April 16, 2011

Bye Bye Damuhan!

Magtatatlo'ng taon na mula ng umusbong ang Damuhan sa blogosphere. Sa konting panahon'g ito, marami-rami ring blogero ang nakasalamuha ko. Mula sa mga una ko'ng nakapalitan ng link at mga kasabayan ko tulad nila Kosa at Supergulaman, hanggang sa mga nakilala ko sa bawat bloggers' eyeball at events na aking napuntahan. Marami ako'ng naging kaibigan at isa ito'ng malaking karangalan.

Karangalan din na maituturing ang mga liham na aking natanggap mula sa aking mga mambabasa. Bawat salita na kanilang binitiwan ay nagkaroon ng marka sa aking puso. Isa ito sa mga naging inspirasyon ko para patuloy na magsulat. Nakakatuwang isipin na kahit ano'ng uri ng post ang aking gawi'y meron pa rin'g nagbabasa at nagkukumento sa mga ito. Sa totoo lang, masaya na ako kahit isang komento lamang ang matanggap ng mga sinusulat ko. Kahit nga wala. Basta ang mahalaga'y alam ko na nandiyan lagi ang ilan sa mga loyal readers ng damuhan.

Sa kabila nito, may mga ilan din na sumalungat at nagbigay ng mga negatibong pahayag sa Damuhan. Mga pananalitang nakakasakit at nakasasama ng loob. May nagsabi na walan'g makukuhang impormasyon sa blog ko. Dapat nang isara dahil ang pangit-pangit naman. At may pakontest pa na cheap naman ang premyong mapapanalunan.

Dahil sa mga ito, napagdesisyunan ng inyong lingkod na isara na ng tuluyan ang Damuhan...






















IN YOUR DREAMS!!!! WAHAHAHAHAHAHA



Unang-una, hindi ito wikipedia. Ni hindi nga ito isang search engine para sabihing wala ka'ng makalap na impormasyon tungkol sa project mo sa science.

Pangalawa, kung pangit naman pala ang blog ko, bakit patuloy ka pa rin sa pagbisita at pagpapadala ng mensahe?

Pangatlo, kung hindi man malaki ang premyo na pinapamigay ko dito, sa tingin ko nama'y wala ka'ng pakialam dun. Hindi naman ako humihingi ng panggastos ko sa yo diba? At hindi rin ikaw ang nagbabayad ng domain ko. Hehehehe


At panghuli:


Hangga't may mga tao'ng nagtitiwala at sumusuporta sa Damuhan, hinding-hindi ito magsasara at patuloy na yayabong ang mga damo nito. Hinding hindi ko bibiguin ang aking mga mambabasa nang dahil lamang sa mga patutsada nyo. I can't please everybody. And if i will follow your advice or should I say utos na isara ang damuhan, I will end up pleasing no one.

Yun lamang at maraming salamat na rin dahil ang mga panglalait nyo ay siya ring lakas ko para patuloy na lumago ang Damuhan sa blogosphere.


P.S. Panigurado'ng may mga nagskip-read dito lalung-lalo na ang mga mahilig manggulo. Hehehehe.



34 ang nakaappreciate:

  1. waaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaahhhhh bigla tuloy ako nalungkot . muntik na akong umiyak buti napigilan ko hehehhehhe... parang c Ron din kala ko nga titigil na..hehehehe drama lang pala.

    ReplyDelete
  2. Tama ka pre, hayaan mo lng sila na sumabaybay sayu hehehe tulad ko fans ka rin ng mga taong walang magawa sa buhay. Bakit hindi nlang sila magblog para maging masaya nman sila.

    I support damuhan!

    ReplyDelete
  3. gusto ko ung part na "IN YOUR DREAMS!!!" ahahaa... ang adik mo kuya bino!


    hanggat may mga adik sa damo, di ito magsasara... ito kaya source ng kaadikan namin... kung wala ng shabu, DAMO na lang! ahahaah

    ReplyDelete
  4. may detractors k pla sir. wakikikiki. isnabin mo nlng sila. blog on

    -khanto, tinmd mg log in

    ReplyDelete
  5. I was like *please be a joke* 5x then napa wahahaha na rin ako. Chet. ^.^

    Kebs sa mga troll. *flip na lang ng hair*

    ReplyDelete
  6. Ha?Iiwan mo na kami? lolzz Skip read eh!

    Tama lang yan pre, wag mong pansinin. Mas marami pa rin naman siguradong gustong nakakabasa ng ginagawa mo. kaya ipagpatuloy ang pagyabong ng damuhan :)

    ReplyDelete
  7. iba talaga ang sikat..kaya maramin kontra...

    hayaan mo na lng..cguro inggit mga yun...

    go damuhan!

