March 10, 2011

Ang National Bloggers' Association at ang Aking Opinyon

Kamakailan ay kumalat sa blogosphere ang isang manifesto na naglalayong magtatag ng isang asosasyon ng mga bloggers na kung tawagi'y NATIONAL BLOGGERS ASSOCIATION. Marami ring blogero ang naglabas ng kani-kanilang opinyon. Minsan na din ako'ng natanong ng ilang mga kabigan tungkol dito. Hindi ako bigating blogger pero hindi ibig sabihin nito'y tatahimik na lang ako. Narito ang aking personal na pananaw sa isyung ito.


Taon'g 2007 ng ako'y makabilang sa isang blogging community sa pamamagitan ng pag-gawa ng sarili ko'ng blog. Nasaksihan ko ang pag-usbong nito. May mga bloggers na dumating at nawala, mga tao'ng nagkaroon ng kumikitang kabuhayan at trabaho dahil dito. Sa kaso ko naman, natulungan ako ng blogging na mag-grow at maging mature. Naging outlet ko ang blogging para ilabas ang gusto ko'ng sabihin.
Hindi ko kailangan ng isang asosasyon para gawin ito. Ako'y nagsusulat lamang. Nagkukuwento. Nagbablog. Tulad ng libu-libong tao sa daigdig na ito, ang pagbablog ay isang personal na bagay para sa akin.


Hindi man ako sang-ayon sa ideya ng pagkakaroon ng NATIONAL BLOGGERS' ASSOCIATION, may kanya-kanya tayo'ng mga kuru-kuro at iginagalang ko ang opinyon ni G. Tonyo Cruz. Panigurado'ng ang mga sumusuporta sa sa adhikaing ito ay mayroo'ng mga mabubuting intensyon. Bagamat hindi ako sasali o lilikha ng isang grupong tulad nito, sa bandang huli ng aking pagbablog, ang aking boses, sulat at mga kuru-kuro ay maaaring kumatawan sa asosasyong nabanggit sa oras na ito ay mabuo. Isang malaking problema para sa akin.


Naniniwala ako na ang Pinoy blogging ay sumasalamin sa libu-libong Pinoy sa halip na isang grupo ng mga indibidwal na gustong magkaroon ng asosasyon. Ang pagkakaroon ng malayang pagsusulat at freedom of speech ang dahilan kung bakit patuloy na lumalaki ang daigdig ng blogging. At sa oras na mabuo ang grupong ito, bagamat voluntary ang pagsali, mawawala ang ganitong kalayaan dahil sa magiging rules and regulations ng asosasyong ito na siyang ididikta ng magiging Board of Directors. Tila bumabalik tayo sa panahon ng rehimeng Marcos. Bawal ang ganitong uri ng pagsulat dahil sa aalagaang reputasyon ng grupo. Magiging representasyon ka ng kanilang mga gawi sa ayaw mo man o sa gusto. Magkakaroon ng batas o rule na para maging isang blogger, kailangan mo'ng maging miyembro nito.


Hindi dapat isama ang salitang "National" dahil hindi naman lahat ng bloggers sa Pinas ay magiging miyembro mabuo man ito o hindi. Maraming blogging communities sa ating bansa. Ano'ng maibibigay ng NBA na hindi kayang ibigay ng mga nageexist na grupong ito na kung saan ang malayang pagbablog ay pinananatili? Hindi rin malabo na pumasok ang gobyerno at pagkakitaan ang mga paid bloggers sa pamamagitan ng pagpapataw ng buwis sa kanila. Maaari rin ito'ng magamit sa politika. Hindi ito malabon'g mangyari.


Ang National Bloggers' Association sa aking palagay ay masyado pa'ng hilaw at puno ng butas na dapat takpan at gusot na kailangang plantsahin. Kung sakali man na matuloy ang asosasyong ito, nawa'y maisip ng magiging founding members nito ang kapakanan ng bawat blogger at di lang ng kanilang sarili. Hindi sana ito magamit sa pansariling interest at pagkakitaan ng ilan. Ganunpaman, bilang isang blogero, isang tanong ang ang aking gusto'ng sagutin: Panahon na nga ba para magkaroon ng National Bloggers' Association? Ang aking sagot:  Hindi.






Ito ay aking saloobin at hindi kumakatawan sa anumang blog-award giving bodies gaya ng PEBA o SBA. Maraming salamat.

35 ang nakaappreciate:

  1. tama... di mo kailangan sumali o magjoin sa mga ibang org pala lang masabing blogger ka, its better to be stand alone para mas mailabas mo ang mga saloobin mo iyong paligid!

