April 26, 2011

Mga Bukambibig Kapag Ayaw sa isang Babae/Lalake

Kadalasa'y may mga palusot na sinasabi ang isang tao kapag ayaw ng isang babae sa isang lalaki o vice versa partikular kung ang habol nito'y maging kasintahan niya. Kung pakikinggan ang mga palusot na ito, kala mo'y sincere na sincere. Pero sa point of view ng kalalakihan at kababaihan, may hidden message yan. Narito ang ilang halimbawa at ang mensaheng nakapaloob dito:

My life is so complicated


True Message:
Girl: Marami ako'ng boylets. Wag ka nang dumagdag.
Boy: Marami ako'ng number 1 sa buhay ko ngayon at di ka deserving mapabilang dun.

May Boyfriend/Girlfriend na ko


True Message:
Girl: Masaya na ko'ng mag-alaga ng chow chow ko.
Boy: Kung DOTA o Ikaw? Dota na lang!

Mag-papari/Mag-mamadre ako

True Message:
Girl: Mas hot pa si Father sa yo!
Boy: Para matanggal ang sapi mo!

Nasa akin ang problema. Wala sa yo


True Message:
Girl: How can you face the problem if the problem is your face?
Boy: Wala ako'ng problema. Ikaw lang pag nagkataon.

Kapatid lang ang turing ko sa yo.

True Message:
Girl: Kamukha mo si Bentong
Boy: Utu-uto ka.

Malaki agwat ng edad natin

True Message:
Girl: Parang tatay na kita oi!
Boy: Naalala ko sa yo si Lola!

Hindi ako attracted sa yo. Pasensya na

True Message:
Girl: Ang pangit mo kasi.
Boy: Mas attracted pa sa yo nanay mo eh.

I'm focusing on my career

True Message:
Girl: Mas gusto ko pa'ng tumandang dalaga kesa makipagdate sa yo.
Boy: Inspiration ang hanap ko. Hindi destruction.

Can we just be friends?

True Message:
Girl: Kapal ng apog mo pag pumayag ka pa!
Boy: Asa ka naman na magiging magkatext tayo.


Ang mga nabanggit ay tulad ng dati, katuwaan lamang. Huwag masyado'ng seryosohin. Pero kung tamaan ka, di ko na kasalanan un. Hanggang sa muli.

Credits go to :

http://reyner-anjelique.blogspot.com/2011/03/top-10-lines-ng-mga-lalake-pag-ayaw.html
http://reyner-anjelique.blogspot.com/2011/02/top-10-rejection-lines-given-by-women.html


24 ang nakaappreciate:

  1. nyahahaha. kukulit ng dahilan. :D


    panalo to: Boy: Inspiration ang hanap ko. Hindi destruction.

    ReplyDelete
  2. hahaha! nakakatawa.. nag iinisan lang ang dalawa.

    ReplyDelete
  3. hahaha. ikaw Bino ha. at san mo nakuha ang mga bukabularyo na yan like ""boylet"" at chow chow.lols.TUWA talaga ako sa DOTA tagline na yan---na between you and DOTA, DOTA nalang, awts---yun pinakamasakit.ipagpalit ka sa DOTA>lols

    ReplyDelete
  4. hehehe ayos to pre...minsan kasi ayaw lang talaga nating masaktan ung kaharap natin kaya sa ibang paraan natin sinasabi, ang problema minsan mas nakakasakit pa tayo dahil sa pagpapaligoy ligoy, mas maganda kung diretsahan na lang :D

    ReplyDelete
  5. nyahahaha... pasaway ka.. hahahahaha usapang twitter naging blog topic.

    ReplyDelete
  6. natawa ako doon sa the problem is your face... Lol!

    ReplyDelete
  7. hehe.. ayos toh, may mga ilan na parang naidahilan ko na. like yung sa nanay na mas attracted at uto uto. hehe

    ReplyDelete
  8. hahahah hanep sa banat to parekoy... battle of the sexes na naman ba to?

    ReplyDelete
  9. oops teka...INSTANT PUBLISHED na rin mga comment dito ah...wehahahha teka matry nga ulit..hehehe

    ReplyDelete
  10. hahaha! toinks at toinks lang masasabi ko! mainit na balataktakan ito kahapon pa!!

    ReplyDelete
  11. hahaha..natuwa lang ako...hehe..round 2 ito ng kahapon?

    ReplyDelete
  12. awww. bat ganun?
    hehe, wala lang.. inosente kase ako..lol

    ako kase yung taong hindi marunong tumanggi:)

    ReplyDelete
  13. pasensya na po at late ako sa aking comment.. naging busy lang po talaga... kasi alam mo na.. every last week of the month lang talaga ako busy.. dami kailangang tapusin.. anyway..

    ahaha.. natawa ako sa mga palusot nila.. tama nga naman.. basta ganito lang yan.. kung ayaw.. maraming dahilan.. kung gusto maraming paraan.. tama po ba ako?

    ReplyDelete
  14. kulit ahaha natawa naman ako dito parekoy

    ReplyDelete
  15. Ang mean. Hahaha. Ganun ba ibig sabihin nun? Bute di pa ako nakakatanggap ng ganyang mga salita. Haha

    ReplyDelete
  16. Ang hirap magkunwari na gusto mo ang isang tao eh.

    Natatawa ako dito sa mga nakalap mo Bino.

    Musta naman?

    ReplyDelete
  17. Ahahaha... pwede po.. like! :)

    ReplyDelete
  18. This comment has been removed by a blog administrator.

    ReplyDelete
  19. @reynerr ay pasensya na, di ko kasi nareview to. di pala napasama. yan na po :)

    ReplyDelete
  20. ang dami na talagang karanasan ni kuya binoo idol!

    http://jezonhamster.com

    ReplyDelete

Sisikapin ko'ng replyan ang mga komento ninyo.
Kung may sasabihin ka'ng di maganda, huwag ka'ng mag-ANONYMOUS