April 7, 2011

Mga Palatandaan

Minsan, binabatay natin sa mga palatandaan ang mga bagay-bagay. Halimbawa na lang ay ano ang mga palatandaan na may kalamidad na darating. Hindi ba't minsa'y binabase 'to ng ilan sa mga galaw ng hayop? O kaya nama'y paano mo malalaman kung luto na ang pasta? Di ko alam. Di ako marunong magluto nun.

Ganun din sa larangan ng blogging. May mga senyales kumbaga. At ilan dyan ay aking inilista.


MGA PALATANDAAN NA SINGLE ANG ISANG BLOGGER

1. Maya't-maya ang update sa blog. Nakakatatlong post sa isang araw pero hindi naman money-making ang kategorya ng blog.

2. Masipag magbloghop. Hindi pinapalagpas ang bawat update ng kapwa blogero. Bawat post merong comment.

3. Online 24 hours sa Facebook, Twitter at Yahoo! Messenger. Konting tulog lang ang pahinga. Kung hindi nakaharap sa computer, mobile phone ang gamit sa pagchecheck ng status at comments.

4. Gumagawa ng post sa oras ng trabaho.

5. Madalas kasama sa mga events at eyeballs dahil wala'ng nakikialam sa kanyang lakad.




MGA PALATANDAAN NA TINATAMAD KA'NG MAG-BLOG

1. Six months ago pa ang huli mo'ng update.

2. Hindi mo na maalala kung sino si insert name here ng blog na insert blog title here.

3. Palagi mo'ng sinasabi'ng busy ka kaya di ka makapagblog kahit na sobrang dami ng oras mo.

4. Wala ka'ng maisip isulat. Sabaw na sabaw ang utak mo.

5. Wala ka'ng balak patusin ang mga blog contests ng kapwa mo blogero.




MGA PALATANDAAN NA ISA KA'NG EMO BLOGGER

1. Puro malungkot ang mga posts mo.

2. Ang sinumang makakabasa ng mga sinusulat mo ay tiyak na maglalaslas ng pulso dahil sa sobrang emosyon na nakapaloob dito.

3. Black ang background ng blog mo.

4. Ang profile photo mo ay katulad ng kay "L" ng Death Note. May itim na eyeliner ang mga mata mo.

5. Kontrang-kontra ka sa mga happy ending na story ng ibang blogero.




MGA PALATANDAAN NA SKIP READER ANG NAGKOMENTO SA POST MO

1. Fiction ang sinulat mo, iba ang pangalan ng karakter, pero pangalan mo ang binabanggit sa comment.

2. General ang comment nya gaya ng "nice one!", "galing!" at "i like the post"

3. Malayo sa kawalan ang comment nya at kadalasa'y exchange link lang ang habol.



Katuwaan lamang ang mga ito at hindi dapat sineseryoso. Kaya naman batu-bato sa langit, tamaa'y huwag magagalit. Hanggang sa muli.





23 ang nakaappreciate:

  1. niyahahaha nakakatawa toh haha.. feeling ko tuloy single ako dahil sa mga naunang limang nabanggit,..nasapol ako hahah 24/7 na kase ako halos ol.. hahahaha!! at mahilig pa naman ako magsabi ng NICE! GALING! hehehe uyyy pero binabasa ko ah..hahaha madami kase akong time magbasa..kaso minsan in the end lang wala ako masabi hahah

    ReplyDelete
  2. malalaman mo raw kung luto na ang pasta pre kapag ibinato mo ung isang piraso ng noodles sa dingding at ito'y hindi nalaglag, ibig sabihin luto na lolzz tama ba?

    may kilala ako dati emo blogger, as in lahat ng post nya pakamatay, nag break sila ng gf/bf nya, nag away sila ng parents nya pero di black ang background ng blog nya hehehe buti na lang ok na sya ngayon :D

    Gusto mo bang manalo ng $25?

