Parang kailan lang, iilan lang ang mga Koreans dito sa ating bansa at wala pa tayo'ng kamuwang muwang sa kanilang kultura. Pero sa sobrang bilis nga naman ng panahon, kahit saan'g sulok ka ng Pilipinas magpunta, imposible'ng hindi ka makakakita kahit isa man lang sa kanila. Tulad ko, tuwing Sabado at Linggo ay may estudyante ako'ng koreano na tinuturuan ko ng Inggles. Bukod pa yan sa mga nakikita natin sa mga malls, restaurants, beaches, parks, universities, internet cafes at kahit pampublikong sasakyan gaya ng bus at jeepneys. Kaya naman nauso ang pag-iimport ng mga koreanovelas na syang patok na patok sa mga manonood. Bawat block ng TV airtime meron. Morning, Noon, at Primetime. Nandiyan ang Boys Over Flowers, My Name is Kim Sam Soon, Jewel in the Palace, Jumong, Full House, Cinderella Sisters at ang paborito ko ngayon na Baker King. At lahat ng mga ito'y nahuli ang kiliti ng mga pinoy. Ang iba pa nga'y nagiging addicted na sa mga ganitong palabas.
Ano nga ba ang mga elemento ng koreanovelas na ito at paborito sila ng ating mga kababayan? Narito ang ilan sa aking mga SARILING OPINYON:
Tear-Jerker - kailan ang huling pagkakataon na naiyak ka sa kapapanood ng isang Pinoy teleserye? Mara Clara? May Bukas Pa? Sa mga palabas na ito ako naluha at umiyak lalo na sa pagkamatay ni Santino. Ang mga korean-dramas ay may pagkakahalintulad din sa ganitong kategorya at tayo'ng mga Pilipino , aminin man natin o hindi ay mababaw ang luha. Dahil sa pagiging sentimental ng mga Koreanovelas, hindi ito pinapalagpas ng karamihan sa ating mga kababayan.
Komedya - ang maganda sa mga korean dramas ay ang pagbabalanse ng saya at tuwa. Ang mga karakter sa mga storya ay nakakatuwa at natural ang pag-arte. Isama pa ang magandang pagdadub ng mga ito sa ating wika na nakakadagdag humor. Nanonood ako ng koreanovela na hindi dubbed pero mas gusto ko pag tinagalog na. May pinoy touches na kasi at syempre, di ko na kailangang basahin ang subtitle pag may mga ilang salita na hindi ko maintindihan.
Storya - hindi ko maidedeny na mas maganda ang pagkakasulat ng mga ito at mas plinanong mabuti kumpara sa sariling atin. Bagamat may kahabaan din, hindi mo ito mapapansin dahil hindi paikut-ikot ang kwento unlike sa atin.
Storya Vs. Stars - isang malungkot na katotohanan sa ating local TV industry ay ang pagpili sa mga artista bago pa man mabuo ang storya. Ang mga network giants ay required na gamitin ang kanilang mga talents na nakapirma ng kontrata sa kanila. Ibig sabihin nito, kinacast sila hindi dahil sila ang tamang tao sa role pero dahil kailangan silang bigyan ng trabaho ng kanilang istasyon. Mas pinipili sila dahil sa pagiging bankable at hindi dahil sa isang character portrayal.
Ang mga unique at planadong storya ng Korean shows, mga kakaibang twists at nakakatuwang dialogues ang ilan sa mga elemento na kailangang pag-aralan at iimprove ng ating local TV industries. Sa mga kadahilanang ito, umasa tayo na mas marami pa'ng korean series ang magiging bahagi sa ating araw-araw na panonood ng telebisyon.

agree ako dito sa last part yung Storya Vs. Stars may mga artista talaga sa mga network na palakasan di katulad sa korea na binabagay talaga sila sa mga character :D
ReplyDeletetama ka jan parekoy!
ReplyDeletemay mga kilig factor kasi sila at nakakaegganyo sila panoorin tlaga,gaganda kasi ng twist
at isa ako sa nahuhumaling sa koreanovela lalo na ang jewel in the palace b4 :)
morning sau :)
kung pagkukumparahin ang korea novela sa local natin.. higit na magaling ang obra nila. tama ka sir, sa twist sa takbo ng mga pangyayari. Iisa ang tinutumbok, hindi paikot ikot, simple ang twist pero malakas ang dating sa manonood. Makatotohanan at marami ang nakakarelate..
