"Ah miss, alam ko'ng cute ako pero hindi kita kilala eh. Ba't ako sasama sa yo? Nurse ka ba?" ang aking tanong.
"Ilang beses mo na kaya ako'ng hinahanap. At ngayon nga nandito na ko para sunduin ka" ang kanyang tugon.
"Ha? Parang natanggalan ka yata ng isang turnilyo eh. Maganda ka pa naman"
"Hay... Tingnan mo yun oh!" sagot niya habang tinuturo ang lalaking lulan ng isang stretcher. Nagulat ako sa aking nasaksihan. Ang lalaking yon ay walang iba kundi ako.
"Ako nga yun! Eh bakit nakakausap kita dito? Nagugulumihanan ako"
"Wala ka bang maalala? Naglaslas ka ng pulso kanina"
"Ako? Nagpakamatay? Weh!"
"Tama. Kaya sinusundo na kita"
"Sure ka ba na patay na ko talaga?" paghahamon ko sa kanya. "Saan ba nila ko "dadalhin?”
"Naghihingalo ka pa lang. Kaya ako nandito'y para matapos na ang paghihirap mo dun sa lupa. Dadalhin ka yata nila sa ospital." ang kanyang tugon.
"Ano'ng mangyayari sa kin?"
"Hindi ko din alam. Tagapagsundo at hatid lamang ako. Hindi ba ginusto mo naman na wakasan na ang buhay mo sa lupa?"
"Eh kasi naman, yung babae na mahal na mahal ko, sobrang sakit ng ginawa nya sa akin." pagmamaktol ko. "Samantalang ang saya pa namin matapos naming manood ng movie at kumain sa isang restaurant sa Libis. Tapos, after 3 days, nagtext sa kin na kailangan daw nyang pumunta ng Canada dahil sa business needs ng pamilya nya." ang pagsasalaysay ko.
"sige ilabas mo lang ang hinanaing mo" gatong niya sa apoy
"After 3 days, tinawagan ko siya pero laking gulat ko ng sabihin nyang ikakasal na daw siya sa isang business partner ng parents nya. Sinabi nya sa akin na babalik daw siya para patunayang ako ang mahal nya. Pero makalipas ang 2 linggo, wedding invitation ang bumungad sa akin! Mahal ko siya! Pero ang sakit-sakit ng ginawa niya! Pero inisip ko'ng hindi naman tama na wakasan ko ang buhay ko dahil lang sa kanya."
"Ganun naman pala eh. Bakit nagawa mo pa ko'ng tawagin gayong alam mo kung ano ang tama at mali" ang tanong ng babae.
"Sobrang depressed ko na kasi at wala nang nagmamahal sa akin kaya napilitan ako'ng gawin ito." ang aking pagpapaliwanag sa kanya.
"Yan na naman kayo'ng mga tao sa maling pag-aakala ninyo. Hindi mo ba naririnig ang kasabihang maraming namamatay sa maling akala? Hay.. Kayo talagang mga taga-lupa." Ang panenermon niya. "Tumingin ka sa baba. Nakikita mo sila? Ang magulang mo, kapatid at mga kaibigan mo. Lahat sila nag-aalala sa yo. Nakikita mo yung isang babae? Kanina pa dasal ng dasal na sana huwag ka munang pumanaw, kilala mo ba yun?"
"Oo. Si Dina. magkababata kami, actually best friend ko yan. Sobrang bait at napakaganda niya. Lagi siyang nandyan para sa kin at ganun din ako sa kanya. Mahal ko nga siya eh, kaso hanggang friendship lang ang tingin niya sa kin kaya ako natutong magmahal ng iba na lolokohin lang pala ko sa bandang huli. Sana si Dina na lang ang nakatuluyan ko." ang sagot ko sa kanya
"Hindi mo ba naririnig yung sinasabi ni Dina? Sabi niya mahal na mahal ka daw niya higit pa sa isang kaibigan. At kung maibabalik lang ang ikot ng mundo, sana naging kayo daw."
"Talaga?"
"Oo"
"Pwede mo ba ako'ng pagbigyan? Pwede pa ba ako'ng bumalik? Sige na. Please?”
"Hindi ako ang magpapasya niyan. Nandun sa itaas"
bitin.. kawawa naman si dina, mahal ka pa naman niya... may next to di ba?
ReplyDeleteaxl - secret!
ReplyDeletenakow.. yan na nga ba ang sinasabi ko eh.. hahaha.. ayan ang bilis magdesisyon na ang nanginibabaw eh damdamin.. ayun, tapos hindi mapanindigan.. tsk tsk...
ReplyDeletemay karugtong ito ba?
NAKAKATUWA SI DINA.
ReplyDeleteNAIMAGINE KO SYA SI DINA BONEBI (TOINK)
NICE POST.
si dina naman kasi...
