February 9, 2011

Tips sa Araw ng mga Puso

Buwan ng Pebrero. Ang buwan na kung tawagin ng ila'y abnormal dahil sa pagiging kulang ng mga araw nito sa kalendaryo. Kadalasan'g binubuo ng 30 hanggang 31 araw ang bawat buwan ngunit ang Pebrero'y 28 lamang at nagiging 29 tuwing apat na taon na tinatawag nating leap year.



Ito din ang "romantic" month dahil sa isang okasyon na ipinagdiriwang lalo na ng mga magsing-irog: ARAW NG MGA PUSO. Sa panahon'g ito nagkukulay pula ang halos lahat ng lugar dahil sa mga cardboard-made na puso, kupido atbp na nakasabit o nakadikit sa pinto o bintana ng mga establisimento. At dahil nga love month, marami sa mga magsing-irog ang hindi papahuli sa pagdiriwang na ito. Mayroon pa ngang mga last minute ay humahanap ng makakadate para lang hindi mapabilang sa mga miyembro ng SMP - Samahan ng Malalamig ang Pebrero.


Kung ikaw ay kabilang sa SMP, narito ang ilang mga maaari mo'ng gawin na 'kapaki-pakinabang' para hindi ka malungkot ngayong BALENTAYMS.


Mag-DVD marathon - isa ito sa magandang pampalipas ng oras para hindi ka maging sick at magdadrama dahil wala kang date. Itaon ang panonood sa araw mismo ng Valentine's day. Makabubuting wag mga romantic movies gaya ng 'The Proposal', '13 going on 30', at 'My Best Friend's Wedding' ang panoorin. Humanap ng mga kapanapanabik ng pelikula gaya ng 'Final Destination' o 'Saw' series.


Tanggalin ang lahat ng love songs sa iyong Ipod o MP3 player - magdownload ng mga kanta'ng walang kinalaman sa pag-ibig gaya ng 'Shembot', 'Kembot', 'Dulce Tira-tira' at iba pang mga dance songs. Iwasan ang mga kantang 'Kung Ako na lang Sana', 'Paano na Kaya', 'Muli', 'Hindi na Bale' atbp.


Gastusan ang sarili - dahil wala kang expensive date for valentines, isipin mo na lang ang sarili mo. Magpagupit, magpakulay ng buhok, magpa-facial, bumili ng bagon'g damit, bagon'g cellphone o bagong computer basta may budget. O di kaya'y magpamasahe, mag-yoga o mag-gym.


Magliwaliw - kung gusto mo'ng gumala, mas mabuti. Pero iwasan ang mga lugar kung saan maraming mga lovers na nag-eh-HHWWPSSP (HOLDING HANDS WHILE WALKING PA-SWAY SWAY PA) gaya ng Luneta, MOA, Baywalk at mga lugar na malapit sa motel. Pwede kang magpunta ng Enchanted Kingdom at sumakay sa mga extreme rides gaya ng space shuttle!

Mag-overtime sa Trabaho - kung kaya ng katawan mo'ng mag-double shift, go! Kung rest day mo sa Feb. 14, mag rest-day OT! Ito ay para lamang sa mga nasa kumpanyang hindi nagkakaroon ng mga valentines activities gaya ng message board, Mr. and Ms. Valentines, Jail booth atbp.






at higit sa lahat..


















Isipin na maraming nagmamahal sa iyo kahit na wala kang boyfriend/girlfriend. Nandiyan ang iyong pamilya at mga kaibigan. Higit sa lahat, nariyan si Lord. Ang pagmamahal ay hindi lamang nasusukat sa isang pisikal na relasyon. Kapag mahal mo si Lord, mahal ka rin Niya. At ikaw ang may pinakamaswerteng date ngayong Valentines.
 
 

36 comments:

  1. hahaha. tama ang tips. iwasan na din ang mall. mas madami ang pasweet dun :p

    ReplyDelete
  2. hahahaha tumambay nalang sa bahay at manood ng movie pero wag naman yong love story diba hahaha isiping lahat ng tao sa araw na yon ang ending sa gabi eh nag-iisang katawan!! hahaha ba yan!! hehehehe

    ReplyDelete
  3. mahusay na tip, bino. alam ko na kung ano ang pwede kong gawin ngayong valentines. hehe!

    ReplyDelete
  4. magandang tip Bino.. pero khantotantra.. sumama ksa samin sa hot air balloon huh.. ikaw Bino.. pupunta ka dun?

    ReplyDelete
  5. mas gusto kong mag liwaliw. :D

    pero para mas tipid.... mag overtime na lang sa trabaho.. may dagdag kita ka pa. haha

    ReplyDelete
  6. nakuha ko mga tips mo...

    hmmmm...:))

    adbans nyapibalentayns bino!

    ReplyDelete
  7. whaha ang kulit ng mga tips... mas maganda mag photowalk na lang hehehe :D

    ReplyDelete
  8. panalo parekoy.. oo nga naman, hindi porket walang date eh hindi mo na iseselebrate ang balentayms.. ang pag ibig eh hindi lang sa dalawang may relasyon..

    chheeerrzz :)

    ReplyDelete
  9. tips ito para sa mga single kagaya ko.hehe.

    padalaw nman po sa bahay minsan ah.

