Buwan na naman ng Pebrero. Buwan ng mga puso! Nandiyan na naman si Kupido at naghahanap ng papanaing mga tao para magka-inlaban. Sabayan pa ng malamig na panahon na dati'y tuwing mga "ber" months lang natin nararanasan. Panahon na naman ng Pag-ibig! Kaya mula sa kaibuturan ng aking heart, liver at balun-lunan, HAPPY VALENTINES! Kaya naman WALANG KINALAMAN ANG NILALAMAN NG POST NA ITO SA VALENTINES DAY.
Naaalala n'yo pa ba ang good ol' days na ang mga social networking sites ay napakalimitado, ang mga cellphones ay gamit lamang sa text at tawag, hindi pa masyadong importante ang emails, at wala pang mga wireless landlines? Ako, oo. At sa totoo lang, nakakamiss din ang pagiging simple ng buhay.
Habang sinusulat ko ang artikulong ito, kasalukuyan ako'ng inaapoy ng lagnat. Ngunit hindi ko pa rin mapigilan ang hindi makakonek sa internet kahit pa gamit ko ay isang simpleng cellphone na may opera mini na hinack para magkaroon ng libreng browsing (na maaari ko'ng ituro sa inyo basta nokia ang phone nyo ha). Bawat mulat ng mata ko, check ako ng blog, update ng status sa facebook, post sa twitter etc. Minsan napapatigil at tinatanong ko ang aking sarili kung isa na ako'ng KONEKTAHOLIC? By that, I mean naaadik sa pagkakaroon ng koneksiyon 24/7 sa kahit anong paraan - computer, cellphone, o landline. Bakit nga ba may mga "obsessed" sa ganitong teknolohiya? Siguro dahil na rin sa isang senaryo na marami kang followers, fans, friendship connections etc na nagbibigay ng pakiramdam na you are loved and important.
Narito ang ilang palatandaan kung ikaw ay isang KONEKTAHOLIC:
- hindi mo mapigilang magtext, tawag, tweet o magpost habang ikaw ay kumakain (ginagawang kutsara ang cellphone?), naliligo (sabon ang laptop?), nagmamaneho (manibela ang hawakan, huwag ang ipad!) at iba pang pang-araw araw na gawain.
- Masaya ka lang kapag may nagcocomment sa status mo sa facebook, nagreretweet ng posts mo sa twitter o nakakapagchat ka sa YM, Gtalk, o MSN.
- Hindi ka na natutulog (eh ano ngayon kung puyat?) o kung matulog ka man ay tulog-manok na lang. May mga pagkakataon'g kunyari ka lang natutulog sa tapat ng iyong laptop o desktop. Lagi kang online sa YM at never ka nagiging IDLE.
- Nadidismaya ka kapag sinasabihan ka na bawasan mo ang iyong pagtetext, tawag, tweeting, posting atbp.
- Lagi kang late sa mga appointments o sa iyong trabaho dahil sa mga nabangging na social networking sites.
- may sakit ka na, nagagawa mo pang mag-bloghop at mag-update ng blog (katulad ko)
- hindi ka na kilala ng mga kasambahay mo. Kapag tinanong ka kung kamusta ka na, sasabihin mo na lang na i-check ang status mo sa facebook, basahin ang blog mo o antayin ang tweet mo sa twitter.
Kung may mga ganyan ka'ng sintomas, binabati kita dahil isa ka ngang KONEKTAHOLIC. Laging tandaan as always na lahat ng sobra ay masama. Kaya naman, subukan natin na mag-slow down sa ating mga online activities at i-enjoy ang buhay ng hindi masyadong dependent sa teknolohiya.

Nyahaha. naku, madami sa sintomas na nilagay mo ay meron ako. Isa na akong konektaholic.
ReplyDeletelols so eto sakit mo kuya arvin? hehehe
ReplyDeletekhantotantra - hello! salamat sa pagdalaw :)
ReplyDeletezyra - di pa naman ako dumadating sa point na di na ko kilala ng pamilya ko hehehe
Addick na rin yata ako, kahit busy at pagud sa work, co-connect parin kahit walang signal hahaha
ReplyDeleteCongrats, Bino!
ReplyDeleteIsa ka ngang KONEKTAHOLIC. Hehehe.
ako rin siguro ganun. :D
whaha pambihira.. alam na alam ha.. buti na lang wala pa kung sintomas ng ganyan hehehe :D
ReplyDeleteahmmmm karamihan.. amf hahaha
ReplyDeletepara mo lang akong dinescribe..
lol
ako hindi ko konektaholic hihih...
