March 4, 2011

Byahe'ng MRT



Araw-araw ako'ng bumabyahe mula Alabang patungong Shaw Boulevard para magtrabaho. Nakakapagod dahil sa tindi ng traffic at ingay ng mga sasakyan. Idagdag pa ang palagiang stop-over ng mga bus kung saan madalas ako'ng lulan. Ginagawang parking lot ang Ayala at Guadalupe Makati. Kadalasang kakain ng oras bago muling umusad ang bus. Kaya naman tuwing uwian, para makaiwas sa ganitong sitwasyon, minabuti ko na ang humanap ng alternatibong masasakyan. Dyan na pumapasok ang byaheng MRT. Sa halagang 12 pesos, mas mabilis ako'ng nakakarating sa Magallanes para doon maghintay ng bus papuntang Alabang. Trenta minutos ang aking natitipid na oras dahil maaga ako'ng nakakauwi sa aking tahanan.

At dahil mahilig ako'ng magkwento ng tungkol sa aking pagbabiyahe tulad ng kwentong jeepney at byaheng bus, hayaan (dahil wala rin naman kayong magagawa hehehe) n'yo ako'ng ibahagi ang aking mga karanasan sa MRT. Dalawang bagay lang naman na napansin ko sa aking malimit na pagsakay dito: Mga istilo ng bawat pasahero at mga iba't ibang mukha nila:


MGA ISTILO - may mga strategies ang ilang pasahero para madali silang makasakay ng tren.




Strategy 1 - Marami na kaming nakapila para mag-abang ng susunod na tren. Dumating ang isang mama. Pumwesto sa unahan at tumapak sa dilaw na linya. Nagsalita ang guwardiya "Usog po tayo at bawal sa yellow tiles baka mahagip ng tren". Syempre uusog ang mama at lahat kami sa likod ay mapapaurong. Ang resulta - sya na ngayon ang nasa unahan.


Strategy 2 - Nanay at tatlong paslit. Ang gagawin ng ina, pauunahing pasiksikin ang kanyang mga anak sa pagpasok sa tren. Dahil nga naman mga bata, may mga pasaherong mag-gi-give way para padaanin sila na susundan ng nanay. Ang resulta, madaling nakapasok ang mag-iina.


Strategy 3 - Isang lalaki o babae. Pagbukas ng pintuan ng tren, ilalagay nya ang kanyang kamay sa hamba para nang sa ganun ay di siya maunahan. Ginawang harang ang kanyang braso. Sa oras na makababa ang ibang pasahero, siyempre siya ang unang makakapasok sa loob.


FACIAL EXPRESSIONS - mga iba't ibang uri ng mukha sa bawat tao'ng nakasakay sa MRT


Mr and Ms. Simangot - mga tao'ng di pa nakakapasok ng tren ay nakasimangot na at tila pasan ang daigdig. Parating nakapalatak at tingin ng tingin sa relo sabay iling.


Ngiting Aso - mga ngiting tila nang-aasar. Ang iba nama'y nakangiti ng di mo alam ang dahilan. Mayroo'ng nakangiti dahil sa text message. Mayroon din namang dahil sa binabasang libro.


Dramarama - mangilan-ngilang tao na nasa sulok ng tren at tahimik na humihikbi. Malamang ay mayroong dinadalang problema.


Tulala - mga kala mo'y walang kaalam alam sa pangyayari sa paligid. Di alintana kung nagsisigawan ang katabi o pilit sumisiksik sa kanyang pwesto para makaupo. Kadalasang lumalagpas sa istasyong kanilang bababaan.




Mahirap makipagsabayan sa MRT lalo na kung ang istasyong iyong sasakyan ay mga lugar na pagkarami-raming tao. Ganunpaman, konting sakripisyo lang ang iyong kailangan para mabilis ka'ng makarating sa iyong paroroonan. Di bale nang masikip, basta't lusot sa traffic. Hanggang sa muli.









