January 29, 2011

OFW: BAGONG BAYANI O LIMOT NA BAYANI?



Minsan, tinanong ako ng aking anak, "Daddy, ano ibig sabihin ng OFW? ". Sa murang isipan niya, maiintindihan kaya niya kung sasabihin ko'ng OVERSEAS FILIPINO WORKERS? Ngunit ako'y nagulat sa kanyang sumunod na tanong. "Alipin? Alipin ka dati Daddy?" Gusto ko'ng magalit dahil sa di tamang pagkakaintindi ng salitang 'OFW' sa kanyang pag-iisip. Ngunit napag-alaman ko'ng sa kin din nanggaling ang mga katagang yun. "Isa ako'ng Alipin sa Milan! Ako na may pinag-aralan! Kubeta lang pala ang katapat ng Diploma ko!" Isang maling pananaw. Maling Interpretasyon. Maling paniniwala.

Bagong bayani. Yan ang sabi nila. Pero bakit tila nalilimutan ng ating gobyerno? Naikakabit lang ba ang mga salitang yan sa mga OFW sa tuwing dumarating ang mga remittances nila? At biglang mawawala kapag hindi sila nakapagpapadala ng pera sa ating bansa? Nasaan ang embahada sa tuwing mayroong Pinoy na nahaharap sa parusang kamatayan tulad ng yumaon’g si Flor Contemplacion? Hanggang kailan mananatili ang ating mga kababayang nakapiit sa ibang bansa dahil sa kagagawan ng mga illegal recruiters? Kailan sila makakatanggap ng mga tamang benepisyo? At kailan sila makakauwing  muli para mabuhay ng matiwasay at may kasiguruhang magagawa silang panindigan ng ating inang bayan? Mga katanungan na hanggang ngayo'y hindi masagot. Isang karamdamang unti-unting pumapatay sa kanila na hanggang ngayo'y wala pa ring natutuklasang gamot. Ang titulong Bagong Bayani ay tila nangangahulugang LIMOT NA BAYANI.

Sa kabila ng lahat ng ito, marami pa rin ang nagtitiis na mangibang bayan at iwan ang kanilang mga minamahal para makipagsapalaran saan man panig ng mundo, hanap-hanap ang isang bansang makapagpapatupad ng kanilang mga pangarap. Titiisin ang pagiging malayo sa kanyang mga supling para mag-alaga ng anak ng iba. Isasakripisyo ang buhay kakabuhat ng mga mabibigat na makinarya, pag-akyat sa matataas na gusali para pinturahan, at pagsuong sa madilim na kuweba para magmina ng ginto, makatapos lamang sa kolehiyo ang kanyang mga anak, guminhawa ang buhay ng kanyang magulang o makapagpundar ng magandang tahanan sa kanyang mga kapatid. May mga ilan na nagtatagumpay. Ngunit marami rin ang nabibigo at umuuwi na nasa loob na ng kahon.

Sa mga sakripisyong nabanggit, batid ko'ng sapat na ang mga ito para muling ibalik ang tunay na kahulugan ng salitang BAGONG BAYANI. Panahon na para mabigyan ang bawat OFW ng kahit konting atensiyon mula sa pamahalaan. Panahon na para silay bigyang-pansin. Ang mga OFW ay hindi dapat maihalintulad sa isang alipin. Bagkus, sa kabila ng kanilang pagiging limot na bayani, karapat-dapat na sila’y ating dakilain. Ang isang malaking katanungan, darating pa kaya ang panahon’g ito? Posibleng sagot, OO MALAPIT NA!





