March 8, 2011

Mahal Kita, Mayroo'ng Iba



Magkakalahating-taon na pala'ng tayo. Ang bilis ng panahon. Hindi ko na namalayan na mula sa pagiging probationary ng ating relasyon, heto't magiging regular status na. Parang trabaho lang ano? Ngunit ilang buwan na rin ba tayo'ng di nagkikita? Eto ang hirap sa isang long distance relationship eh. Lagi kita'ng namimiss.  Ganun pa man, lagi ko'ng ginagawa ang sinabi mo. Sa tuwing namimiss kita, tumitingin ako sa kalangitan. Lagi ko'ng tinatandaan na tayo'y nasa ilalim lamang ng iisang buwan. At habang tanaw natin ang liwanag nito, para na rin tayo'ng magkasama. Masaya ako sa tuwing naririnig ko ang boses mo sa telepono. Masaya ako sa tuwing nagpapalitan tayo ng mga sweet text messages. Kahit ang simpleng "hi" lang na galing sa yo ay nakasave pa sa inbox ko. Masaya ako sa tuwing nakikita ko ang iyong mukha sa webcam sa yahoo messenger. Masaya ako...


DATI.



Hindi pala ganong kadali yun. Anumang pilit ko'ng paniwalain ang sarili ko na kasama kita, hindi nito maitatanggi na nangungulila ako sa yo. Ang hirap. Sobrang hirap. Walang kayakap sa gabi sa pagtulog kundi ang stuffed toy na bigay mo. Walang kasabay kumain sa tuwing umuuwi ako galing trabaho. Walang nakikinig ng pagtugtog ng aking gitara at pagkanta ng mga sarili ko'ng komposisyon. Wala'ng maipakilalang girlfriend sa tuwing may reunion ang tropa. Wala...


DATI.


Hanggang sa dumating siya. Sa mismong opisina. Naging magkatrabaho kami. Nagsimula sa simpleng ngitian. Sinundan ng konting kwentuhan. Di naglao'y kasabay ko na siya lagi sa pananghalian. At sa hindi malaman'g dahilan, tila kami'y nagkaroon ng pagkakaunawaan. Di na ko makatulog kapag di siya nagtetext. Ang simpleng smileys ay nakasave na din sa inbox ko. May sumasabay na sa bawat tipa ng aking gitara at aking pagkanta. Muli ko'ng tiningnan ang kalangitan. Sa pagkakatitig ko sa buwan at sa liwanag na dulot nito, hindi na ikaw ang aking nasilayan. Siya na. Nalaman niyang tayo. Ilang araw niya ako'ng hindi pinansin. Akala ko katapusan na. Ngunit muli nya ako'ng kinausap at sinabi'ng ako'y mahal niya. 

Hindi ko alam kung paano ko ipagtatapat ang mga panggagago ko sa iyo. Wala ako'ng lakas ng loob lalo na't sa tuwing tumatawag ka'y bukambibig mo ang mga salitang "mahal kita sobra".  Ayaw kitang saktan ngunit sa ginagawa ko'ng ito, mas pinapalalim ko lang ang magiging sakit na dinudulot ko sa iyo. Oo, ako na ang duwag. Alam ko'ng maraming magiging kapalit ang kasalanan ko'ng ito bagamat masaya ako sa piling niya. 


 Mahal kita.


 Ang problema nga lang.


 Mahal ko din siya. 






Ito ay kathang-isip lamang ng may-akda. Anumang pagkakahawig sa tunay na buhay ay hindi sinasadya.






36 ang nakaappreciate:

  1. bino ano ito? saan ka ba talaga? mag isip isip ka.. iisa lang dapat, hindi dalawa ang puso.. GISING!! hehe

    ReplyDelete
  2. Ahahahaha!!!! Yun lang.. Hihi! :P

    ReplyDelete
  3. Homaygad... kala ko trulaloo na Bino.. waaaaaahhhhh!!! Pero feeling ko naiintindihan ko ang lalake... na siguro mas meron pang ibang bagay na itakbo ang relasyon kung magkalapit.. pero totoo lang nasa long distance relationship ako.. nakakatakot..pero kumakapit pa rin.

    ReplyDelete
  4. Posible nga ba talagang magmahal ang puso ng dalawa? Na ang pagmamahal na ito sa dalawa ay pantay? O baka naman dahil nangungulila lang ang puso kaya naibaling nito ang pagmamahal sa iba?

    Personally, naniniwala akong ang puso ko ay hindi titibok para sa iba kung tunay kong mahal ang taong nasa malayo at kami pa. And I am talking from experience hahaha!

    ReplyDelete
  5. Aray!!! sapul na sapul. Mahal mo sya pero bakit ganun??? wala namang perpekto dba?

    ReplyDelete
  6. Nasa long distance relationship din ako. Pero hindi naman ganito kalala. Hehe. :)

    Sana hindi umabot sa ganito ang relasyon namin. Harhar.

    ReplyDelete
  7. naku lagot ka bino nambababae ka na naman hahahah!!!! sumbong kita wahahaha

    ReplyDelete
  8. Wahihihi ako naniniwala ako sa long distance relationship
    Basta wag patagalin
    heehee
    -zyra

    ReplyDelete
  9. magaling ^_^ tagos sa laman. hehe

    ReplyDelete
  10. kathang isip ngunit ako'y tinamaan..

    magaling pare.

    ReplyDelete
  11. pag isipang mabuti, timbangin ang puso. Hindi maaring dalawa. Kasabay ng pagmamahal sa kanila ay ang kasinungalingan at panloloko ng sarili. Sino man sa dalawa ang mas mahal, masakit sa bawat isa ang nangyayari.

    ouch.. mabuti at hindi ako nagmahal ng dalawa.. ng sabay.. :)

    ReplyDelete
  12. huwattt! sana 2 ang puso?! haha napagdaanan ko yan dati..pero mahirp talaga... kaya utak ang gamitin..wag ang matulis na pagmamay-ari...pumili ng mabuti sa isa pang kama o sa isa pang simbahan...