ReplyDeleteunlike sa sa mga tv nobela natin.. masyadong out of this word ang mga pangyayari. wag nang isali ang mga fantaserye dahil talaga namang out of this word un. ang twist, sa halip na ikatuwa mo at magustuhan, kadalasan pagkainis ang mararamdaman. Siguro may mga pangyayari ganon sa totoong buhay pero napakarare naman..
Ang masama pa nito, dahil sa pag patok ng koreanovela, pilit ginagaya ng loval tv o gumagawa sila ng istorya na kagaya ng sa kanila. Masyado ng corny ang kinalabasan..
ito naman ay aking opinyon din lamang base sa aking nakikita..
magandang araw sir..
sya nga pala.. maganda ang Baker King. Napaiyak ako isang beses dun.. isa lang naman.. matindi ang karakter ni pinpotrait ni tak gu.. magaling.. :)
tama lahat ng sinabi mo bino. i agree to all of it. hindi rin sobrang OA ang drama nila, magaling talaga yung artista...and that goes to the last part na artist against story. plus, hindi laging daing ang pagiging dukha sa themes ng drama nila, yes, may mga mahihirap at mayayaman, pero di dun ang focus ng drama.
ReplyDeletetama si banjo, pilit nating ginagaya pero corny na. well, i know that imitation is the best compliment, pero naman...let's make a name for ourselves di ba?
isa pa...ang pinapanood ko lang talaga eh yung mga series na si Eun Hye hahahaha...sabay ganun eh no. kaya ang una kong blog dito ay tungkol dun hahaha.
akoy isang korean drama adik since 2004 pa ata at isa lang ang masasabi ko PANALO ang mga storya nila...
ReplyDeleteyung baker king tae ang dami kong luhang nailuha sa dramang yan,,pero sa dvd ako nanood kasi mas gusto ko accent nila eh....
tsaka ang natural nilang umarte...
may suggestion ako sau...SEcret garden maganda yan..try mong maghanap ng dvd pwamis di ka mabibigo sa dramang yan...
tama si banjo pilit gnagaya nila ang korean storya pero failed cla,,,una yung sassy girl the movie sorry pero ewan ko d maganda magdala ang hollywood actor at aktress ng storya...
tapos yung mga drama gaya ng full house,kim sam soon etc...d rin nila nakuha ang tamang timpla para pumatok ng bongga...
pero pag ang korean naman gagawa ng version nila ng mga old movies,,hahah sorry pero magaling talaga...
basta ako korean drama forever ako haha....
hmmm...wala akong masabi kasi hndi naman ako maxadong nanonood ng Koreanovelas hehe...pero sa review mo I think mas maganda nga ang sa knila...
ReplyDeletemaganda ang mga story at unique. Di ka din gaanong mauumay sa paulit-ulit na characters/stars. At paiba-iba ng hairstyle mapa-lalaki o babae. may variety.
ReplyDeletemaganda sa mga koreanovela, given na ang magaganda ang kutis. kutis porcelana. angkikinis. hahaha
ReplyDeleteyung characters, minimal lang ang dami sa isang palabas, di ka malilito. sa pinoy kase may pinsan ng bespren, may extrang sidekick ang kapatid ng lolo, mga ganon. wahahhaa
baker king manood po tayo ng baker king pagkatapos ng I heart you pare sa gma 7.
oo nga mas maganda silang gumawa ng Story....
ReplyDeletepatok na patok to sakin bino!! wahahaha.... ako na siguro ang adik sa korean. kahit ano pa yan, basta from korea.
ReplyDeleteOO super ganda ng drama nila, not just drama but horror as well. Di sya tulad dito na alam na natin ang susunod na eksena... sa kanila, nakakaiyak talaga.
Pero for me, mas maganda ung may english subtitle lang.. hehehe.. or depende sin sa pag dubbed ng tagalog. basta depende.
The best movie na napanood ko ang MY SASSY GIRL, WINDSTRUCK, 200 POUNDS BEAUTY AT MADAMI PA... hehehe...
uy super like ko yan!! inaamin ko nahumaling din ako sa kanila ha! boys over flower ang po-pogi!! haha
ReplyDeletegandang ganda talaga ako sa mga koreanovela..dahil na din sa nakakatawa..at ang kyuuuut nila... ewan ko.. babae o lalake cute sila.. hahaha :)
ReplyDeleteyay sawa na ko sa mga koreanovela pero nung 1st year college, 2003, maaga akong umuuwi para sa meteor garden. koreanovela ba un? hehehe
ReplyDeletetas ung theme song namin ni lester, galing sa Spring Waltz, ung One Love ♥
pero kung ako ang tatanungin..kahit anong lahi pa yan..kahit na galing pa yan China, Korea, Japan, Amerika, Pluto, Mars...basta mahusay ang epekto ng pang-uuto sakto na sa akin yun... pero sa totoo lang...kahti nga boring ang story basta chicks ang bida swak na sa akin... madali akong mauto eh... ahahaha... :D
ReplyDeletedagdag ko na din...kung storyline lang...totoo maganda nga ang korean stories... pero syempre yung mga local stories na din maganda din... sa tantsa ko alng match match lang din naman..depende talaga sa panlasa yan...