28 ang nakaappreciate:

  1. Kuya Bino..san ka sa Shaw nagwowork? WCC?

    ReplyDelete
  2. whahah taman... isa lang ang ayaw ko sa MRT pag rush hr.. naalala ko dati yung sa ortigas pa ko nag work grabe pahirapan ang pagpasok... tas blockbuster pa ang pilahan... :D

    ReplyDelete
  3. Meron akong nakakatuwang eksperyens sa MRT.. hihi..Nakalimutan kong kunin ang ticket. Bwahaha!!! Buti na lang, merong bilihan ng lost ticket ano, kung wala.. eh di tambay mode na lang ako dun. Harhar...

    At nang dahil sa MRT, alam ko na ang feeling ng mga sardinas na pilit nakikipagsiksikan sa loob ng isang maliit na lata.. :P

    ReplyDelete
  4. Strategy 1 - Marami na kaming nakapila para mag-abang ng susunod na tren. Dumating ang isang mama. Pumwesto sa unahan at tumapak sa dilaw na linya. Nagsalita ang guwardiya "Usog po tayo at bawal sa yellow tiles baka mahagip ng tren". Syempre uusog ang mama at lahat kami sa likod ay mapapaurong. Ang resulta - sya na ngayon ang nasa unahan.


    daming ganyan. hahaha!
    ,

    ReplyDelete
  5. mukhang natamaan ako sa tulala lol....tae sa ngiting aso marami akong nakita ng ganyan dati hahaha..

    ReplyDelete
  6. @kamila - sa wcc nga hehehehe

    axl - yun lang ang problema pero kumpara sa traffic eh sisiw hehehe

    leah - hahaha at least naexperience mo

    bhing - tama! :D

    unni - hahaha minsan tulala mode din ako

    ReplyDelete
  7. style ko ung strategy 2 nong maliliit pa mga kids ko, pero sa ibang pila hnd ko cla nakasabay s mrt.. hehe!

    LRT nasakyan ko, nagawa ko #3 buti naman buo pa rin braso ko hahahaha!

    ReplyDelete
  8. nakalimutan mu sa expression yung mga nagha-hyperventilate sa init at mga matatabang ale na naghuhurumintado. ahaha.

    naalala ko tuloy yung friend ko na namanyak sa loob ng MRT. lalaki yung friend ko. at lalaki rin ang ngmanyak. saklap.

    ReplyDelete
  9. Hinanahap ko ang stilo nang mandurukot, anu kaya facial expression nila. Meron din nag sasakit sakitan or kunyari disable. Muntik ko na kc subukan kunyari may kapansanan sa pagmamadali.

    ReplyDelete
  10. Sa mga istilo na pinost mo, ang pinakanakakainis is yung strategy number 1.. sarap kapakin nung mga taong ganyan!

    ReplyDelete
  11. Tagal ko narin hindi nakakasakay ng MRT simula nang lumipat nako ng bahay malapit dito sa opis. Mas grabe ang mga pasahero sa cubao. grabe nagkakasakitan dun. sa shaw.. maluwang na yun.

    ReplyDelete
  12. ang inirereklamo ko naman sa lrt-2 ay yung ang init init init.

    ayoko sa mrt yung mga taong engot sumakay, ang dami pa space sa loob pero nasa pinto sila lahat.

    ReplyDelete
  13. madalang ako sumakay ng MRT pero iyan din ang trabaho ko noon, ang magenjoy sa bawat gawi ng pasahero, mula sa pagkulkol ng gwardya sa bag ko hanggang sa exit sa destinasyon... at tama nga, lahat ang napansin mo din hehehe

    ReplyDelete
  14. hirap sa mrt kapag jampak, talagang mag-eefort ka kung gusto mong makasakay.