    ReplyDelete
  8. Ha? Isasara mo na ang Damuhan? Why naman? Iiwan mo na kami???? BAAAKKKEETTT????

    Ay nagskip read ako. hehehe...

    Sa iyo ang blog na to.. ang mga naisulat mo eh mga opinyon mo. Meron talagang sasang-ayun sayo, syempre meron ding hindi. Ang nakakainis lang, eh yung gumagamit ng mga ful words. Okay lang din naman yung mag disagree kasi lahat naman ng tao eh merong kanya-kanyang opinyon.. Kaso lang, ang iba mga suplado't suplada. hehe..

    LastWednesday lang ata, meron akong napuntahang isang blog. Nagkomento ako dun, pero nagdsagree ako sa mga points nya. Hindi ko naman inaway.. I just stated my stand. Hala, nagalit sya! Pinadalhan ako ng message sa Facebook, andaming foul words na ginamit. Hindi ko na lang pinatulan. In-unfriend ko din sa Facebook. hehe.. Nakakairita lang, kasi hindi naman bastos. Tama ba naman yun.. na magalit siya kung merong mag disagree sa kanyang naisulat? Hay... :( You really can't please everybody.

    Anyway, andito kami lagi.. mga readers mo na llaging dumadaan sa Damuhan. AT hayaan na lang mga mga kumukontra.. Naiinggit lang yun siguro. :)

    Keep smiling!!!! :)

    ReplyDelete
  9. nawindang ang umaga ko sa umpisa ng kwento mo, naisip ko tuloy marunong din pala mag emo si damuhan.. hehe! akala ko talaga bye bye na.. kong nagkataon magwewelga ako, ganito 'IBALIK SI DAMUHAN''IBALIK SI DAMUHAN' sa edsa shrine ako magwewelga hahaha!

    love ko ung panghuli mong kwento 'Hangga't may mga tao'ng nagtitiwala at sumusuporta sa Damuhan, hinding-hindi ito magsasara at patuloy na yayabong ang mga damo nito' cheer to that bino..

    salamat sa palaging pagbibisita mo sa bahay ko..

    ReplyDelete
  10. ayus! na-tense ako dun ah?! goodluck and more power! :)

    ReplyDelete
  11. hindi maiiwasan ang negatibong komento, ayos lang yan kasi may kani kanya tayong opinyon. Dito tayo masusubok, kung magiging matatag ba tyao o hindi. Minsan may mabuting maidudulot kasi may nakukuha tayong aral dito.

    Sir, wag isasara ang damuhan.. Isa po ito sa unang unang pinupuntahan ko mula pa noong magumpisa akong magblog hanggang ngayon.

    Salamat sr, mabuhay ang DAMUHAN...

    magandang araw po

    ReplyDelete
  12. hahaha kala ko sara na tlga .. nagulat din ako sa comment mo kuya :p hahaha kulet... kahit may grass cutter pa.. di mag sasara yang damuhan ;p

    ReplyDelete
  13. langya. joke lang pala pero di ako naloko kasi bigla kong napindot ang Page Down at nakita ang maliwanag na sagot. haha

    Sikat na sikat ka na. May fans ka na may haters pa. Kulang nalang ay ag mga echoserang reporters. lol

    ReplyDelete
  14. ahahaha.. akala ko .. totoo na.. nalungkot pa man din ako.. pero huwag mong isara.. kung ayaw mong huntingin kita.. magkakatayan tayo.. kapag ginawa mo iyon.. eh kaka palo ko pa lang sa iyo.. eh magsasara kana agad... hmmmp... saka na.. after 20 years... kapag di na uso ang blog at may bago na... hmmmp...

    ReplyDelete
  15. Nak ng...sino ba yan, girahin na yaaannnn...LOL...well sabi nga ng panadero sa amin Bino "Critisism is the talent of idiot" hehe

    ReplyDelete
  16. nabasa ko sa stat mo sa ym goodbye damuhan..

    bino, marami talagang detractors. ako nga eh may nagparinig na saken sa twitter tungkol sa blog ko pero wala ko pakialam sa kanya kasi pulube sya. lels

    ayun lang keep it up! kung anong mga ginagawa mo dito sa damuhan. isa ka na sa mga institusyon sa blogging kuya bino! tagay pa!

    ReplyDelete
  17. nakuh! totoo. you can't please everybody~
    yang mga haters na iyan eh macoconsider mu pa rin namang fan ng blog mu dahil sinusubaybayan nila ang mga post mo para awayin ka. ampf. salbahe sila...

    ReplyDelete
  18. Nyahaha.. buti iniscan ko ang kabuuan bago ako nagsimula.. di mo ko nalinlang dun. Toink.

