Ako si Aurora, isang Architecture drop-out. Hindi naman ako bobo. Gusto ko lang makipagtalo sa mga propesor ko kapag hindi ko gusto ang tabas ng dila nila. Sa halip na pumasok ako sa eskwela, mas ginugugol ko ang aking oras sa mga community service. At yun nga ang dahilan kung baki ako nakickout. Dahil dito, naging katulong ako ng aking ama sa kanyang bakery.
"Tay, ayoko nang maging assistant mo lamang habang buhay" sabi ko.
"Tumigil ka nga. Di mo kasi inayos ang scholarship mo eh. Kaya kung gusto mo'ng mag-aral muli, pagtrabahuhan mo.
Araw-araw ito na ang naging takbo ng buhay ko. Gising, ligo, gumawa ng pandesal, ensaymada, spanish bread at iba pa hanggang alas sais ng gabi.
Hindi rin ako nagkaroon ng magandang social life. Karamihan sa kanila agad ako'ng hinuhusgahan. Mas pinili ko ang mapag-isa. Bagamat may kalungkutan, masasabi ko na mas payapa naman ang buhay ko ngayon. Lalo pa't pinalaki ako ng aking ama ng may takot sa Diyos. Ganunpaman, nararamdaman ko na may darating na susubok sa aking pananampalataya.
12 ng Hatinggabi
"Aurora! Gising!"
Sa pagbukas ng aking mga mata ay tumambad ang nag-aalalang mukha ng aking ama.
"Bakit tay?" tanong ko sabay dinig ng ilang putok ng baril sa labas ng aming bahay. "Ano'ng nangyayari? Bakit may baril ka? Kailan ka pa nagkaroon nyan tay?" sunud-sunod ko'ng tanong.
"Ssshhh. Huwag ka'ng maingay. Hindi ko din alam kung ano ang nangyayari pero hindi tayo ligtas. Kunin mo to'ng baril. Pag-aralaan mo'ng gamitin."
Matapos noo'y nakarinig kami ng hiyaw at sigaw ng aming mga kapitbahay.
"Natatakot ako tatay." sabi ko.
"Huwag ka'ng matakot. Pinalaki kita na isang matibay na babae. Anu't anupaman ang mangyayari, kailangan mo'ng magpakatatag. Magbihis ka na at magempake ng mga importante mo'ng gamit. Dali. Titingnan ko nangyayari sa labas."
Madali ko'ng inayos ang aking mga dadalhin nang makarinig ako ng malakas na ingay sa labas. Dahan-dahan ako'ng lumabas at hinanap ang aking ama. "Tay? Nasan ka?" bulong ko.
Maya-maya'y narinig ko ang tila paghihingalo ng aking ama. "Aurora... tumakas ka na. ..."
Dali-dali ako'ng lumabas sa likuran ng aming bahay. Patuloy ang pag-agos ng luha mula sa aking mga mata. Hindi matanggap na tumatakbo ako palayo sa aking ama. Tumatakbo palayo sa mga nagpapanic na kapitbahay ganun din sa isang misteryosong boses na patuloy na tumatawag sa aking pangalan.
4:00 ng madaling araw.
Hindi ko namalayan na nawalan ako ng malay. Pag-gising ko'y tumambad sa akin ang isang malaparaisong lugar. Sinubukan ko'ng tumayo ngunit masyadong masakit ang aking mga paa. Mas pinili ko'ng maupo at pagmasdan ang lugar na kinaroroonan ko. Isan'g lugar na malayo sa mundo'ng sobrang gulo. "Ano ba namang panaginip to?" sa loob-loob ko.
Maya-maya'y nakita ko ang tatlo'ng lalaki at tatlo'ng babae na patungo sa aking direksiyon. Kinabahan ako. Gustuhin ko mang tumakbo'y hindi ko magawa. Nakita ko silang mabilis na lumilipad sa aking kinalalagyan. Isang malamig na kamay ang humawak sa aking mga balikat. Napapikit na lamang ako sa takot.
"Hindi naman ako mayaman katulad ni Lucio Tan o Bill Gates. Di rin ako kasing-ganda ni Angel Locsin. Ano'ng kailangan nyo sakin?" hindi ko malaman kung bakit nasabi ko ang mga salitang yon.
Sumagot ang isa sa kanila.
"Kailangan ka namin. Ikaw ang ikapito'ng anghel. At dumating na ang oras para tuparin ang iyong misyon."
Hindi ko maipaliwanag kung bakit nakaramdam ako ng tapang na sagutin sila.
"HELLO!!! BANGAG LANG? Huli ko'ng narinig na anghel ako nung may gusto'ng makipagtalik sakin. Kaya tigilan nyo ako at wala ako'ng balak sa isang orgy!
Isang malutong na sampal ang dumapo sa aking mukha na nakapagpawala ng aking ulirat.
Alas-dose ng tanghali.
"Alam nami'ng gising ka na Aurora"
"Hay, wala naman ako'ng choice para hindi gumising" sabi ko sabay tingin sa babae'ng sumampal sa aking mukha. "kailangan talaga may sampalang magaganap teh?"
