February 28, 2011

Ang Dalawang Estudyante

Kahapon, matapos nami'ng magkita nila Salbe at Rico para makapagkwentuhan at kumain ng crepes at 18 inches na pizza, masaya kami'ng naghiwa-hiwalay para umuwi sa aming mga destinasyon. Sa aking pagbyahe mula Trinoma hanggang Alabang lulan ng MRT, hindi ko maiwasan na hindi mapakinggan ang usapan ng magkaibigan. Muli na namang umiral ang talas ng aking pandinig pagdating sa chismis, makabuluhang chismis:

Girl: Ang bilis ng panahon no? Parang kailan lang, hirap tayo sa mga exams, ngayon, gagraduate na tayo ng college!

Boy: Oo nga, now I'm wondering kung saan tayo pupunta pagkatapos ng ating studies. Imagine, 6 years in gradeschool, 4 years in highschool at another 4 years sa college. A whopping 14 years of studies and now, swerte natin kung makahanap tayo ng magandang trabaho na maganda rin ang salary.

Girl: So what are your plans?

Boy: I don't really know. I'm not really sure nga kung magagamit ko to'ng kurso na kinuha natin. Imagine our country, Ang damin'g walang trabaho. Kung meron man, hindi angkop sa kurso. Sabagay, sa third-world country na tulad ng atin, I believe di natin kailangang maging choosy sa trabahong makukuha natin. 

Girl: I agree. Kaya nga ako, iniisa-isa ko na ang mga pwedeng mapasukan. Siguro call center muna ko, kasi yun ang malaki ang sweldo eh. Pero sabi ng ate ko, kung di daw ako matiyaga sa pagtawag eh wag na lang kasi sobrang stressful.

Boy: Yan din sabi ng ibang kakilala ko eh. Pero no choice nga naman. Sabi nga nila, triple ang sahod ng mga agents kesa sa supervisor ng isang fastfood chain eh.

Girl: Tapos may discrimination pa pagdating sa school. Daming companies dito na hindi tumatanggap ng mga galing sa technical schools. Laging priority eh dapat galing ng La Salle, UP or Ateneo. Hay. Makapag-abroad na nga lang.

Boy: Iniisip ko nga din yan eh. Kung ang ibang bansa ang makapagbibigay sa atin ng magandang buhay, di malayong gawin ko yun. Mas marami pa'ng umaasenso sa ibang bansa kesa dito eh.

Girl: Ang hirap ng sitwasyon nating mga bago'ng graduates. 

Boy: Pero marami rin naman ang hindi fresh grads na 'til now hindi matino ang trabaho or worst eh jobless pa din hanggang ngayon.

Girl: *sigh* Kahit ilang palit tayo ng administrasyon, pare-pareho'ng issue pa rin hanggang ngayon.

Boy: Nakakawalan ng pag-asa no?

Girl: You're right.

Sa kanilang pagbaba sa Buendia, naiwan ako'ng naghahabol sa kanilang mga sinabi. Ang bawat salitang kanilang binitawan ay may naiwang kirot sa aking damdamin. 

Hindi ko sila masisisi sa kanilang mga pananaw. Dahil ang totoo, naiintindihan ko ang kanilang mga hinaing. Sabihin man ng TV at radyo na hindi nagdidiscriminate ang mga kumpanya, isa ito'ng kasinungalingan dahil maraming mga fresh graduates ang dumanas ng di pantay na pagtingin sa hiring process dahil lamang sa eskwelahan na kanilang pinasukan. Marami ang mas umuunlad sa ibang bansa at marami ang sa ating gobyerno'y wala nang pagtitiwala. Masakit na katotohanan na dapat tanggapin. Isa'ng realidad. Isang sakit na unti-unting pumapatay sa ating bansa. Ang mas nakakalungkot pa, tila malayo pa bago matuklasan ang gamot na siyang lulunas sa lumalalang karamdaman ng ating bayan.












26 ang nakaappreciate:

  1. i agree in that convo.. ganun talaga ang buhay ika nga life in unfair. pero kagaya ng sinasabi ng karamihan eh kailangan lang ng tiyaga sa paghahanap dadating din ang araw na magiging maayos din ang pinas sana...

