Yan ang aking litanya kinaumagahan habang umiinom ng kape. Sobrang sakit pa ng ulo ko dahil magdamagan ang inuman ng tropa.
"Nasan na nga ba sila?"
Anak ng... hindi ko na pala namalayan kung ano'ng oras sila umuwi. Panay ang reklamo ko, wala naman pala ako'ng kausap. Nagdesisyon ako'ng bumalik sa higaan at subukang matulog. Bago pa man ako tuluyang mahiga ay natanawan ko mula sa bintana ng aking kwarto ang mga tanim na halaman ng aking tiyahin. Maraming luntiang-luntian ang kulay at ubod ng yabong. Meron din namang hindi nakayanan ang lakas ng ulan at hangin at nabunot ang mga ito sa kanilang pagkakatanim dahil na rin sa sobrang tanda ng mga ito. Hindi tulad ng mga di katandaan at malalaking halaman na nakasabay sa ulan at tila payapang gumagalaw sa kinatataniman, kahit halos bumagyo na kagabi ay nandoon pa rin sila at nananatiling matatag.
"Sabagay, wala rin naman silang pagpipilian kundi manatili dun at harapin ang unos. Gustuhin man nilang lumipat ng pwesto eh hindi naman pwede. Maliban na lang kung sa ibang lugar sila tinanim ni tita. Doon lang sila maiiba ng kalalagyan."
Tanging yun lang ang pagkakataon nila pero kung hindi susuwertehin, hindi rin sila mabubuhay. Matutulad din lamang sila sa mga naunang halaman na pinagmalupitan ng sama ng panahon.
Bigla ko'ng naalala ang kamusmusan ko. Tinanong ko ang nanay ko kung bakit kailangang putulin ang puno ng aratiles sa likod-bahay, eh doon kami naglalaro at nagpipicnic ng mga kapatid ko dahil ang laking lilim ang naibibigay nito. Sariwang hangin pa ang aming nalalanghap.
"matanda na kasi, wala nang pakinabang. Isa pa, makakasabal yan sa gagawing bahay sa tabi. Nakakaabala ang mga sanga. At malapit na rin namang mamatay yang puno" sagot ng aking ina
Bagamat tutol ako, wala rin naman ako'ng nagawa. Tinanong ko na lang ang sarili ko: "ganun? porke't matanda na, wala nang silbi? dahil sa may isang maaapektuhan eh kailangang magsakripisyo kahit labag sa kalooban mo?"
Hanggang ngayon, hindi ko masagot ang tanong na yan. Kung bakit tulad ng mga puno't halaman, may mga bagay na wala ka'ng pagpipilian kung hindi manatili sa kinalalagyan. Kung bakit kahit gaano kahalaga ang isang bagay, darating at darating ang panahon na kailangan mo'ng pakawalan.

madramang morning naman yan bino.. hehe! touched ako sa last part.. tama bakit nga gnon..
ReplyDeletegood morning!!
mind-opener post nga to. Usually kasi people reacts immediately. basta. magulo.
ReplyDeletethat's life...pero di naman ibig sabihin na kung matanda ka na ay wala kang silbi.. bad! :)
ReplyDeletemay choices ang bawat tao, palaging may pagipilian unlike sa puno at halaman, ang buhay nila nakadepende sa nagtanim o sa kapaligiran. Sa katunayan, mas matatag ang isang puno habang ito'y nagkakaedad. Pinipili lang ng tao na patayin hindi dahil sa matanda na ito kundi upang kanilang pakinabanngan. Think positive..
ReplyDeletemagandang araw po sir..
walang permanente kasi sa mundo. ika nga the only constant in this world is "change". may iba talgang dapat bitawan pagdating ng panhon. masakit pero kailangang tanggpin.
ReplyDeleteNothing and no one is indispensable. Medyo bitchy bah? hehehe..
ReplyDeleteMinsan talaga, ang buhay ay unfair. Minsan, para kang isang puno na hindi makaalis kasi andaming complications.. Minsan naman, para ka ring isang puno na nang dahil hindi nakita ng ilang tao ang potential mo, eh "sisibakin" ka na agad.. Ganun tlaga siguroo ang buhay. But it really doesn;t matter kung unfair man o hindi ang LIfe. thee important thing is.. you're able to handle it. Diva?
Everything will end. Everyone will die.. it's just a matter of time. So we should do something worthwhile habang andito pa tayo sa earth.. live life to the fullest. Para naman.. pag dumating ang time na tayo'y "puputulin" na, eh the next generation would have something to remember us by... Legacy. Tomoh? :)
kailangan na syang tanggalin para mapakinabangan naman ng iba...
ReplyDeletehindi habang panahon kasi au nandyadyan on nandidito tau...ayon :)
magandang umaga!
Awww.. parang nakakarelate ako dun ah.. may mga bagay na dapat isang tabi..para sa praktical na purposes ng ibang bagay.. minsan naiisip ko yung mga natututunan natin nung bata tayo walang silbi paglaki natin..kase kailangan maging praktikal..katulad nung puno na yun..na kailangan putulin dahil nakakasagabal
ReplyDeletesandali---anu ang minsahe nito? kung matanda kana, dapat ka nang mag retire.tama ba?lols
ReplyDeletespeechless..malalim, kailangan ko basahin ulit.hehehe
ReplyDeletemalalim… napadaan lang idol…
ReplyDeleteEEEEhhh.. Nakakainis naman ito. HAHA. Ang lalim na drama mode. Eh ganun talaga siguro, we have our own reasons at sa malamang mas makakabuti ang pagbitaw o sakripisyo sa bagay na yun sa mas nakakarami di ba? Ay. Ewan. Ang lalim. Mababaw nga lang pala ako. Haha
ReplyDeletenakakainis po ang ganyan.. yung hindi kamakatulog.. tapos inaantok ka.. super na kakainis... masakit sa ulo di ba.. tapos maaalimpungatan ka.. naku... parang di tumatakbo ang dugo mo...
ReplyDeletehanglalim ng litanya hehe! Miss ko na ang tunog ng patak ng ulan sa bubong, ito kasi ang nagsisilbing hele sa akin dati kapag umuulan.
ReplyDeleteMinsan talaga may mga mahalagang bagay na kailangang bitawan para sa kanilang kapakanan pero ito ay case to case based din. Gaya ng isang minamahal na taong nakaratay, kailangan mo sila talagang pakawalan para di na sila mahirapan gaano man sila kahalaga.
Ang tanong na talagang napaka-misteryo ay - "Bakit may mga bagay na hindi naman mahalaga sa atin na hindi natin mabitiwan?" puzzle ba? hehe!