March 30, 2011

Ang Aking Paglisan


Dalawampu't pito'ng taon. Hindi. Magdadalawampu't walo'ng taon na ako'ng namumuhay sa bansang Pilipinas. Mula kapanganakan hanggang sa ako'y nakapagtapos ng pag-aaral at nagsimulang maghanap-buhay, ang bansan'g ito'y hindi ako pinabayaan. Bagamat may dalawang taon na ako'y namuhay sa bansang Dubai dahil sa tawag ng pangangailangan, hindi ko napigilan ang bumalik sa lupang sinilangan at magsimulang muli. Nakabuo ng isang pamilya na minsan ng nawasak ng pagkakalayo.

Hanggang sa dumating na ang isang oportunidad na hindi maibigay ng tinubuang lupa. Isang pagkakataon na mahirap tanggihan. Isang  tiyansa na malamang ay hindi na muling mauulit pa. Nakasalalay ang muling pagsasama ng anak, ama at ng kanyang asawa'ng nakatampuhan sa matagal na panahon.

Pasaporte: Renewed.

Visa:  Approved.

Petisyon at iba pang papeles: Done.

Kung meron'g mga uuwi, meron namang aalis.

Eto na to!

Sa wakas, muli na ako'ng sasakay sa higanteng bakal na ibon sa himpapawid. Lilisanin ang  Pilipinas patungo sa isang bansa kung saan nag-aantay ang aking minamahal. Sa aking paglisan sa bansa'ng minamahal, maraming mga bagay ang hindi ko malilimutan.

Hindi ko malilimutan ang mga pagkain'g pinoy.

Hindi ko malilimutan ang kultura't ugalin'g pinoy.

Hindi ko malilimutan ang aking mga kaibigan, mga dating kaklase, mga kaopisina at mga kapwa blogero na aking nakilala at nagkaroon ng puwang sa aking puso.

Hindi ko malilimutan ang mga mahal ko sa buhay na aking lilisanin para matupad ang pangarap na mabuo'ng muli ang sariling pamilya.

Tatlong buwan mula ngayon at akin nang sasambitin:

Paalam mahal ko'ng Pilipinas. Maligayang pagdating sa bansa'ng Canada!


Subalit...

















ako'y nagising sa isang magandang PANAGINIP.









34 ang nakaappreciate:

  1. anak ng tipaklong oh... akala ko naman umalis ka na talaga ng pinas at ng resign ka na.. pambihira ka.. panaginip lang pala!

    ReplyDelete
  2. nakow, akala ko naman sir eh tuloy ka na...

    pero parang may pinaghuhugutan sir.. siguro dahil sa kakaisip, pumasok tuloy sayo iyong panaginip.. hindi kaya sa susunod na magiging post mo eh pamamaalam na ngang tunay...?

    magandang araw sayo sir...

    ReplyDelete
  3. pootek, habang binabasa ko to e nagfoformulate na ko ng von boyage message at ingat sa bhaye lot.

    pero anu't ano pa man, lahat ng bagay ay nakaplano...

    ReplyDelete
  4. weeee..kala ko nmn totoo... ahahaha...:))

    ReplyDelete
  5. kala ko lilipad ka na talaga to other places. nagoyo mo kami

    ReplyDelete
  6. akala ko naman aalis k tlg hahaha kaw na ang king of adlibs hehehe

    ReplyDelete
  7. waaaahhhh! maiiyak na sana ako.. panaginip lang pala.. hehe!

    gud morning!

    ReplyDelete
  8. baka sign yan hehehe

    tapos mambibigla k na lng...aalis na u :)

    ReplyDelete
  9. Ay naku! Akala ko, totoo! Habang binabasa ko, naiisip ko na agad ang "goodbye message" ko.. ayun, sa huli.. panaginip pala. naloko mo ako ah. hehehe...

    Anyway, may plano ka ba tlagang umalis ng Pinas? wala.. natanong ko lang. :)

    ReplyDelete
  10. oy matulog ka ule!~ haha taragis ka!