    ReplyDelete
  2. that's true, pero di dapat kasi tayo umaasa talaga sa gobyerno eh. given na yun na lousy ang gov't natin so no point na sisisihin pa. do something na lang...and besides, kung tutuusin, ang daming pwedeng gawin para umasenso tayo. nasa sa atin lang yun.

    ReplyDelete
  3. nung una din ako magapply kala ko may mga ganong discrimination.. pero napatunayan kong wala.

    maraming nagsasabing baka di ako tanggapin kasi di ako galing sa ateneo o lasalle. pero ayun.

    hehe

    bigla akong nagutom sa crepes at pizza 18INCHES :(

    ReplyDelete
  4. swerte mo Jason at di ka nadiscriminate pero marami ako'ng kakilala na hindi tinanggap dahil sa school eh. Pero swerte natin dahil hindi man tayo graduate sa big 3, napatunayan natin na meron pa ring mga kumpanya na di tumitigil sa pangalan ng paaralan.

    axl, ronster at leo cheers :D

    ReplyDelete
  5. Nakaka lungkot naman yang usapan nila. Pagkatapos mag aral ng pagkahaba haba, kung kelan ga graduate na ay saka sila parang nawalan ng pag asa.

    ReplyDelete
  6. pinaka-pinanlakihan ng mata ko dito kuya Bino eh nung sinabi mong
    "Trinoma hanggang Alabang lulan ng MRT"

    Waaah? Hahahahahah... adik ka kuya Bino!!!! Hehehe.. pero totoo yun na parang uunlad pa tayo ibang bansa.. pero di madali kapag wala ka experience.. hay :(

    ReplyDelete
  7. its a call to be practical..a lot of pinoys are unemployed..most are underemployed.

    hindi naman kasi porke itong course ang natapos mo iyon din magiging work mo pagkagraduate..minsan kelangan maging practical kesa walang trabaho.

    hindi lahat ng plano natutupad at hindi lahat ng mga pangrap na sinsabi satin ng mga prof natin sa college ay magkkatotoo.. paglabas mo ng skul..makikita mo ang realidad ng buhay- ibang iba sa mundo na inukit ng mga prof natin nung nag-aaral pa tau.

    ReplyDelete
  8. come to think of it, napaka-unfair ng pagaaral hindi ba? la salle, ateneo.. paano kung mahirap lang ako, at hindi ko kaya ang tuition fee sa ganyan ka-garbong eskuwelahan? hindi ako tanga, wala lang akong pera? paano na?

    ReplyDelete
  9. true. discrimination is everywhere kahit sa paghahanap ng trabaho. mas priority ang well known schools. di man lang nila naisip na may mga fresh grads na talagang may talent and skills.

    ReplyDelete
  10. sana lang makita na ung sinasabi nilang tunay na pagbabago para sa bansa at tiyak susunod magiging maayos lahat ng antas ng lipunan

    ReplyDelete
  11. bakit nga gnon noh, akala ntin pag makatapos ng pag aaral ang isang tao topos n ang problema, hehe! mag uumipisa pala ng panibagong problema.. haisst! magandang hapon.

    ReplyDelete
  12. nalungkot naman ako don...nararamdaman ko ang nararamdaman nila..halos dalawang taon narin akong naging tambay, ang hirap makakuha ng trabaho sa atin...sa lugar namin, palakasan system...kung hindi ka kamag anak ni gobernador, wag ka nang mag-apply..hehe

    Nice blog pare...na-HIGH ako.

    ReplyDelete
  13. nakakarelate ako sa kanila! dinanas ko yang discrimination na yan ha, grabe halos ilang bese akong nasiraan ng sapatos kakalakad para sa mga interviews at sobrang nosebleed na akong bonggang-bongga at iyak sa depression wala pa din nangyari! at ito pa dahil akoý mabait na bata,nagpatattoo ako nung highschool days, wag ka dahil sa nalaman nilang may tattoo ako di na ako tinaggap sa work!! kakaloka! di naman makakaapekto ang tattoo sa trabaho ha!! nak ng!@#%%^*

    kaya heto dito ako sa ibang bansa, di naman sa nagmamayabang pero mas maganda ang kalagayan ko dito. at eto pa executive sec ako ng GM sa isang malaking international company!!

    at eto pa din 2years course grad lang ako, sa pinas ba mabibigyan ako ng ganitong position?!!!

    kakainit ng ulo! pasensya na.

