MGA AYAW NG BABAE SA LALAKI
1. Torpe - ayaw na ayaw daw ng mga babae ang ganito. Walang lakas ng loob na sabihin ang kanyang nararamdaman. Yung tipon'g ligaw-tingin lang at masaya na kapag natatanawan ang babaen'g kanyang minamahal.
2. Follower - hindi sa twitter. Follower: Sunud-sunuran na lamang sa lahat ng utos ng babae. Yun ba'ng kayang kaya syang paikutin. Parang di-remote control lang ang buhay ng lalaki. Walang sariling desisyon.
3. Boring - walang sense of humor at hindi magawang pangitiin o patawanin ang babae kapag sila'y magkasama. Daig pa ang bato.
4. Immature - lahat daw ay big deal sa kanya kahit na napakaliit na bagay. Nagagawa'ng palakihin ang mga simpleng di pagkakaintindihan. Parang bata na inagawan ng kendi.
5. Dependent - yung tipo'ng kapag wala ang GF, hindi na umiikot ang buhay nya. Parang walang ibang pwedeng gawin kapag wala ang babae. As in sa babae lang nakatutok ang buhay niya. Tipo'ng ayaw kumain dahil namimiss si GF, eh wala naman sa babae ang kutsara.
6. Sobrang Seloso - normal lang naman ang magselos ngunit napapasama kapag sobra na. Kulang na lang pati alagang aso pagselosan.
Ooppps. Heto naman ang side ng mga kalalakihan:
MGA AYAW NG LALAKI SA BABAE
1. Talak-aton - mga babae'ng talak ng talak o putak ng putak. Walang pinipiling lugar; sinehan, mall, o minsan kahit sa simbahan. Tanggal tutuli mo dahil sa sobrang pagbubunganga nya. Turn-off talaga to.
2. Gold digger - mga "bilmoko nun bilmoko nyan" na babae. As in lahat-lahat pati napkin, ipapabili sa lalaki. Bangko ang tingin sa BF. Walang pakialam kung mabutas na ang bulsa ng lalaki masunod lamang ang gusto niya.
3. Ms. Right - ayaw makinig sa sasabihin ng kanyang kapareha. Laging siya ang tama. Walang tinatanggap na opinyon o paliwanag. Mahirap baguhin ang ugali'ng ito dahil sa pride.
4. Psycho - ginagawang kumplikado ang mga bagay-bagay na madali namang intindihin at ipaliwanag. Hindi nagpapatalo at napakarami ng insecurities sa buhay at sa isang relasyon.
5. Burara - Burara sa katawan: Nangangamoy ang kili-kili sa sobrang baho, hindi rin marunong magsipilyo matapos kumain o magmumog man lang para matanggal ang tinga sa ngipin. Burara sa Bahay: Hindi rin marunong maglinis kahit simpleng walis ng bahay. Para ka'ng nasa Boracay dahil sa mga buhangin na matatapakan mo pagtuntong sa kanyang tahanan.
6. Silent Treatment Ladies - galit na, ayaw pa'ng sabihin, Nananahimik lang. Gusto laging huhulaan ang mga iniisipnya. Dapat nababasa mo ang bawat galaw ng kilay at pagikot ng mga mata nya. Dapat magaling ka'ng manghula.
Maaaring may mga lalaki at babae na ang ugali'y kumbinasyon ng mga nabanggit. Paalala'ng muli na ito ay katuwaan lamang at walang pinatutungkulan na sinuman. Subalit ang sinuman'g tamaan, wala na ako'ng kasalanan.
apir tayo sa number 3 sa 'MGA AYAW NG BABAE SA LALAKI'.. actually lahat yan, tumatak lang sa akin ang #3.. hehe
ReplyDeletedon naman sa 'MGA AYAW NG LALAKI SA BABAE' nkakarelate ako sa #6, pag galit ako hnd ako ngsasalita, paktay ako nito.. haha!
malupet. iniisip ko kung bakit may mga ganyang pa ring lalaki...(bakit kaya ganyan kami?) haha...
ReplyDeletebased on experience ba ito, sir?
ReplyDeleteTama.. Nakakainis ang torpe.. pero mas nakakainis naman ang sobrang hambog. Haha.. At super agree ako sa #'s 2 at 3. Wala na ngang backbone, wala ring sense of humor. Sus. Natawa ako sa #6. Hehe.. si ex kasi, yun ang ugali. Pati alaga kong aso, pinagselosan. Hehe. Actually, gusto KO (opinyon ko lang) na nagseselos ang lalaki. Kesa naman sa hindi.. na parang walang pakialam.
