March 18, 2011

Kape

Alas-kwatro pa lang ng madaling araw ay wala na ako sa aking higaan. Nakadungaw na ako sa bintana , abot-tanaw ang esteron'g halos hindi gumagalaw. Madilim pa sa labas. Malamig. At tanging ang aking mainit na kape ang aking kapiling. Sobrang pait kahit halos limang kutsarang asukal na ang aking inilagay. Hanggang sa lumamig ang isang tasa ng kape at pumatak ang alas-syete ng umaga. Hindi ko namalayan na ganun katagal na pala ako'ng nakatitig sa kawalan. Napukaw ang atensiyon ko ng mga batang nagsisimulang maglaro sa kalsada. Tuwang-tuwa ang kanilang mga maaamong mukha. Hindi mababakasan ng pagkabalisa. Nais ko sanang mahawa sa kanilang kasayahan, subalit kahit simpleng pag-ngiti ay hindi ko magawa dahil...

Nagpaalam lamang siya na aakyat ng kabundukan para kamustahin ang kanyang mga kasamahan na doo'y nagkukuta. Maayos ang puting kamiseta at pantalong maong. Tsinelas na lamang ang kanyang isinuot para hindi madumihan ang kanyang nag-iisang sapatos.

"Ihahatid ko lamang ito'ng mga medisina at pera kay Ka-Rigor. Nakakaawa na ang mga  kasamahan ko dun. Mula ng maraid ng militar ang dati nilang kuta ay hirap na silang humanap ng mapagtataguan." aniya.

"Akala ko ba'y tumiwalag ka na sa grupong iyan. Huwag ka nang makisali sa gulo nila. Natatakot ako sa magiging kaligtasan mo. Natin" ang sagot ko bagamat patuloy ako sa pag-aayos ng kanyang mga dadalhin.

"Hindi ka dapat matakot dahil tayo ang nasa katwiran. Misyon namin na ibagsak ang mapagsamantalang gobyerno." aniya. Lumapit. Hinaplos ang aking mukha na may nagbabadyang luha na gustong pumatak sa aking pisngi. Sabihin man niya na hindi ako dapat matakot, hindi ko ito magawa. Basta sa aking pagkakaalam, maraming dapat katakutan kabilang na ang gobyerno na patuloy na tinutugis ang kanilang samahan. 3 taon na mula ng kami'y magsama. Tinalikuran nya ang kanyang mga kasamahan at nagpasyang sa kapatagan mabuhay ng normal. Ganunpaman, hindi talaga maiaalis ang kanyang prinsipyo na kanyang ipinaglalaban. Ni hindi ko kilala ang tunay na pangalan ng kanyang mga kasamahan na pinakilala lang niya sa mga alyas na Ka-Remo, Ka-Simon, Manang Yolanda atbp. Minsa'y dumadalaw sila sa aming munting tahanan at hindi ko mapigilan na kabahan para sa aming kaligtasan. May mga pag-uusap na ayaw iparinig. Matapos nito'y muli silang aalis patungo sa kung saan, ng wala ako'ng kamuang-muang.

Kaaway sila ng gobyerno. Dahil dito'y minsan nang may dumating na mga alagad ng batas sa aming lugar. May hinahanap na pangalan. Rolando Magtibay. Natapat sila sa aming bahay at tinanong ako kung may kakilala ako'ng ganoon ang pangalan. Inilarawan nila ang mukha nito, ganun din ang pangagatawan. Halos lumabas ang aking puso sa sobrang kaba habang sinabi ko sa kanilang wala ako'ng kakilala na ganun. Sinabihan ako ng mga pulis na mag-ingat lalo pa't ako'y isang babae na agad ko'ng tinanguan. Malaki ang pasasalamat ko't hindi nila napansin ang paggaralgal ng aking boses.

"Bumalik ka ng buo ha?" ang sabi ko sa kanya. Naglapat ang aming mga labi habang ako'y nakatitig sa kanyang mga mata. Kakaiba ang mga titig nya. Subalit hindi ko maipaliwanag.

"Babalik ako. Pangako. Maghintay ka lang." aniya.

Hanggang sa mapabalita na may mga dinampot ang militar na ilang grupo ng kalalakihan sa kabundukan. Ang ila'y duguan at sugatan. May mga nakakita sa kanilang mga mukha sa pagbaba ng sasakyan ng mga sundalo lulan ang mga nahuli. Inilarawan ang kanilang mga suot. Kasama sya doon!