    ReplyDelete
  14. kuya bino,

    ganyan din nararamdaman ko kuya.. parang ang hirap2 makahanap ng trabaho after graduation.. pero hindi ako sure about sa discrimination,kasi kahit taga-UP kami, namomroblema din kami, kasi hindi konti lang naman ang available na trabaho. :(

    ReplyDelete
  15. maramin talgang discrimination pagdating sa pinag aralan mo. di nila alintana yung grades mo but mas priority yung scool. hay kaysama..

    ReplyDelete
  16. hard to bliv pero kadalasan kung saan ka galing na school ay malaking bagay para kunin ka nila.

    madaming lumuluwas ng bansa pra magbakasakali na doon sila giginhawa.

    ReplyDelete
  17. parang ako...diko naapply course ko...sayang talaga...hayyy

    ReplyDelete
  18. eik parang nafefeel ko moment nila ngayon.. after kung grumaduate san kaya ako ilalagay ni LOrd... pero imbes na magmukmuk im excited... waehehhe

    ReplyDelete
  19. I tend to think the same dahil mejo malapit na rin ang graduation ko. hehe. realidad nga. pero naniniwala pa rin akong may magandang naghihintay para sating lahat :)

    hinde natin kelangan ng bayani o ng bagong admin. gawin lang natin ang lahat ng ating makakaya :)

    ReplyDelete
  20. graduating pa lang yan, paano kung maranasan na nila ang tutuong takbo ng buhay? malamang nag aayos na ng passport yan :D

    ReplyDelete
  21. kung titingnan ang sitwasyon ng dalawa,, makakagraduate na ang trabaho agad ang hanap... jan naman talaga tayo pupunta kapag nagtapos.. paano na ang ibang hindi nakapagaral.. kahit na anong sipag ang gawin.. anong mangyayari... para paraan at sariling diskarte na lamang.

    nagaaral tayo para magkaron ng mgandandang trabaho.. pero sa sistema ng ating kalagayan ngayon. hindi malayong ang ating pinagaralan ay magagamit sa hindi natin bayan.. ipinagmamalaki ng iba ang pag angat ng ating ekonomiya.. dahil sa mga foreign investments na yan.. alin ang ating ipinagmamalaki dun? para tayong alipin sa sariling atin

    madami maikokonekta sa post na ito sir.. darating ang marso, ang pagtatapos ng ating ibang kabataan.. ang huling yugto ng kanilang pagpasok sa eskwela. Pero ang unang yugto ng kanilang buhay sa pagharap ng tunay na hamon nito..

    saan tayo pupunta? san natin gagamitin ang 14 taon nating ipinagsunog ng kilay?

    ReplyDelete
  22. talaga namang pati sa MRT nakakahanap ng ng inspirational story ha. in short.tsismoso ka talaga Bino. bwahaha

    ReplyDelete
  23. kung tutuusin dapat ndi magiging ganito ang takbo ng bansa natin kung di din sa mga taong nagpapatakbo ng ekonomiya at napapatupad ng kung anu anong batas at programa (daw?!)... nakakalungkot isipin na bibilang ang maraming taon magagasgas pang lalo ang gasgas na gasgas na kalsada ng edsa sa kakarally e wala pa rin tayong matinong taong mailalagay para mamahala sa bansa ng maayos... minsan naiisip ko baka mismong ang kinalakhang sistema at tao na ang problema.... maxiado n cgurong talamak ang corruption in all possible forms...harapang panloloko sa mga tao dhil din naman nagpapaloko ang mga tao... hay life...

    ReplyDelete
  24. malamang sa malamang magaabroad siguro yan,matapos nilang magpausapan yan...

    tama ka ndi natin masisisi ang kanilang mga pananaw dahil obyus naman sa kalagayan ng bansa natin...


    sa kabilang banda:may pagkatsismoso ka din enoh?hehehe piz!

    ReplyDelete
  25. nakakainggit naman sila gagraduate na! HUHUHUHU. dapat makagraduate muna ako, tsaka ko na problemahin ang trabaho. hehe.

    ReplyDelete

Sisikapin ko'ng replyan ang mga komento ninyo.
Kung may sasabihin ka'ng di maganda, huwag ka'ng mag-ANONYMOUS