    ReplyDelete
  3. bakit ako mahilig maglagay ng nice one. nice post. galing with matching rock on. at pag photos naman ung posts ay nice set, pero binabasa ko naman yung mga posts?

    ReplyDelete
  4. eh panu kung me music ang blog?lol----mali lahat sinabi mo sa unang part--yung sa single thing. bat ako? ah---baka kasi married na asal single ako--toinks.hahaha

    me kilala akong blogger na puro generic ang comment. diko na dinadalaw. kaurat lang kausap.attitude.hahaha

    ReplyDelete
  5. lols... sobrang naman yun tulog lang ang pahinga dahil parang adik sa blog whahaha,,,\

    ReplyDelete
  6. SINGLE AKO.. pero di ako maya't-maya mag update, hindi rin ako masipag magblog hop.. pinipikitan ko na nga lang ung google reader ko...ok fine.. madalas akong nasa pikshur ng mga EBs.. *eye roll*

    TINATAMAD AKONG MAGBLOG... kahapon lang ang last update ko.. natatandaan ko naman lahata ng *insert name here* ko kase iisang tao lang yun bwahahahahahahahhaa.....busy ako sa pagcha-chat.. baket ba?!.....hindi ko na kelangan sumali sa contest dahil may ibibigay ka naman na saken lol..

    EMO BLOGGER ba ko?
    - dating black ang background ko. di naman madalas malungkot ang posts ko ah. nag-eeye liner ako anuverrrrr

    SKIP READER? (minsan pag uber sa haba at english ang post lol)
    #1 - namention ko yan sayo minsan diba? hehehe
    #3 - pasok sa jar si ano jan.. hahahahaha alam na!


    **oo kinarir ko ang comment.. kiberloo! baket ba?! hahahaha**

    ReplyDelete
  7. SINGLE? O sige na. sapul ako sa number3. Hihi! TAMAD magBLOG, sapul ulit sa number4.

    Pero hindi ako emo blogger. Syempre, minsan pag feeling sad and angry sa world, nagsusulat lang ako (draft) pero hindi ko pinapublish.. Emotional trashbin lang. Feeling ko kasi, BV yun. So ayokong magkaroon nun.. gusto ko happy lang lagi. char.

    At oo, Minsan, nagsi-skipread rin ako. hehe.. pag masyadong mahaba ang post. guilty.

    ReplyDelete
  8. emo blogger pala ako.. hehehe

    ReplyDelete
  9. sapul naman ako sa single blogger. wahahahah. tambay ng blogworld

    ReplyDelete
  10. 2. General ang comment nya gaya ng "nice one!", "galing!" at "i like the post"

    hmmmm! bawal na palay yan gamitin para hindi halata! panu yan sasabihin ko sana "nice post Bino. wag nlng kc baka isipin mo skip read ako. hahaha!

    ReplyDelete
  11. Mga palatandaan ng isang single na blogger, nasa akin yan lahat...pero hindi ako single, may asawa na ako...

    wala pa sa akin ang mga palatandaan ng tinatamad
    wala pa sa akin ang mga palataandaan ng emo blogger
    at wala sa akin ang mga palatandaan ng nage-skip read..hahaha..na sayo...hehehe

    ReplyDelete
  12. hehehe mga opinyon ko lang naman yan. si anton oh defensive! hehehehe. thanks sa mga comments :) nice post ba? joke!

    ReplyDelete
  13. I read it.. hehe.. guilty ako dun sa Tinatamad.. Sabaw na Sabaw ang utak ko, kasi patong patong ang mga ginagawa.. hehe.. Pero pag di makapag blog edi basa basa muna ng blogs ng iba. :)

    ReplyDelete
  14. ayun, at hahabaan ko ang comment ko. natawa ko sa tintamad magblog. hahaha. minsan talga wala ko maisip kahit gusto ko magblog. ^^ pero minsan busy tlga dahil sa sitwasyon ko ngayon.. ^^ lam mo na ^^ - lhan

    ReplyDelete
  15. Natamaan talaga ako sa unang kategorya. Tama din naman, buhay single medyo seditary ang lifestyle. haha..