Ilang linggo na ang matuling lumipas ngunit hindi pa sya dumarating. Binabalik-balikan ko ang lugar kung saan naganap ang pagkakaaresto sa kanila. Halos hindi ko maitaas ang tasa ng kape para inumin na kanina pa lumamig. Ang sabi ni Manang Rosa ng minsang dumalaw sa aming tiraha'y nakatakas daw si Rolando. Ngunit bakit hanggang ngayo'y hindi pa siya bumabalik? Marahan ako'ng humigop sa aking kape at hinayaang dumaloy sa lalalmunan ang pait nito. Muling bumalik sa aking ala-ala ang mga sandaling kapiling ko siya. Ang huli'ng salitang kanyang binitawan: maghintay ka lang.

Muling napukaw ang aking atensiyon ng mga bata sa estero na kasalukuyang nagpapaanod ng mga bangkang papel. Tuloy ang kanilang kasiyahan.

Inilagay ko na lamang sa lababo ang tasa ng kape na halos hindi ko napangalahati.

Magbibihis ako at lalabas. Baka makita ko siya sa mga lugar kung saan kami madalas magpunta. Ngunit kung hindi ko siya makita, may bukas pa naman. At isa pang bukas! Hindi ako mawawalan ng pag-asa na muli kaming magkakasama bagamat nararamdaman ko ang kabog ng aking dibdib. Subalit hindi ko naman iniisip na may masama ng nangyari sa kanya. Epekto lang 'to ng ininom ko'ng kape.

17 ang nakaappreciate:

  1. Aw. Nabihag siya ng mga militar. Wawa naman!

    ReplyDelete
  2. NPA pla siya? sana hndi siya nakasama sa nabihag ng militar, sana cheer!!

    ReplyDelete
  3. sadness.. sana buhay si rolando.. malamang kung ako un babae.. mag aantay din ako at aasang buhay sya..

    ReplyDelete
  4. anu ba yun... kawawa naman siya... may part 2 ba ito?

    ReplyDelete
  5. Minsan lang Kita iibigin ba ang drama na ito? jaja

    ReplyDelete
  6. siguro tol ikaw si coco martin pwede!!!!

    ReplyDelete
  7. tama.. parang minsan lang kita iibigin..

    And gusto ko yung plot.. hehe.. for sure may kasunod to.. tinamay naman sana :)

    ReplyDelete
  8. ang lungkot naman nito... huhuuhu..

    ReplyDelete
  9. nice post po... mukhang kaabang abang po.. eheheh... pinalo pala kita.... care to follow?

    ReplyDelete
  10. Isa sa paborito kong libro ang Dekada 70, kung nabasa mo 'yan, ang panganay ni Amanda na si Jules ay namundok rin.

    Kung magiging matulain ang panahon, masarap paglaruin sa isipan ang pag-iibigan sa bundok, patitibayin ito ng mga matitigas na bato at mga ligaw na hayop, kasama na rin ang tubig sa batis na pamatid uhaw.

    Kung aasa siya sa pagbabalik ni Rolando,walang katiyakan.

    ReplyDelete
  11. talagang kinonek mo sa kape ha. aminin mo. inspired lang to ng bagong telenovela ng abs-cbn starring coco martin et al. tama? hahaha

    ReplyDelete
  12. hahaha! talaga? visit my site... tingnan mo kung marunong din ako.. hahaha!!! =D

    ReplyDelete
  13. sad naman.....mahirap kayang mag hintay lalo na pag naghihintay ka sa wala......naiiyak ako...

    ReplyDelete
  14. panga minsan lang kita iibigin scene.. wahehhe.. pero natakot ako kasi may NPA na nanghostage ng pulis station dito sa amin.. weee...

    ReplyDelete
  15. empi - sad nga eh

    mommy-razz - opo.npa po

    lakwatsera - sabagay lahat tayo aasa.

    axl - wala tong part 2 hehehe

    xander - nadale mo!

    jed - pwede!!!

    md - ay la tong part 2 tsong hehehe

    kamila - :(

    musingan - thanks

    kulisap - lam mo naman ang nagmamahal, patuloy na aasa

    pusa - syempre aheheheh

    adventurista - sige sige :D

    ron - hindi tol.

    iya_khin - tama.

    kiko - grabe naman ung hostage taking sa inyo

    ReplyDelete
  16. hahaha! talaga? visit my site... tingnan mo kung marunong din ako.. hahaha!!! =D

    ReplyDelete

Sisikapin ko'ng replyan ang mga komento ninyo.
Kung may sasabihin ka'ng di maganda, huwag ka'ng mag-ANONYMOUS