March 2, 2011

Gaano mo Ako Kakilala?

Ako si Bino. Isa'ng blogger, call center employee at part-time ESL instructor. Dalawampu't pito'ng taong gulang at naninirahan sa most business-friendly city, ang Muntinlupa. Iilan lamang ang akingmga kaibigan kabilang na ang mga bloggers at mga tao'ng aking nakapalagayan ng loob sa pamamagitan ng internet. Bagamat sila'y aking nakakasalamuha, aaminin ko na marami pa ako'ng hindi alam sa kanila at ganun din sila sa akin.

Anu-ano ba ang mga bagay na hindi mo alam tungkol sa akin? Saan ako natatakot? Ano ang mga kinaiinisan ko? Heto ang ilang mga kasagutan:


Hindi ako mahilig magsuot ng relo. Dahil sa payat ng braso ko, maituturing ko'ng pabigat ang aksesoryang ito sa aking pulso. Sa kabila nito'y bihira ako'ng malate sa anumang usapan.


Tumatahimik ako kapag gutom, inaantok, naiinis o galit. Kapag sa oras ng pagkain ay bigla ako'ng natutulala, ibig sabihin, busog na ako. Galit o inis na ko pag blanko na ang ekspresyon ngmukha ko.


Wala ako'ng kaalam-alam sa Maynila. Kaya kung balak mo ko'ng iligaw na parang pusa, dalhin mo ko dun.

Ayaw na ayaw ko ang binabatukan ako o pinipitik sa tainga. Hindi 'to ginawa ng mga magulang ko sa akin at hindi ko din ito ginagawa sa iba. Kaya sa tingin ko'y walang sinuman ang maykarapatan na gawin sa kin yon.

Mahilig ako'ng manood ng mga pelikula ng Star Cinema lalo na kung bida si John Lloyd Cruz. Paborito ko ang Now That I Have You at One More Chance. Paborito ko'ng genre sa movies: Romantic, Comedy, Sci-fi, at musical.

Ang aking probinsiya ay sa Ilo-ilo pero hindi ako marunong mag-ilonggo.

Noon'g bata ako, palagi ako'ng may dalang folder at mga pad papers, sinusulatan ko yun ng kung anu-ano. Kwento, tula, o kanta.

Anim na taon'g gulang ako ng una ako'ng nakahawak ng keyboard. Fourteen-years old naman ng matuto ako'ng tumugtog nito.

Sumasali ako sa mga talumpati noo'ng gradeschool at high school.

Hindi ako sanay ng minumura ako. Ganun din pag sinasabihan ako ng tanga o bobo. Ayoko ng pinapahiya ako sa mga tao. Hindi ako pikon pero may hangganan ang pasensiya ko.

Karamihan sa mga kaibigan ko, nakilala ko sa mundo ng blogging. May ilan din ako'ng kaibigan sa opisina. Ibig sabihin, mabibilang sa daliri ang mga kaibigan ko gaya ng aking isinulat sa introduction ng post na ito.

Wala ako'ng magandang ala-ala noon'g highschool pero sangkatutak noo'ng elementarya at kolehiyo. Ang highschool ang pinakamalungkot na stage ng aking pag-aaral.

Bagamat masayahin ako'ng tao, may mga pagkakataon na marunong din naman ako'ng umiyak.

Takot ako sa gagamba lalo na yung malalaki ang galamay. Pero yung mga malilit, ayos lang. Nahihilo ako pag nakakita ng dugo. Mahina din ang sikmura ko sa mga nakakadiring pelikula gaya ng Saw, Wrong Turn at Final destination. One time yun ang palabas sa bus, bumaba ako na pulang-pula ang hitsura.

Palagi ako'ng may dala'ng payong tuwing papasok ng trabaho. Maging kapag gumagala lang. Bihira ko'ng iwan ang payong ko maliban na lang kung wala ako'ng dalan'g bag.



Ibinabahagi ko ang lahat ng yan ng walan’g pag-iimbot at buon’g katapatan. Nawa’y nakilala ninyo ng husto ang inyong lingkod. Maraming salamat.


















25 ang nakaappreciate:

  1. naks bukingan na ba to heheh.. sad naman masaya kaya ang HS life sabgay kanya-kanya naman yan... ganun di ka mahilig sa mga Horror ang saya kaya nun... nask nag keyboard ka din pala.. astig anung unang pesa na natutunan mo bro?
    iba talaga pag star cinema the best hehe :D

    ReplyDelete
  2. good morning bino.. nice meeting you!! hehe..

    ReplyDelete
  3. edi dapat ndi ka na tumingin sa palabaS dun sa bus...hehehe

    lol sa pulang pula...

    makajohnloyd ka pala...

    napanood ko yan one more chance sa festi...cguro andun ka din :)

    magandang umaga bino!

    ReplyDelete
  4. hmmn, ako naman mawawala ako sa Quezon City... kahit dun ako pinanganak, mawawala talaga ako dun! baligtad naman tayo.. hindi ako mapakali kapag walang relo, kahit nung bata pa ako at hindi pa ako marunong magbasa ng oras hehehe

    salamat nga pala sa pagbati! mabuhay ka, sir!