ReplyDeleteang totoo nyan...sawa na din ako sa mga drama sa TV (buti n lng may mga chicks kaya nanonood ako)...masyado ng nababasa ang TV namin, kinakalawan na dahil napupuno ng luha... namismis ko ang mga lumang Pinoy stories..yung tipong tamblingan ni Lito Lapid, bakbakan ni FPJ...basta yugn may mga pulis sa dulo...san na ang mga kwentong ganun? mis ko na... :)
agree ako. kaya nawalan na ako ng ganang manood ng mga local. hindi naman sa panlalait sa ating industriya pero tama ganoon na nga ang nangyayari.
ReplyDeletekung magagalit sila sa mga taong nagcricriticize sa kanilang ginagawa, isipin muna nila kung kalidad yung kanilang ginagawa.
dapat we aim for quality not the quantity.
natutuwa ako sa inyong mga komento. talagang pinag-isipan :)
ReplyDeleteisa ako sa mga tumatangkilik sa korean movies...unique, very!
ReplyDeleteWHAT MAKES ME LIKE KOREAN SERIES OR FILMS IS THE RICH CULTURE OF SOUTH KOREA. IT'S PEOPLE, THEIR LIFESTYLE AT YUNG MAGAGANDANG LUGAR DUN.
ReplyDeletehmm para sa akin.. magagaling sila gumawa ng mga storya at maganda ang pag papaikot nila dito.ska ung mga actor nila magaganda ^_^ hehe..
ReplyDeletePero nagandahan din ako sa anime na DEathnote.. anu ba un? hindi naman ata korean un? japnss ata un? galing talga!
nakakakadik ang baker king. la lungs. naisingit ko lang
ReplyDeletee kasi ang ha-HOT nila. lol. saka yung tipong kahit sampalan na or gumugulung gulong na sila sa kalsada eh mukha parin silang clean. D:
ReplyDeleteKoreanobela?
ReplyDeleteoo nga!sinasakop na nila ang pinas.. ayus lang yan.. hindi naman pangit na impluwensya. kumbaga, steady lang..hehe
**alam ko nagcomment na ako dito nun... **
**nakalimutan kong ilagay ang pangalan ko**
ReplyDeleteKosa
napadaan lang po :D
ReplyDeleteSang ayon ako sayo.. :)
ReplyDeleteTeka, magagaling din gumawa ng movie ang mga Thai. :) tingin ko mas magaling sila sa mga korean. Panoodin mo ang Hello Stranger at Little thing called love.. Thai movie. asteg. panchix. :D
maliban sa kanilang magagandang itsura at makikinis na muka, tama ka ...yang mga yan ang dahilan bakit natin sila tinatangkilik ng bigtime :D
ReplyDeletenapadaan lang po :D
ReplyDeleteKoreanobela?
ReplyDeleteoo nga!sinasakop na nila ang pinas.. ayus lang yan.. hindi naman pangit na impluwensya. kumbaga, steady lang..hehe
**alam ko nagcomment na ako dito nun... **
uy super like ko yan!! inaamin ko nahumaling din ako sa kanila ha! boys over flower ang po-pogi!! haha
ReplyDeleteoo nga mas maganda silang gumawa ng Story....
ReplyDeletemaganda ang mga story at unique. Di ka din gaanong mauumay sa paulit-ulit na characters/stars. At paiba-iba ng hairstyle mapa-lalaki o babae. may variety.
ReplyDeletebukod sa kamukha ko sila hahaha joke :)kinikilig ako sa mga koreanovelas..:) and ung movies nila lalo na ung windstruck at my sassy girl:)
ReplyDeletedongyi fever naman akoh :))
ReplyDeletewell totoo yan iba kasi ang bentahi nila satin in my opinion story,the actor and actress, cinematography ang dahilan kung bakit natin gusto ang korean novela nakakarelate kc tayo alam nila kung pano magpaiyak,magpakilig,magpatawa sa maraming pinoy at nakakapagtaka eh halos ng director sa korea ay puro lalaki. tanong lang ung mga story ba ng korean tutuong nangyayari sa mga tao sa korea. napapangitan kasi ako sa ugali ng mga korean in person.
ReplyDelete