"Hey, mag-salita ka naman" sabi sa akin ng pinsan ko pero tila naging pipi at ni isang bitiw ng salita ay hindi ko magawa. Hindi ko alam na pati pagsasalita ay naaapektuhan. Akala ko puso lang.
"Jason." Tinawag ni Jonas ang pangalan ko. Narinig ko siya pero masyado ako'ng busy sa kakaexamine sa sarili ko. Humihinga pa ba ko? Buhay pa ba ako? Nasa tamang pwesto pa ba ang puso ko o tuluyan na itong nadurog?
Hindi ko alam. Wala ako'ng maramdaman.
"Jason!" kahit si Arnold ay isinigaw na ang aking pangalan. Tinatawag nila ako'ng pareho na para bang pinapabalik ako sa realidad. Pero hindi ko magawa. Ayoko nang bumalik... muna.. dahil kung babalik ako , ibig sabihin nito'y kailangan ko nang harapin ang masakit na katotohanan na kanina pa tumutusok sa aking dibdib.
"Anong nangyayari?" narinig ko ang boses ni Francis. Hindi ko alam kung nasaan siya. Baka nasa tabi lang ni Jonas o nasa tabi ng pinsan ko. Ewan ko. It doesn't matter.
Unti-unti nang gumuguho ang mundo ko... so nothing really matters.
"Ano'ng problema?" tanong ni Francis. May nag-abot sa kanya ng papel bilang sagot. Binasa nya ng malakas.
"Christine Joy Enriquez married her long time boyfriend Vincent Tuazon..."
"Christine? Sinong---Si Christine ni Jason? Yung prinsesa nya nung college?"
Tiningnan ko si Andrei. Kailangan ba talagang sabihin nya yun?
Kinuha ko ang dyaryo sa kanila. Muling tinitigan ang larawan. Shet! Kahit mukha lang niya sa black and white na dyaryo, iba pa rin ang dating. Hindi ko maunawaan. Ni wala siya sa harapan ko pero ganun pa rin ang epekto niya sa akin.
Gaano katagal na ba? 4 years na rin.. at ganoon katagal na rin ako'ng naghihintay. I spent the last 4 years of my life trying to live like nothing had changed.
Trying to live like nandito pa si Christine, na kasama ko pa siya at naririnig ang kanyang mga tawa. Na katabi ko pa siya sa kama tuwing gabi. Pero sarili ko lang pala ang niloloko ko. Umasa ako na pag bumalik siya, babalikan niya ako. Sabi naman nya kasi dati, She needed space para umalis sa anino ng aking pangarap na unti-unti nang natutupad.
Christine and I -- we drifted apart..
Naaalala ko pa ang mga salitang binitiwan nya ng magpasya siyang magpaalam.
"I need space Jason. Di dahil sa di na kita mahal. Pero ayoko nang maghintay. Alam ko parating na ang break na inaantay mo pero I'm tired of waiting. Mas okay pa tayo dati, nung banda rito banda roon lang tayo"
Nagalit ako nung marinig ko mula sa kanya yon. Akala ko di niya pinapahalagahan ang mga pangarap ko. Alam naman nyang musika ang sagot sa lahat ng problema ko pero bakit di niya to maintindihan?
Umalis siya't hinayaan ko lang sa pag-aakalang after a couple of days, magbabalik sa normal ang lahat. Pero di na siya nagpakitang muli. Nalaman ko lang sa isang kaibigan na lumipad na siya ng ibang bansa. At sa kanyang pag-alis, tumigil ang buhay ko. Hindi ako mabubuhay ng wala siya. Pero kailangan. Kailangan ko'ng huminga. Kailangang tumibok ng puso ko para sa kanya. Para maghintay sa kanya at umasang babalik siya sa piling ko.
Ngunit ang mga araw ay nauwi sa linggo, buwan at taon pero hindi ako napagod hintayin siya.
Hanggang sa eto na nga ang balita..
Si Christine.. ang babaeng mahal na mahal ko ay kinasal na.
Married.
Happily Married.
"Anong ibig sabihin nito?" sa wakas, may mga salitang namutawi din sa bibig ko.
Tumayo ako at tiningnan muli ang papel.