    ReplyDelete
  10. I agree with Emman, tips sa mga single! Ang lab tlga, very complicated!

    ReplyDelete
  11. aminin ala ka ding ka date ano? wahehhe

    ReplyDelete
  12. DVD marathon yan ang ginawagawa namin mula feb1 hanggang 14, gabigabi yan... hehehe addict eh...ngayon tagalog aga muhlach marathon kami ng wife ko.

    ReplyDelete
  13. gagawin ko yang mga payo mo..:))hehehe

    ReplyDelete
  14. sumakit naman ang mata ko bigla kaseng lumaki dun sa mga huling salita hahahah..

    hay... nagustuhan ko mga payo mo kuya bino.. at gagawin ko yung manuod ng movies... pero ayuko din ng horror..baka mga comedy na lang :)

    ReplyDelete
  15. taagang may tips talaga. hahaha. mag -overtime. win. kung alam ko lang gusto mo mag overtime para pag uwi mo madaling araw na tapos mag-aabang ka ng mga lasing na sawi rin sa pag ibig tapos instant na.pak!!!hahaha

    ReplyDelete
  16. pusangkalye - wahahaha may pasok talaga ako ng araw ng mga puso. at di ako sawi no!
    kamila - hahahaha un kasi ang pinakaimportante :)

    kokak - sige lang :D

    moks - may valentine ka kasi lol

    kikomaxxx - meron! kala mo ha! hahahaha

    jhiegz and emman and keaton - tama :D

    istambay - cheerz parekoy :)

    axl - sige mag photowalk ka sa valentines hehehehe


    jay - adbans din hehehe

    empi - gusto ko din hehehehe


    lakwatsera - sunday yan dba? baka hindi eh

    duking - may idea na!



    poy - may point ka lol

    khantotantra - tama! :D

    ReplyDelete
  17. yeah nice tips... ahehehe..happy puso... :)

    ReplyDelete
  18. kuya bino may date ako sa valentines. yehey

    pero magddvd marathon pa din ako at thank you sa mga tips. hoho

    ReplyDelete
  19. Salamat sa mga tips.

    Happy Balentayms to all

    ReplyDelete
  20. tips mo to sa sarili mo parekoy? ^^

    ReplyDelete
  21. aww... nakaka-relatae naman akech! first balentayms kong solo.. magawa nga ang mga suggestion mo kesa magmukmok sa isang tabi.. :)

    ReplyDelete
  22. Bullseye and mga tips.

    At may idadagdag pa akong tip para sa mga single dyan.

    Matulog buong araw at buong gabi sa February 14. Para pagkagising nyo ay February 15 na. Hindi na Valentines day. :)

    ReplyDelete
  23. Siya nga! Tamaaa! Mas naramdaman ko pa nga ang love ng mas maraming tao ngayong mag-isa na lang me eh. Haha. Happy Valentine's Day everyone. At siya nga, ituon na lang natin kay Bro ang ating pagmamahal. :)

    ReplyDelete
  24. huaaahuhuhu....gusto ko ung last line mu...tuhma kjan khit wula ung mga un..as long as nanjan c God alam and feel nten n may ngmmahal pdin sten..it's up to us to recognize Him.

    ReplyDelete
  25. Curious lang ako. Ganito ba ang gagawin mo sa araw ng mga puso o hindi? Single or Taken? Parang ganun yung tanong ko. Hehe.

    ReplyDelete
  26. ako nga may jowa malau nman sa isat isa..aus lng un.. ang love ay pd ishare sa mga kaibigan hindi lng sa jowa. :)

    ReplyDelete
  27. bawal magmukmok ngayung araw ng mga puso :) ahaha. Let us all experience the kind of love our Creator has given us :)

    ReplyDelete
  28. haaaays
    **buntong hininga x2**

    ReplyDelete
  29. Ayos! Ako makikipag-inuman na lang sa tropang tulad kong malamig ang araw ng mga puso :D

    ReplyDelete
  30. Iba ka! ikaw na! ahahahah ay lab the teps! isa lang masasabi ko...

    napa SOGOd ako sa damuhan dahil sa tips para sa araw ng mga puso....

    ReplyDelete
  31. haha SMP samahan ng malalmig ang pebrero ..

    kabilang na naman pla kao sa SMP.

    salamat sa tips.

    bka mag DVD marathon n lng ako..hehe

    maligayang araw ng mga puso :)

    ReplyDelete
  32. maraming salamat po sa mga tips... dinodownload ko na ang shembot para sa cp ko. hahaha.

    happy valentines day bino

    ReplyDelete
  33. gusto ko yung movie marathon! puro suspense ang movie! wapak un!

    ReplyDelete
  34. Hahaha, the best tips ever!

    Mabuhay ang mga single at loveless :)

    Natawa ako sa DVD marathon. talagang pupula ang v-day mo. manood ba naman ng saw at final destination. madugo! :D

    Kpop mode na lng siguro ang mga songs sa playlist ko v-day or Chacharap ni Ryzza :))

    Yeah, maraming paraan para lumigaya. Kahit ikaw ay single or double this v-day!

    ReplyDelete

Sisikapin ko'ng replyan ang mga komento ninyo.
Kung may sasabihin ka'ng di maganda, huwag ka'ng mag-ANONYMOUS.