    ReplyDelete
  2. Gigil ah. HINDI. wahaha...
    Ako naman:
    Wala lang...
    Ano ba naman yan?
    Gawa ako Zyra the Blogger Fans Club, tas may rule
    Basahin lagi blog ko
    tas gawa ng fan page ko sa FB.
    ---mawawalan din ako fans
    kasi hindi naman sila susunod lahat sa rule
    ---tiwalag agad.
    Pero sakin lang un.
    Feeling ko kasi
    same rule applies. ekekek!
    -zyra

    ReplyDelete
  3. Hehehe. Panget talaga kapag may nakikialam sa mga bagay na gusto mong isulat. Tulad mo, wala akong balak sumali kung ganyan lang din naman ang mangyayari. Iba pa din ang malaya! Magpopost ako ng bastos kapag gusto ko. Magmumura ako kung kailangan. Walang pakialamanan!

    Nice post!

    ReplyDelete
  4. @goyo: adek ka talaga wahaha
    RATED XXX.
    -zyra

    ReplyDelete
  5. Walang karapatan ang sinuman na kitilin ang karapatan ng bawa;t blogista sa malayang pagpapahayag. Tila ang isinusulong ng NBA ay adhikaing nararapat lamang sa mga lupon na "journalist". May kakaiba at katangi-tanging elemento ang bawa't blogista na tulad ng tubig na malayang dumadaloy sa malawak na daigdig ng sapot na hindi maaring kulungin sa isang sisidlan tulad ng NBA. Salamat sa pakikibahagi.

    ReplyDelete
  6. true... marami pang loopholes. :D

    ReplyDelete
  7. Marami sa atin ang nagsimulang magblog sa kadahilanang gustong maglabas ng saloobon o kung anong naiiisip ng kwento sa buhay. iyon din ang aking ngaing dahilan. malaya ako, masusulat ko kung anong gusto. walang maaring pumigil sa akin..

    kung magkakaron ng National national na yan. tama ang iyong mga sinabi sir. maaring mawala ang laya ng taong magiging myembro.. at maging ang hindi kasapi ay maapektuhan.. ito naman din ay sa akin lamang.

    HINDI din para sa akin. :)

    ReplyDelete
  8. ok cguro yan sa iba, pero para sa akin hndi kasi yong ibang blogger nsa ibang bansa kaya mhirap mabuo..

    ReplyDelete
  9. Wala pa akong masabi.

    Nasasalubong ko ang usaping ito.

    Ang kalayaang magpahayag ay hindi dapat tinatabas nang dahil lamang merong nagpipigil dito. Lalabas na scripted ang mga salita.

    Ay may nasabi pala ako, pero hindi buo ang diwa

    ReplyDelete
  10. hindi ko alam kung anong layunin nila..actually gusto ko sana maka-relate sa post na ito..kaso hindi ako ganun ka-concern.. pero tingin ko hindi rin ako matutuwa kung may rules akong dapat sundin sa pagsusulat, kase gusto ko din maging malaya sa kung anong gusto ko sabihin.. pero baka meron pa rin sila purpose kaya nila ito bubuoin.. pero gaya ng sabi mo..sana nga hindi para sa masama.. at ikabubuti lang ng iilan.

    ReplyDelete
  11. kasama moko arvin sa iyong mga sinabi! tulad mo naniniwala rin ako na hindi dapat gamitin ang "national" lalo pat hindi naman ito magrerepresent ng buong blogging community dahil hindi raw ito mandatory, ang mahirap lang nyan, kung mabubuo yan maaaraing magkaroon na ng 'standard' sa pag ba blog, maaring magkaroon na ng ibang pagtingin sa mga kasali at hindi kasali.. at sa bandang huli yung mga hindi kasali magiging underground blogger nalang! hayst!

    at tulad mo ayokong ipagamit ang "NATIONAL".

    ReplyDelete
  12. sumasang-ayon ako sa lahat ng punto niyo po. di dapat masakal ang mga taong gusto lang ng kalayaan sa pagpapahayag ng saloobin.

    ReplyDelete
  13. Ayoko sanang mag-comment.. Pero can't stop myself. Hahaha.. Blogger kasi. Choz! Narinig ko lang ang isyu, nakabasa ng ilang articles, still.. id have to admit hindi ko alam ang totoong story. I don't even know who Mr. Tonyo Cruz is...

    Pero here's my two cents..

    Every association/group/whatever you may call it, there are rules. Now, sa sinasabing blogger group na yan.. what are the rules? hindi sila pwedeng magsabi na wala silang rules.. And what's the purpose? Bakit kailangan na gumawa ng isang assocation for bloggers.. for what ba, really?

    Most blogs are personal. Some earn, most don't. Oo nga, hindi mandatory.. pero once na naitatag na yan, magkakaroon na ng standard. Control will follow. Censorship will, too..

    My blog is my voice. My stand? NO.

    ReplyDelete
  14. karamay mo ako pre sa opinyon mo...

    ReplyDelete
  15. ayaw ko sana magbigay ng opinion pero nangangati ang kamay ko ^_^

    bsta para sa akin, ang aking blog ay personal kung makikibaka sa sarili kung buhay. malaya kung ihahayag ang sarili kung opinyon at kuru-kuro as long as alam ko ang limitasyon ko. ang blog kc parang citizen journalism na rin, tau ang magcocontrol ng ating blog hindi ang isang group or organisyon.