    ReplyDelete
  5. hahahaha uu naalala ko lage ka ngang may dalang apyong sa skul natin noon... :)

    ReplyDelete
  6. nice kuya Bino. taga san pedro ako.. kaya medjo magkapitbahay lang tayo. at apir.. subrang takot din ako sa gagamba na matataba..minsa mabalahibo pa.. medjo boyish ako..pero pagnakakita akong gagamba bumabading ako. hahahahaha... feeling ko tuloy seryoso kang tao...

    ReplyDelete
  7. nice kuya Bino. taga san pedro ako.. kaya medjo magkapitbahay lang tayo. at apir.. subrang takot din ako sa gagamba na matataba..minsa mabalahibo pa.. medjo boyish ako..pero pagnakakita akong gagamba bumabading ako. hahahahaha... feeling ko tuloy seryoso kang tao...

    ReplyDelete
  8. ikaw sa iyong mga karanasan sir at sa iba pang aspeto. Takot din ako sa gagamab lalo na ung makikita sa loob ng banyo.. nagtitiis ako di maligo pag ganon hahaha...

    sayo parekoy keyboard.. ako sa gitara.. Wag mo kong paluluwasin ng maynila.. mawawala ako dun :)

    ReplyDelete
  9. WALA AKO IBANG MASABI. THAT LONG LIST PROVES YOU ARE HARMLESS. HAHA.

    ReplyDelete
  10. hahaha emo ang line na bagamat masayahin akong tao, marunong din akong umiyak. hahahahaha.

    ReplyDelete
  11. hirap magrelo, sakit sa kamay kapag nakapatong sa pc.

    ReplyDelete
  12. Nice meeting you bino...

    apir tayo sa number 3..lalo na number 4, kahasahin mo na ako o pagsamantalahan wag mo lang gagawin ang number 4 sa akin..hehe

    ReplyDelete
  13. Hi, Bino! Pwede ba kitang maging friend? hehe. Nakakatawa ang mga blogs mo.

    ReplyDelete
  14. awww :) i lab this post. sabi nga nila, sa mga maliliit na detalye mo totoong makikilala ang isang tao.

    simple yet sincere.

    btw, ahaha. sa mga lumilipad na ipis ako parang sinasapian. natatakot na naiinis na nabubwisit na ewan :)

    ReplyDelete
  15. pareho tayo na laging may payong sa bag... ahahaha.. per ako, pag umuulan, di ko din binubuksan... kasi ang hirap itupi eh. hehehe.. hussle.

    astig ka ah, wala kang relo pero di ka nalelate?...

    tara, punta tayo Manila!!! ahaha

    ReplyDelete
  16. nice nakakarelate ako sa iba, sa lungsod ng maynila ba tinutukoy mo? wla rin ako masyado alam dun kahit matagal ko d2 sa MM

    ReplyDelete
  17. For sure, napanood mo na rin ang "All About Love" at saka "Close to You".. Parehong John Lloyd yun.. hehe.. :)

    ReplyDelete
  18. ay parang gusto kong mamitik sa taenga bigla.. hehehe..

    ReplyDelete
  19. nakulangan ako parekoy!

    wala bang love life dyan?

    wala bang lasing attitude na dapat paghandaan?

    pamilya, kapataid..atbp
    hehe

    ReplyDelete
  20. i hate people who's fond of saying tanga and bobo! baka sila! i hate peepz saying bad words also,sarap pitikin and bunganga!

    hmmm...mahilig ka palang mag dala ng payong, makisilong nga! hahha

    ReplyDelete
  21. ""Dalawampu't pito'ng taong gulang""huwat???shudap Arvin!!!bwahaha. at may pa-bird bird ka pang post sa blog ko ha lol.

    balik sa post mo---patalastas lang yung bird.

    pareho tayong takot sa mga SAW type of movies. I feel so uncomfortable,. na pag nakikita kong niallagare yung paa nung tao feeling ko paa ko pinuputol. ewww. hahaha.

    punta ka dito bahay ko. maraming gagambang bahay dito. yung mahahaba ang legs na maliliit. yung mga para lang sa amok. yung may agiw, di nakakatakot. hobby ko nga yun ngyn eh. pumatay ng gagambang bahay. oi. diko napansin yang payong thing ha. pero gusto ko yan. laging ready sa ulan.:D

    ReplyDelete
  22. Nice to know you Bino. lols.

    Ang dami mo namang kinakatakutan. hehe. Hindi ako masyadong matatakutin.. BWAHAHA.

    ReplyDelete
  23. dahil wala akong komento sa post na to... here is the time....

    ayun... that explains na ayaw mo ang mga horror at bloody, kasi mas gusto mo romance, sci-fi and comedy.

    ReplyDelete

Sisikapin ko'ng replyan ang mga komento ninyo.
Kung may sasabihin ka'ng di maganda, huwag ka'ng mag-ANONYMOUS