ReplyDeletepero gusto ko ung point na bawasan at wag masyado dumepende s teknolohiya, simpleng buhay diba? tulad noon.
happy balentayms parekoy..
i'm guilty as charged! hehehe!!!
ReplyDeleteAminado ako na gusto araw araw ko nabibisita ang mga online accts ko. Pero, masasabi ko na balanse ang buhay ko. May oras sa inom, barkada, sex atbp. Ü
ReplyDeleteparehas tau na hack na cp ung pang net kuya hehe.. Pagaling ka po at wag muna kumunekta sa net. Nga pla opo msarp bumalik s smpleng buhay :)
ReplyDeleteako hindi pa naman. hahaha. pero buong bahay ko may wifi thingy na yan. para kahit saan pwede magkonek sa intarnets. haha
ReplyDeleteako nasa gitna pa mukhang malapit na hehe, get well soon bro!
ReplyDeleteako rin konektaholic ako...hehe
ReplyDeleteako din pare, pero sa internet lang, sa landline at text hindi ako masyadong addict, tamad pa nga ako magbasa ng text minsan.
ReplyDeletemabuti na lang hindi pa ako konektaholic...hahaha pero malapit na:))
ReplyDeletehindi ako adik ah, basta pagkagising ko at hindi pa naghihilamos diretso ako sa laptop, fb, blog, ym....di ako adik! lolzz
ReplyDeleteNICE POST. POST LANG NANG POST, BINO.
ReplyDeleteYehey! di pa pala ako konektaholic... hehehehheeh
ReplyDeleteang konektaholic ay... NAGSASAKIT-SAKITAN! wahahaha.. prang ikaw! ahaha. joke
ReplyDeleteOkay. I admit, adik nga ako. Haha. Pero di naman maya't maya ang tweet. May Opera Mini din yung isa kong kaibigan, at dun ako nakikibrowse. Haha. Lalo na kapag naiinip.
ReplyDeletehaha apir tayong mga konektaholic.. pero weee dapat ibalansi ang buhay...
ReplyDeletebuti nalang wala pa kong sintomas..:)
ReplyDeletewell, I am certified KONEKTAHOLIC except that I was never late on my appointments. It takes proper discipline. It's not bad to be connected all the time, it's some sort of comfort for some, for me. :D
ReplyDeletemoderation is the key pa rin talaga. nililimitahan ko na nga ang sarili ko at sumusubsob na lang sa skulworks para hinde maging konektaholik... haay. ahehe :)
ReplyDeleteButi wala pako ng ibang sintomas.. wala akong tweeter account, hindi ako mahilig magtext.. hindi ako mahilig mag post ng shout sa FB.. pero mahilig ako magbasa ng blog.. parang si khantotantra may mga sintomas na ganyan.. kudos khantotantra.. ayieee..
ReplyDeleteadvance happy valentines kuya Bino!
ReplyDeleteano sir, magaling ka na?
ReplyDeletekaya naman binawasan ko na ang aking nakasanayan dahil napapandin ko na dati pa... medyo napapasama na nga!
pero wala rin... babalik at babalik pa rin! haaaaysss. ganyan tlga siguro.
maligayang buwan ng pebrero!
hindi pa naman ako ganun kalala na habang ginagawa ang dirty deed sa banyo eh naglalaptop.. hanep!
ReplyDeletepero.. kulang ang 1 hr, 2 hr, 3 hr.... o buong araw in short para mag online sa akin...
iniisip ko tuloy kung ano ng mangyayari sa kin kapag nagkatrabaho na ko
pwes.. isang konektaholic na din ako. hehe
ReplyDeletePagaling ka kuya arvin :)
natatandaan ko p nga nung time na nauuso na mga gadgets... sobra mamahal pa tapos ngaun ang dami na pirated. isa ka ba sa konektaholic?
ReplyDeletewatda! halos lahat chunkee check ako sa listahan! wahhhh
ReplyDeleteganda pala nung samsung tablet sa taas oh! :D
Mabisang pangtanggal umay kasi ang mga social networking sites, pero tandaan, masarap pa ring mabuhay na may nakakausap na totoong mga elemento sa bahay man o kung saan man at hindi lamang sa kwadradong bagay.
ReplyDelete:)
magaling nako sa lagnat! ubo't sipon nalang. at halos lahat ng nagreply eh konektaholics hehehe
ReplyDelete