    minsan nga sa takot ko naglagay ako ng basong pula na may tubig sa gitna ng bahay.

    ReplyDelete
  3. leonrap - may comparison pa ah hehehehe

    jason - para san ung basong pula?

    ReplyDelete
  4. Parang gusto ko yong berdeng dwende... hihingi ako ng numero sa lotto. Hehe!

    ReplyDelete
  5. diko na binasa yung mga specific kababalaghan stories. matatakutin kasi ako at lagi ako mag-isa sa bahay. it will just keep playing in my mind. pero serious Bino---me space sa harap ng bahay nyo na pwede mag bonfire? saya naman nun.

    ReplyDelete
  6. kahit ako, hindi ko sigurado kung meron nga bang ganyan.. sa tagal ng inilagi ko dito sa aming probinsya, wala pa kong nakikitang dwende.. pero marami na din ako experience sa mga kakaibang nagpapakita at nagpaparamdam sa gabi.. at tama ka parekoy, sa pamamagitan ng pananampalataya at at pagkilala sa nagiisang lumikha, walang panama ang mga yan..

    ReplyDelete
  7. di ka ba nanghingi ng orasyon para matawag ung dwendeng puti? :D

    ReplyDelete
  8. ako naman dati gusto kong makakita ng duwende, gawing kaibigan... wag lang yung itim...

    ReplyDelete
  9. November na ba kuya Bino? Haha totoo lang takot ako sa mga usapang ganito... pero hindi ko inaalis sa utak ko na pwede pa na may mga nilalang dito sa atin na di natin alam.. ewan ko... siguro dahil naging testigo na din ako ng ilan.. pero di ko rin sigurado kung totoo bang naging testigo ako..

    At nakarelate naman ako sa are you afraid of the dark.. hahha

    ReplyDelete
  10. pare.. nagkataon lang, my next post is regarding din sa duwende...

    ReplyDelete
  11. Si dwarfina kaya, san nabibilang? Hehe.

    Ang mga nuno ba sa punso at dwende ay isa lang? Hehe. Tanong lang.

    ReplyDelete
  12. I WANTED TO HAVE LITTLE MAGICAL FRIENDS WHO CAN GIVE ME NEW PAIR OF SHOES EVERY MORNING!

    ReplyDelete
  13. haleluya! praise the lord! purihin ang panginoon! gusto ko lang malaman sa mga dwendeng yan kung nagpapatuli din ba sila. lol

    ReplyDelete
  14. ayaw kong makakita maski isa! ahahaaha

    ReplyDelete
  15. si dwarfina at si thumbelina san ba category nila.. wahehhee

    ReplyDelete
  16. empi - hehehe ayaw nga nila sa sugal eh

    ReplyDelete
  17. pusangkalye - yeah meron sa tapat ng bahay namin :)

    ReplyDelete
  18. moks - ako naman ayoko heheh. duwag ako sa ganyan lol

    ReplyDelete
  19. kamila - maiba naman hehehehe
    MD - nice! mabasa nga yan

    ReplyDelete
  20. goyo - di ko nga alam kung aling lahi un lol
    demigod - maganda yan!
    super balentong - siguro magic na nila ung pagtutuli sa kanila hehehe

    ReplyDelete
  21. lhan - ako din parekoy hehehe
    kikomaxxx - di ko din alam eh kasi colorful ung mga suot nila hahahaa

    ReplyDelete
  22. takot ako sa nuno... parehas lang ba un sa duwende kuya?

    ReplyDelete
  23. Hmm.. naniniwala akong merong mga dwende, pero hindi pako nakakakita ng isa. Hehe.. At ngayon ko lang din nalaman na meron palang iba't ibang kulay ang mga dwende. Meron palang green at pula. Informative naman nitong post mo, Bino.. Hehe.. :)

    ReplyDelete
  24. sana makakita ako ng dwende para maniwala na ako..hehehe

    ReplyDelete
  25. parang my thrill iyong kulay PULA. :)

    ...at the end laging iyong mabuti ang nanaig :)

    ReplyDelete
  26. ako naniniwala ako na hindi lang tayong mga tao ang nageexist sa mundong ito. naniniwala ako sa kapre, dwende, tikbalang o sa kahit anong lamang lupa pa. maging sa multo.

    pinaniniwalaan ko sila sa kadahilanang respeto ang dpat mangibabaw sa isat isa. respeto sa kanila. at respeto sa lugar na pinaniniwalang sa kanila.

    hindi atin ang mundo. kaya hindi rin maiaalis na tayo lang ang nagmamay ari nito.

    kaya nga DAKILANG lumikha ang tawag, dahil syay dakila. kung sino o anuman ang kanyang nilikha. ating respetuhin.:)

    basta ako naniniwala sa ganito. kasi meron akong kwento tulad nito.