23 ang nakaappreciate:

  1. masakit man isipin parekoy pero iyan ay katotohanan.. Malaki nga naman ang naitutulong sa pagpasok ng dolyad sa ating bansa.. at jan tinatawag na bayani ang ating OFW. pero sa mga panahong may problema, ang hina ng aksyon ng pamahalaan.. tulad na lang ng nagyari sa saudi, kung hindi pa tututukan ng media, walang gagawin ang pamahalaan o kung may gawin man e, mabilis pa ang pagong..

    yan ang realidad ng buhay, inuuna ang sarili bago ang kapakanan ng iba, taliwas sa mga pangako noong naghahangad pa lamang ng pwesto.

    tsk tsk.. napagaya na ko parekoy

    ReplyDelete
  2. Ang mga bata talaga kung anu ang naitindihan nila ay yun din ang sinasabi at pinaniniwalaan. Ako nung bata ako ang alam ko sa nagtratrabaho abroad ay malaki kinikita.

    ReplyDelete
  3. Bayani ba ako? hindi, kasi halos lahat yta ng nangibang bansa wla sa sistema ang salitang bayani, lumuwas sila para sa paghangad na medyo maayos na pamumuhay na ipinagkait ng sariling bayan.

    madaming sawimpalad na istorya pero marami ding magndang huwaran sa pagiging OFW. i guess nasa pananaw na lang ng bawat isa at kung paano ipapaintndi sa bagong henerasyon ang salitang OFW.

    sorry nmn napahaba ang comment :)

    ReplyDelete
  4. kaya ako... mas gusto ko talaga magtrabaho sa bansang tulad ng Sg, Korea, Australia, Canada, Hongkong o US. Pero para sa akin ang Middle east tulad ng Saudi, ayokong magtrabaho dahil marami akong kakilala at nababalitaang mga nagwork duon na swerte swertihan lang daw talaga...

    ReplyDelete
    Replies
    1. kaya tayo inaapi ng ibang bansa kasi mukhang pera ang iba sa atin...iniisip lng palagi ang pera

      Delete
  5. hindi na ako umaasang may gagawin ang gobyerno ng pinas para sa ating mga OFW, unang una umalis ako ng Pinas para sa pamilya ko at hindi para sa pinas, nagkataon lang na nakinabang ang gobyerno natin sa mga pinapadala ko...tulong ko na yun sa gobyerno natin, sila nang bahala kung papalitan nila sa pamamagitan ng pagtulong sa mga mas nangangailangan...

    ReplyDelete
  6. may naalala ako noong nabasa ko ang salitang illegal recruiters. hays....

    ReplyDelete
  7. ay bagay ang lintanyang to sa bagong kanta ni GLOC9...

    BIGLANG NAWALA...

    "napakaraming _____ dito sa amin pero bakit tila biglang nawala"

    ReplyDelete
  8. nice post, they are actually the pride of the country! ipakita ang galing ng pinoy..

    ReplyDelete
  9. Bagong Bayani? Kung alam lang nila ang mga sakripisyong ating sinusu-ong siguro sa ating mga mahal sa buhay bayani tayong maituturing.

    Pero para sa pamahalaan, itoy isang salitang palamuti lamang. Ini-uugnay sa atin na parang pakonswelo ng isang mangmang.

    Para sa gobyerno, tayo'y isa lamang sektor ng ekonomiya na bawat isa sa atin ay numero ng statistikong pinag kukunan ng salapi.

    ReplyDelete
  10. walang dudang marapat na sila ay parangalan ng tawag na bagong bayani, katulad rin ng lahat ng manggagawa dito man o sa labas ng bansa para sa pagtataguyod ng mas maayos na buhay ngayon at bukas para sa kanilang mga minamahal.

    sinumang nagnanais ng pagbabago at handa itong tapatan ng sakripisyo, katapangan, dangal sa tungkulin at pagmamalaki ng bayang pinagmulan ay dapat tawaging bagong bayani.

    napakagandang akda ito, bino. salamat!

    ReplyDelete
  11. tama lahat ng sabi mo... agree much...eye opener ito, stimulus para sa gobyerno. magiging OFW pa naman me balang araw---pero para sa lahat ng mga OFWs....sa mga bayani ng bansa

    ReplyDelete
  12. wala kasing suporta ang gobyerno. ang gusto puro kamkam lang. walang pagpapahalaga sa mga taong nagpapakahirap!

