Parati ko na lang silang nakikita
Sa tuwing ako'y napapadpad dun sa may plaza
Ang mga bihis nila'y pormal na pormal
kuntodo magrosaryo, nakapikit, nagdarasal
Animo'y mga alagad ng simbahan
Kung magbasa ng bibliya at mag-sermo'y maalam
Sa bawat salitang kanilang binibitawan
Hindi mo aakalaing sila'y balat-kayo lamang
Matapos "ipagkalat" ang salita ng Diyos
Dudukutin sa bulsa, isang malaking supot
Sabay hingi ng donasyon, para sa iyong "kaligtasan"
Litanya'y "pagdarasal ka namin kapalit ng iyong alay"
Gusto ko'ng mainis na gusto ring matawa
Sa mga tao'ng ito na bulaang propeta
Ginagamit ang rosaryo, bibliya at iba pa
Kapalit ng donasyo'ng sa bulsa nila mapupunta
Ano na nga bang nangyari, bakit nagkaganun
Nasaan na ang konsensya at paggalang sa Poon
Tila lumalala sa paglipas ng panahon
Sa ganitong panloloko, paano tayo makakaahon?
Batid ko'ng kalat na ang ganitong gawain,
Sa bus man, o sa jeepney may manloloko din
Kung hindi man mapupuksa o hindi matitigil,
May araw din sila sa karma'ng darating

nakakalungkot ang realidad,
ReplyDeletesadyang nag paggawa ng mabuti ay mailap,
mas nanaig ang huwad na paglingap,
Kahit na simbahan ay may lamat.
anut-anuman pa man ang nakikita,
ito'y aral mula sa Kanya,
ang paglakad sa matuwid,
ang tanggap sa paningin Niya.
dikta ng konsensya ang nararapat,
ang kagaya nilang salungat,
subalit sino ang maglalakas loob?
kung ang tamihik boses ang umaalingawngaw:)
happy saturday!
thanks sa comment :) Happy Saturday :)
ReplyDeletemadami nga nyan sa bus kuya bino... pero ni minsan di ako nagbigay.. hehehe... naka earphone ako sa byahe eh, di ko sila naririnig. LOL
ReplyDeleteSila ang tinatawag na "tagadasal" na madalas makikita mo sa simbahan ng Quiapo at ilang mga simbahang dinarayo ng mga deboto. Nuong unang panahon ang "tagadasal" ay isang kawang gawang debosyon sa Poon, subalit sa pag-inog ng panahon, naging isang uri na hanapbuhay o kalakalan dahil sa kahirapan, kawalan ng hanapbuhay at pinag-aralan.
ReplyDeleteay hala very bad...
ReplyDeleteOo nga... meron din yan sa bandang amin. nanghihingi ng donasyon habang yong isang kasama nila ay namamahagi ng salita ng Diyos.
ReplyDeletemy point of view.. i believe preaching God's word needs to be in a appropriate place at the right time and as what i have said it should be in the right place. The salvation is FREE no amount of money can replace it.
ReplyDeleteGod Bless You :)
kadalasan ang laman ng salita ng diyos ay tungkol sa pagbibigayan. kaya dapat magbigay din ng donasyon. istayl na bulok.
ReplyDeletehindi ako makapagcomment, hindi ko kase alam kung saan talaga napupunta ang hinihingi nilang donasyon.
ReplyDeleteTotoo lang kaya di na rin ako masyado nagbibigay sa mga pulubi..dahil sa dahilan na ito.. na ginagamit nila ang Diyos.. para magkapera.. kung gusto ko tumulong sa mahirap.. sasali ako sa outreach.. hindi ganito
ReplyDeletekung ating pagbabasehan ang kasulatan
ReplyDelete2 Timothy 2:15-21
totoong may mga taong ganyan
ngunit ako'y wala sa katayuan
upang sila'y husgahan
'pagkat ako'y isa ring
taong makasalanan
ito na lang ang aking iiwan
mula ka Mateo 12:31
nawa'y ating kapulutan
upang hindi malayo sa katotohanan…
minsan naaawa ko. pero nasa kanila na yun kung talgang pangloloko ang tunay nilang pakay.
ReplyDeleteayos ito pareng bino.,
ikaw ay tunay na ngaoyng makatang pilipino.,
ipagpatuloy mo at baka yan ang sikreto mo.,
para umunlad at magising ang bawat mamayang pilipino., ^^
a word without a deed is dead... WORD.
ReplyDeleteHindi ko lubos maisip na sila pala'y manloloko,
ReplyDeletePagka't ang alam ko, sila'y mga banal na kristyano,
Na handang ipakalat ang naaayon sa kasulatan,
At handang gumawa ng kabutihan, dasal para sa nangangailangan.
Maraming salamat sayo, at mukhang natauhan ako,
At hindi na muling magpapaloko sa mga gantong klaseng tao. :)BOW
leonrap - ako naman ung mga binibigyan ko yung mga may pruweba tulad ng may sakit talaga.
ReplyDeletethe pope - sir george! salamat sa muling pagbisita :D
kikomaxxx - really bad
empi - dito sa alabang talamak ang ganyan
zeb - God bless you too zeb :)
super balentong - bulok na bulok talaga
rainbow box - ok lang :D
kamila - tama ka dyan :)
kiko - maraming salamat sa pagshare ng mga verses :)
lhan - hahahah subok lang :D
biboy - salamat sa pagdalaw :D
MD - at salamat sa pagkomento sa porma ng tula :D
tama...sakto..sapol...
ReplyDeletesana sa mabuti napupunta ang donasyon. o kaya sana may pursyento ang simbahan man o foundation.
ReplyDeletekasi kahit sino pwedeng basahan ka ng dasal o ng kung anu-ano kapalit ng pera. hmmmmm
Yong pagbabahagi ng mga mabuting balita na nanggaling sa Diyos, maganda iyan pero kung walang makikinig wala ding silbi.
ReplyDeleteHindi rin ako masyadong kapanalig ng mga taong nagsisigaw sa publikong lugar.
Nagtutulog-tulugan ako kapag namimigay na ng sobre o kaya naman sa iba ako nakatingin kunyari kapag inaabot na ang supot.
:)
sa hirap ng buhay :(
ReplyDeleteactually nagbibigay ako minsan kpag nagustuhan ko ung cnabi, madalas hindi..
ReplyDeleteang ayoko yung sticker na ibibigay, akala ko libre. pag kinuha, may bayad pala..
ReplyDeletekapag may ganyan, nagbibigay ako minsan ng piso.hehe.