    ReplyDelete
  27. aww nakakabitin naman! nakakmiss din minsan ang mga usapang ganyan! ^^

    sa isang banda maaring meron at nandyan nga lang sila bahagi ng kalikasan, bahagi ng mga pwersa sa mundo na parang tayo lang din..

    parang ang sarap kung may kaibigan kang dwende naisip ko lang haha tapos kasing ganda sya ni dwarfina! ayiiiiiii!


    magaling kanaba arvin?! tatawag tayo ng dwendeng berde! hehe!

    ReplyDelete
  28. halojin - sabi nila magkaiba daw un eh

    leah - dun ko lang din nalaman na may berde at pula pala

    jay - tapos di ka na lulubayan joke! lol

    bhing - tomoh!

    mang poldo - basta ako mas naniniwala kay Lord at wala nang iba :)

    Bon - kaw na lang tumawag! damay mo pa ko hehehehe

    ReplyDelete
  29. Aba at may mga kulay pa ano Sir?

    Hitik na hitik tayo sa mga imahinasyon. Makapangyarihan talaga at tila isang totoo at hindi kathang isip ang mga nilalang na ito.

    Pero si heart evangelista ay duwende, yan ang totoo. :)

    ReplyDelete
  30. kagandang kuwento ..
    want more stories !!

    ReplyDelete
  31. idol namin to.. gaganda ng mga kwento... sana matuwa rin kayo sa simpleng blog namin, www.samutsari.info

    Sana makapunta kayo paminsan... :D

    ReplyDelete
  32. wow galing sakto to, nakakita yung bunsong kapatid ng bf ko ng berdeng dwende sa garden nila..nakaupo lng daw at suplado nga..kung suplado sila..sasagutin ka ba nila pag nagtanung kung anong numbers ang tatama sa lotto?

    ReplyDelete
  33. UR RIGHT GUYS..SA KATUNAYAN KAYA AKO NAG SEARCH NGAYON KASI I JUST WANT TO KNOW IF DWENDE BA NAG EEXIST TALAGA... PAMANGKIN KO 6 YRS OLD TOLD US MAY NAKITA DAW SIYA 2 DWENDE SA KWARTO NAMIN..PUTI AT ITIM DAW NAG LALARO SA BED NMIN PATI DAW SYA NAKIKIPAG LARO..KASO DI AKO NANINIWALA UNTIL I FOUND OUT THAT I LOST MANY THINGS LAST MONTH LANG..UNA SUKLAY KO NAWALA, TAPOS 50 PESOS KO PINUNIT PUNIT NG MALIIT NA PICIES, AFTER THAT RELO NG HUSBAND KO KABIBILI KO LANG NAWALA DIN, TAS PERFUME KO KABIBILI KO LANG DIN..AND WORST UNG PEARL NA BRACELIST KO MAHAL PA NAMAN UN AT DI KO PA NAGAMIT NAWALA DIN..AT KANINA LANG UMAGA SHORT PANTS NA SOUT NG ASAWA KO KAGABI NAWALA, WHICH IS ALAM KO NAKA SAMPAY LANG UN SA ROOM NAMIN FOR EVERY NIGHT USE KASI UN..PERO UNG MALALA NUNG HALLOWEEN LAHAT NG PANSIT NA INIALAY KO SA SANTO KONTI NALANG NATIRA PERO UNG IBANG PAG KAIN DI NMAN GINALAW..AND AS OF THE MOMENT I WAS BEGGING THOSE DWARFS NA SANA IBALIK NA UNG MGA KINUHA NILA..DI KO PA NGA ALAM IF MY NAWAWALA PA BA AKONG GAMIT..KASI SARADO NMAN LAGI BAHAY NAMIN..TAS KAMI LANG 2 NG HUSBAND KO NAKATIRA AND HE COMES BACK AT NIGHT NA.. AFTER WORK, TAS AKO NAMAN SA GABI DIN NAUWI AFTER WORK..LOCK NMAN UNG BAHAY NAMIN...sana ung mga dwende sa bahay nmin bigyan ksmi ng gift sa pasko in exchange to all the things they kept from us..huhuhu

