April 22, 2011

Kailan Kaya Ako Ikakasal?

Ang larawan ay mula sa kasal ng kaibigang blogger na si Zyra and Lester. Basahin ang aking panayam sa kanya




Matagal ko nang gusto'ng lumagay sa tahimik. Matagal ko nang inaasam na maiharap sa altar ang babae'ng aking pinakamamahal. Oo. Hindi lang mga babae ang nangangarap ng isang kasal. Makailang ulit na din ako'ng nakapagpropose sa mga past girlfriends ko. Awa naman ng Diyos, hindi naman sila tumanggi. Planado na ang lahat. Mula sa mga imbitasyon, souvenirs, damit ng mga abay, reception hanggang sa simbahan. Pero dumarating ang araw na hindi ito natutuloy. Nagdadalawang-isip. Lagi'ng ganyan. Paulit-ulit lang. Parang water cycle. Parang history. Minsan tuloy, naisip ko'ng huwag nang maniwala sa kasal. Na ang pag-ibig ay may expiration date. Parang mga grocery items lang tulad ng sardinas, kape at gatas. Lahat nag-eexpire.

Sabi naman ng isang kaibigan, hindi ko dapat hinahanap ang pag-ibig dahil kusa ito'ng dumarating. Ang tanong ko naman, bakit ang tagal? At bakit kung kailan mahal ko na ang isang tao, kung di man nya ko kusang iwan eh si Lord na ang maagang sumusundo sa kanya? Bakit tila ayaw Niya ako'ng lumigaya at bumuo ng isang masayang pamilya? Ganun na ba ko kasama para hindi makatanggap ng biyaya? Life is so unfair. Bakit ang iba, kabi-kabila ang binabahay? Samantalang ako na tapat namang umibig, nagawa pa'ng lokohin, saktan at iwan.

I was a fool na kwestunin si Lord sa mga pinagdaanan ko. Nagsisi ako at humingi ng kapatawaran sa Kanya. Sa aking mga pagkukulang at kamalian. Muli ko'ng naintindihan ang ibig Niyang ipahiwatig. When God says No, it doesn't really mean No. It means NOT NOW. Someday you will find what you've been looking for. When God closes the door, He opens the window.

At ito naman ang aking pinanghahawakan. Maaaring hindi pa dumarating ang tamang babae para sakin. Ganunpaman, patuloy ako'ng maghihintay at maghahanap sa kanya. Naniniwala pa rin ako na bawat isa sa atin ay may nakalaan sa isa't-isa. Hindi malabong mangyari yun. Fairytales do come true. There is a happy ending in real life.

Balang araw, ako na ang ikakasal. Ito ang aking positibong pananaw.





23 ang nakaappreciate:

  1. nyay!
    bino darating din sayo yan. tama ka, when He says No, it really measn not now ^^

    ReplyDelete
  2. darating din yan bino sa tamang oras.. more power! keep on searching.. wait! hndi ka pa taken? hehe

    ReplyDelete
  3. sabi nga nila kung para sayo, para sayo...kung di man ngayon, maghintay lang at darating yan...sa ngayon enjoy muna ang buhay, baka may rason si Lord kaya di ka pa nya gusto mag asawa :D

    ReplyDelete
  4. When God says No, it doesn't really mean No. It means NOT NOW.

    tama.

    ReplyDelete
  5. mgkahalong hirap at saya ang buhay may asawa.. pero rest assured na responsibilidad mo sila.. kaya dapat maging handa ka.. hindi pwede yung gusto ko nang malagay sa tahimik.. dapat handang handa ka.. peksman dude,... i know the feeling.. i've been there...

    ReplyDelete
  6. darating din ang tamang panahon para sau sir... may tamang oras at panahon sa lahat ng bagay..

    ReplyDelete
  7. may plan siguro c Bro sa taas, time will come..