    At para naman sa HATER MO

    Minsan ang mga mayayabang sa mundo, sila pa ang mga walang mapatunayan. Nakakainis lang.

    Buti hindi ka nagpa-apekto.. napaka-perpekto naman kase siguro niya kaya niya nasabi lahat yun. Hehehe affected?

    ReplyDelete
  19. akala ko magsasara na ang BS account mo at magseseryoso ka na lang sa WP account mo..heheh buti na lang at joke lng ito...

    ReplyDelete
  20. pasaway!kala ko kung ano na.

    nver mind ur detractors(with S) inggit lng mga yan.

    keep writing!

    ReplyDelete
  21. kala ko closing time na talaga!!! loko ka! uy di ako nagskip read ha!

    sa mga epal sa blog mong mapanglait "in there face" oo nga naman keber nila sa mga sinusulat mo! bakit blog ba nila ito?!ha?!ha?!HAAAA???!! anggas nila ha!

    ReplyDelete
  22. Sabi na nga ba! Hahahaha! mas masaya nga kapag may mga nag ki criticize! Ok yan!

    ReplyDelete
  23. naks naman kuya bino..madami lang naiingit sayo kaya ayun wag mo sila intindhin wala lng silang magawa sa buhay nila heheheh..

    ReplyDelete
  24. hahaha di na ako matitinag nito.. kasi nagawa narin ito ni suplado,... hahaha... ikaw magcoclose... wee di nga.. hahaha

    ReplyDelete
  25. Closing the damuhan dahil sa mga manglalait at mga taong masakit magsalita? C'mon, you should not be, at happy na hindi nga, in their dreams!!!

    Criticisms? immune na ako dun Nong Bino! This is a blogging realm, so expect as you published an article, you are letting people to read it and leave a comment afterwards. Whatever the contents of their comments, saloobin nila un at opinyon and as the author you are not subject to please them by changing their thoughts, because they are just practicing their freedom of speech too. Pero may instances na ang comments tlga ay naglalaman ng criticisms, ang mas masakit ndi constructive criticisms kung hindi insulto na! I know masakit kung ikaw ang author at nabasa ang mga pahayag nila pero I think this experience is a part of your blogging pilgrimage. And I agree, you can't please everyone to love or to like this blog, but somehow right mo naman siguro ang magdecide kung magpapadala ka sa kanila, dba?

    To end this comment, well natural tlga ang criticisms, for its part of the beauty of the blogging realm. if you keep your silence, its nobody's fault but yours! I already experience this thing many time and I learned from it, kaya nga na immune na ako! Anyways,

    MORE POWER DAMUHAN~ Stay healthy Nong Bino!

    ReplyDelete
  26. Ganun talaga kapag sikat, may detractors. Haha. Kebs na sa mga yan, basta tuloy lang. Walang pakialaman. Haha. Blog on Kuya. :)

    ReplyDelete
  27. Sabi ko n nga ba pareng bino! nyahahaahahah! naalarma ko nung una kong nakita yung title! hahaah pero alam ko na kasi si roy may ganito ring post! ahahaahha! hayaan mo lang sila, pag may mga nanggulo ibig sabihin may naiiggit kasi maganda ang nagagawa mo di tulad nila! nayahahahaah! hayaan mo lang sila! ituloy ang damuhan!

    ReplyDelete
  28. arvin nakakadalawa kana ha!!! last mo na to!! hehe

    taragis nadali na naman ako ng title!!!


    ** nagiisip pa naman ako na kung ayaw mona ng domain mo sakin nalang ako nalang magtutuloy hahaha

    ReplyDelete
  29. whahaha tama.. dont mind them, kung ayaw nila ng blog mo wag nila basahin di ba?


    AXL PPI

    ReplyDelete
  30. More years pa sa damuhan sir!
    Lahat tayo may espasyo sa www
    blog on!

    ReplyDelete
  31. gulat naman ako. first time ko pa naman dito tapos akala ko magsasara na kagad. tsk hehehe

    more power po sa blog nyo kuya. =)

    ReplyDelete
  32. basta ako hinding hindi magsasawa sa pagbabasa bow! tuloy mo lang tol!

    ReplyDelete
  33. sinu ba yang bumabatikos na yan? kurutin ko sa singit.hahaha. walanag basagan ng trip ika nga. me close button naman diba. walang pilitan para basahin nila or what. sa mga blogs natin---we are the boss. kaya kahit gumulong gulong sila sa edsa sa kunsumisyun dahil ayaw nila----paki natin.hahaha

    ReplyDelete

Sisikapin ko'ng replyan ang mga komento ninyo.
Kung may sasabihin ka'ng di maganda, huwag ka'ng mag-ANONYMOUS