April 20, 2011

NANG AKO'Y MAKIPAG-TALIK SA TATLONG BABAE NG SABAY-SABAY

Kuryosidad ba ang nagdala sa iyo sa blog ko? Naintriga ka ba sa pamagat ng post na ito? Gusto mo ba'ng malaman ang buo'ng storya ukol dito? O baka naman iba ang pumasok sa isipan mo kaya bigla ka'ng napadaan? Kung iyan ang mga naisip mo, ikinalulungkot ko'ng sabihin na walang kinalaman ang pamagat sa nilalaman ng sulating ito. Kung gusto mo pa ring ipagpatuloy ang pagbabasa, maraming salamat. Ngunit kung ayaw mo naman, malaya ka'ng makakaalis.

Hindi ako santo. Gaya mo, marami rin ako'ng mga pagkakamaling nagawa. Mga pagkakamali'ng hindi na sana nangyari kung ako'y nagkaroon ng tapat na pananampalataya. Matapos mahanap ang sarili at maunawaan ang mga bagay tungkol kay Hesus, pakiramdam ko, ako'y nabuhay muli. Hindi ako makikipagtalo sa mga hindi naniniwala sa Diyos. Ngunit hindi naman ako papayag na apak-apakan ng kung sinumang Hudas ang pangalan ng Panginoon.

Semana santa ngayon. Sa tingin ko nama'y nararapat lang na itigil ang makamundong gawain. Pwede ba tayo'ng wag munang bumisita sa mga bahay-inuman? Magagawa mo ba'ng huwag magsugal? Kaya mo ba'ng huwag manglamang sa kapwa? Kung may trabaho ka sa Huwebes at Biyernes, maaari mo ba'ng mabigyan ng espasyo ang pagdarasal? Sige na. Parang awa mo na.

Magnilay at magsisi tayo sa ating mga kasalanan. Isang linggo lang naman. Ito lamang ang Kaniyang hinihiling. Bigyan naman sana natin ng importansya ang mga sakripisyong ginawa ng atin Panginoon matubos lamang tayo sa ating mga kasalanan. Sa totoo lang, hindi na kailangan ng mahal na araw para gawin ang mga ito. Ang pagbabago ay walang pinipiling panahon at lalung lalo'ng walang pinipiling relihiyon.

Isang makabuluhang Mahal na Araw sa ating lahat. Maraming salamat sa pagbabasa.






19 ang nakaappreciate:

  1. sapul naman ako dito. Wahahaha. napadalaw ako kaninang umaga sa mature website :p im so bad. pero stop na this thursday to sun.

    ReplyDelete
  2. Hindi rin ako santo... di ko nga alam san banda ako eh.. di ako ganun kabait... pero di rin ganun kasama... hay.. :)

    sana nakapag holy week man lang ako sa Pinas..

    ReplyDelete
  3. akala ko kung ano na.malamang madami ngang na curious sa pamagat.
    nawala ako bigla sa sasabihin ko sa comment.

    ReplyDelete
  4. natatawa ako sa comment ni khanto at kamila bwiset!! ahahaha... may ibang tawag na pala sa porn sites - mature websites na pala, now ko lang nalaman hindi ko kasi gawain un eh. wahahahahah *demon grin*

    at tulad ni kamila, hindi ko din alam kung saan banda ako. may panata ako ngayon na HINDI MUNA AKO MAGMUMURA for this lenten season.. ahahaha... at simula naman kahapon, improving naman sya.. so effective ng kaunti! ahahaha

    ReplyDelete
  5. di ko binasa, di ako interesado sa pakikipagtalik lolzz, di rin ako santo para di umaming nagkainteres ako sa title nito, pero oo, tama ka, si Bro na muna ngayon ang isapuso, at sana sa oras oras...

    ReplyDelete
  6. Pwede naman sigurong mag-yosi hehe! Iwasan muna ang sariwang karne, pero seafoods pwedeee!

    ReplyDelete
  7. Sabi ko, hala holy week na holy week mahalay ang post.

    Mali pala ako... SOrry! Tama ka... iba nasa isip ko. hehehe! Tao lang po. :)

    Panahon ng pasasalamat ngayon.

    Happy easter, Bino!

    ReplyDelete
  8. Ayy.. (nadisappoint ko, kunyari.. haha)

    Ay ako, sobrang dami rin ang nagawang pagkakamali. Andaming mga problema at sakit na idinala sa pamilya ko, pati na rin sa sarili ko. Pero I'm still thankful at laging nakasupport ang family ko sa akin.

    Today iis Holy Week. Take time to reflect tayo. And remember God's love and sacrifice.. and his victory. Sabi ko nga sa short update ko sa Ako si LEAH ...

    "Let us all remember God's love for mankind. His pain and death... His resurrection and victory! My Prayers and Reflection for the HOLY WEEK."


    My Tasty Treasures
    Ako si LEAH
    Everyday Letters

    ReplyDelete
  9. Amen.

    kaiinom ko lang ng alak kagabe. pero tigil ko muna pag-inom sa bukas hanggang sa muling pagkabuhay.

    ReplyDelete
  10. Praise God!
    Marami sa atin iniisip ang bakasyon this holy week para magpasarap. Nakakalimutan na natin ang true essence nito--ang pagdarasal. Let's all pray friends for the person on the cross.

    ReplyDelete
  11. nadale mo ako pare... kala ko totoo na.. ahhaha.. nakahanda na sana ang isasagot ko... ehehheh... naks.. biglang kambyo tuloy ako...

    tama ka sa lahat ng sinabi mo.. pero ang masasabi ko lang... masganda siguro.. ito ang gawin nating starting point ng buhay natin.. ang tuluyan nang magbago... at magpakatino.. hindi lang porke semana santa eh.. dun lang magpapakatino.. pwede ba habang buhay na lang...

    ehehheh...

    anyway.. thanks.. nice one...

    ReplyDelete
  12. isang malaking tama/..alam ko naman me surprises talaga sa mga titles ng posts mo eh hehe ^^ God bless

    ReplyDelete
  13. Hindi ko maintindihan bakit tuwing semana santa lang nagpapakabait ang mga tao, di ba dapat araw araw naaalala natin ung saktripisyong pinagdaanan ni Kristo. Hay. World.

    ReplyDelete
  14. magnilay nilay tayong lahat ngayong mahal na araw.

    ReplyDelete
  15. hahahaha :P na intriga ako sa title..

    ReplyDelete
  16. sabi na eh... catchy lang ang title.. eheheheh....lab et!

    kahit hindi holy week.. dpat marealize pa rin natin ang mga mali natin..

    ReplyDelete

Sisikapin ko'ng replyan ang mga komento ninyo.
Kung may sasabihin ka'ng di maganda, huwag ka'ng mag-ANONYMOUS