    ReplyDelete
  8. hangswit moh naman lagi kang nakadalaw sa entries koh... thank u po =)

    in His time po kakasal ka ren... be patient nd juz believe =)

    Godbless!

    ReplyDelete
  9. ahahah maghanap ka na kasi.. ahahha

    ReplyDelete
  10. Talaga? Hindi natutuloy? e di sayang yung mga nagastos? Yun talaga yung inisip ko eh no? HAHA.

    May namatay kang gf kuya? Sorry to hear that at chinismis ko pa talaga. In God's right time, dadating din yun at papakasal ka. Wag ka maexcite. Haha

    ReplyDelete
  11. aww. never thought that guys do wait for marriage. kala ko it's the other way around. yaan mo po, baka hinuhulma pa ni God ang tamang babae para sa'yo. :)

    ReplyDelete
  12. Darating din yan Bino. Antay lang tayo. Ako man gusto ko na rin, kaso wala naman. Puro na lang iba ang priority. Basta antay na lang. Darating din yan sa tamang panahon. :)

    ReplyDelete
  13. hehe punta ka dito sa bahay namin, ipapanalangin kita... kasi si ate zy pinagpray ko lang din eh :) lakas kapit kay Lord lang hihi tas hintay ako 7years ^_^ -Lester

    ReplyDelete
  14. anu ba yun... anu ka ba in god plan, u will go there then. pero dapat handa ka pag dumating na yung time na yun...

    ReplyDelete
  15. Oh my... Pareho tayo Bino. Minsan talaga, nakukwestyon ko rin si Lord. Bakit ganyan? yung iba, manloloko pero nagsasaya sila. Eh ako na tapat at lubos magmahal, lagi na lang nasasaktan.. at niloloko sa huli. Ba't ganun? Hay.. parehong experience,, nakakarelate ako. "You took the words right out of my mouth", so to speak.

    Actually sa ngayon, hindi ko na lang din iniisip kong maikakasal pa ako o hindi na. I'm now open to the idea of being single forever. I mean, kung darating yung sinasabing LOVE, eh di magmamamhal ulit. Pero kung hindi na, it's not the end of the world for me.

    I'm simply enjoying my life now.. at the moment.. at the present. Ayokong mag-isip ng ganyang bagay. Because God always has a plan. and everything happens for a reason.. :))))

    ReplyDelete
  16. naku..nararamdaman ko malapit na..:)

    wait ka na lng...

    swerte ng babae na yun sau :)

    ReplyDelete
  17. waah!! kusa nalang dadating yan wait wait ka lang! relak relak lang pre! wag masyadong excited!

    ReplyDelete
  18. EMO KA KASI MARAMING NAGPOPROPOSE NA BLOGGER NGAYON SA U-BLOG at nahuhuli ka na :) Pumunta ka na kasi dito -- sundin mo na payo ni ka-lester :))

    ReplyDelete
  19. Hayyyy... isa ako sa magiging masaya sa buong wide world pag ikakasal ka na kuya Bino.. dadating yun pag gusto mo... at kung naniniwala ka na dadating nga yun... :)

    ReplyDelete
  20. someday bino! sobrang kaligayahan ang ibibigay kay Lord sayo. tama ka, not now. ^^ Wait expectantly, pray

    ReplyDelete
  21. just wait darating din siya. wag masyadong magmadali baka madapa lang.=)

    ReplyDelete
  22. honga, sabi ni Lord---Not now daw muna---wait kapa 15 years muna. patience lang, patience.lols

    ReplyDelete
  23. IKAW NA sir! hehehehe

    napakapositibo talaga ohhh!

    napapanahon na ang kasal para sayo sir! kelangan isakatuparan na yan sa pinakamadaling panahon..hehe imbitado ako huh!?

    ReplyDelete

Sisikapin ko'ng replyan ang mga komento ninyo.
Kung may sasabihin ka'ng di maganda, huwag ka'ng mag-ANONYMOUS