    ReplyDelete
  13. hirap nga ng long distance love affair!! experienced it before. pero curious ako ikaw siguro yan ano?!! hmm kunwari ka pang kathang isip eh! lol

    ReplyDelete
  14. hahaha maharot ka chong... pero alam mo mamili ka lang nang isa huwag madamot.. waheheh

    ReplyDelete
  15. kala ko totoo na..pero nagyayari nga yan sa totoong buhay..

    hoooooooo..lufet ng mga manloloko!

    ReplyDelete
  16. Ang sakit sakit! Shet. hehe.

    Kung mapupunta man ako sa isang Long distance relationship, simula pa lang puputulin ko na ang relasyon, depende kung gaano kami katagal magkakawalay. Ako kasi yung tipo ng tao na hindi makakatagal ng hindi nagkikita. hehe.

    Nice post man! :D

    ReplyDelete
  17. kala ko tunay din parekoy! hahaha. pero mahirap yan ha kung totoo nga!

    ReplyDelete
  18. tsk tsk.. takot ko lang. Nasa long distance relationship din kasi ako. Haist...

    ReplyDelete
  19. kathang isip lang daw?..... WEH??!!! ahahaha... agree ako sa sinabi ni batman.. maharot ka! ahahaha.. peace! ^^

    ReplyDelete
  20. nangyari sa akin nyan dati... pareho "daw" kaming mahal... pero HINDI ako naniniwala kasi di naman pwedeng pareho kayong mahal niya. Mas may matimbang talaga dyan. Asa! Wala lang may maishare lang. :D

    ReplyDelete
  21. aray.. aray,, naku... ang pag ibig nga naman..... ang hirap nan.....

    ReplyDelete
  22. mahusay po.. parang totoo.. parang may pinaghuhugutan..

    nakaklungkot lang dahil nangyayari ang ganto sa totoong buhay..

    akala mo ang kaunting kilig na nakapagpakiliti sa puso mo ay pagibig na.. akala mo ang awa na nararamdaman mo sa kanya ay pagibig na..akala mo.. akala mo lang pala..

    magandang umaga po..

    ReplyDelete
  23. SAPOL!BULLSEYE!

    ay nakarelate...

    ReplyDelete
  24. Hindi dapat dalawa, meron lamang talagang minsan sa sobrang bait mo at swapang mo, gusto mo higit sa isa pa.

    Posible na may pag-ibig pero hindi dapat pantay. Hindi mangyayari 'yon.

    :)

    ReplyDelete
  25. sana dalawa ang puso mo hindi na sana nalilito... kung sino sa inyo hehehehe....

    ReplyDelete
  26. pano ba yan torn between two lovers ba to hehe..

    ReplyDelete
  27. Ito ay kathang-isip lamang ng may-akda. Anumang pagkakahawig sa tunay na buhay ay hindi sinasadya.

    ---hawig na hawig talaga sa istorya ng buhay mo!!buking .bwahaha

    ReplyDelete
  28. nagkarun din ako ng long distance relationship at di xa nagwork...cguro nga eh its not meant to be.

    ReplyDelete
  29. mommy at leah - heheheheh

    archieviner - yup sabagay pero mali pa rin

    kamila - hehehe gawa gawa ko lang


    umi - sana di nga. :)

    kiko at iya_khin - hindi ako yan adik! for the nth time lol

    morenalicious - true

    moks - may point! hahaha


    istambay - tama wag pagsabayin hehhe


    kikilabotz - sapul hanggang balun-balunan hehehe

    zyra - may point ka din hehehe


    rico - no comment hehehe

    asiong32 - ako din di naniniwala sa long distance

    anton - ewan ko sa kayo!!! amf lol

    keaton - parang ganun hahaha

    jedpogi - hehehe

    kulisap - tama. di pwedeng pantay ang pagmamahal sa ganung relasyon

    jay - yun lang! lol

    neneng kilabot - posibleng mangyari :)

    axl - kaya ikaw isa-isa lang hahahah

    empi - salamat sa pagshare

    leonrap - isa ka pa! kathang isip nga lang! lol

    lanie - di naman lahat ganun heheh

    lhan - posibleng mangyari hehehehe

    goyo - pareho tayo :D

    kokak - hindi makuntento sa isa no? tsk tsk

    ReplyDelete
  30. at si bino ay kuma kathang isip, ang galing mo idol! sapul eh…

    ReplyDelete
  31. kuya khantotantra? magandang umaga! bka hindi na muna ako makadalaw dito sa page mo at sa nlog sphere. may exam kasi kami this coming saturday at monday. need ko pag handaan at mag review.. kasi dapat ipasa ko yun. kung hibndi madadagdagan ako ng isa pang taon sa college... huhu salamt! pag pray mo naman ako na maipasa ko! God bless

    ReplyDelete
  32. aw.. kuya Bino pla.. sensya na po!

    ReplyDelete
  33. at dapat talaga may disclaimer na kathang isip hehehe...ayos nito Bino.. sorry ha hindi ko madugtungan ang post na ito.. di ako makarelate ehh.. hahahaahah

    ReplyDelete
  34. Lol.. natawa ako sa comment ko. hihi.. parang ewan.

    Relate ka, teh? Slight! Bwahaha!!

    ReplyDelete

Sisikapin ko'ng replyan ang mga komento ninyo.
Kung may sasabihin ka'ng di maganda, huwag ka'ng mag-ANONYMOUS