ReplyDeleteYung #3 yata, parang mas bagay sa mga babae yun.. I mean, ayaw ng babae sa mga lalaki. Usually kasi sa relationship, yung lalaki ang merong mataas na pride. Yung tipong, "I am the king of the world.. I'm always right." Shesh!
In defense, yung sa #6.. kadalasan ang mga babae (na hindi bungangera) eh kapag may dinaramdam, eh nananahimik na lang. Either ayaw munang patulan at nagbibigay lang ng oras na humupa ang tensyon/tampo/galit/whatever... or wala lang talaga sa mood makipagtalo.
Ganyan naman kasi kaming mga babae. We are complicated but beautiful creatures.. Try to totally "read" ONE female, sasakit lang ang ulo mo. haha! And siguro nga, we always keep you guys guessing kasi... gusto naming suyuin ninyo kami. Diba? Choz! :))))
naranasan ko na si MS.Right at silent Treatmeant....
ReplyDeletekaiyamot yan....
May tama ka na naman Bino.
ReplyDeleteLike.
ayoko makatagpo ng gold digger. :D
ReplyDeleteLahat tama at marami pang hindi nabanggit, at ang pinakaayaw ko ung gold digger, batukan ko pa sya, wala na nga akong pera magpapabili pa sya! :D
ReplyDeletewow napakarami mo ng experience bino! thanks sa tips!!! hoho
ReplyDeletetorpe pala ko at immature. kaya pala.
hahahah natawa ako dito.. so far halos lahat totoo.. ang babae talaka-ton! hahaha bago yun sa kin.. ako si ms.right.. hahah lage ako tama... hahahhaha... maygad... hahha
ReplyDeletedi ko napansin..nagbago pala header mo.. hahah nice!!
ReplyDeletepare natumbok mo lahat ng ayaw ko sa isang babae... Thumbs Up ka dyan!!!!
ReplyDeletePANALO.
ReplyDeleteahaha. may punto ang lahat ng kategorya sa post na ito. pero hmmm, mahirap talaga kapag lagi tayung nag-iistiryotayp :)
ReplyDeletemay mga tama naman ang mga sinabi mo... nice one...
ReplyDeletemga ayaw mo yan sa babae noh?hehe
ReplyDeletenatawa ko sa comment ni akoni.. napaisip tuloy ako bigla whaha :D
ReplyDeletetumpak na tumpak na mg kasagutan to ah hehehehe... cheers sir!
ReplyDeleteParang ayaw ko din sa babae ng Immature. Haha. Sabagay, lalaki kasi kadalasang immature pero pag babae na naging ganun, mahabaging langit, pagsubok ito! Haha.
ReplyDeletetama ang lahat!!!! ahahaha...
ReplyDeletemay babae plng burara! ahahaha.. swerte ko nmn wala pa akong naeencounter na ganun... so eeewwwww!!! ahahaha
like!super agree ako dito hehehe
ReplyDeleteBout the boys ang pinaka ayaw ko yung no.4 kse mahirap pakisamahan ang lalaking immature kesa babae, walang pinagkaiba yun sa Mamas boy or yung sanay na laging nasa ilalim ng pundilyo ng mga Nanay nila.
ReplyDeleteBout Girl..i am the example of no. 6 hihihi! yun naman ay hindi sa lhat ng pagkakataon noh...yun lang nakiraan lang po.
pwedeng umilag haha,,,natamaan ako slight lng haha...
ReplyDeletekawawa naman ang lalake pag burara gf niya nyahahaa,,,regaluhan kamo ng deodorant at sipilyo wahaha
omg ang dami kong natutunan ah! hahaha. saktong sakto yung sa girls. :))
ReplyDeletemeron kang kulang sa post mo sa ayaw namin....TRYING HARD tas MAHANGIN! Boring pwede kong matolerate pag nasa tanga mood ako..wapakels ako! ahaha
ReplyDeleteganun b?
ReplyDeleteBaka baliktad naman yan.
Try natin baliktarin / pagpalitan ang lists ng ayaw ng babae sa lalaki at ayaw ng lalaki sa babae