    ReplyDelete
  13. Gobyerno lang naman talaga ang ugat ng lahay ng ito..kung ayos sana at sapat ang mga sahod at benepisyo dito sa atin,malamang sa malamang na mas gugustuhin nila dito na lamang sila magtrabaho kapiling ang pamilya...

    bayani ang ofw para sa akin dahil sa tapang aT Lakas ng loob nilang pagharap sa dayuhang bayan kahit nangangahulugan lamang yun ng dalawang patutunguhan "ang kaginhawaan at kapahamakan"

    sana nga ay makalampag ang gobyerno natin..sa nangyayari kasi saten:kung sino ang may kapangyarihan sila at sila lang din ang nagtatagumpay:


    eve parekoy!

    ReplyDelete
  14. kung bayani ang turing sa katulad ko na OFW, ililibing kaya nila ako sa libingan ng mga bayani?

    ReplyDelete
  15. Bayani sila kasi may naibibigay sila para sa ating bansa, pinapangalanang bayani, pero hindi tinuturing na bayani. Pahalagahan dapat ang ibinibigay na karangalan ng mga OFW. Dapat ng full support ng gov't.

    ReplyDelete
  16. ahhhh... naalala ko tuloy si Juana Change... parang pareho kayo ng hinaing. hehe

    nice post parekoy.

    at totoo ba ang balita, may namiminang ginto sa kubeta? ahihihi

    ReplyDelete
  17. ISTAMBAY - kinarir mo ang comment ah. lol pero tama ka dyan

    dlysen - yeah. yun ang laging pinapamulat sa kanila

    bhing - ayos lang hehehe. so naging dating bayani din pala ako lol

    moks - kakalungkot kasi ibang bansa pa ang nagbibigay ng asenso sa mga Pinoy

    lordcm - tila di na magbabago ang gobyerno

    empi - uu nga

    kikomaxxx - yeah naisip ko din ung song ni gloc 9 habang sinusulat ko to

    keatondrunk - thanks :)

    blogusvox - tama! dahil sa remittances kaya gumagalawa ang gobyerno

    duking - wala pong anuman :)

    sendo - naging ofw din ako dati at ni wala akong nakuhang suporta sa gobyerno

    lhan - tama

    jay rulez - ganda ng punto mo jay :)

    ro anne - malamang hindi. lam mo naman ang gobyerno natin. kahit sino pa ang maupo, maraming suwail

    ako si yow - kaso di nga full support ang government kakainis lang

    kosa - tatanong ko minsan kung may ginto nga dun lol

    ReplyDelete
  18. Sana magawan ng paraan ng panot nating presidente ang lahat ng 'to.

    ReplyDelete
  19. OFW: Bayaning Alipin...sad but true...nagpapaalipin sa ibang lahi upang mabigyan ng magandang buhay ang mga naiwang mahal sa buhay...

    ReplyDelete
  20. goyo - sana nga. hay
    jag - malungkot na katotohanan

    ReplyDelete
  21. Nagpaparamdam na ba?

    Mabuti naman. Simula na ng ratsada

    Kongrats pala

    ReplyDelete
  22. May katotohanang hindi mo maramdaman sa mga ahensiya at kawani ng gobyerno ang pagiging bayani ng mga OFW.Ang sarap pakingan pero di mo maramdaman kaya wag kang aasa sa mga salitang ganyan.Takot at pangamba pag kaharap mo sila sa di mo malamang dahilan dahil sa mga ginagawa ng iba na di lihim sa karamihan

    magandang post ito Bino.

    ReplyDelete

Sisikapin ko'ng replyan ang mga komento ninyo.
Kung may sasabihin ka'ng di maganda, huwag ka'ng mag-ANONYMOUS