    ReplyDelete
  34. naniniwala ako sa lahat ng nilalang. . . :) I believe that Gimli exists. PERIOD. Pati si Legolas.

    joke lang... pero lahat naman nag eexist... baka nga tayo invisible din sa ibang nilalang e o. hehe! pero lahat gawa ni God kaya tama ka, yun ang super dapat pinaniniwalaan :)

    ReplyDelete
  35. Sabi daw na bukas na bukas ang third eye ng anak kong babae. 3 years old lang siya at nakakakita ng kung ano ano. Sa bahay namin may nakatirang nature spirits - duwende nga daw.

    Gusto ko madagdagan ang kaalaman ako tungkol sa kanila........on how to handle them....may puwede ka bang ma-i-share na site o tao na puwede namin kausap tungkol dito

    ReplyDelete
  36. naniniwala ako sa mga dwende dahil nakakita na ako. Puti at itim, naglalaro sa dining table namin. It was around 3am nung year 2009. Gumising ako para magpunta sa banyo. Dala ko ang phone ko dhl tnignan ko ang text ng ktext ko n nakatulugan ko na. Paglabas ko ng cr, nakita ko sila. And i even tried to take a photo of them pero bigla sila nawala. Kinabukasan ng 3pm, i was in my room. Nkahiga ako, someone is calling my name and i remembered the dwende. Minura ko sila. Later that day, nagkabulutong ako.

    ReplyDelete
  37. hi Bino, ako ung nag comment last november 06, 2011,kung mababasa u above ung comments ko about sa dwende na kumukuha nang gamit namin..last 2 weeks ago lang din,2 perfume ko nawala na naman, medyo nagamit ko narin kaso sayang eh.. tas the other day cell phone na ng husband ko kinuha ng dwende..ibabalik pa ba nila un..dina dial ko kahapun lang kaso laging busy..tas sinubukan kung twagan ngayon nag ring pero ayaw sagutin, tas tinawagan ko uli di namn sumagot pero narinig ko parang ang tahimik ng paligid pero nakikinig lang..natakot ako..tas tinwagan ko uli nagbusy na..up to now nagriring pero ayaw na sagutin..tulog na cguro un..pati vitress ko kinuha din..................

    ReplyDelete
  38. maggatang ka ng mga pagkain pra sa knila at mkiusap k n ibalik n mga gamit..

    ReplyDelete
  39. may mga alaga akong dwende.. dapat bigyan mo sila ng pagkain sa tuwing kakain n kau at wag nyo sila itataboy kc msama sila mgalit dpat hntayin nyo sila umalis wagmagsasalita ng masama about s knila...

    ReplyDelete
  40. ano po ba ang mga gusto at di gusto ng mga duwende?like pagkain o anuman n bagay...

    ReplyDelete
  41. Ano po ba ang boses ng dwende may narinig Kasi ako ngaun kaua ng search ako
    Kakaiba maliit na boses tapos di ko maintindihan

    Anyone know?

    ReplyDelete
  42. hello po..ask ko lang sabi kasi 7 talaga ang kulay ng duende anu pa po yun ibang kulay

    ReplyDelete
  43. Ako nakakIta na ng duwende.. Color gold na parang kumikinang kapag nasikatan ng araw.

    ReplyDelete
  44. ahm... my kaibigan akong itim na duwende hindi naman lahat masasama dahil sa dati naming tinitirhan ang mga itim na duwende ang nakatira sa ilalim ng kama namin at niligtas ako ng itim na duwende noon sa puti at pulang duwende....

    ReplyDelete
  45. Isang dangkal lang ang laki ng duwende kung magpapakita sila sayo sa totoong anyo at iba ang salita nila saatin matining din ang boses nila na nakakairita sa sobrabg tining....

    ReplyDelete
  46. bakit ganun bitin yong kwento ang ganda pa nmn sana

    ReplyDelete

Sisikapin ko'ng replyan ang mga komento ninyo.
Kung may sasabihin ka'ng di maganda, huwag ka'ng mag-ANONYMOUS.