    ReplyDelete
  15. natawa ako sa tulala..haha..dahil nangyayari sa akin un kadalasan,kaya ako tulala dahil sa pag-iisip ng mga guni-guning ligaw at kalokohan, kaya ayun palagi ako lumalampas sa bababaan ko..hahahaha..siguro mga limang beses na o higit pa, siguro hindi ko sinasadya un..haha

    ReplyDelete
  16. namimiss ko ng sumakay ng MRT. :(

    ReplyDelete
  17. kapag nakangiti ung ibang tao.. lalo na kapag nakatayo sila... tapos sobrang siksikan... isa lang ibig sabihin nyan.... NALILIBUGAN! wahahahahaha....

    pero may mga taong ganun talaga, huling-huli sa akto. lalo na jan sa shaw station. naku!!! imbyerna sumakay jan. siksikan. (di ako un ah... mabait ako, wholesome ako. ahahah)

    ReplyDelete
  18. buti na lang di ako madalas mag MRT hehehe

    ReplyDelete
  19. lhan - eh sa makati ka lang din naman nagwowork hahaha

    leonrap - mayroon talagang mga smiling face hehehe

    rainbow box - uwi ka na kasi hehehe
    akoni - nangyayari din sa akin yan hehehehe

    mommy - hehehe ung iba naman kasi garapalan eh
    khantotantra - lalo na kung galing ka ng cubao

    istambay - may pagkachismoso kasi ko wahahhaha

    hamster - buti na lang di ako masyado sa lrt


    archieviner - hindi rin tol. dami ring tao dito sa shaw.

    md - mas inis ako dun sa mga nanghaharang hehehe


    dlysen - uu nga naalala ko na ung mga nagsasakit-sakitan hehehe


    nowitzki - di ko kasi alam kung paano ipipinta mga mukha nila heheh

    ReplyDelete
  20. nextym bino,gumawa ka ng sarili mong eksena...hehehe

    ung ikaw lang meron :)

    ReplyDelete
  21. naku naeexperience ko rin yang mga yan minsan, kelangan tlga may strategy ka para makasakay kung hindi aabutin ng umaga lalo na kpag rush hour..

    ReplyDelete
  22. wohoho!! naranasan ko lahat yan! pero sa kabila noon enjoy padin ako sa MRT lalo pag hindi rush hours! ang sarap maupooo ang luwag luwag hehe!

    pero nung nasaskay ako ng LRT amp!! mas maluwang haha sana pinagpalit nalang nila ang tren tutal mukhang mas marami sumasakay sa MRT hihi

    (ang comment na ito ay bayad utang sa pag LIKE mo sa FB ko haha) biro lang

    ReplyDelete
  23. haay naku naexperience ko din yan kaya! sa makati ako baba ko gwadalupe sakay ng mrt papuntang shaw tas maglalakad ng napakalayo sa likod ng megamall! kakapagod dami pang asunngot sa mrt!

    ReplyDelete
  24. akalain mo un tol may mga tekniks pala hehehe...nice ggwin ko nextime ung mga un para ako naman ngingisi sa mga hindi nakasakay!!!


    hahahaha evil laugh!!! hahahhaah

    ReplyDelete
  25. Living in Manila is a bit tricky.. Traffic, but we are way better than India

    ReplyDelete
  26. dati na akong nahipuan sa MRT! As in, una pwet lang, naisip ko baka nasagi at biglang napapisil lang. Eh yung sa harap na, hindi ko na pinalampas, lumabas ako agad sa susunod na station at lumipat ng coach. bastos lang much! pwede namang humingi ng permiso, hindi naman ako maramot!hehe

    ReplyDelete
  27. hahaha chong aparang observer ka masyado ano.. ganda ng mga ticks niyo dyan.. buti alang train dito sa amin..w ahehe

    ReplyDelete
  28. HAHA! Ayos ang mga istilo. Nung binabasa ko yun, isang kalbong lalaki ang pumasok sa isip ko na gumawa nun, yung tatapak sa yellow lane. hehehe.

    Ngiting aso. Parang ako kapag may nakakatawa sa loob ng tren, bus o kahit sa jeep. hehe.

    ReplyDelete

Sisikapin ko'ng replyan ang mga komento ninyo.
Kung may sasabihin ka'ng di maganda, huwag ka'ng mag-ANONYMOUS