ReplyDeleteDINA-gsasabi ng nararamdaman
DINA-gtatapat
DINA-gpapakatotoo...
DINA-tuloy alam namin kung may karugtong pa ito
DINA-man kasi sinasabi kung part1 ba ito heehee
grabe lang kala ng mga tao paglalaslas ang solusyon sa pagkabigo. nako nako
ReplyDeletewake up call to sa mga emo dyan na may scars sa wrists. tatampalin
Aba naman.. Adik pala sya, Kung sinubukan muna nyang ligawan si Dina dba?
ReplyDeleteAng hirap kasi sa bida ng istorya, mahal naman pala nya si Dina, eh tumingin pa sya sa iba, hindi naman dalawa ang puso nya dba? para magmahal sa dalawang babae.. :)
May kasunod to... waiting!
yan ang mahirap pag mali ang inaakala mo.. nasa huli pa rin ang pagsisisi.. :(
ReplyDeleteNice story pare..i am so high kay dina. hik
ReplyDeleteika nga wag basta basta susugod kung hindi kayang panindigan...
ReplyDeleteantayin ko par ang kasunod...
mukang uso ang pagtangkang pagpapakamatay.
ReplyDeletesana bigyan pa sya ng chance. makabalik para maituwid ang lahat
wow galing
ReplyDeletenatawa ko dun sa "weh?" nung sinabing "Ako? Nagpakamatay? Weh!".... hahaha.
ReplyDeletekalungkot naman na pareho pala nilang gusto ang isa't isa pero di nila nalaman.
may kilala akong ganyan...di sya naglaslas..nagbigti sya...tsk.tsk.tsk
ReplyDeletemay kakilala akong ganyan..
ReplyDeletehindi nagsasabihan ng totoong nararamdaman sa isa't-isa..
nabigyan pa ba ng isa pang pagkakataon?
ganda!!:))
ReplyDeletelagi naman ganun nasa huli nag lahat..haaayyy..pero two thumbs up!sana may kasunod..
nice comment zyzy... hehehe!
ReplyDeletesigurado akong pagbibigyan siya... babalik siya sa lupa at mamahalin niya si dina... kaya nga ONE MORE CHANCE e... di ba Bino? unahan ba? hehehe
natawa ako sa comment ni zyra. :))
ReplyDeletemeron din akong kilalang ganyan. TNT (tago ng tago ng nararamdaman) gudluck nalang kung magkatuluyan sila.
sabi nga nila, if you don't ask, the answer is always no.
hahaha paks... sana ganyan din maisip ng best frend ko.. hahay... haha di pa naka ove on..w ahehe
ReplyDeleteIstambay - karugtong? pag-iisipan ko pa hehehe
ReplyDeleteDemigod - thanks :)
zyra - di ko talaga nilagyan ng part 1 hahahaha
hamster - tampalin sa tonsil heheheh
md - meron nga yata tong kasunod. hehehe
angel - tama :D
akoni - hahaha nahigh ka ah
moks - sure thanks
khantotantra - marami na kasing depress
psalmist - thanks po
bulakbolero - torpe kasi ung bida eh
iya_khin - sad naman un
yanah - secret ! lol
kokak - salamat at nagustuhan mo :D
MP - kasi pag may one more chance, may 2nd chance hehehehe
rainbow box - pag walang nagtatapat, malabong magkatuluyan :)
kikomaxxx - hahahaha malay mo naman di ba
Sobrang emo naman kasi at naglalaslas? Pambihira! Haha. Apekted sa story. Sayang tuloy, di kasi nagtatanong, nasa tabi lang pala niya hinahanap niya.
ReplyDeletekasi naman, di nag iisip bago gumawa ng bagay na pagsisisihan....
ReplyDeletepakibilisan ang kasunod na kwento :D
dapat yung mga emo sinisilyaban para matupok na hahahah
ReplyDeletekawawa kaya mga magulang, kaibigan, lab ones ng mga emong naglalaslas
takteng yan! sumagot ng weehh!! ahahaha... ganun naman talga ang pagibig. marami jan na nagmamahal sayo kaya wag paikutina ang mundo sa iisang tao lang.hahaha
ReplyDeletegaling ng story sana binuhay mo na. nambitin ka pa
sweet.. :)
ReplyDeleteito ang hirap kasi saten, sumusuko kagad tayo sa isang bagay kahit hindi pa naman natin alam yung totoo. kung naglakas loob lang sana sya noon kay Dana, e di ayos.. hehe.
nyahahaha.. buti na lang naglaslas lang siya at naghihingalo..ibig sabihin may chance pa mag back to life... hahahaha :)
ReplyDeleteyan ang ginagawa ng mga mahihina!:)
ReplyDeleteharapin si kamatayan!
buti at may pag asa pa bumalik :)