    ReplyDelete
  11. Bino, nagsimula kong basahin ung sulat mo, bigla akong nalungkot kasi yan talaga naramdaman ko nung umalis ako dyan sa Pilipinas, talagang sobrang sakit ang naramdaman ko.. buti nalng isang panaginip lang..lol

    ReplyDelete
  12. mahirap tlga sa loob ang salitang goodbye! ayun bumawi panaginip pla..

    ReplyDelete
  13. saludo ako sa mga katulad mong OFW.. ehehheh.... nice maganda.. nainspired ako...

    I foolowed you... do you mind returning the favor?

    ReplyDelete
  14. patay tayo jan..

    bino naman eh...
    naiiyak na ako.
    tapos...

    haha nice one.

    ReplyDelete
  15. nak ng....bakang baog naman ohh...nalungkot ako sa una kasi akala ko aalis kana sa pinas..nafeel ko ulit ung nafeel ko noon aalis din ako..hay naku..ewan ko sayo!!!!!haha

    ReplyDelete
  16. asus! akala ko naman kung ano na! (kabog! kabog!) Sayang di tayo nagpang-abot. Di bale plano din namin pumunta ng Canada, see you there na lang. Kelan? di ako sure but I know God knows when.

    ReplyDelete
  17. walanjo. niloko mo ko. I was a fool to believe! A foooool! bwahahahah! XD

    ReplyDelete
  18. Multiple Visa Entry ba ang naapprove?

    Yong mga hindi nakakalimutan minsan sa umpisa lang yan, yong iba parang ayaw nang bumalik sa Pinas.

    ReplyDelete
  19. muntik na akong magsabi ng gudlak tol bino langya nananaginip ka lang pala .... hehehe..

    ReplyDelete
  20. What I love about this post, may suspense sa huli! Gus2 ko ung twist na dream lang pla in the end! Two thumbs for this post pareng Bino! Ako nga tuluyan ng lumisan sa Something To Brood Over! :) SLight, pero I am going there!

    ReplyDelete
  21. ok na eh... hehe kasakay na sa higateng bakal na ibon si kuya bino.. hehe kala ko super hero ka na haha... sabay nagising! haha panaginip lang pla! nice post kuya! hmmm... minsan kasi tlga dumarating sa atin yung mga oprtunidad na ganun.. ang hirap tangihan lalao na pag alam nating para sa ikakabubuti natin ito..walang pinag kaiba sa pag sasakripisyo pang samantala yung ganitong sitwasyon...

    ReplyDelete
  22. nyaaaaaa!!! kala ko namamaalam ka na din!! sa dubai ka dati?!! dito ako ngayon!!

    ReplyDelete
  23. ang ganda naman ng panaginip mo! sayang lang! aguy!

    ReplyDelete
  24. CHONG pwede na sana kitang sapakin kanina kug anjan lang ako sa tabi mo.. hehehhe... kala ko mamamaalam ka na talaga...

    ReplyDelete
  25. ahahaha.. adik lang eh noh.. nasobrahan ka ba sa damo?... tara punta tayo LIBYA!! treat kita! ahaha

    ReplyDelete
  26. Nice post.. hehehe.. Impressive.. :)

    ReplyDelete
  27. amp--akala ko totoo. di nga? parang me hunch ako na totoo to Bino eh.I love happy endings you know and I hope this is true, if not----I hope one day it will come true.

    ReplyDelete
  28. it will come true someday. thanks guys for the comments :)

    ReplyDelete
  29. Anak ng pigsa!!

    akala ko pa naman aalis ka na talaga.. wahahaha...lol

    na carried away pa naman ako sa simula ng post na to.. na touch ako pero panaginip lang pala.. wahahha

    ReplyDelete
  30. APRIL FOOLS?! hehehe. Kala ko totoo.

    ReplyDelete
  31. akala ko totoo...akala ko magiging OFW ka na....o kaya lilipat ka na ng ibang bansa at dun na titira at di na magba-blog....

    hehehehehe....

    ReplyDelete

Sisikapin ko'ng replyan ang mga komento ninyo.
Kung may sasabihin ka'ng di maganda, huwag ka'ng mag-ANONYMOUS