Ako'y Muling Nagmamahal
isinulat ni: Bino
ang salitang pag-ibig, aking kinalimutan
poot at galit, puso ko'y tinaniman
dala ng kabiguan sa dating kasintahan
ang lumigaya ang sarili, aking ipinagbawal
ako ay namuhay sa sakit at poot
tiniis ang mundo na sa dilim nababalot
handa ng sumuko at ayaw ng magmahal
kasawiang dinanas, sa mukha'y sumasampal
ngunit tila mapaglaro talaga ang kapalaran
pati ang pana ni kupido, kanyang nilaruan
tumama sa puso'ng matagal ng nasasaktan
pilit binuksan, sa galit ay pinakawalan
Tila isang liwanag ng bukangliwayway
ang bumalot sa akin at nagbigay buhay
ang puso ko'ng tila tagal ng nahihimlay
muli ay tumibok matapos mamatay
ang dati bilanggo ng lungkot at pighati
ngayo'y muling umiibig, may ngiti sa labi
sa pagdating ng tao'ng hinintay ng kaytagal
taas noo ko'ng sasabihing, ako'y muling nagmamahal!
poot at galit, puso ko'y tinaniman
dala ng kabiguan sa dating kasintahan
ang lumigaya ang sarili, aking ipinagbawal
ako ay namuhay sa sakit at poot
tiniis ang mundo na sa dilim nababalot
handa ng sumuko at ayaw ng magmahal
kasawiang dinanas, sa mukha'y sumasampal
ngunit tila mapaglaro talaga ang kapalaran
pati ang pana ni kupido, kanyang nilaruan
tumama sa puso'ng matagal ng nasasaktan
pilit binuksan, sa galit ay pinakawalan
Tila isang liwanag ng bukangliwayway
ang bumalot sa akin at nagbigay buhay
ang puso ko'ng tila tagal ng nahihimlay
muli ay tumibok matapos mamatay
ang dati bilanggo ng lungkot at pighati
ngayo'y muling umiibig, may ngiti sa labi
sa pagdating ng tao'ng hinintay ng kaytagal
taas noo ko'ng sasabihing, ako'y muling nagmamahal!
Tapos na ang taglagas at lumipas nadin ang tag-lamig. Mukang haharapin mo na ang tagsibol at tag-init. :D
ReplyDeletehimig ng iyong saloobin
ReplyDeleteka'y gandang pakinggan
parang batubalani sa kasalukuyan
nawa'y ikulong ka ng tanikala
upang magapos ka sa iyong pagsinta
na ang pagmamahal ay angkinin mo sa tuwina
bow…
tumutula ka na rin kagaya ni sir kiko? Hehe
ReplyDeleteayos!
Huwaw!! Ang danda danda danda danda naman niyan Kuya Bino!!!!! Pramising!1 At nagbukang liwayway talaga? Hehehe
ReplyDeleteang salitang pag-ibig, aking kinalimutan
ReplyDeletepoot at galit, puso ko'y tinaniman
dala ng KALIBUGAN sa dating kasintahan...
ahaha... eto ang una kong nabasa sa 1st stanza. inaantok pa kasi ako eh. nung inulit ko ung line, KABIGUAN pala... hindi KALIBUGAN. ahahaha.. sori naman!
inspirado!
ReplyDeletekeep it up Bino:)
aba! aba! aba! muling magmahal sa buwan ng mga puso.. mapakasayang isipin at ikaw muling umibig. mabuti yan at sana yan na..pak!
ReplyDeletewow congrats at nagmamahal ka na muli hehe
ReplyDeletehuwaw :) ahaha. ayeee!!! am happy to hear so :)
ReplyDeletewow. bumibirit ka rin pala sa panulaan.
ReplyDeleteisang malaking like lang ang masasabi ko. at siyempre pa, naniniwala akong malalim magmahal ang isang makata.
hanep! hehe... Happy Valentine's sa mga ka blog dito! Daan naman kayo sa damuhan ko hehe..
ReplyDeletehttp://iamdencio.blogspot.com
may pinaghugutan?! haha.
ReplyDeleteNaakkss!
ReplyDelete