"Wala nang oras para sa walang kwentang usapan." sagot ng babae. " Kailangan mo nang buksan ang isang pintuan at hipan ang iyong trumpeta."
"Eto na naman po tayo. Ano ba kayo? Wala ko'ng panahon sa mga adik-adik na to"
"Tayo ang pito'ng anghel na maghahatid ng kalamidad sa mundo para parusahan ang mga makasalanan. Matagal ka na naming hinahanap. Kung wala ka, hindi matutupad ang propesiya."
"Kung anghel ako, ba't wala ako'ng pakpak? Anon'g pruweba nyo" hamon ko.
"Ang marka sa iyong likod. Minarkahan ka na bago ka pa ipanganak."
"Anumang oras mula ngayon, bibigyan tayo ng langit ng senyales para isakatuparan ang propesiya. Bubuksan natin ang mga pintuan at hihipan ang ating mga trumpeta."
"Hindi!!! ang sasama ninyo!" sigaw ko.
Alas-tres ng hapon.
Dinala nila ako sa isang magandang kaharian na may pitong templo. Doo'y isa-isa nilang binuksan ang mga pintuan gamit ang orasyon sa wikang latin.
"Kailangan mo ito'ng bigkasin" sabi ng isa sa kanila.
"Di ako marunong maglatin."
"Kailangan mo'ng subukan"
"Ok!!!
Bumukas ang huling pintuan matapos ko'ng bigkasin ang orasyon. Matapos nito'y ibinigay nila sa akin ang isang ginto'ng trumpeta. Nagsimula na ang kanilang pag-ihip.
Sa pag-ihip ng unang nilalang sa kanyang trumpeta'y umulan ng yelo at apoy. Sumunod ang ikalawa na nagpakawala ng malalakas na ipu-ipo. Sa pag-ihip ng ikatlo, ikaapat, ikalima at ikaanim ay ilan pang delubyo ang aking nasaksihan.
"Anon'g ginagawa mo Aurora? Hipan mo na ang iyong trumpeta." sigaw sa akin ng pang-anim na nilalang.
"Ano'ng mangyayari pag hinipan ko to?" tanong ko.
"isang dambuhalang halimaw ang kakain sa mundo" sagot niya.
Isa-isa ko silang tiningnan at muli ako'ng nagsalita. "Sorry mga ate, mga kuya. di ko gagawin to. Mahal ko ang likha ng Diyos." Tinapon ko ang aking trumpeta at tumalon.
Alas-singko ng umaga kinabukasan.
Maaliwalas na umaga ang aking nasilayan. Walang bakas ng kaguluhan. Payapa at tahimik na kapaligiran ang aking natanawan.
may magandang aram sa kwento.
ReplyDeletelahat tayo may choices, nasa atin ang susi ng bawat pinto :) tayo mismo!
Hala... hmmmm.... habang binabasa ko siya, iniisip ko, sana isa din pala akong anghel na may misyon.. pero ang hirap naman.. kung ang misyon ko ay para lamunin ang mundo..
ReplyDeletenaaliw ako sa storya. komedyante si aurora. lol.
ReplyDeletenaalala ko tuloy yung movie na legion dito :)
ReplyDeleteSana may part 2. Gusto ko malaman kung anong klaseng mundo ang muling sumambulat kay Aurora.
ReplyDeletePero paran gusto ko ring hayaan nalang ang ending na gano'n. Yung tipong cliff-hanger, na ang mambabasa na ang bahalang mag-isip kung ano ba talaga ang ending. :)
wait! panaginip lahat yon? ang gandang kwento ah..natawa ko sa 'hndi ako c angel locsin'.. hehe!may part 2 ba? bitin eh.
ReplyDeletehello po kuya bino! Para sa akin Oo nga tayo naman ang nag dedesisyon.. hehe tulad nga ng sabi nila sana may part 2.. nyahaha..
ReplyDeletekuya bino? sana sa iblog 8 summit andun na ikaw! at d po mag kasakit :)
aaaaang galing!
ReplyDeleteobra ng isang tunay na tunay na henyo! hehe
hindi joke yan parekoy!
ano balita dito? hehe
gusto ko ung mga banat ng bida!!! ahaha... nakakaaliw syang nilalang... ang ganda ng story.... super like!!! ^^
ReplyDeleteAng haaaaaaaabbbbbbbaaaaaaaaa... pero in-fairness maganda siya... simple but rude ika nga... ehhehehe
ReplyDeletenangangahulugan lang ito na may pag asa ang sangkatauhan hanggat may mga gaya ni aurora na pipiliing talikuran ang isang atas kung kapahamakan naman ng daigdig ang kapalit.
ReplyDeletemahina ako sa mga ganito. di ko nagegets lagi ang nais iparating kwento.. baka nanaginip sya. hehe.
ReplyDeletehehehe pumipiksyon heheheh kaw na kaw na at sa revelation pa ang topic mo ha pero nice nice..may pagkabad ass si aurora ha hehehe
ReplyDeletewow ibang dimensyon ba ang napuntahan ko?!! buti nalang di nya hinipan! choooo!
ReplyDelete