March 28, 2011

Prinsesita - A Sneak Preview

He pressed me against the wall. Basang-basa ang kanyang buo'ng katawan at kitan'g kita ko ang mala-butil na tuig na umaagos mula sa kanyang mukha hanggang sa kanyang dibdib. Mukha siyang diyos na nagpasyang bumaba sa lupa. Oh my God! What more could I wish for? Ang nakakainis na lalaking ito na tila isang Greek god ay tanging tuwalya lamang ang nagtatakip sa kanyang maselang parte ng katawan. Hindi ko maiwasang humanga sa tao'ng ito. Well-sculpted body, six-pack abs, at ang mukhang walang anggulo. Kahit saan tingnan ay kitang-kita ang kagwapuhan. Ang kanyang kanang kamay ay kumapit sa aking baywang samantalang ang kanyang kaliwang kamay ay nakahawak sa aking pisngi. Palapit ng palapit ang kanyang mukha sa akin. Naaamoy ko ang sabong kanyang ginamit ganundin ang shampoo na ubod ng bango.

Relax Josephine! Breathe! Hinga!

"I can't believe this." He said. "You are definitely falling in love with me!" sabi niya kasabay ng pag-ngisi. Ganunpama'y hindi nabawasan ang kanyang kagwapuhan.

I know he's just teasing me. Ngunit hindi mapigilan ng aking mukha ang mamula at mahiya. Maging ang malakas na tibok ng dibdib ko ay hindi ko maipaliwanag. Could it be? Am I falling in love with this guy?

Hell no!!!

Hindi maaari!

Hindi pwedeng mangyari na ang isang Josephine Aragon ay mahulog sa patibong ng lalaking ito!


Magkaroon man ng World War three! Manganak man ng aso ang pusa at tumilaok man ang mga kalapati!


This could never happen!!!


Never!!!



Abangan ang Prinsesita Series dito lamang sa Damuhan





18 ang nakaappreciate:

  1. ahhmmm... mukang triple X ito ah... mukang mahalay... ahahaha

    ReplyDelete
  2. aba-aba may series na rin siya.. galing galing!!

    ReplyDelete
  3. sana hindi ako makatawag sa MTRCB d2 sa series mo hahaha...:P

    ReplyDelete
  4. yun dahi dito naalala ko may series rin papala ako dapat tapusin. hahaha. goodluck sa series mukhang mgnda..kala ko yung panimula mo ako yung dinidescribe. haha.joke

    ReplyDelete
  5. Mahuhulog din yan. Sigurado ako. :)

    ReplyDelete
  6. patnubay ba ng magulang ay kailangan? hehe

    kaabang abang parekoy!

    ReplyDelete
  7. Pampaulag ba ito?

    Sige mag-aabang.

    ReplyDelete
  8. wow.. nice naman.. at mukhang mapapadalas ang pagparito ko... kung ganito ba naman ang mababasa mo.. umagang0-umaga pa lang... eh... ikaw na...

    ReplyDelete
  9. hehehe.. mahuhulog kadin sakin Josephine.. LOL

    ReplyDelete
  10. wow!!! maikli lang pero kinabog ako!!! dali next please!!!

    ReplyDelete
  11. nakanaman--parang nobela na to ha. series pa.kaabang-abang.me Greek God Greek God pang drama.hahaha

    ReplyDelete
  12. Ooohh. Mukhang masisimulan ko to ah? Haha. Sa aking pagbabalik. Sayang, akala ko xerex. Haha.

    ReplyDelete
  13. hahaha advertise.. go.. hehehe

    ReplyDelete
  14. Nice nice nice!!! Na-feel ko kuya Bino.. precious hearts na ito! hahahahhaha!

    ReplyDelete
  15. Wow! Pwede na siguro sa Precious Hearts Romances na novels. lol

    ReplyDelete

Sisikapin ko'ng replyan ang mga komento ninyo.
Kung may sasabihin ka'ng di maganda, huwag ka'ng mag-ANONYMOUS