"Adik ka Arnold, isang taon na to'ng dyaryong to eh!" sigaw ni Francis.
"Pero bro, maski na one year ago pa yan.. sa tingin mo ba may nagbago? Kasal pa rin sya. Married. Ibig sabihin, wala ka nang hinihintay."
WALA KA NANG HINIHINTAY...
Ang mga salitang binitiwan ni Francis ay patuloy na tumutusok sa aking puso na tila sumuko na sa pagtibok.
haha! last year na palang news na yan ah, itapon mo na, pero lamo believe din ako sau noh, iniisip mo pa rin siya hanggang ngyn..
ReplyDeletemagandang araw..
hang tagal naman makamove on ni jason.
ReplyDeleteang sakit nun... masaklap pa isang taon na silang kasal... jason need to move on ...
ReplyDeletemagaling magaling.. iba talaga pag tunay na mahal.. matagal malimutan.. :)
ReplyDeleteikaw na ang magaling gumawa ng ficton. hehe. pero sana masaya namn. haha. parang medyo related lang ng konti. hehe.
ReplyDelete-kikilabotz
ok lang umasa pero dapat alam rin natin na may hangganan ang lahat, na hanggang dun lang yung oras na ibinigay sa atin para makasama ang taong mahal o minahal natin dahil sa huli pinahihirapan lang natin ang ating sarili at ang taong gusto namang makapasok sa ating mundo. :)
ReplyDeletemove on jason :D
Awwww.. ang sakit naman nun... batukan ko si Jason sa paghihintay! Ang ganda kuya Bino.. nice nice nice.. May mga dumadating talaga at may mga umaalis pagkadating.. high five sa ganda..!
ReplyDeleteMay kirot pa rin kahit isang taon na? Kainaman
ReplyDeleteaw... isang taon ay hindi pa sapat para makamuvon si jeson.. Christine, anong meron ka? hmmmmm
ReplyDeletenag-hahang ka pala..hehehe....
ReplyDeletewala naman makakapagsabi kung gano katagal bago makamove on ang isang tao.. pwedeng isang linggo, isang buwan, isang taon.. or more..
ReplyDeletewe can never tell..
sabi ko nga sabi sa wento mo, WAG NA MAGHINTAY, dahil WALA ng HINIHINTAY..
ano ba meron ngaun at puro mga ganito ang nababasa ko?
huhuhu sakit talaga pag hindi ka pa nakamoive on ano.. kaya mo yan chong...
ReplyDeleteAw. Ang pag ibig talaga. Sana maging okay na ang lahat. :D
ReplyDeletefiction ito?... weh? mukang may pinaghuhugutan eh. ahahaha.... ayos ah... ang ganda... ang daming jason sa mundo. at yun ang totoo!
ReplyDeleteang pag ibig nga naman! hehe gusto ko man mag react kuya Bino pero wala ako alam pag dating sa larangan ng pag ibig eh! haha... nga pala kuya Bino! tapos na ang defense namin! sensya na kung d ako nakadalw nitong mga nakaraan kasi sobrang busy sa thesis na yun eh! GODBLESS
ReplyDeleteWaaahhhh... Sinapol ako ng kwento! tagos sa puso!
ReplyDeleteAs said by Dave Mustaine:
"Moving on, is a simple thing, what it leaves behind is hard.”
ANg hirap iwanan ng ALAALA ng nakaraan. Naging parte na ito ng ating buhay at pagkatao. Nang ating systema at memoria.
All we need is time. Time to heal.
Nice Post!
Kudos!
tuma-taglish na? ikaw na ang sosyal.hahaha. speaking of the topics, hirap nyan---napako na ang oras ng tao.kasalan rin nya yan.kaya fave ko yung kantang DONT WIAT ng Dashboasrd confessional eh. dont put your life on hold waiting---keep walking
ReplyDeletea very nice story parekoy... ^^
ReplyDeletemove on..forget..and start anew..
ReplyDeleteSiguro, lahat tayo dumadaan sa prosesong ganyan. Kasi attached being tayo lalo na when it comes sa love. Kung hindi ukol, hindi bubukol. Good byes are part of living. Lalo na sa pagmamahal!
ReplyDeletebe blessed po!