    Peace Everyone!

    ReplyDelete
  16. Sang ayon ako na ang blog ko ay personal na bagay para sakin. Dito malaya kong naipapahayag ang aking nararamdaman at nalalaman.

    ReplyDelete
  17. wala me alam tungkol sa national bloggers association na yan...basta ako eh masaya ako at nakakapagblog ako...yun ang mas importante...hehe

    ReplyDelete
  18. Hindi ko alam kung ano layunin nila dahil hindi ako aware sa kanila..kaya wala akong rights na husgahan sila..at dahil kilala kita bilang isang magaling na blogger at magaling mag-isip, alam ang ginagawa at pogi pa..sasang-ayon ako sa'yo...bagohan lang ako sa blogsphere..wait pa ako..hehe

    ReplyDelete
  19. alam ko nagpost si yanah ata ng tungkol dun pero hindi ko nabasa. anyway mas mganda pa rin ang malayang pagsusulat ^_^

    -kikilabotz

    ReplyDelete
  20. I see nothing wrong with organizing ourselves. as bloggers. our main responsibility to ourselves and to our blogs is to maintain our identity and our independence despite joing such organizations. game ako dayn. I go for positive change. you can always leave if you think it doesn't work for you anymore.peace out

    ReplyDelete
  21. so ito pala yung ibig sabihin ni jeff sa u-blog...sana i .com na lang tayo nila lahat....yun lang period. cheh! haha

    ReplyDelete
  22. diko nabalitaan yang NBA na yan... basta ang blog ko ay sa akin lang... sa AKIN lang!.. hehe

    ReplyDelete
  23. what more can i say....hehehe


    Dapat etong mga isyu nato ang dapat tutukan ni yanah sa opisina..hahaha..*takbooooo**

    ReplyDelete
  24. I am not a dog to be governed by rules of an organization that call themselves "national" even if they are only a few people. A huge problem would be if they start representing us even if they are not the whole picture just because they used NATIONAL... how hard can it be to change their name and use otherwise? I thought bloggers were smart, this proved me wrong =P

    And yeah I am speaking for myself... if we got represented, we'll get regulated, kalaunan we'll have to pay taxes.. madaming ulul sa gobyerno na kating kating gawin yan and if you start this thing it'll ball like wildfire!

    ReplyDelete
  25. @kiki..

    yeah i posted several blogposts contradicting and at the same time ung mga pumapanig na rin sa NBA..just to inform other bloggers that there is an issue.. which well, pretty much inlcudes all the bloggers..


    @kuya ejay..
    if it doesnt really concern ofw bloggers, i dont think dapat kong patulan ang issue na yan..


    ive said my piece about this NBA a milliong times already.. ang sakin whatever it is na mapagdesisyunan ng blogger, sumali man o hindi, sana lang hindi makalimutan kung ano ang purpose nya in blogging. Kung sa magiging desisyon nya ba eh magagawa nya pa ng malaya ang pinaka reason nya why a blogger ventured into blogging. un lang..

    ReplyDelete
  26. Eto pala yun..tama Arvin..basta ako mag ba blog ako ng mag ba blog! ;)

    ReplyDelete
  27. natawa naman ako sa zyra bloggers fun club! adik! hahaha. pero sa tingin ko may punto si pareng bino!

    ReplyDelete
  28. gusto ko maging malaya sa pagsusulat kase sariling opinyon ko naman yun. Alam kong maganda din naman ang intensyon nila jan sa binubuo nilang organisasyon pero..baka maging tautauhan tyo ng mga rules and policies nila sa pagsusulat.. baka mawalan tayo ng boses.. ako hindi din ako sasali..

    ReplyDelete
  29. char very well said chong.. :)

    ReplyDelete
  30. Nabasa ko na din ito sa iba't-ibang sites kuya Bino. Tinitingnan ko pa ang mga premises ng naturang manifesto at kung saan ba ako lulugar bilang baguhang blogger.
    Kagaya mo, outlet at pansarili ko lang ang blogging, yun ang primary reason ko. Katulad mo din naniniwala ako na ang objective ng pagtatatag ng NBA ay mabuti ngunit kailangan talaga itong maidaan sa masusing paglilimi-limi ng mga bagay. Diverse ang Filipino blogging community. Kumbaga sa pelikula,musika at libro ay maramin genre na kailangang idefine sa NBA.

    xD

    ReplyDelete
  31. hanubah!!! NBA-NBA na yan? basketball ba yan?!

    ReplyDelete
  32. Blogging = Freedom

    dapat ang blogger mismo ang magset kung anong rules ang dapat nyang sundin.

    Lahat tayo responsable na para sa ating sarili.

    malalaki na tayo,Responsibilidad natin ang ating binabasa at ating mga pinopost.

    Walng rules rules sa isang blogero ..hehehe


    ^_^

    ReplyDelete

Sisikapin ko'ng replyan ang mga komento ninyo.
Kung may sasabihin ka'ng di maganda, huwag ka'ng mag-ANONYMOUS