    Medyo tinamaan din ako dun sa tinatamad. Well, totoo naman. Batugan talaga ako kung kaya kahit walang kakwenta-kwenta ang post ay bina-blog ko na. haha

    nice one. galing. i like this post. haha. ganyan pa naman ako magcomment minsan, napaka-typical. minsan nga naman kasi eh inuunahan na ako ng ibang readers sa kanilang mako-comment.

    haha. natawa ako bigla. ang defensive ko. wooh! haha

    ReplyDelete
  16. natawa ako sayo....di din ako single pero yung kategorya mo sa una ginagawa ko pwera lang ang eyeball kasi wala naman akong maka-eyeball dito.

    emo blogger?!!! me?!! ano sa palagay mo sa pangalan palang! lol

    tinatamad at skip reader?!! hmmmmm

    ReplyDelete
  17. hehehe
    nice post!
    i like this! hahaha ganda nung tungkol sa palatandaan na parating na si Lord, yeah! lab et.
    [skip reader]

    ReplyDelete
  18. natatawa ako sa post na ito kaya naman cnapag magcomment...hehehe
    sapul sa no 2 and 3...
    proud naman akong maging single...lol
    tinatamad akong mag-update ng blog... sabaw na sabaw nga...
    at emo blogger pala ko...hahaha

    ReplyDelete
  19. ako naman eh SIngle din, at sabaw palagi ang utak, minsan kaemohan din ang post at lalong lalo na skip reader pero nakakatansya naman ng mga comments.. hahah ako na the ako.. hahhaa

    ReplyDelete
  20. aray ko sapul na sapul ako na magdamag na online!hahaha

    pero take note di ako arw araw nagsusulat ng blog entries!haha malulunod readers pag ganun!LOL

    ReplyDelete
  21. ito nga pala ang comment ko dito sa ginawa mo,... dito sa post na ito.. di kasi ako makacomment last Thursday eh... kaya blinog ko na lang... eheheh

    Damuhan (Bino)
    Aray ko.. tinamaan ako sa mga bato mo.. eheheh… pero honestly speaking NICE ONE .. oh does it mean ba na nagskip na rin ako sa post mo.. anyway… may tama po lahat ang mga sinulat mo.. lalo na ang exchange link lang… dati kasi ganun ako.. pero now hindi na.. hinahayaan ko na mag add sa akin ang tao… kung gusto talaga niyang mag follow sa akin.. di nice.. kung ayaw.. huwag pilitin… ehehhehe… anyway… nice po talaga.. pero teka pano niyo po nalaman na Single ako.. ahhh sa mga unang palatandaan nga pala.. pero hindi po ako mahilig magYM… eheheheh... siya nga pala.. alam ko ring hindi mo ito mababasa kasi hindi mo naman ako pinalo eh... at alam kong hindi mo rin ito malalaman na kasali ang ang blog mo sa blogcomment ko na ito... ehehhehe...

    it was originally posted in my blog... http://pasumangil.blogspot.com/2011/04/no-comment-part-ii.html

    ehehehhe... wala kasi talaga... tae ang internet connection ko last Thursday and friday.. ayaw mag connect kapag commnet ang gagawin ko... kainis... kaya nag blog na lang ako.. ahahahh

    ReplyDelete
  22. black ang bg ng blog ko, pero di ako emo ah! ahahahaha.... defensive?.... pero hindi talaga... fave ko lang ang black kasi kahit anong color kitang-kita.

    ReplyDelete
  23. sapul n sapul ako s pagiging single LOL

    ReplyDelete

Sisikapin ko'ng replyan ang mga komento ninyo.
Kung may sasabihin ka'ng di maganda, huwag ka'ng mag-ANONYMOUS